.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Anong mukha yan? Hoy."

"Tigilan mo nga ako!"

 

Nakakabwisit talaga! Yun na yun eh! Ayun na si Dave, makakasabay ko na, tapos may isang hampaslupang umepal? Ang sakit! Nakabusangot tuloy yung pagmumukha ko hanggang matapos yung class namin sa Literature. 

 

"Hoy ayusin mo naman yung pagbitbit sa bag ko."

 

Hindi ko naman siya pinansin at pinanlisikan ko lang siya ng mata. Tss. Kasalanan niya yan! Ang bigat-bigat ng bag niya tapos sa akin niya pinapadala! Bahala siya. Kinakaladkad ko lang kasi yung bag niya sa daan. Hanggang sa makapunta kami sa Math Building eh kinakaladkad ko pa rin yung bag niya. Di naman na siya nagreklamo eh. Buti naman. 

 

Wala ako sa mood makinig sa kahit anong subjects ngayon. Nakakabadtrip kasi talaga yung nangyari kanina eh. Sayang yung chance! Tapos lagi mo pang kasama yung dahilan ng pagka-badtrip mo. Ang saya ng life di ba?

 

Hanggang sa matapos lahat ng subjects ko, nakabusangot lang ako. Tapos ang malas pa kasi nauna ng umuwi sila Steff, Alice at Yna dahil kanina pang 2:30 tapos ng class nila. Katatapos lang kasi ng class ko ng 5:30 eh.

 

"Asan na mga kaibigan mo?" kita mo 'tong lalaking 'to. Hanggang ngayon di pa rin ako nilulubayan!

"Malay ko."

"Ang sungit mo ata?"

"Ohh talaga? Okay." sabay tingin ko sa kabilang direksyon.

 

Kainis! Halata na nga na badtrip ako, nang-iinis pa rin. Isama pa yung pagmumukha niya. Sasabog na ang hate meter ko sa kanya eh!

 

"Tsk. Bahala ka." aba? At siya pa ang may ganang magalit? Ayos ha? Bahala ka rin!

"Talaga!" saka ako tumambay sa labas ng gate. Hinihintay ko kasi si daddy. Susunduin niya kasi ako ngayon. Pagtingin ko kay panget na nilalang, palayo na siya sa akin. Buti naman!

"Oh. By the way.." ahhh! Humarap pa! Kung aalis siya, ituluy-tuloy na niya! ".. sarado yung highway dahil gihagawa yung kalsada. Your mom or dad or whoever you're waiting for might not arrive here."

"Weh? Utot mo!"

"It's your choice kung maniniwala ka. Bye." tapos tumalikod na ulit siya.

 

Hindi ko nalang siya pinansin. Tss. Mamaya niloloko na naman niya ako eh. Alam niyo naman ang hobby niyan. Ang pagtripan at pahirapan ang kagandahan ko. Ang kapal di ba?

 

*vibrate vibrate*

 

Kinuha ko naman agad yung phone ko sa bulsa ko. Dahil continuous yung vibration, may tumatawag! Baka si dad na 'to. And I'm right! Si daddy nga yung tumatawag.

 

"Hello daddy? Asan ka na?"

"Jess, I can't go there. Sobrang traffic pala dito. And sabi, hindi daw makakadaan yung mga sasakyan dyan sa side ng school niyo."

"Hah?! Hala daddy! Pano ako uuwi?"

"Merong daan dyan. Kaso opposite nung regular na dinadaanan natin and mas matagal ang byahe. Kaso pag sinundo pa kita, baka maghintay ka pa dyan ng at most 3 hours."

"Ha?! Hala! Daddy naman eh!" ayoko ngang maghintay ng 3 hours! Sobrang tagal nun.

"Wala ka bang masasabayan dyan? Sila Steff ba?"

"Umuwi na silang tatlo dad! Wala na akong masasabayan dito!" naiiyak na talaga ako. Pano ako uuwi? Wala naman na talaga akong masasabayan na friends ko. At isa pa, konti nalang ang students pag ganitong oras.

"So you have no choice but to wait for me."

"For three hours?! Daddy ang tagal nun!"

"What will I d--"

 

 

"Don't worry. Ihahatid ko nalang po siya. Bye."

 

 

Nagulat naman ako sa nangyari. Ano nga bang nangyari? Ang alam ko lang eh biglang nawala yung phone ko sa kamay ko at bigla nalang...

 

"HOY! Bakit mo kinuha?! Teka kausap ko pa yung daddy ko!"

"Wala na pinatay ko na."

"Ang pampam mo! Akin na yan!"

"Eh di abutin mo." tapos bigla nyang tinaas yung kamay niya.

 

Bwiset na hinayupak na nilalang 'to! Nang-iinis na naman! Kausap ko yung daddy ko tapos biglang mang-aagaw ng phone?! Kundi ka naman talaga pinaglihi sa kabastusan eh! Kainis!

Bigla naman siyang tumalikod at nagsimula nang maglakad. Kaso bigla naman siyang lumingon ulit.

 

"Bakit hindi ka pa naglalakad?"

"Bakit ako maglalakad?" problema niya? Pati paglalakad ko dinadamay!

"Ayaw mo? Okay. Maghintay ka ng three hours."

 

Teka. Pano niya nalaman? Ibig sabihin, kanina pa siya dito? Stalker ko talaga 'to eh!

 

"Nag-eeavesdrop ka! Stalker ka talaga eh no?!"

"No, I'm not. May nakalimutan lang ako sa'yo."

"Weh? Palusot ka pa eh!" sus! Ayaw pang aminin na stalker lang talaga siya! Pati nga bahay ko alam na niya eh!

"I forgot my bag."

 

Bigla naman akong natahimik. Then napatingin ako sa paa ko. Crap. Nakaipit pala sa mga paa ko. Nakalimutan ko rin na kinakaladkad ko pala 'to kanina! Teka, ang tanga naman ng lalaking 'to! Sa lahat naman ng pwedeng kalimutan, yung bag pa niya! Tapos aalis pa ulit dapat siya kanina, eh nasa akin nga yung babalikan niya. Ang super tanga lang?

 

"Bakit mo kasi kinalimutan? Tss." binigay ko naman agad sa kanya. Tinikom ko agad yung bibig ko kasi baka masabihan ko siya ng tanga. Mahirap na, baka bugbugin ako bigla.

"Nasanay ako na walang dala eh." tsaka siya nag-smirk sa akin. Aba! Ang kapal talaga forever! Inaasar na naman ako! Malamang masasanay talaga siya kasi ako lagi ang may dala! 

"HAHAHA." sabi ko na punung-puno ng sarcasm. With make face pa yan ha, para feel na feel niya.

 

Pagkakuhang-pagkakuha niya ng bag niya, tumalikod naman ulit siya.

 

"Hoy dalian mo dyan." sabi niya sa akin bago siya maglakad.

"Ano na naman ba?!"

"Sumunod ka sakin. I'll take you home."

 

Nag-buffer ako saglit. Then binalikan ko yung nangyari kanina. Tapos naalala ko na may sinabi siya sa phone ko nung inagaw niya yun sa akin. Ihahatid niya ako? Wow ha? Gentleman move? Asus. Kadiri hindi bagay. Pero...

 

"Fine."  dahil wala akong choice. Eh di sige. Kesa naman maghitay ako ng tatlong oras. 

 

Sumunod ako sa kanya, pero against my will ko talaga 'to. Kainis naman kasing highway yan! Sumabay pa sa kabadtripan ko! Makakasabay ko pa tuloy 'tong bwiset na 'to. Psh.

 

Nakarating naman agad kami doon sa pinagparking-an ng kotse nila. Andun ulit yung driver na nakita ko dati. Ngumiti nga siya sa akin eh, kaya ngumiti nalang din ako sa kanya. Pumasok agad si Patrick doon sa passenger seat, tapos binuksan niya yung bintana.

 

"Pumasok ka na."

"Oo na."

 

Eh di ako naman, pumasok na rin. Kaso nakakainis kasi. Pagkapasok ko, ang liit ng space. Samantalang ang laki-laki ng space sa right side niya!

 

"Pwede bang umusog ka?" sabi ko with matching fake smile pa.

"Ayoko. This is my comfort zone."

 

Pigilan niyo ako. Mabubugbog ko 'tong lalaking 'to. Comfort comfort zone pang nalalaman! Kaartehan niya lang naman yun! Ilublob ko siya sa bowl sa comfort room eh!

As usual, wala akong nagawa. Kotse niya 'to eh. Nahiya naman ang presence ko di ba? Kahit sobrang lapit niya sa akin eh pinabayaan ko nalang. Oo sobrang lapit. Mga one ruler away ako sa kanya. Di ba? Dapat talaga isang metro ang distansya ko mula sa kanya dahil naiirita ako pag malapit sya sa akin.

 

After kong pumwesto, pinaandar na rin agad ni manong yung car. Ako naman, tumingin nalang sa labas. Si Patrick, nakapikit. Pfft. Mukha siyang mongoloid pag tulog.

 

Tahimik lang ako buong byahe. Actually, tama nga yung sinabi ni daddy. Mas matagal nga yung byahe. Pero okay lang. Kesa sa three hours na paghihintay. Eh eto 45 minutes lang nasa tapat na ako ng bahay. Tss. So alam niya talaga yung bahay ko ha? Leshe talaga yung si Alice at Yna!

 

"Sige po manong, thank you po!" sabi ko kay manong at bumaba na ako sa car nila. Buti nalang at tulog pa si Patrick nung mga panahon na yun. Baka kasi pag nagsalita siya mabanas na naman ako.

 

Papasok na sana ako sa gate namin kaso bigla akong tinawag ni manong.

 

"Po?"

"Pinapasabi nga po pala kanina ni sir Patrick na maghanda daw po kayo ng breakfast sa sabado."

"Huh? Para saan po?"

 

Bigla namang bumukas yung bintana ng kotse nila.

 

 

 

"Sa inyo ako kakain. Sige." sabay sarado ng bintana at bigla nalang umandar yung kotse.

 

Huh? Sa amin siya kakain? Ano daw... HUH?! DITO SIYA SA BAHAY MAGBBREAKFAST?!

 

 

 

"HOY!! HINDI PWEDE!!!" halos maximum volume na ng boses ko yung ginamit ko pero nawala na sa sight ko yung kotse nila. Waaaaah! Hindi 'to pwede!! Noooo!