.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Waaahh!! Matatalisod ako! Naman oh! Sana talaga inaalala niyang naka-heels ako eh! Take note, 6-inch heels! Badtrip!

 

"Teka! Huweyt! Dahan-dahan naman tsong! Pag ako nadapa ha!"

"Di ka madadapa."

 

Aba?! At pano siya nakakasigurado?! Siya ba ang masasaktan pag nadapa ako? Kainis ha! Pero in fairness, ngayon ko lang napagtanto na may tinatago palang konting dugong pagkagentleman ang unknown particle na 'to. Eh kasi nga yung ginawa niya kanina. Parang he protected me from those chismoso at chismosa. 

 

After naming maglakad ng mabilis eh nakarating kami dito sa.. garden? Ewan ko. Maraming halaman eh. So ipagpalagay nalang natin na garden 'to nila Tricia. Pagtingin ko sa side, may bench doon. So umupo kami doon. Shet, ang sakit ng paa ko sa paglalakad!

 

"Thanks nga pala ulit." sabi ko nalang ulit. Baka kasi di niya narinig yung thank you ko kanina eh. Baka akalain niya pa eh wala akong utang na loob.

"Tsk." so 'tsk' na ba ang bagong word for 'you're welcome'?

 

Pero kinabahan talaga ako kanina. Kainis lang! Ayoko kasing machismis no. Naalala ko dati nung na-post yung issues dati about kay Darryl at Steff dun sa may underground website. Kakahiya kaya yun! At isa pa, ayokong ma-issue dito sa Patrick na 'to! Aba ayos lang sa akin kung kay Dave eh. Ako pa mismo gagawa ng issue. Ahahaha!

 

"Ayos nga pala drama mo kanina ha. Knight-in-shining-coat. AHAHAHA!" ewan ko ba pero trip ko siyang asarin ngayon. Ayoko kasing mangibabaw yung utang na loob ko sa kanya! Nakakadegrade ng pagkatao ko!

"Baka master-in-shining-coat-saving-his-slave?" then bigla siyang ngumiti.

 

WHOA! Ngumiti na naman siya! Hala! Anong problema ng lalaking 'to ngayon?! Porque medyo gwapo siya ngayon eh gumaganyan na siya?! Kala naman niya sobrang pogi niya! Di naman eh!

 

Nanahimik lang kami doon at pinapakinggan yung tugtugan doon sa loob. Psh. Kainis naman. Na-isolate tuloy kami. Gusto ko doon sa loob eh! Maraming pagkain eh! Napatingin naman ako kay Patrick nung bigla siyang tumayo. Then tumapat siya sa akin. Problema na naman niya?

 

"Bakit?"

"Di ba sabi mo lalaki dapat ang nag-aaya?" then bigla niyang nilahad yung kamay niya sa harapan ko. Ako naman eh nakatitig lang doon. Okay. Feeling ko nagsslow motion ang pagprocess ng utak ko ngayon. Ano ba! "Ano? Tatanggapin mo ba o hindi?" hindi ko alam kung tanong ba yun o pananakot eh. Pero ang tunog eh yung huli, yung pananakot, so bigla akong napahawak sa kamay niya. Leshe. Lakas makautos neto eh! Bagay nga maging master!

 

After nun eh nakatayo lang kami doon. Pero dahil rinig naman yung music dito eh wala akong nagawa kundi makisayaw sa kanya. Bwiset nga lang kasi ang awkward, plus kaming dalawa lang dito.. at ang isang daang lamok.

 

 

 


As usual, di pa rin ako nakatingin sa kanya kasi nga.. ang tangkad niya. Masakit kaya sa leeg. Buti sana kung magkasingtangkad lang kami eh. Eh hindi. So wag nalang di ba?

 

Tsk. Ano ba namang kanta yan. Bakit ganyan?! Psh. Yung tugtog kasi ngayon sa loob eh yung 'King and Queen of Hearts'. Napatingin naman ako kay Patrick kasi ang tahimik niya, di ako sanay. Then.. napatingin nalang ulit ako sa damit niya. Ano ba yan! Problema niya ba?! Bakit siya ganyan makatingin?! Bakit siya nakatitig?! May dumi ba ako sa mukha?

 

"Alam mo, ngayon lang ako nakaranas nito." napatingin ulit ako sa kanya.

"Huh?"

"I mean.. dancing, you know.. JS. Kasi sa all-boys school ako nanggaling." Then bigla kong naalala nung kinuwento siya sa amin ni Steff. Oo nga pala, galing siya sa all-boys school. Then bigla akong nag-imagine. Naimagine ko siya na nakagown at sinasayaw siya ni Darryl..

 

 

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! Shet! Hahahaha! Teka ang sagwa!! HAHAHAHA! OMAYGAD ANG BAKLA LANG TAKTE HAHAHAHA!

 

 

"Wahahaha! Ang choga! Hahaha!" natawa nalang ako bigla. Shet ang lawak talaga ng imagination ko! Ahahaha!

"Bakit?" 

"Ahh.. haha--wa..wala! Haha.." naiiyak na talaga ako kakatawa at kakapigil ng tawa ko kasi di matanggal sa isip ko yung itsura niya-- HAHAHAHAHAHA! Ang winner lang!

"Ano nga?" mukhang sobrang nacucurious siya ah? Kaso baka pag sinabi ko eh bigla akong sapakin eh.

"Wala nga. Hahaha!"

"Sabihin mo. I'm ordering you." bigla namang nagbago ang ihip ng hangin. Parang may demonyo sa paligid. Grabe ha! Katakot talaga 'to pag seryoso eh, though nakakatawa yung mukha niya.

"Ahmm.. kasi.. pffft. Ahah--"

 

 

Waaah teka sasabihin ko ba talaga? Magsinungaling nalang kaya ako? Kaso baka di bumenta sa kanya eh! Halata pa man din daw ako sabi nila Steff kapag nagsisinungaling >o<

 

 

"Ano na?" naramdaman kong biglang humigpit yung hawak niya sa kamay ko tsaka sa bewang ko. Wow ha! May balak ba siyang durugin yung mga buto ko?

"Eh kasi nga!! Naimagine ko na naka-gown ka tapos sumasayaw kayo ni Darryl. Naimagine ko na bakla ka! Hahaha! Yun yun!" tapos di ko napigilang tumawa. Eh kasi nakakatawa naman talaga eh! Ang sakit na nga ng tiyan ko eh!

 

Bigla naman niya akong binitawan. At nag-iba ang atmosphere. Parang lalong lumamig. Sheeeet! Baka magtatransform siya? Waaah kasi gusto niya pang malaman yung iniisip ko eh! Alam naman niya na kaligayahan ko ang katatawanan niya eh TToTT Baka sapakin niya ako waaaahhh!!

 

Bigla niyang tinaas yung kamay niya tapos nakasara kaya alam kong susuntukin niya ako! Napapikit nalang ako bigla at nagflinch nung papalapit na sa akin yung kamay niya!! Ayan naaaa..

 

 

...

 

...

 

 

Eh?

Napadilat ako bigla--

 

 

OH MY GOD.

 

 

"Oh ano? May bakla bang ganito?"

"Wa..waaah!! Umayos ka nga!!" napatalikod ako bigla sa kanya. Takte!!

 

 

 

Kasi naman! Pagdilat ko eh naka-unbutton yung polo niya tapos ano.. nakalabas yung chest at abs niya. HUWAAAA LINTEK NA PATRICK 'TO!! BWISET! Oo pinapangarap kong makakita ng abs pero hindi naman sa ganitong paraan na harap-harapan talaga!

 

Whooo! Takte ang init tuloy bigla!!

 

"Isuot mo nga yan! Bwiset ka!!" sabi ko sa kanya habang nakatalikod ako.

"Why? Ikaw ba ang master sa ating dalawa? Sa tingin mo susundin ko utos mo?"

 

Pwede bang umiyak? Shet naman oh! Kainis ha! Dahil mukhang wala siyang balak ibalik yung lintek na mga butones eh naglakad ako paatras. Kaso may naramdaman ako sa likod ko.. at nagulat nalang ako nuung bigla akong umikot. Automatic naman na napasara yung mata ko.

 

 

"Hoy Patrick Reyes tigil-tigilan mo ako! Ano baaaa!!" hawak niya kasi yung balikat ko kaya di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Plus nakapikit pa ako kasi napakapervert ng lalaking 'to! Kapal ng mukhang ibalandra yung katawan niya sa harap ko

 

Habang nagpapanic ako kung anong gagawin ko at kung anong irereact ko pati kung paano ako makakaalis doon eh nakarinig ako ng mahinang tawa.

 

 

Wait..

 

Tinatawanan niya ba ako?!

Napadilat ako ng wala sa oras. Pagtingin ko.. peste! Nakabutones na pala yung polo niya! Takte pinagloloko talaga ako ng hayup na 'to eh! 

 

"Ano bang problema mo?!"

"Wala. Gusto ko lang guluhin buhay mo." then bigla niyang ginulo yung buhok ko. At nagwalk-out.

 

 

 

Now what's his problem?! Nahihighblood na naman ako sa kanya ha!! Di naman ako nakagalaw dun sa kinatatayuan ko dahil.. ewan ko. Parang nawala lahat ng ATP sa katawan ko eh.

 

"Jess!!" 

 

Napatingin naman ako doon sa mga sumigaw. Pagtingin ko, si Steff, Alice, Yna at.. Tricia?! Anong ginagawa nila dito?

 

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Wala naman! Ichecheck lang sana namin kung anong himala ang ginagawa niyo dito eh. Tsk! Asan na si Patrick labs mo?" sabi ni Alice. At talagang sinabi niya sa akin yung dahilan nila ha? Di man lang nahiya 'tong babaeng 'to sa akin.

"Wala! Patay na! Bwiset!" sabi ko sa kanila. Grabe! Akala ko eh magkakasundo kami kahit ngayon lang kaso malabo talaga eh! I can't stand him!

"OMG lang talaga! I didn't know na ikaw pala. Hahaha!" biglang sabi ni Tricia sa akin.

"Huh? What do you mean?"

"Eh kasi matagal na naming chinecheck ni mom si Patrick. Wala pa kasi siyang pinapakilalang girlfriend or something eh. So tinry namin ngayon kung meron kaya finocuse bigla ni mom yung spotlight sa kanya. Hahaha! And then boom! You're with him. Kyaaaah! Oh my gosh Jess kinikilig ako sa inyo!!"

 

 

Biglang sumakit yung ulo ko sa pinagsasabi niya. So trip nila yun ng mom niya? Ayos ah? Muntik pa akong ma-issue dahil dun ha!

 

"OMG Jess. Mas boto ako sa'yo! Mas gusto kitang maging sister-in-law!"

 

Then napansin ko yung sinabi niya. "Mas"? Ibig sabihin, may girl pa na involved dun sa gay na Patrick na yun? Wow ha! Kala mo kung sinong gwapo.

 

"Mas?" tanong ko kay Tricia.

"Ahh kasi yung dad ni Patrick, I mean si tito, eh may inarrange sa kanyang marriage interview last last week. At mukhang gusto niya yun kaya pinupush niya si Pat na kilalanin si Keisha."

"Keisha?"

"Name nung girl na yun. Ay naku! Ayoko sa kanya kahit mabait siya! Mas boto ako sa'yo! Waaah! Magpakasal na nga kayo ni Pat para sister-in-law na kita!"

 

 

"Grabe ha! Tsaka yuck! Ayoko kay Patrick! Panira lang siya ng buhay ko! Ugh! Kairita siya! Panget niya! Tapos bakla pa!! Eeeeessshhh!!"

 

Saka ako nagwalk-out dahil nanggigigil na talaga ako. Bakit ba lahat sila eh pinupush na bagay kami nung Patrick na yun?! Eh ayoko nga sa kanya! Haaay! Ayoko dun sa arogante na yun! Di ba nila nakikita na wala kaming chemistry at puro war lang ang nangyayari kapag magkasama kami? Tss.

 

Pero.. okay..

Inaamin ko..

 

 

 

Ang ganda ng katawan niya. SHET na abs yan!

AH SHUT UP JESS! AYOKO NA NGA! BWISET!!