.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"WHAT?! Magkapatid kayo neto?! How come?!" halos pasigaw ko na talagang tanong kay Tricia.

"Haha! Long story eh. Basta half-brother ko siya. Di lang namin sinasabi dahil baka kung anu-ano na namang issues ang umikot. Kaya di kami masyadong nagpapansinan dati sa campus. But since di na ako doon mag-aaral, okay na sigurong i-reveal ko yun." sabay ngiti niya sa amin.

 

Pero nganga lang talaga kaming apat dito eh. Di pa namin madigest na magkapatid sila. Pano ba naman kasi nangyari yun?! Para kayang anghel 'tong si Tricia! Tapos may kapatid siyang demonyo?! Luh! Di ko talaga gets eh. The world is truly mysterious.

 

Bigla namang namatay yung ilaw.

 

"Oh gosh. Sige girls, punta na ako dun ha? Bye! Usap nalang tayo mamaya!" then nagwave siya sa amin at pumunta doon sa unahan. Kami naman eh umayos na ng upo.

 

"Nashock talaga ako. Magkapatid pala si Pat at Tricia?" sabi ni Steff sa amin.

"Me too! I thought she has a crush on him. But, oh well." biglang sabi naman ni Yna.

"Haha! Wow Jess, magiging sister-in-law mo na si Tricia! Ayos yan!" sapakin ko 'tong si Alice eh. Kung anu-anong pinagsasabi.

"As if!! Sabi ko nga sa inyo, mananalo ako sa pustahang 'to. I'm sure of it." proud ko pang sabi sa kanila. Hah! As if naman kasing magkakagusto ako sa Patrick na yan? Baka siya pa magkagusto sa akin eh. Sa ganda kong 'to?

"Pero Jess, boto ako kay Pat para sa'yo. Haha! Cute niyo kaya together!"

"Shut up, Steff! Bakit kasi binasted mo sya eh! Eh di sana di ako nahihirapan ng ganito ngayon. Tsk. Bebeboy bebeboy ka pa kasi!" pagkasabi ko nun eh nalugmok na naman yung itsura niya at umub-ob na naman siya sa table. Sabi ko nga, taboo nga pala ang bebe boy ngayon sa kanya!

 

 

Bigla namang nagsalita yung MC at nagsabi ng intro tungkol kay Tricia. Then after nun eh lumabas na siya with Patrick panget. Ay joke, di pala siya panget ngayon. Uhm, medyo gwapo lang. Medyo lang kasi di siya masyadong gwapo! Panget pa rin siya!

 

Nakatayo lang doon si Tricia then nakangiti. Tapos nashock naman ako nung nakita kong nakangiti rin si Patrick medyo gwapo. Akalain nyo yun?! Marunong pala siyang ngumit? Weeeeeh? Baka trick lang 'to nung ilaw?

 

"Hoy Jess, matunaw si Patrick nyan ha!"

"Ahaha! I knew it! You're really into him!"

"Ayiiee, push mo na yan te! Magpatalo ka na sa deal!"

 

 

Ang kulit ng tatlong 'to ah?

 

"Duh? Kay Tricia kaya ako nakatingin!" grabe 'tong tatlong 'to ha? Kahit madilim ang lakas ng sagap ng mata nila. Ano sila, kwago?

"Ano ka, banlag? Kitang-kita naman na kay Patrick ka nakatingin eh!" lakas talaga mang-asar netong Alice na 'to eh. Pasalamat siya wala pa akong maisip na pang-asar sa kanya.

"Kinikilig ako sa inyo! Hihihi!" isa pa 'tong si Steff! Kaso naaawa naman ako bigla kapag inasar ko siya kay Darryl. Para siyang namatayan eh!

"This is so exciting! Prepare your money Jess, we're going to win this bet! Prepare yourself." No way! Ako ang mananalo! Excited na tuloy ako sa libre nila! Wiieee! One month din yun no!

 

Nagspeech lang si Trica at nagpasalamat siya sa lahat ng pumunta. Sinabi niya rin na babalik ulit siya sa California. Gusto nya lang daw talagang magcelebrate ng birthday dito sa Pinas kaya siya umuwi. Aww, so di pala siya magtatagal dito.

 

After nun eh nagsayaw si Tricia at Patrick sa gitna. Para talagang prom ang nangyayari eh. Cute cute ni Tricia! Tinapos nila yung isang buong kanta then saka ulit pumunta si Tricia sa stage. Si Patrick naman eh babalik na ata sa upuan niya dahil papunta siya sa side na 'to.

 

Nung dumaan siya sa amin eh bigla akong kinilabutan. Eh pano ba naman, bigla siyang bumulong ng..

 

"Get ready."

 

What's with him? Kinilabutan talaga ako! Parang may balak siyang masama eh!

 

"Kyaaaahhh!! I saw that! OMG!!" nabigla naman ako nung sumigaw si Yna. Shiz! Don't tell me nakita niya rin na bumulong si Patrick?! Napakalinaw naman ng mata neto!!

"Steff! Alice! Did you see that?! He--"

"YNA!! Kumain na tayo!" putol ko sa sasabihin niya. Alam ko kasing hindi magiging maganda ang mangyayari kapag nalaman yun ni Steff, at lalo na ni Alice. Walang hanggang pang-aasar na naman ang aabutin ko. Buti pala si Yna lang ang nakakita.

 

Tumayo naman kami agad para kumuha ng food. Pwede na kasing kumain eh. Alam nyo naman, may pagkapatay gutom kaming apat so kami talaga yung nanguna doon sa pagkuha ng pagkain. Aba, walang hiya-hiya pagdating sa pagkain no!

 

Yung plato namin eh halos umapaw na sa dami ng nakalagay. Ang sasarap kasi ng handa eh. Kung pwede pa ngang magdagdag, gagawin ko eh! Kaso nakakahiya naman sa iba, baka maubusan sila.

 

"Oh gosh. Ang PG lang natin guys! Ahahaha!" sabi ni Steff. Tumatapon pa nga yung sauce sa may gilid ng plato niya eh. Dami niya ngang kinuhang desserts eh. As usual, puro strawberry at chocolate flavors.

"Okay lang yan, di naman tayo tumataba. Oh ha? At least di natin kailangang magworry." May point naman si Alice. Seryoso. Kahit anong kain namin, eh di kami tumataba. Cool nga eh. Pero sana tumatangkad nalang. Nangangailangan talaga ako ng height eh.

"Let's eat na! I'm famished!" sabay subo ni Yna doon sa pagkain. At talagang di na nakapagpigil?

 

After nun eh para na kaming sumabak sa gyera. Talagang tahimik kami. Walang nag-iimikan. Busy kasing kumain. Di tulad nung ibang babae na pa-demure pa kumain with matching tsismis-tsismis pa. Ewan ko ba, naiinis ako sa mga pagirly masyado. Lalo pa pag di naman bagay sa kanila. Nagmumukha tuloy trying-hard. Tulad nalang ng babaeng nakatingin  sa amin ngayon.

 

"Oy mga babae, kita nyo yun?" then nginuso ko sa kanila yung babae sa gilid ko. "Ang sama ng tingin sa atin."

"Ang lakas kasi nating kumain eh! Hahaha! Hayaan mo siya, inggit lang yan." sabi ni Alice sabay subo ulit ng pagkain.

 

 

"Ganyan ba ang Campus Princess? Parang di naman sila pasado sa expectations ko. Ang takaw nila masyado. Tsaka mas maganda pa tayo sa kanila eh."

Di ko alam kung malakas ba talaga ang sagap ng tenga ko o sadyang pinaparinig niya lang sa amin eh. Pero ang alam ko, nabwisit ako sa sinabi niya.

Nagturn ako 90 degrees para nakaharap ako sa kanya. Gulat pa nga siya eh. Tss, akala ko naman maganda. Mukha kasi siyang maganda sa peripheral view ko eh. Mukha palang bisugo.

 

"Excuse me, miss. Sorry kung di kami pasado sa taste mo ni Steff para maging Campus Princess ha? As if naman ginusto namin 'to. At anong sabi mo? Maganda ka? San banda? Yung labi mong parang namamaga? Sorry miss. Di ka rin pasado sa standards namin. Mukha kang bisugo." then saka ako umikot ulit para ituloy ang pagkain.

 

Ewan ko kung anong nangyari doon sa babae pero nakarinig lang ako ng tawanan sa mga katabi naming table. Hah! Serves her right!

 

"Nice, Jess. Muntik ko na rin syang awayin eh. Hahaha." pabulong na sabi sa akin ni Steff habang nilalantakan niya yung chocolate-dipped marshmallows.

"Kainis kasi eh. Paparinig pa, di naman pala maganda. Mas maganda pa ata yung kuko ng paa ko sa kanya eh."

 

Sabay tawanan kami doon. Naiistress talaga ako sa mga taong ganun. Pake ba nila kung ganito kami? Porque ba Campus Princess ka eh restricted ka na sa kilos mo? Kaya ayaw ko nung title na yun eh. Parang may notion na dapat eh "model" kami ng pagiging perfect student. Crap.

 

After naming kumain eh kwentuhan mode kaming apat. Tapos inaasar namin si Steff. Tinatawag namin si Darryl tapos bigla nalang siyang maninigas sa upuan niya. Ahahaha! Pero etong si Alice talaga ang idol ko eh. Talagang siya yung dumadamoves kay Kevin! Nag-hi pa ang bruha!

 

Bigla namang nagpatugtog ng love songs yung staff. Tapos nag-dim yung lighting. Ayos ah? So promenade talaga ang peg nila?

May mga girls and guys na rin na pumunta doon sa gitna at nagslow dance. Kami naman eh di muna pupunta dahil mabigat pa ang tyan namin. sa dami ba naman ng pinagkakain namin eh.

 

Pero mukhang di yun mangyayari kay Steff. Kasi.. biglang lumitaw si Darryl sa gilid niya at nakalahad yung kamay. KYAAAAHHHHH kinikilig ako!

Dahil mukhang nanigas na naman si Steff sa kinauupuan niya eh tinulak siya ni Yna papunta kay Darryl kaya wala siyang nagawa kundi sumama sa kanya. Ayiiee, sana maayos na nila yung love lofe nila. Tagal eh!

Si Yna naman eh niyaya nung isa naming classmate sa Math. Tapos si Alice, niyaya ni Kevin. Aba? At nag-giggle pa! Kalandi talaga nun! Hahaha!

 

Ako naman eh naiwan na dun. Tsk. Kasi naman eh! Bakit di invited si Dave, eh di sana may nilalandi rin ako ngayon. Sayang tuloy ang ganda ko.

Nagulat naman ako nung biglang may umupo sa tabi ko. Aba at sino pa ba ang peste sa buhay ko? Nag-iisa lang naman siya eh. Top 1 pa sa panggugulo ng buhay ng may buhay.

 

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Problema niya ngayon?

"Isayaw mo ako."

 

 

 

Napatingin lang ako sa kanya for ten seconds. Ano daw? Teka lang ha. Di maprocess ng utak ko ang nagyayari.

 

"Huh?"

"Sabi ko isayaw mo ako."

"Bakit kita isasayaw?! At saka di ba dapat lalaki ang nag-aaya? Bakit ka namimilit?!" bigla naman siyang humarap sa akin kaya napaatras ako.

"First of all, I am not asking you. I'm ordering you. Remember, you're my slave." sabi ko nga! Leshe! "Second, remember my rules. Sabi ko sa'yo--"

"Fine fine fine!"

 

Wala naman akong nagawa. Sawa na ako makinig sa rules rules eklabu nya. Pumunta kami pareho doon sa gitna. Wish ko lang talaga hindi kami nakikita nung tatlo. For sure, mang-aasar na naman sila. Pero feeling ko naman di nila ako nakita. Eh kasi malamang nakaglue na yung mga mata nila sa mga kasayaw nila.

 

Nung andun na kami eh para lang kaming mga estatwa. Nagkatinginan lang kami pareho. Uuuhh. Ang awkward neto ha. Di ako sanay! Mas gusto ko pa na nag-aaway kami eh!

 

Nagulat naman ako nung bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya. Leche! Muntik pa akong matalisod ha! Makapanghatak naman kasi, wagas! Pero kumalma rin naman ako bigla dahil ang bango niya. Para siyang naligo sa pabango.

 

HUH?! WAIT! Anong pinaggagawa ko? Bakit ko siya inaamoy? Yuck!! Tama na nga!

 

"Marunong ka bang sumayaw?" aba? Ako pa tinanong niya?

"Anong akala mo sa akin? Of course!"

"Oh. Akala ko pati sa pagsayaw eh wala kang talent." so, anong pinapahiwatig niya?

"Stop underestimating me, MASTER." syempre sarcastic yung master dyan. Psh. Hinahamon niya ako ha?

 

Hindi ko alam kung may mali ba sa mata ko o effect lang yun ng dim light pero parang nag-smirk siya. Or imagination ko lang yun? Pabayaan na nga!!

 

 

Hinawakan niya yung isa kong kamay then yung bewang ko. Ganun rin naman yung ginawa ko. I hold his hand then nilagay ko yung isa kong kamay sa balikat niya.

Nagsway lang kami habang tumutugtog yung kanta.

 

"Hey. Di ba dapat nakatingin ka sa partner mo?" sabi niya sa akin. Alam ko naman yun kaso.. 

"Sorry ha. Ang tangkad mo kasi. Masakit sa leeg." sabay irap ko sa kanya. Kailangan talaga pinapamukha niya sa akin na maliit ako.

"Haha." this time, napatingin ulit ako sa kanya.

 

Tumawa siya? Seryoso?! Whoa. End of the world na ba? Pero in fairness, mas ayos sana kung lagi siyang ganito no? Para hindi nakakairita yung pagmumukha niyang laging nakabusangot.

 

"So now tinititigan mo na ako? Ganun ba ako kagwapo?"

"Hah! Kapal mo. Hindi ah." shet. Nakatulala na pala ako sa kanya! Binaba ko nalang yung tingin ko. So, tumingin nalang ako sa damit niya.

 

Sumayaw lang kami doon. Then tinignan ko rin yung paligid. Nasaan kaya yung tatlong yun? Siguro enjoy na enjoy sila. Samantalang ako, kasama ko 'tong medyo gwapong (ngayon lang!) nilalang na 'to!

 

Dahil wala akong magawa kundi magsway-sway lang dito eh sinabayan ko nalang yung kanta. Ang cute kasi nung song eh.

 

"Watching in slow motion,

As you turn around say

My love."

 

Nagulat naman ako nung sumabay rin siya kaya napatingin pa ako sa kanya. Siguro bored na rin sya. Well, at least kumakanta at sumasayaw kami di ba? At anong problema niya? Bakit na naman ang seryoso ng mukha niya? 

 

"Take my breath away/take my breath away.

Take my breath away/take my breath away"

 

Tapos bigla nalang lumiwanag. Hala! Anong nangyayari?!

Pagtingin ko sa paligid ko eh..

 

 

 

WHAT THE?! BAKIT MAY SPOTLIGHT DITO?!

Biglang nagturn yung mga ulo ng tao sa amin. Anong nangyayari?!

 

"Tsk." narinig kong sabi ni Patrick. Pero nagulat nalang ako nung bigla niya pa akong hatakin papalapit sa kanya to the point na halos nakadikit na yung mukha ko sa dibdib niya. Whoa!! Ano bang nangyayari?

 

"OMG si Patrick Reyes yun di ba? Akala ko si Tricia yung dinedate nya? Di ba kasayaw niya yun kanina?"

"Oo nga eh! Sino yung girl? Di ko makita yung mukha!"

"Kyaaah! Ang gwapo niya talaga!"

"Gosh. Ang swerte nung girl ha! Maganda kaya siya? Sino kaya yun? Nakakainggit naman!"

 

Oh my gosh. Buti pala at nakatago yung pagmumukha ko! Kung anu-ano na namang naririnig ko. Buti pala at di nila ako nakita kanina. I mean, di naman nila alam na invited ako dito. At buti iba ang itsura ko! And buti rin, nakatago yung mukha ko ngayon. 

 

W..wait. Kaya niya ba ako hinila papalapit sa kanya? Para di nila ako makilala? Parang.. parang di naman ata. Pero..

 

"Thank you." sabi ko sa kanya ng mahina. Ayaw ko kasing maissue. Nakakastress kaya yun. Nawitness ko na kasi nung na-issue nga si Steff kay Darryl at kung anu-anong rumors ang lumabas tungkol sa kanila.

 

Naramdaman ko naman na bumitaw siya sa kamay ko pati sa likod ko. Pagtingin ko, tinatanggal niya yung coat niya. And then, nilagay niya sa ulo ko.

 

 

"Let's get out of here."

 

 

At bigla niya akong hinatak palabas.