.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015

Kainis naman! Ako lang pala ang kakain dito! Si Steff nasa canteen, si Alice may klase, si Yna naman ewan ko kung nasaang lupalop ng campus yun. Loner tuloy ako dito.

 
***

"Hello Jessica!"

"Hello po ate Jessica!"

"Ganda niya no?"

 

Nginitian ko nalang sila.

Isa pa 'tong pangyayaring 'to. Hindi ako confident pag ako lang mag-isa. Mas gusto ko na laging may kasama kasi nga ayokong maging loner. Eh andaming bumabati sa akin pag umaga eh! Nakakahiya kaya pag ganun. Haynaku.

 

Isa kasi ako sa top 10 students sa entrance exam namin dito. Nung enrolment kasi, nakita ko nalang bigla sa announcement board na nakapaskil yung top 10 at sa di inaasahang pangyayari eh napasama ang napakagada kong pangalan. At ang mas nakakagulat pa doon, eh pangalawa ako!! OMG lang naman di ba?! Tapos ang title nung nakapost eh "Campus Princes and Princesses." Yuck lang di ba? Grabe talaga ang OA ng school na 'to. Ayoko talaga dito eh, pinilit lang ako ni mommy. Psh. If I know eh gusto niya lang akong magkaroon ng boyfriend.

 

Oo! Nanay ko pa ang nagpupumilit na magkaroon ako ng boyfriend! Hindi naman ako tomboy o manhater no, pero hanggang crush lang talaga tumatagal ang isang lalaki sa akin eh. Di ko rin alam kung bakit. Madali akong magsawa eh. Hahaha! Ganda ko no?

 

*vibrate vibrate*

 

Napatingin naman ako sa phone ko na nakalapag sa table. Wow may nagtext. Pagtingin ko, si Yna pala.

 

From: Yna-ganda (wag nyo akong tanungin, siya nagsave ng number niya sa phone ko)

-- Bessy, where are ya? Papunta na ako sa garden. --

 

Nagreply naman agad ako.

 

-- Andito na ako kanina pa! Dali dali tumakbo ka na wala akong kasama dito!! --

 

 

Then nilapag ko nalang ulit yung phone ko at hinintay si Yna. Ahh oo nga pala, si Yna ay isa sa mga bestfriends ko. Tatlo silang bessies ko. Si Yna, si Alice at si Steff. Lahat sila panget, ako lang ang maganda. Hahaha! Joke lang! Mahal ko yang mga babaeng yan kahit minsan nagiging baliw at adik-adik!

 

"Jess!!" napalingon naman ako sa likod at nakita ko na tumatakbo si Yna. Adik? Tumakbo nga?

"Ang adik mo rin eh no? Bakit ka talaga tumakbo? Hahaha!"

"No! It's because--"

"Magtagalog ka nga kasi! Sapakin kita eh! Hahaha!" naging worried naman yung facial expression niya. Eh kasi Korean si Yna tapos lumaki siya USA kaya ganyan yan. Pero nagtatagalog naman yan minsan. Minsan nga lang. Pero syempre pinipilit talaga namin siyang magtagalog. Ang cute niya kasing magtagalog eh! Hahaha!

"Eeesh! Eh k..kasi.. basta!"

 

Eh? Nabaliw na naman ata 'tong isang 'to. Hayaan na nga. Pagbigyan.

 

"Ne Jess, where's Alice and Steff?" kita nyo 'to. Kasasabi lang na magtagalog, nag-eenglish na naman.

"Si Alice may klase pa ata. Si Steff nasa canteen na. Kasama yung dalawang asungot niya. Hahaha! Katawa si Steff. Halata naman na gusto niya si Darryl, ayaw pang aminin satin! Crush lang daw? Utot nung babaeng yun!"

"Haha! Yeah right! Well, I think she's still confused."

"Haynaku, haba ng buhok ng babaeng yun! Dala-dalawa ang nabibingwit!"

"Eh..ikaw ba?" biglang nagtagalog? Nabobother na ako sa pagsasalita ni Yna ha! Paiba-iba!

"Charotera ka Yna! Duh? Meron akong crush no! Si Patrick Dave Alvarro! Wahaha! Gwapo talaga nun! At speaking of Patrick, tara't huntingin natin siya!"

"Eh? Alam mo ba kung.. kung.. ahhh.. saan siya hahanapin?"

 

Ang cute ni Yna! Hahaha! Kung lalaki lang ako papatusin ko na 'tong babaeng 'to eh! Pero sorry siya, kalahi ako ni Eva. Kaya dapat machong Adan ang hanapin ko! At may nahanap na ako! Si Patrick Dave Alvarro! Ahihihi landi ko.

 

"Hindi rin! Hahaha! Aba malay ko ba sa schedule niya? Si Alice lang naman ang may dugong stalker sa ating apat eh! Maski pagpapalit ata ni Kevin ng brief eh alam niya ang schedule!"

"Waah Jess! Adik ka!!"

"HAHAHAHA! Totoo naman eh! Saktong oras pa ibibigay niya sa'yo!"

"Eeesh!"

 

Tumambay muna kami doon sa may garden. Tinatamad pa kaming kumain eh. Tinignan ko naman kung anong pinaggagawa ni Yna doon sa likod ng binder niya. Pagtingin ko, eh naghahangul na naman ata. Ang duga nga eh, ako lang ang di marunong mag-Korean sa aming apat dahil last nila akong naging bestfriend.

Kasi magbebestfriend na silang tatlo simula elementary sila. Ako naman eh nakilala lang nila dito sa Kingdom University. Pero okay lang, feel na feel ko naman na belong ako sa group nila eh. Syempre feeler ako.

 

"Anong ibig sabihin nyan Yna?" tumingin naman siya sa akin.

"Secret." sabay dila. Napaka talaga ng babaeng 'to!

 

Natandaan ko naman agad yung nakasulat kaya sinulat ko rin sa binder ko. Tatanungin ko nalang yung dalawa kung anong meaning neto. Bwahaha!

 

칼빈 기셀

 

Ano kayang ibig sabihin nun? Oh well, malalaman ko naman yan maya-maya lang. Bwahaha! 

 

"Jess, I'm hungry ."

"Eh? Agad-agad? Akala ko ba kakakain mo lang kanina?"

"Eeeeehhh I wanna eat na."

"Nagpacute ka pa! Di yan tatalab sakin no!" Jusme! Walanghiya talaga 'tong babaitang 'to! Pati ako ginagamitan niya ng.. anong tawag dun? Yung pagpapacute? Sinabi sa akin dati yun ni Steff eh.. ahh.. Aeg.. Aish! Basta yun! Nagpapacute siya!

"Please? Punta na tayo.. sa canteen." sabay beautiful eyes sa akin.

"Okay fine! Tigilan mo na yan Yna kinikilabutan ako! Yiiiikeees!"

 

 

Tumayo naman na agad kami doon at nagtatalun-talon doon si Yna dahil daw napapayag niya ako. Baliw talaga. EH pacute siya ng pacute eh! Kinikilabutan talaga ako. Hahaha. Nag-usap lang kami ng kung anu-ano habang papalabas sa garden. Kinukwento niya yung katangahan daw ni Alice nung nakaraang araw.

 

"Nauntog siya.. then Kevi's there.."

"HAHAHAHAHA! Ang engot din minsan ni Alice eh! Hahaha! Tatawanan ko nga siya mamaya! Hahaha! Nauntog!"

 

Nung palabas na kami sa garden habang tinatawanan ko pa rin ng wagas si Alice eh biglang...

 

*BOOGSH*

 

Napaupo ako sa lakas ng impact. Shet. Ang sakit ng noo ko! Araaaaay! Ano ba yun?! Bwisit na yan! Sino bang bumangga sa akin?!

 

"Ouch! Will you--" tinignan ko kung sino yung epal na bwisit na bumunggo sa akin, pero nagulat ako nung nakita ko kung sino.

"Oh. Sorry pala."

 

Tapos inalalayan niya akong tumayo. Ako naman eh nakatingin pa rin sa kanya.

 

"Uhm Patrick.. wh..where's Steff?" narinig kong sabi ni Yna, na nasa gilid ko pala.

"Canteen. Sige." tapos tumuloy na siya sa garden.

 

 

Kami naman ni Yna eh nagkatinginan. Teka.. tama ba ang nakita namin? As in totoo?

 

 

"Nakita mo yun Yna? May luha sa right eye niya."

"Yeah. I saw it too. He cried. I wonder, why?"

"Ano ka ba? Baka binasted na ni Steff."

"Siguro."

 

Naglakad kami papuntang canteen at pinagtsitsismisan yung lovelife ni Steff. Ano nga kayang nangyari at naging ganun yung Patrick na yun? Ahh oo nga pala. Si Patrick yung nakabunggo sa akin. Yun yung isa sa mga asungot ni Steff na sunod ng sunod sa kanya.

 

Pero napahinto ako nung kinapa ko yung bulsa ng pantalon ko.

 

"Wae?" (Why?) napatingin ako kay Yna at sobrang kinakabahan ako. 

"Phone ko. Nawawala!!"

"EH??!"

"Samahan mo ako Yna! Balik tayo sa garden!!"

 

Hinatak ko siya pabalik sa garden. Jusko lagot ako kay Daddy pag nawala yung phone ko! Kabibili niya lang yun 2 weeks ago dail nasira yung dati kong phone! Oh my God lang talaga!!

Pagbalik namin doon, napatigil na naman ako at halos huminto na yung tibok ng puso ko. Andoon na naman kasi si Patrick at.. at.. hawak niya yung phone ko.

 

"Oh my gosh! Thank you Patrick! Buti.. you saw Jess' phone!" sabi ni Yna habang hinihingal. Pero nagulat ako nung biglang nagsalita si Patrick. 

"Naapakan ko pala. Sira na." sabay bigay niya kay Yna nug phone ko na.. na basag yung screen.

 

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nandilim yung paningin ko at bigla ko siyang sinugod tapos sinapak ko siya sa mukha.

 

"BWISIT KA!!!!" tsaka ako nagwalk-out kahit na tinatawag ako ni Yna.