.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Ate? Ate."

"Hmm? Hantokpakooooh."

"Ate gising na."

 

Bigla naman akong nakaramdam ng lindol. Masyadong maalog yung kama ko. Dahil nakakairita na, no choice ako kundi dumilat. At pagtingin ko..

 

"Tsk. Roj! Pinaggagawa mo?"

"Eh ayaw mong gumising eh."

 

Kaya naman pala parang lumilindol. Aba't tumalun-talon pala 'tong si Roj sa kama ko! Gandang way ng paggising ha!

 

"Tsk. Tabi kasi dyan! Inaantok pa nga ako eh!" sabay bagsak ko uli sa kama. Ugh. Bakit kasi late na ako natulog kagabi? Kainis naman oh.

"Bumangon ka na ate. May pupunta dito mamaya di ba?"

 

This time, napabangon ako bigla. Wait. Saturday na ba ngayon? Anong  oras na ba? Kinuha ko kaagad yung alarm clock ko at pagtingin ko, 6 AM na pala.

 

"Tsk! Uggghh! Kasi naman eh! Bakit ba kasi siya pupunta?! Nakakainis!" saka ko pinagdiskitahan yung alarm clock ko at pinukpok-pukpok ko siya sa may kama ko. Kainis talaga!

"Mag-ayos ka na kaya, ate? Mukha kang mukhang tinubuan ng eyebags." sabi niya pa sa akin saka lumabas ng kwarto ko.

 

Hah! Kita mo yung kapatid ko na yun? Walang galang sa ate! Ako? Mukhang tinubuan ng eyebags?! G..ganun na ba kalaki ang eyebags ko?

 

Dahil hindi na rin ako makatulog, tumayo na ako at naligo agad-agad.

 

Bigla tuloy nagflashback yung nangyari kagabi. Katext ko kasi yung unknown particle na yun.. at hep! Wag lagyan ng malisya! Tss. Tinext ko kasi siya kung paano niya talaga nalaman yung address namin. Talaga bang sinabi ni Alice at Yna sa kanya? Saka ko nalaman na kaya pala alam niya yung bahay ko ay dahil hinatid niya ako dito dati. Seriously, nakalimutan kong may ganun palang nangyari. Aba sorry naman! Kinakalimutan ko kasi agad yung mga pangyayaring involved ako sa kanya! Panget kasi siya! Pero ayun nga, nakalimutan daw niya yung way kaya nagtanong siya sa mga damuhong Alice at Yna na yun! Mga walanghiya! Binenta ang address ko!

 

Katext ko rin nun si Dave. Ay shocks! Eto ang lagyan niyo ng malisya! Kung gusto niyo, super malisya pa :'''> Takte naman kasi! Pangalan pa lang niya ang lumabas sa screen ng phone ko, nagdidiwang na ang katawang-lupa ko! Ganun ko siya ka-crush! Grabe! Ang hayok ko lang!

 

After kong pagsamantalahan si Dave sa utak ko, umalis na ako sa kwarto ko at bumaba papuntang living room namin. Kaso bigla akong napahinto.

 

"Yo." sabay taas pa niya sa kamay niya at feel na feel ang pag-upo sa couch namin.

"B..bakit ka.. bakit ka nandito agad?!" dinuro ko po siya kasi nakakainis talaga yung pagmumukha niya! Ang kapal talaga ng unknown particle na 'to! 6:45 pa lang ah?! Akala ko ba 7:30 siya pupunta?!

"Maaga akong nagising eh."

 

Tinalikuran ko nalang siya at pumunta ako sa may kitchen namin. Then nakita ko doon si mommy na pa-hum-hum pa habang nagluluto.

 

"Mommy!"

"Ay bastos!" sabay tingin niya sa akin. "Jess, ano ka ba naman? Umagang-umaga nakasigaw ka?"

"Tss. Eh kasi naman eh! Bakit pinapasok mo yung unknown particle na yun?!" tapos tinuro ko yung sala namin.

"Huh? Unknown particle? You mean, si Patrick?"

 

Wow. Close na agad sila niyan?

 

"Oo! Basta yung lalaking nandun!" Jusme, umagang-umaga kumukulo na agad yung dugo ko!

"Eh di ba pupunta naman siya talaga dito? May practice kayo for your project, right? O baka naman may other reason kaya ka nagkakaganyan?"

"Oo nga, pero... uugggghhh!!"

 

Nagwalk-out nalang ako. Kasi naman eh! Alam ko namang hindi ako mananalo kay mommy! Pro yan sa pang-aasar kahit hindi halata! Dyan ako nagmana!

 

"Jessica." napatigil ako. Nilingon ko naman agad si mommy. "Tawagin mo na si Patrick at kakain na tayo."

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, nanlumo na talaga ako. So nangyayari na talaga 'to? Yung as in dito siya magbebreakfast? Huhu. Ang kapal talaga ng apog niya! May bahay naman sila, hindi siya dun nagbreakfast! Arte-arte! I'm sure, inaasar na naman ako niyan at sobrang effective talaga!

Wala naman akong nagawa kundi sundin si mommy. Pumunta ako doon sa sala.

 

"Hoy--" hindi pa ako nakakapagsimula eh tinitigan niya na ako ng masama.

"What, slave?--" napalapit ako agad sa kanya gamit ang aking ninja moves para takpan yung napakaingay niyang bibig! Ang kapal ng mukha netong lalaking 'to! Dito pa talaga sa loob ng pamamahay ko?! Tadyakan ko sya eh!

"Manahimik ka nga! Utang na loob, kahit ngayon lang, tantanan mo yang slave slave na yan! Nandito ka sa bahay ko kaya ako masusunod dito!" bulong ko sa kanya habang nanggigigil sa pagmumukha niya. Konti nalang mabubura ko na 'tong mukha niya!

 

 

"Oh my. Jess, sabi ko tawagin mo si Patrick, hindi yakapin siya."

 

Nagulat nalang ako bigla nung sumulpot si mommy malapit sa amin. Pati na rin si daddy. At ang napakabaliw na kapatid kong si Roj. What the heck?! Pano sila napunta dyan?! Teleportation?!

Napabitaw ako agad sa kanya at lumayo ako ng mga 2 meters.

 

"Mommy! Naman eh! Hindi kasi yun! At anong nginingiti-ngiti mo dyan, ha Roj?!" sinamaan ko siya ng tingin dahil nagiging pandemonyo na naman yung mukha niya. Sumbong ko siya kay Venice eh!

"Hahaha. Okay, anak. Sabi mo eh. Sige na, pumunta na tayong lahat sa dining room." tapos saka sila umalis na tatlo. Psh. Kaya ayokong nagdadala ng bisita dito sa bahay eh! Ang iissue ng pamilya ko! Huhuhu! Sa susunod nga si Patrick Dave na ang dadalhin ko para may issue at malisya talaga.

 

Napatingin naman ako sa side at nakita kong naglalakad na pala papuntang dining room 'tong epal na Patrick na 'to. Tss. Feel na feel niya talaga ang pamamahay namin ha?!

 

"Kasi naman. Dito pa kasi magbebreakfast." bulong ko nalang habang kinakaladkad ko yung sarili ko papuntang dining room.

"May sinasabi ka?" aba, lakas ng radar ah?

"Wala sabi ko ang ganda ko!"

"Baka maliit?" napatingin ako agad sa kanya with my isa-pang-salita-galing-sayo-imma-kill-you-dumbass-look. Tss.

"Baka ikaw!"

"5'8 ako."

"Anong paki ko?!"

"Kasi maliit ka."

 

Jusko, wag niyo akong pipigilan, babambuhin ko 'tong hinayupak na epal na unknown particle na baklang lalaking 'to! Kapal talaga ng mukha! Tumakbo na ako papuntang dining table dahil hindi ko kinakaya ang presence niya. Umaariba na naman ang I-Hate-Patrick-Reyes disease ko!

 

Pagkarating ko dun, kumain agad ako bago pa man makiupo 'tong Patrick na 'to. At sa harapan ko pa talaga naupo! Paano naman ako kakain ng maayos kung nakakasuka yung pagmumukhang nakikita ko?!

Di ko nalang siya pinansin. Silang apat lang ang nag-uusap. At ang masya pa dyan, childhood ko ang pinag-uusapan! Sige family, i-push niyo yan! Anak talaga ako eh! Bwisita lang yan!

 

"Ay oo. Napagkakamalan nilang bunso si Jess kasi maliit siya."

"Matangkad lang si Roj, daddy!" Tsk. Height na naman pinag-uusapan eh!

"Maliit ka lang, ate." kita mo 'tong Roj na 'to. Pati siya inaasar na rin ako! Kanina tahimik lang eh!

 

Bigla naman akong nagulat nung may naramdaman ako sa ilalaim ng lamesa. Akala ko nga pusa, pero naalala kong wala pala kaming pusa. Eh anak naman kasi ng pusa eh! May nakadagan sa paa ko! Pagtingin ko sa kaharap ko, nakakatawa yung pagmumukha niya kasi parang constipated na ewan! Ang kapal talaga! Ipatong daw ba yung paa niya sa paa ko?! Ano yung paa ko, basahan?

 

Tumingin siya sa akin at nginitian ako ng nakakaloko. Kaya in return, nginitian ko rin siya at punung-puno yun ng sarcasm. Eto gusto mo ha? Fine!

 

Pinilit kong tanggalin yung paa niya sa paa ko pero ang diin ng pagkakaapak niya kaya yung isa lang ang nakayanan kong tanggalin. Umalog pa nga yung lamesa kasi tumama ako doon sa upuan ko. Shet! Ang sakit nun ha!

 

"Ano yun?" biglang tanong sa amin ni daddy.

"Wala dad! Kinagat kasi ako ng mukhang abnoy na langgam kaya napasipa ako. Sorry."

 

Taeness! Ang sakit nun ha! Ouch! Ouch! Walanghiya siya! Gaganti ako!

 

Gamit yung isa kong paa, sinipa-sipa ko rin yung paa, binti at tuhod niya! Wahaha! Kita ko nga na nasasaktan siya kasi mas lalong nagiging constipated yung mukha niya! Hahaha! Pero gusto ko rin sanang sipain yung hita niya kaso di ko abot! Hanggang tuhod lang ang kaya ko! Kainis!

 

"Tapos na po ako. Pwede na po ba kaming umalis ng anak niyo?"

 

Napahinto naman ako sa pagsipa-sipa ko sa kanya. Whoa! Hindi ko agad napansin na ako nalang pala ang di tapos sa pagkain.

 

"Oh sige, hijo. Oh Jess, tumayo ka na dyan at aalis na raw kayo."

"Huh?! Eh mommy di pa ako tapos kumain!" halos may 1/4 pa akong natirang pagkain sa plato ko eh!

"Eh kasi nakatulala ka lang kanina--" sabi bigla ni mommy.

"--kay kuya Patrick." nagulat naman ako nung dinagdagan yun ni Roj. Kumoquota na 'tong batang 'to sa akin ha! Lagot siya sa akin mamaya! Tinignan ko siya at tinuro ko yung dalawang mata ko sa dalawang mata niya. Hmp!

 

Dahil kung anu-ano nang sinasabi ni mommy eh tumayo na rin ako. Shet! Namanhid yung isa kong paa! Eh paano yun yung tinodo niyang apakan kanina. Ang sakit nun ha!

 

Habang paalis kami ng bahay eh wala lang kaming imik. Then nakita ko yug kotse niya sa may labas ng bahay namin. Naiinggit talaga ako. Gusto ko na rin magkakotse.

 

"Pasok." tapos tinulak niya ako doon sa may shotgun seat. Siraulo 'to ah!

"Ano na naman bang problema mo?!" sabay sakay niya doon sa driver's seat.

"You'll gonna pay for that." at tinakot pa ako? Si Jess Morales, tinakot? Hahaha nakakatawa.

"Eh sino bang nanguna?"

"Ikaw."

 

Wow! Wow ha! Ako pa? Ako pa ang sinisi niya?! Eh kung bigyan ko kaya siya ng Pinakanakakainis na Tao award?!

 

"Ako pa talagGGGAAAAAAAAA!!! HOOOOYYYY!!! DAHAN-DAHAN NAMAAAAAAAN!!!"

 

Utang na loob! Bigla niya nalang pinaandar ng mabilis yung kotse niya! As in sobrang bilis! Takte ayaw ko pang mamatay! At ayokong mamatay kasama ang panget na 'to!

 

HELP MEEEEEEEEE!