.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Pfft. Hahahaha! Ang fail mo Jess! Takte!" sabay hampas ni Alice sa table namin.

"Gosh. I can't believe it. You're a two-timer Jess. Nice one! Haha! Hwaiting!" at talagang chineer niya pa ako ha? Walanghiyang Yna 'to!

"I feel you Jess. Pwede pa rin namang ma-tanga ang mga Campus Princess. Okay lang yan. Pfft." isa pa 'tong si Steff! Akala ko kakampihan ako tapos biglang nagpigil ng tawa sa dulo?

 

Kaibigan ko ba talaga 'tong tatlong hinayupak na 'to? Kung makalait sa akin akala mo si Andrea Marie 'the bitch' Salazar. Bigyan ko sila ng tig-iisang kotong eh.

 

Pero bwiset talaga kasi! Walanghiyang panget yun! Nawala kasi sa isip ko na sa saturday din pala yung practice namin ni Dave! Naalala ko lang talaga sa bahay. Napasigaw pa talaga ako ng ubod ng lakas kaya nagsipagpuntahan sila Mom, Dad, Roj, pati yung maids namin sa kwarto ko. Akala daw nila nababaliw na ako.

Okay, back to my kwento. So ayun nga kasi! Narealize ko na sabay palang saturday yun. Eh hindi ko nga alam kung anong oras kami magpapractice ni Dave. Tapos sumabay pa 'tong lesheng Patrick 'Epal' Reyes na 'to. Kaya pala ganun yung itsura niya kahapon! Nakakainis! Panira talaga siya ng lovelife ko eh!

 

Bigla namang nagvibrate yung phone ko. At kamusta ka? Parang connected yung vibration ng phone ko sa tenga ng tatlong 'to. Nakaabang agad sa laman ng text.

 

 

"Uhm, gusto niyo kayo na magbasa. Mukhang mas excited pa kayo eh." sabay alok ko sa kanila ng sinumpang phone na 'to (kasi galing kay Patrick. Eeew.)

"No, no. Go ahead." sabi sa akin ni Yna at nag-nod naman yung dalawa. Pero ganun pa rin naman yung position nila. Nakadungaw pa rin sila sa phone ko. Napailing nalang ako sa kanilang tatlo. Binasa ko naman agad yung text.

 

 

From: +63905167****

Jess, Patrick Dave here. Mga 1-3 nalang tayo magpractice sa saturday. Ikaw nalang magdecide kung saan. Yun lang :)

 

 

 

Halos malaglag na yung panga ko sa sobrang buka ng bibig ko. SHEEEEET! Si Dave.. si Dave nagtext sa akin! Oh my gosh! Takte kinikilig ako ng bongga!

 

"Pabasa kami!" sabay agaw ni Alice sa phone ko. Ako naman eh nanigas na doon kasi nagtext sa akin si Dave. Alam niya yung number ko. Kyaaaa! Gosh di ko ma-contain yung kilig ko!

 

 

"Waaah ang lande! Sana i-text rin ako ni Kevin ng ganito!"

"Jess ha. Pumapatrick Dave. Naks!"

"Waaa! Ya, Alice! Who should I ship with our Jess? I can't decide!"

 

 

Di ko nalang sila pinansin. Masyado akong na-overwhelm ng kilig. Pakshet na Patrick Dave 'to! Kahit tungkol sa acads yung text niya eh kinikilig pa rin ako. Excited na ako sa sabado! Hihihi. Hmm. San kaya pwedeng magpractice? Sa bahay nalang kaya? Pero baka iissue ako ng mga tao dun. Mga mahihilig pa naman sila sa tsismis.

 

"Whoa! 1 na pala! Geez. May klase pa ako. Sige mga babaita! Babush!" sabay alis ni Steff. Sus. Kaya lang naman yan nagmamadali kasi magkaklase sila ni Darryl sa subject na yun.

 

Kaming tatlo naman eh vacant hanggang 2:30 pm so magkakasama kaming nakatambay dito sa garden. Pero nagulat ako nung tumayo silang dalawa.

 

"Hoy! San kayo pupunta?"

"Well, because he's coming." sabay nguso ni Yna sa likod ko. Napalingon naman ako at nakita ko ang unang taong gusto kong saktan physically. Pagbalik ko sa pwesto ng ulo ko eh nawala na yung dalawa. Hala? Nagteleport?

"'zup?" pa-wazzup wazzup pa, akala mo naman nasa States. Tsk.

"Ano na naman?" nanggigigil talaga ako sa kanya ngayon. Napaka-epal kasi masyado eh.

"Wala lang. Binubwisit lang kita." sabay upo niya sa harapan ko.

"Well, congratulations. It's very effective."

"Whoa. You're mad?" tapos nag-buffer siya ng ilang seconds. Then bigla nalang siyang nag-nod na parang may narealize. "Oh I see. Saturday?" at ang bwisit! Ngumiti pa ng nakakaloko! Naku pigilan niya ko, bubugbugin ko 'tong lalaking 'to!

"HAHA. Very funny."

"Eh pumayag ka. So that means we'll practice on saturday. Or.. hindi ka marunong tumupad sa usapan?"

 

 

So ngayon ginagamit niya ang prinsipyo ko sa buhay? Malamang ayaw kong magbreak ng kahit anong promise no. Bwiset 'tong hinayupak na 'to! Lakas makabadtrip ng buhay ng may buhay eh! At ang malala, bakit pa parang halos lahat ng subjects ko eh kaklase ko siya? Bakit ngayon ko lang napansin? Asar! Mas lalo lang akong naiirita eh.

 

"Oi. Catch." tapos bigla siyang may hinagis sa akin. Pagtingin ko..

"Anong gagawin ko dito?" hinagisan niya kasi ako ng flash drive.

"Eh di tignan mo yung laman para malaman mo kung anong gagawin mo."

"Psh."

 

Ako lang ba ang masyadong affected sa mga sinasabi ng taong 'to? Feeling ko may 'I-Hate-Patrick-Reyes' disease na ako eh. Presence niya pa nga lang naiinis na ako, pano pa kaya kapag nagsalita siya?

Nilabas ko naman yung laptop ko. Lagi ko kasing dala 'to since kailangan din naman sa ibang subjects. Then sinaksak ko yung flash drive niya at tinignan yung laman. Isang folder lang siya na ang name ay 'SONGS'. Syempre, binuksan ko yung folder. Merong two word document files, so inopen ko both. Ang laman? Lyrics.

 

"Di pa kumpleto yung lyrics. And I'm not good pagdating sa songwriting. Kahit ako nalang ang mag-arrange ng notes at ng tune. Pero ikaw gumawa ng song."

"Huh?"

 

Eh hindi nga ako marunong magcompose ng song eh! Ang tino rin palang kausap ng taong 'to eh. Sinabi ko na nga sa kanyang wala akong talent sa ganyan!

 

"Para naman may contribution ka. O kung gusto mo ikaw magtono." narealize ko naman na hindi rin ako marunong maggitara. Beginner pa lang ako at nagpapaturo pa lang ako kay Roj.

"Eeesh! Fine! Ako na gagawa ng kanta!"

 

Badtrip. Bahala na! Bahala siya pag panget yung nagawa ko. Arte naman kasi. Tsaka ang sabi talaga sa saturday pa 'to pag-uusapan eh. Tapos biglang may ganitong moment?

 

"Oy. Anong oras pala tayo sa saturday?" ako na ang nag-initiate ng topic kahit naiinis pa rin ako sa ginawa niya. Baka kasi magsabay pa sila ng time ni Dave. Aba syempre uunahin ko si Dave ko no.

"Ikaw bahala."

"Basta wag 1-3."

"Okay. 1-4 tayo."

 

 

Binato ko sa kanya yung flash drive niya. Pero sayang dahil nasalo niya. Tsk. Ang lakas niya mang-asar eh! Isa pa talaga, laptop ko naman ang ibabato ko sa kanya para siguradong may bukol buong mukha niya.

 

"HAHA! Joke lang."

 

Bigla naman akong napatitig sa kanya. Shet. Tama ba yung nakita ko? O nag-iilusyon na naman ako? Tumawa siya? Weh? Di nga? Totoo? Feeling ko imagination ko lang yun eh.

 

"A..ayusin mo kasi!" sigaw ko sa kanya pero iniisip ko pa rin kung totoo yung nakita ko sa kanya kanina na tumawa siya.

"Fine. Umaga nalang. Sunduin kita sa inyo."

"Okay. Pero-- WHAT?! ANONG SUNDUIN?!" napatayo talaga ako nun. Pinagsasabi niya?!

"Eh di susunduin. May iba pa bang meaning ang word na yun?"

"Teka lang! WAIT!" tapos hinarap ko sa mukha niya ang napakaganda kong palad. "Alam mo bahay ko?! Tsaka bakit susunduin pa?!"

"Yeah, I know." with his isn'-it-obvious-face. Takte. Pano niya nalaman bahay ko?!

"Stalker ka ba?!"

"Connections." sabay turo niya doon sa isang table. Pagtingin ko.. kumakaway sila Alice at Yna sa akin. Bastards! Bakit nila sinabi address ko sa lalaking 'to?!

"Tsk. San ba magpapractice? Ako nalang pupunta. Wag mo na ako sunduin!" anything but that! Jusko! Pano nalang pag nakita siya nila mommy at daddy? Mga tsismosa't tsismoso pa naman yun. Lahat nalang ng tao sa paligid ko eh gagawan ng kwento. Buti di nagmana sa kanila si Roj. Though, mukhang ako yung nakamana nung trait na yun.

"Sa bahay ko. Alam mo ba kung saan?" sa bahay nila? Aba malay ko ba kung saang lupalop ng Pilipinas yun? Di naman niya ako stalker no, and never na mangyayari yun!

"M..malamang hindi!"

"Then it's settled. Susunduin kita. Tapos ang usapan."

"Pero--"

"Sinong masusunod sa ating dalawa?" this time, seryoso na yung mukha niya. Yung tipong pinagduduldulan niya na sa mukha ko na may kontrata kaming 'amo' ko siya. Bwiset.

"Fine!" sumuko na ako. Leshe. Bakit ba lagi akong talo pagdating sa kanya?! Ang badtrip lang eh!

 

 

Dahil mag2-2:30 na rin naman eh niligpit ko na yung mga gamit ko. Tsk. Imbes na sila Alice at Yna yung kasabay ko eh eto pang damuhong 'to. Ilang kamalasan ba ang nakuha ko sa mundo?

Naglakad nalang kami papuntang next class. At ang kapal talaga ng mukha niya kasi pinabuhat niya na naman sa akin yung bag niya. Makukuba ako neto ng wala sa oras eh. Ano bang laman ng bag niya? Bato? Ang bigat ha! At thank you lang talaga sa kanya dahil di niya ako hinihintay. Talagang nangunguna pa siya eh.

Magrereklamo na sana ako pero nauntog yung mukha ko sa likod niya kasi bigla siyang huminto.

 

 

"Ouch. Tsk. Ano na naman bang prob--"

"Oh. Hi Jess!"

 

 

HOLY CARABAO.

 

 

"H..h..hello Dave!" at super kaway pa ako sa kanya. Nasa harapan pala namin siya. Ewan ko lang pero parang nawala sa isip ko yung bigat ng bag ni Patrick panget.

"San ka pala pupunta? May klase ka?"

"A..aahh.. y..yeah."

"Ohh. Saan class mo?"

"Dyan lang sa..sa ano.. sa may Literature."

"Ah sakto! Dun din class ko. Gusto mo sabay na tayo?"

 

 

OMG TOTOO BA ITO?! SABAY KAMI? AS IN KAMI? Anak ng gulay Dave! Ilang beses mo ba ako pakiligin sa isang araw? Kumoquota ka na ha!

 

"O..oka--"

 

Nagulat naman ako nung biglang humarang ang isang epal na nilalang sa harapan ko kaya di ko na makita si Dave.

 

"Dude. May kasama na siya. Sorry ka." tapos bigla niyang hinatak yung hawakan ng bag niya sa likod ko kaya napasama rin ako. Then huminto ulit siya at lumingon ulit kay Dave.

 

 

"Hanap ka nalang ng kasabay mo dyan sa tabi-tabi." tapos bigla niyang pinatong yung elbow niya sa ulo ko (fine abot niya ang ulo ko gamit ang elbow niya! Eh di siya na matangkad!).

 

 

 

 

"Hindi pwede 'tong pandak na 'to eh. She's taken for today. Bye." tsaka niya ako hinatak ulit palayo kay Dave ko.