.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Takte. Inaantok pa rin ako.

 

"Hoy Jess dalian mo! Malelate na naman tayo!" then hinila ako ni Alice at tumakbo papasok doon sa gym.

"Ugh. Antok pa ko."

"Ako rin naman no! Umaga na rin kasi natapos yung party ni Tricia. Baliw talaga yung babaeng yun. Magpapaparty, weekdays. Kitang may pasok tayo eh. At bakit ba ako nagrereklamo? Tara na nga!" sabay hatak niya ulit sa akin.

 

Pagdating namin doon eh wala pa naman si Ma'am. PE class kasi namin. Oh, magkaklase nga pala kami ni Alice sa PE and si Steff at Yna naman yung magkasama. Ang PE namin ngayon eh Street Jazz, then sila Yna eh Modern Dance.

 

"Hi Patrick!"

"Kyaaa si Patrick Dave!"

 

Bigla namang nakasagap yung tenga ko ng signal dahil narinig ko ang pangalan niya. Shet kaklase nga pala namin siya dito! Omaygad! Patrick Dave ko!

 

"Huy Jess yung mukha mo! Para kang manggagahasa!"

"Mwahaha ready na ako Alice. Gagahasain ko talaga yang si Dave."

"HAHA as if! Ni hindi mo nga magawang makalapit eh."

 

Sinamaan ko siya ng tingin. Walangyang Alice 'to. Di nalang ako i-cheer eh. Akala mo siya may lakas rin ng loob na makalapit kay Kevin. Psh. Tinignan ko naman agad yung side ni Dave. My gosh, ang gwapo niya lang talaga! Nakakakilig!

 

"Good morning class. Lumapit kayo rito." nagulat naman kami nung biglang lumitaw si ma'am sa may gilid. Ang liit pa naman niya. Para tuloy sumulpot lang siya sa lupa. Ginawa naman namin yung sinabi niya at lumapit kami doon sa platform na kinatatayuan niya.

 

 "Ang routine natin ngayon ay yung My Chick Bad na music. You can watch this clip from So You Think You Can Dance and modify it para mapresent niyo sa class by next week. By partner ito ha? Girl and guy. You can pick your partners. Sige, sandali lang at may aasikasuhin lang ako saglit. For the meantime, panuorin niyo muna 'to." then binuksan niya yung projector at may pinlay siyang clip.

 

Lumabas si ma'am habang kami eh pinapanood yung clip nung SYTYCD. Ang cool nga eh. Ang galing galing lang nila sumayaw! Habang naaamaze pa ako sa dancers eh bigla akong kinalabit ni Alice.

 

"Huy Jess, kanina ka pa nakatunganga dyan maghanap ka na ng partner mo!"

 

Napatingin ako sa kanya. Nagulat nalang ako nung makita kong may nahatak ng partner si Alice. Siya yung classmate namin sa Math pero nakalimutan ko na yung name. Shet 'tong Alice na 'to! Ambilis makakuha ah?

Nilibot ko yung tingin ko sa buong room. Putek baka ako nalang walang partner ha! Waaah wag ganyan! Ayokong magsolo!

 

"Uhm.."

"Hiiik!" kinilabutan ako bigla nung may biglang humawak sa balikat ko. Pagtingin ko.. "P..P..P..Patrick Dave?" then bigla siyang ngumiti.

 

 

AH THIS IS HEAVEN. OH GOSH KINIKILIG AKO TAKTE! LAKAS MAKAKILIG VIBES NETONG LALAKING 'TO! SHEEEET!

 

"Uhm, pwede ka ba makapartner? Wala na ata kasing free eh."

 

KAHIT LIFETIME PARTNER PA! OMAYGAD LANG TALAGA KINIKILIG AKO NG BONGGA! LUMALABAS NA NAMAN ANG KALANDIAN KO SA KATAWAN!

 

"S..s..s..sure. Wala..erhmm, wala pa naman din akong partner eh." takte nagsstutter pa ako! Kasi naman! Masyado akong naaapektuhan ng presence niya!

"Thanks! Gusto mo pag-usapan na natin yung pwede nating gawin?" SHET tulungan niyo ako mamamatay na ata ako sa kilig! Ang gwapo niya lang talaga!

"O..okay."

 

Pumunta kami doon sa gilid habang si Alice eh sumenyas pa na magkwento daw ako sa kanya ng mangyayari. Abno talaga yun. Pero feeling ko sagana nga ako sa kwento mamaya. Hihi. Kinikilig na talaga ako!

Nung nandun na kami sa gilid ng stage, malapit sa hagdan eh binuksan niya yung laptop niya at dinownload niya yung video. Then kami eh pinag-aralan namin yung steps. Pero syempreminomodify naman namin para hindi gayang-gaya.

 

"1..2..3 and 4, then lock and 2 and 1."

 

Siya ang naglelead nung dance and ang galing niya lang sumayaw. Para siyang badboy at ang angas pa ng dating. Kulang nalang eh malaglag na yung pantalon ko sa sobrang pagka-amaze ko sa kanya eh. Tapos.. tapos..

 

Nagkakadikit pa yung balat namin! Hiyaaaa! Heaven na talaga ito! Kahit di na ako maligo ng ilang araw! Ang bango-bango niya pa kahit medyo pawis na siya.

 

"Ano? May gusto ka pa bang baguhin sa steps or kahit ano?"

"A..ano, wala na siguro. Ang galing mo mag-isip ng modifications eh."

"Really? Wow. Just hearing a compliment from you makes me happy."

 

Bigla kong nakalimutan kung pano huminga. Ahhhh what is the meaning of this?! Pinagsasabi niya?! Kikiligin na ba dapat ako ng bongga?

 

Bago pa ako mamatay dahil sa kakulangan sa oxygen eh natauhan na ako. Napatalikod ako bigla sa kanya dahil feeling ko eh mas mapula pa sa pakwan yung mukha ko.

 

"Ha.ha.. Sige pala Dave, sa College of Music pa next class ko eh. B..bye!" saka ako tumakbo papalayo sa kanya. Nagbabye na rin ako kay Alice since hindi pa ata sila tapos ng partner niya at nakikita kong bored na siya sa pinaggagawa nila.

 

"Jess! Saturday ha! Practice!" narinig kong sigaw ni Dave sa may gymnasium. Ahhhh, sinabi niya yung pangalan ko! Nagthumbs-up nalang ako sa kanya kasi masyado akong kinilig at di na ako makapagsalita. Baka pag binuksan ko yung bibig ko eh mapasigaw nalang ako bigla eh.

 

Pinagtitinginan ako nung mga tao habang naglalakad kasi di ko na kayang pigilin yung ngiti ko. Eh sa nakakakilig yung nangyari kanina eh! Tapos partner pa kami. Then sinabihan pa niya ako ng ganun. Sinong di mapapangiti di ba? Hihihi.

 

"'Sup? Para kang baliw."

 

Bigla naman akong napa-straight face. Bigla kasing may lumitaw na malas na nilalang sa may kanan ko. Yung totoo? May lahi ba siyang kabute at bigla-bigla nalang lumilitaw? 

 

"Problema mo?"

"Ikaw."

"Huh?"

"Wala. Ang panget mo."

 

 

Eto na naman 'tong bwiset na Patrick na 'to eh! Akala niya nakalimutan ko na atraso niya sa akin?! Kapal ng mukhang magpakita ng hindi dapat pinapakita. Pervert! Though.. ah! Nevermind.

 

"Wow thank you ha?"

"No worries."

 

Hindi ko talaga alam kung anong meron sa aming dalawa eh. Kapag kasi nagsisimula kaming mag-usap eh wala talagang kakwenta-kwenta yung kinalalabasan. Tumahimik naman siya after nung last niyang sinabi. Buti naman. Baka kasi mapadpad sa ibang usapan eh.

 

"Hey Jess!!" napalingon naman ako bigla doon sa tumawag sa akin. At oh pakingteyp lang! SI PATRICK DAVE MYLOVES TINATAWAG AKO WITH MATCHING TAKBO PA TOWARDS ME!

"Phew! Buti naabutan kita. Naiwan mo pala 'to." then inabot niya sa akin yung panyo ko na pinantali ko kanina sa buhok ko dahil mainit.

"T..thank you." then kinuha ko yung panyo sa kamay niya.

"Sige." akala ko aalis na siya pero nakuha niya pang makipagtitigan kay Patrick panget. 

 

Ewan ko kung anong meron pero after nun eh umalis na rin naman siya agad at sumakay na siya sa car niya. Ako naman eh naestatwa doon habang hawak-hawak ko pa rin yung panyo ko.

 

"Sino naman yun?"

"Future boyfriend ko..." I said dreamily.

"Huh?"

"Wala. Sabi ko ang ganda ko. Tara na nga!" then saka ako naglakad ulit at inamoy-amoy ko pa yung panyo ko. Yiheee hinawakan niya 'to! Anuba!

"Wow. Ngayon ako na ang sumusunod sa'yo? This is not right." tapos bigla siyang nanguna sa paglalakad. Jusko. Pati ba naman sa paglalakad kelangan 'master' pa rin ang drama niya? Arte lang ha. Pasalamat nga siya sinasabayan ko pa siya eh. Tsk. Bakit kasi magkaklase kami sa subject na 'to eh! Wala naman akong nagawa kundi sundan siya hanggang sa room namin. Pagtingin ko eh andun na pala yung prof namin.

 

"Good morning class! Okay, ibibigay ko na nga pala ngayon yung project niyo for this sem. Actually para lang 'tong yung project ko last sem, kaya sa mga naging estudyante ko na dito sa Music 1..." tapos biglang tumingin si ma'am sa akin. "... I'm sure may idea na kayo kung ano ang project niyo."

 

Waaa.. don't tell me ganun na naman?! Ayoko na talaga ng ganun eh! Nakakahiya kaya! Naalala ko pa yung paggawa namin ni Roj ng project ko tapos yung project ni Steff eh ang ganda. Yun yung gagawa ng music video chuchu! Ayoko na nun!

"Pero medyo iibahin ko this time." biglang lumakas yung bulung-bulungan ng classmates namin.

"I want you to compose a song about a certain theme. Kayo ang bahala. But this time, hindi na 'to iuupload. Instead, ipeperform niyo 'to sa January Fest. Pero dapat magsend muna kayo sa akin ng mp3 sample ng composition niyo para malaman ko kung pwede bang ilaban yun. Okay? Oh and by the way, by partners ito. Ayoko kasing nagpapaproject ng by individual or by large group. Choose your own partners. Isa pa pala. I want you to make journal entries on how you compose the song. May one month and a half kayo for this so I'm expecting good compositions. Regarding doon sa journal, mas gusto ko yung informal, or yung parang diary talaga. Mas enjoy kasing basahin. Okay lang rin na Filipino or English. Basta maiintindihan ko. So, any questions so far?"

 

Napanganga nalang ako sa sinabi ni sir. Akala ko tapos na ako sa mga ganitong kahihiyan, hindi pa pala. Bakit ba kasi siya na naman yung prof ko eh.

 

"Hoy."

"Ano?" paiyak na talaga ako eh. Bakit ba ang malas-malas ko pagdating sa mga subjects?

"Partner mo ko."

"Okay."

 

Nagtaka naman ako nung bigla siyang nagulat. Siguro dahil ang bilis kong pumayag. Eh ganun din naman kasi ang mangyayari eh. Ipupush niya yung pangbablackmail niya sa akin kapag di ako pumayag. Eh di uunahan ko na siya!

 

"Kelan mo balak gumawa?"

"Eh bakit ako ang tinatanong mo?" wala naman kasi akong alam sa pagcocompose eh!

"So ako na ang magdedecide?"

"Oo na. Bahala ka." badtrip lang talaga! Compose a song? Wala akong talent sa mga ganito eh.

"Then.. saturday?"

"Fine. Fine. Fine." sabay wave ko pa ng kamay ko sa ere. Then napatingin ako sa kanya at nakita kong naka-smirk siya sa akin. Ano na namang problema niya sa buhay niya?

"So it's saturday, huh? Good luck." tapos bigla niya akong pinitik sa noo.

"Aray ko! Bakit na naman?!" Ang lakas ng saltik neto eh! Bigla-bigla nalang nananakit!

"Wala. Ang slow mo. Tara na nga." sabay hatak sa akin palabas sa room.

 

 

Yung totoo talaga? Bakit ang gulo niyang kausap? At ano bang meron sa saturday? Bakit parang big deal sa kanya? Hay naku, hayaan na nga! Malakas lang talaga topak niya!