.

.

Chapter 10

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Kanina pa talaga ako nag-iisip kung bakit parang ang saya nya pa rin kahit nagkabukol siya eh. Pero di naman kasi halata yung bukol, maarte lang sya masyado. Tss. After siguro five minutes eh huminto na rin yung sasakyan. Pagtingin ko sa tapat..

 

"Wow."

 

Nasa tapat kami ng isang napakalaking salon. I mean, ang laki talaga.

 

"Tara." then bigla niya akong hinila palabas ng sasakyan. Parang ewan lang 'to eh. Duh? Marunong naman akong bumaba ng sasakyan no. Ano ako baldado?

 

Then pumasok na kami sa loob. Ang cool talaga eh! *O* Minsan nga aayain ko sila Steff, Alice at Yna dito. For sure magdidiwang sa tuwa yung mga yun.

 

"Tita. Hello po." 

"Uy, Pat! OMG ang tangkad mo na!!"

 

Pagtingin ko dun sa side ni Patrick panget eh may isang babaeng maganda na nakatayo sa harapan niya. Tinawag niyang tita eh so sya siguro yung may-ari ng salon na 'to. Then nag-usap lang sila doon. Ako naman  eh nakafocus sa design ng salon. Ang cute cute!! Grabe pwede na akong tumira dito!

 

"So.. you're the lucky girl, huh?" nagulat nalang ako nung hinawakan niya yung balikat ko.

"Po?"

"Come here. I'll make you a goddess."

 

Goddess daw!  *O* OMG magkakasundo kami! Uhmm.. wait, ano kayang pangalan niya? Haay, nakakahiya namang magtanong eh. At saka asan na ba yung Patrick na yun? Don't tell me iniwan niya ako dito?!

 

"Uhm, excuse me po. Asan po si Patrick?"

"Ahaha! Don't worry, nasa room ko siya, inaayusan na rin sya ng staff ko dun."

"Bakit po hindi nalang dito?" kaartehan pa ng lalaking yun! Gusto pa private! Ayaw niya nun? May tatawa sa kanya kapag inaayusan na siya? Bwahahaha!

"Di lang halata, pero mahiyain yung batang yun."

 

Pffft. Patrick? Plus mahiyain? WAHAHAHA! Di ko maimagine! Hayaan na nga sya! Yan ang gusto niya eh. Pake ko ba sa kanya?

 

Dahil gusto ko eh masusurprise ako sa itsura ko eh pumikit nalang ako at nakinig ng music. Hanggang sa di ko alam na nakatulog na pala ako.

 

 

 

"Jess, gising na hija." naramdaman ko nalang na niyuyugyog na pala ako, kaya dumilat ako. Pagtingin ko, tapos na pala akong ayusan. Pero di ko makita yung sarili ko kasi nakatalikod yung upuan ko sa salamin.

"Tara, isuot mo na yung dress para matapos ko na yung pag-aayos sa'yo." Then nginitian ako ng tita ni Patrick. Gosh. Ang ganda niya *O* para siyang nasa 20+ palang eh!

 

Ni-lead niya ako papunta doon sa dressing room. Then inabot nya sa akin yung paperbag na naglalaman ng dress ko. Sinuot ko nalang yun then lumabas na rin. Kainis nga eh, wala ring salamin sa loob >o< Di ko tuloy makita yung itsura ko!

 

"Wow. It suits you. Ang ganda mo."

 

Nahiya tuloy ako bigla. Di ako sanay na sinasabihan ng ganun ng ibang tao.

Hinila niya ulit ako then pinaupo niya ulit. May inayos siya sa buhok ko then sa mukha ko. And after fifteen minutes..

 

"DONE! Oh my, you're my perfect creation. Here, see?" then bigla niyang inikot yung upuan para nakaharap na ako sa salamin.

 

Is that me? Whoa! Nag-iba yung itsura ko! Ang galing!! Ang ganda ko na lalo!

 Tapos narinig ko nalang na bumukas yung door doon sa may gilid.. tapos may lumabas na lalaki. At sino pa nga ba? Eh di yung panget-- o..okay fine. Gwapong lalaki. Ngayon lang! Naayusan eh! Tss. Pero gwapo nga siya ngayon.

 

"Wow, nagmukha kang tao MASTER." sabi ko nalang sa kanya. Hahaha! Eh bakit ba? Trip ko siyang asarin eh.

"Well, ikaw rin naman naging tao. Galing sa dwarf." sabay tingin niya doon sa high heels na suot ko. Bastos rin talaga 'tong walanghiyang 'to eh. Inirapan ko nalang siya.

"Oh gosh, tara na. 4 pm na oh. Malapit nang mag-start yung party ni Trish." then bigla akong hinatak nung tita ni Patrick. Grabe lang! Kinaladkad niya talaga ako papunta doon sa kotse na sinakyan namin kanina! Kamusta naman kasi ang 6-inch high heels ko di ba?

 

Wala naman akong nagawa kundi ang pumasok ulit doon sa car. Yung tita ni Patrick ay sa shotgun seat sumakay. So syempre, kaming dalawa ng panget na 'to eh sa likod.

 

"Hey." napatingin naman ako sa kanya. Problema na naman nito?

"Ano?"

"Tsk. Come closer."

 

Hala? Ano na namang trip niya? Eh gusto ko nga dito sa tabi ng bintana eh. Tsaka bat ako didikit sa kanya? Mahawa pa ako ng kaarogantehan niyan no. Di ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa labas.

 

"WHOA!! O..oyy!!"

 

Baliw talaga 'to! Bigla ba naman akong hinila papunta sa kanya! Tapos umakbay pa at bigla nalang syang nagpicture!

 

"Yan. Para naman may remembrance ako na nagmukha kang babae."

"Hahaha nakakatawa." inirapan ko nalang sya. Ang laki ng problema niya eh.

"Let me remind you that I'm your master."

 

 

Bigla naman akong kinilabutan pagkasabi niya nun. Shocks lang ha. Power niya ba yun? Bakit kapag ganun yung tono ng boses niya eh natatakot ako sa kanya? Naguilty tuloy ako bigla nung inirapan ko siya.

Pagtingin ko sa side niya eh nakalagay na yung earphones sa tenga niya then nakapikit siya. Waaah! Hindi naman siguro siya badtrip no?

Hinintay ko nalang na tumigil yung car. Pero mukhang malayo pa eh. Kaya kinuha ko nalang ulit yung phone ko at nagsoundtrip nalang rin. 

 

 

After twenty minutes of driving, huminto na rin sa wakas si manong. At pagtingin ko, eh nasa isang malaking bahay kami. Wow.

 

"Good evening sir, ma'am. This way please." then inassist nalang kami nung mga tao doon sa may entrance. Sosyal naman ni Tricia! Ang bongga ng birthday party niya. Promenade ata ang theme neto eh.

 

Pumasok naman kami netong Patrick na 'to. Akala ko nga kasunod namin yung tita niya pero bigla nalang siyang nawala! Saan kaya nagpunta yun?

 

 

 

"Jess! Pat! Here!!"

 

Bigla namang nagdiwang yung kaluluwa ko nung may marinig akong pamilyar na boses. Pagtingin ko sa right side namin, andun sila Steff.

 

"Oyyy Steff! Alice! Yna! OMG andito rin kayo!" tumakbo naman ako agad papunta sa kanila. Grabe parang ilang taon ko silang di nakita! Pano ba naman eh puro pagmumukha ni Patrick ang nakita ko ngayong araw. Nakakasawa di ba?

 

Nagprovide na sila sa akin ng upuan. Syempre, tumabi naman ako sa kanila. Pero pagkaupung-pagkaupo ko,

 

"Yiiiee, ikaw Jess ha! Umamin ka nga! Kayo na ba nyang si Patrick? Ayiie ayiiiee!" sabay sundot pa ni Alice sa may tagiliran ko.

"Eeeew Alice, ano ba yang pinagsasabi mo! Kadiri ha. Di no."

"Then why are you with him? But you know what Jess, you two really look good. I mean, you should date him. For real."

"Shut up Yna. Yung ultragay na yun, idedate ko? Gosh. Di ko maimagine!! Okay pa sana kung si Patrick Dave Alvarro ko eh. Ahihihi." Omaygad kinikilig ako sa pangalan niya!

"Ultra gay? Si Patrick? Anong meron Jess? At saka, maka-'ko' ka naman kay Dave ha! Di ka nga niya pinapansin eh. Hahaha!"

"Hah! Papansinin niya rin ako! Pag kami nagkatuluyan, tatawanan ko kayong tatlo!"

"Oh really? Then, let's make a bet." nagulat naman ako kay Yna. Aba? Gumaganito na rin siya ha? Di kaya may lovelife na rin 'tong koreanang 'to?

"Sige! Pag kayo ni Dave ang nagkatuluyan, we'll buy you anything you want. Magiging sponsor mo kami for a month." biglang sabi ni Steff. Wow! Gusto ko yan! *O*

"Pero! Pag kayo ni Patrick Reyes ang nagkatuluyan, you'll work for us. For a week. Kahit anong iutos namin, susundin mo ha." sabi naman ni Alice then nag-grin pa silang tatlo.

"Okay, deal! Hah! Talagang pinupush niyo yang kay Patrick panget ha? Girls, ihanda niyo na ang pera niyo. I'll spend every cent of it. Bwahahaha!"

 

Sure win na 'to. Gosh! Imagine? Sponsor ko 'tong tatlong 'to? Hindi ko gagastusin ang pera ko for a month if I win? Di ba? Ang saya neto! Hahaha!

 

"Laugh all you want, Jess. Sigurado kaming sa amin ang huling halakhak. HAHAHAHA!" pananakot sa akin ni Alice. Sana talaga hindi malakas yung tawa niya eh. Nakakahiya sa katabing tables namin.

 

And speaking of the deal, asan na yung Patrick na yun? Bigla nalang rin syang nawala ah? Oh well, as if I care. Bahala na siya sa buhay niya. 

Napalingon naman ako sa likuran namin and then, tumingin ako kay Steff ng nakakaloko.

 

"What?" sabi sa akin ni Steff nung mapansin niya ang makamandag kong tingin.

"Ehem. Eh kamusta naman kayo ni bebe boy mo? Di pa rin kayo ayos? Ano ba yan Steff, malapit na february 14 oh! Birthday niya rin yun di ba?"

 

Bigla naman siyang naging gloomy. Then inub-ob niya yung ulo niya sa may lamesa.

 

 

Uh-oh. Mukhang taboo pa rin ang salitang 'bebe boy' sa kanya. Grabe naman 'tong babaeng 'to. One second ago eh ang saya-saya pa niya, then nabanggit ko lang si Darryl, eh halos mamatay na siya sa sobrang depression.

 

"Oy Steff.. ha..ha.. joke lang. Huy, umayos ka nga. Sorry na okay?" Grabe. Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ba ako sa kanya eh.

 

Nagkwentuhan lang kaming apat doon ng kung anu-ano. Si Steff naman, nahuhuli pa naming tumitingin sa direksyon ni Darryl. Syempre pati 'tong si Alice. Eh pano ba naman, andun din si Kevin, yung super crush niya daw.

 

 

"Hey!! Kamusta kayo? Namiss ko kayo."

 

Nagulat naman kami sa nagsalita. Pero napalingon din naman kami at napatayo kaming apat para yakapin siya.

 

"Tricia!!"

"Hahaha! Missed me, right? Kamusta na?"

 

Ang ganda niya ngayon. Well, malamang kasi birthday party niya 'to. Pero talagang angat ang beauty niya ngayon eh. Ang ganda ganda niya!

 

"Sino palang escort mo mamaya? Hindi naman pwedeng si.. *ehem* bebe boy *ehem*" natawa naman ako sa sinabi ni Alice. Hahaha! Baliw talaga yun. So, kelangan talaga may escort?

"Actually, yung escort ko is my brother."

"Whoa! You have a brother? I didn't know that." sabi naman ni Yna kay Tricia. Actually, di ko rin alam na may brother pala siya. Gwapo kaya? *O*

"Well, I think I should introduce him to you girls."

 

Then biglang may lumapit na lalaki sa aming lima then inangkla ni Tricia yung braso niya sa braso nung lalaki.

 

"Girls, he's my brother.. actually, my half-brother..."

 

 

 

 

 

 

 

 

"... Patrick Reyes."

 

 

 

 

 

"WHAAAATTT?!" halos sabay-sabay na reaction naming apat.

 

 

 

 

HUH?! HE'S HER BROTHER?!

TE..TEKA TEKA!!

 

PAANO NANGYARI YUN?!