.

.

Epilogue (Part 3)

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla. Nagflashback yung unang beses na ginawa ni Demi yun nung nasa base pa ako ng Shinigami. Pero narealize ko…na hindi si Demi ‘to.

 

Nasa lap ko ngayon ang isang itim na pusa pero green rin yung mata niya, like Demi.

 

“Meow.”

“S-sino ka?”

“Meow.”

 

Bigla niyang binitawan yung parang device na kagat-kagat niya kaya nalaglag yun sa lap ko. Nakita ko naman na may nakatali sa leeg niya. Pagtingin ko, papel na nakarolyo. Kinuha ko kaagad yun at binuksan ko.

 

Hey, how are you?

 

Nakilala ko naman agad yung sulat niya at napatingin ako sa pusa.

 

“Galing ‘to kay Darwin?”

“Meow.”

 

Nagulat naman ako nung umalis siya sa lap ko at pumunta sa harap ng puntod ni Demi. Humiga siya doon pero nakatingin lang siya sa may puntod. Bigla naman akong kinilabutan. Para talaga silang totoong tao. Ano kayang meron sa mga pusang ‘to?

 

Binasa ko na lang yung kasunod kaysa titigan yung itim na pusa.

 

We’re currently in a cold place. Sobrang lamig dito. Mukhang malamig na rin diyan sa Pilipinas. Marami na rin kaming nakitang Shinigami rebels at ginagawa namin ang lahat para pagkatiwalaan kami. I’m doing a great job as a future leader, right?

 

Natawa naman ako after nun. Kina-career niya talaga ang sinabi niya dati.

 

Oo nga pala, Merry Christmas. Narealize ko na pareho tayong hindi pumupunta sa Christmas party ng class natin sa St. Joseph kaya hindi pa kita nababati ng Merry Christmas. Today is the first time.

 

Tama ako! Hindi nga siya pumupunta!

 

Nasa’yo na ba ang regalo ko? You can use that to communicate with me. Don’t worry, that’s a special device. Hindi yan natatrack ng kahit sino. Sana mag-enjoy ka kasama ang pamilya at mga kaibigan mo.

 

-Darwin

 

Pagkatapos kong basahin yun, kinuha ko yung device na kagat nung pusa kanina. Mas maliit siya kaysa sa ordinaryong cellphone at kakaiba rin yung features niya. Ginamit ko naman agad yun at nagsulat ng message.

 

Merry Christmas rin. Salamat dito. At least makakapag-usap na tayo. And oh, may gift rin ako sa’yo.

 

Pagkapindot ko nung send, wala nang lumabas na contacts. So ibig sabihin sa kanya lang talaga masesend yung messages? Cool!

 

Bigla namang lumapit sa akin yung pusa. Sa kanya ko na lang ipapadala yung gift pero masyadong malaki para sa kanya. Tinali ko na lang yun sa katawan niya para hindi malaglag. Nakakatuwa dahil sumakto yung regalo ko kay Darwin na scarf since malamig daw sa place na pinagtutuluyan nila ngayon. Parang kanina iniisip ko pa kung paano ko mapapadala sa kanya ‘to, at saktong dumating ‘tong pusa.

 

“Thank you,” then nginitian ko yung pusa.

“Meow,” nag-open yung Black Dimension after that at nawala na siya.

 

Umalis na rin ako after that. Habang naglalakad ako sa gitna ng gubat, naalala ko yung tanong kanina ni Papa.

 

“Gusto mo bang umuwi?”

 

Sa totoo lang, nung una akong pumunta dito sa Tantei High, na-homesick ako. Gustung-gusto kong umuwi nun pero at the same time, gusto kong magstay dahil naaamaze ako dito sa school.

 

Maraming memories sa bahay namin. Doon ako lumaki at mas masaya ako kapag nasa bahay kaysa nasa school o nasa labas. Mas gusto kong kasama si Mama kaysa sa schoolmates at classmates ko. Kaya nung nalaman kong magtatransfer ako dito, nalungkot talaga ako. Una, dahil ngayon lang ako papasok sa school na hindi pwedeng lumabas ang mga estudyante. Pangalawa, dahil malalayo ako kay Mama.

 

Ito rin ang first Christmas ko na hindi kami magcecelebrate ni Mama sa bahay. At aaminin ko, namimiss ko na talaga yung feeling kapag nasa bahay ako. Gusto ko talagang bumalik. Pero alam kong wala na akong babalikan.

 

“Oh. Hey.”

 

Nagulat naman ako nung nakita ko si Hiro. Naglakad siya papunta sa akin kaya naglakad rin ako.

 

“Galing ka ulit sa may hill?” tanong ko kaagad. Doon kasi siya galing sa may part na yun ng gubat.

“Yeah,” tapos bigla niyang inabot sa akin ang isang photo.

“Wow...”

 

Sobrang namangha ako sa nakita ko. Ang ganda ng pagkakakuha niya. Kitang-kita yung buong campus tapos ang ganda pa ng effects ng hologram na snow at Christmas lights pati na rin ng white na daanan. Nakadagdag pa sa ganda yung buildings dahil may decors rin.

 

“Ang ganda,” tapos inabot ko na ulit sa kanya yung picture.

“I’ll give it to her.”

 

Nakakatuwa dahil sinunod niya ulit yung payo ko. For sure magugustuhan ‘to ni Mama. Ang galing niya pang kumuha ng pictures. Nagulat naman ako nung biglang may nagflash sa harapan ko.

 

Pinicture-an niya ako.

 

“Huy, burahin mo yan!”

“It turned out great. Don’t worry. And I’ll also give this to her,” saka siya ngumiti.

 

Pinabayaan ko na lang siya dahil sabi niya ibibigay naman niya kay Mama. Sabay kaming naglakad pabalik sa campus at mas lalong dumami yung tao ngayon sa labas ng buildings. Napatingin naman ako kay Hiro at sunud-sunod siyang kumuha ng pictures.

 

Mukhang gusto niya talagang mapasaya si Mama.

 

Nakita naman namin si Ken at Akane sa may quadrangle at nagbabatuhan sila ng “snow.” Kamusta na kaya sina Reiji at Riye? Sana maayos silang nakarating sa families nila.

 

“Ah! Sina Hiro!” sigaw ni Ken at bigla siyang nagbato ng snow dito. Buti na lang at nakailag ako pero natamaan si Hiro sa mukha. Tinignan niya nang masama si Ken at tinawanan naman siya ni Akane.

“C-chill! Hindi ko sinasadya!”

 

Bigla namang umupo si Hiro at minold niya rin yung snow-like something tapos binato niya kay Ken. Natawa naman ako dahil natamaan rin si Ken sa mukha. Pero hindi ako nakaligtas dahil binato rin ako ni Akane. Buti na lang at sa leeg ko lang tumama.

 

Hanggang sa nagbatuhan na kaming apat at nakisali rin sa amin yung ibang estudyante.

 

“B-bakit naging ganito?” tanong ni Akane habang nagtatago kami sa ‘base.’

“Kayo nagsimula nito,” sabi ko naman.

 

Bigla kasing nagkaroon ng division at naging boys versus girls ang batuhan ng snow. Nagmold kaming mga girls ng harang at parang naging base namin at ganun rin naman yung guys.

 

Pero nag-enjoy naman kami at pampawala na rin ng stress. Nakakatuwa rin dahil nakisali pati mga pre-school sa pakikipagbatuhan. Pero natapos rin yun agad dahil pinagsabihan kami ng staffs sa Midori Building na itigil raw dahil baka kung anong mangyari kapag nagkainisan kami at kung anu-ano raw ang ginagawa namin sa snow-like na bagay na ‘to.

 

Nagpalipas na lang kami ng oras sa Central Plaza. Kung anu-anong shops ang pinuntahan namin at kung saan-saan rin kami kumain. May mga food na ngayon ko lang nakita at natikman. Grabe, pati pagkain, kakaiba dito. Pero masarap.

 

Inabot rin kami ng 8 PM sa Plaza at napagdesisyunan na naming bumalik sa may campus dahil sa Christmas party. Pero bumalik muna kami sa kanya-kanyang dorm para magpalit dahil sa pawis namin. Ang dami rin kasi naming ginawa kanina.

 

After kong magpalit, nagulat ako nung biglang yumakap sa akin si Akane mula sa likuran.

 

“Merry Christmas!” then inabot niya sa akin yung gift niya. Dahil nasa harapan pa ako ng closet, kinuha ko na rin yung gift ko para sa kanya.

“Merry Christmas rin!”

 

Napagdesisyunan naman naming magsuot na lang ng bag at doon namin nilagay yung gifts namin para sa iba. Then, bumaba na kami at pumunta sa harap ng Midori building.

 

Pagdating namin doon, natulala na lang ako at tinawanan naman ako ni Akane.

 

“Ganyang-ganyan rin ang reaction ni Riye last year! Ang cute niyo!” sabay angkla niya ng braso niya sa akin.

 

May malaki kasing bonfire sa gitna ng campus at nagsasayawan yung mga estudyante sa paligid nun. Pero nakakamangha lang dahil nagssnow pa rin. At dahil hologram lang yun, hindi naman natutunaw. Ang ganda tuloy tignan.

 

May nagkakantahan rin ng Christmas songs sa may gilid at swear, yun na ata ang pinakamagandang versions ng mga kantang yun na napakinggan ko. Ang gaganda ng boses nila!

 

“That’s their sixth sense. They can manipulate their vocal chords to produce the sounds they want,” biglang sabi ni Hiro na nasa tabi na pala namin at kasama niya rin si Ken.

 

Nakakatuwa ring makita yung teachers, staffs at admins na nakikisayaw at nakikitawa sa mga estudyante. Sayang nga lang at wala sina Sir Hayate, Ms. Reina at Sir Hiroshi dito.

 

Bigla namang may nanghatak kay Hiro na dalawang babae at inaya siyang sumayaw.

 

“I...I don’t dance—” pero wala siyang nagawa at sinayawan na lang siya. Hanggang sa dumami na yung nakapaligid sa kanya.

“Whoo! Lady magnet ba ang sixth sense mo?!” sigaw sa kanya ni Ken at nagtawanan na lang kami nung sinamaan siya ni Hiro ng tingin.

 

Nagulat naman kami nung may nanghatak rin kay Akane pero pinigilan siya ni Ken at nakayakap siya mula sa likuran.

 

“Whoops! Nauna ako!” sigaw niya tapos hinatak niya si Akane malapit doon sa bonfire. Ang cute cute talaga nila! Kahit palagi silang nagbabangayan, nakakatuwa pa rin silang makitang ganito.

 

“Nag-eenjoy ka ba?” Bigla akong napatingin sa likuran ko at napangiti ako nung nakita ko siya.

“Mama!” saka ako tumakbo sa kanya at niyakap ko siya. “I mean Mama ni Hiro,” at sabay pa kaming tumawa.

“Akala ko aayain mo akong umuwi eh,” tapos kumindat pa siya sa akin.

“Para saan pa?” tapos binelatan ko siya.

“Aba mukhang matinik rin sa chicks ang anak ko ah? Sa lahat naman ng pwedeng mamana sa tatay niya oh.”

 

Nagtawanan na lang kami ni Mama at nagkwento siya about kay Mitsuo. Nakita rin namin si Papa na papalapit sa amin kaya sinabi niya sa akin na tanging ang mga babae lang daw ng Great Seven ang may lakas ng loob na lumapit kay Papa noong mga bata pa sila. Hindi raw kasi ngumingiti si Papa dati, not until nung nakilala niya si Mama—I mean si Akemi.

 

“Puro kasinungalingan na naman yang kinukwento mo, Naomi,” pambungad ni Papa sa amin.

“Excuse me? Totoo kaya yun. For sure mag-aagree rin si Akemi,” bigla siyang napatingin sa akin, “I mean yung Mama mo, sa sinabi ko.”

 

At kung anu-ano nang pang-aasar ang sinasabi nila sa isa’t isa. Nakatulala na lang ako sa kanila. Ngayon ko lang nakita si Mama na ganito at ngayon ko lang rin nakita si Papa na ganyan ang pagsasalita. Siguro dahil sobrang komportable nila sa isa’t isa at kaya nilang ipakita yung totoong sila. Siguro ganyan lang sila kapag kasama ang Great Seven.

 

“Duh, totoo kaya yun!” Nagulat naman ako nung nag-appear rin si Ma’am Michiko sa gilid. Hindi ko siya napansin!

“Oh, di ba Michiko ? Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Akemi sa taong ‘to.”

“Feeling ko ginayuma siya ni Hideo,” dagdag pa ni Ma’am Michiko.

 

Nakakatawa silang tatlong tignan. Para lang rin silang teenagers kung kumilos. Pero nakakalungkot rin. Siguro mas magandang tignan kung pito silang nag-aasaran, pero ngayon, tatlo na lang sila.

 

“Ouch. Tsk,” napatingin naman ako sa likuran at nakita ko si Hiro. Natawa ako sa itsura niya dahil halatang pinagkaguluhan siya.

“Anong nangyari sa’yo?”

“Tinapakan nila paa ko.”

 

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at natawa na lang ako sa kanya. Mukha talaga siyang kawawa. Binuksan ko naman yung bag ko at binigay ko sa kanya yung gift ko.

 

“Merry Christmas,” then nginitian ko siya. May kinuha rin siya sa bag niya at binigay niya sa akin.

“Merry Christmas,” saka siya ngumiti.

 

Pagtingin ko, maliit na photobook pala. Binuksan ko naman yun at nagulat ako sa nakita ko.

 

“Teka...kanina...”

“Yeah.”

 

Pictures yun ng mga nangyari kanina. Andun rin yung lirato ko na kinuha niya kanina nung nasa gubat kami. Yung iba ay yung nagbabatuhan kami ng snowballs, though hindi ko alam kung paano niya nagawa yun. Andun rin yung nangyari kagabi nung nasa dorm sila. May pictures habang naglalaro sina Reiji nung board game, meron nung tinuturuan ko siyang magluto, pati yung shocked expressions nina Akane. Hindi ko talaga alam kung paano niya yun nagawa pero sobrang nakakamangha.

 

“Thank you!”

 

Pagkasabi ko nun, ngumiti lang siya. Binuksan niya rin yung gift ko at tumambad sa kanya ang isang bracelet. Actually, bracelet yun na binigay sa akin ni Mama. Parang panlalaki kasi sa feeling kaya hindi ko sinusuot. Pero ngayon, I think para kay Hiro talaga yun kaya yun na lang ang niregalo ko sa kanya.

 

“Thanks.”

“You’re welcome.” Bigla naman siyang tumingin sa akin at sumeryoso yung expression niya.

“Are you going home?”

 

Same question pa sila ni Papa. Nginitian ko na lang siya at tumingin ako kina Papa, Mama at Ma’am Michiko. Tinignan ko rin sina Akane at Ken habang sumasayaw at nagbabangayan sila.

 

Binalak ko ring umuwi kasi nga namimiss ko na yung bahay namin. Pero gaya nga ng sinabi ko kay Mama, para saan pa?

 

Nandito na lahat ng taong mahalaga sa akin. Nandito silang lahat at kung pupunta man ako sa bahay, wala naman akong kasama.

 

I was once a normal person. Pero dahil lang sa isang letter galing sa Tantei High, nagbago na ang buong buhay ko. Nadiscover ko na hindi pala ako normal—na ang normal pala ay para lang sa humdrums. I’m a Senshin and I am proud to be one. Nahasa ang isip ko dahil sa kakaibang pagtuturo dito. Kahit natatakot ako nung una, nakakatuwa pa rin na nahuhuli namin yung criminals dahil sa pagiinvestigate namin. Dito ko rin nalaman lahat ng bagay tungkol sa pagkatao ko. I was hunted by the Shinigamis without knowing why. Nagulat rin ako na nakita ko ulit si Darwin pero as a Shinigami. Pero hindi naging hadlang yun para maging magkaibigan pa rin kami. Then nalaman ko na ang totoong Mama ko pala ay galing sa Shinigami tribe, at dapat siya ang maglelead sa kanila kung hindi lang siya naging traitor. Nalaman ko rin na ang Papa ko ang leader ng Senshin tribe. Nagkapalit pala kami ni Hiro ng magulang pero ayos na yun ngayon.

 

Dito ko rin nakilala ang maituturing kong naging true and first friends ko. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila at parte na sila ng buhay ko. Nagdedepend kami sa isa’t isa at naging malaking tulong sila para maka-adapt ako dito. I’ll treasure them for the rest of my life.

 

Dito, nakilala ko kung sino talaga ako. Dito ko napatunayan lahat ng kaya kong gawin.

 

Tinignan ko ulit si Hiro and this time, nakangiti na rin siya. Nabasa na niya ang nasa isip ko.

 

“Let’s dance?” then nilahad niya yung kamay niya.

“Sure. Pero hindi rin ako marunong sumayaw—”

“Basta wag mong aapakan ang paa ko.”

 

Natawa na lang ako sa kanya at nagsayaw na lang kami.

 

Well, my answer is no. I won’t go home anymore.

Kuntento na ako dito dahil nandito na silang lahat.

 

And besides,

 

 

Tantei High is my new home.

 

 

That’s why,

 

 

I’m already home.