.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Kinapa-kapa ko ang sarili kong katawan bago bumaba sa kotse niya. Aba malay koo ba kung lumipad na pala yung isa kong mata o yung bituka ko palabas. Shetness lang talaga. Para akong lantang gulay. Alam niyo yung feeling na parang 10 beses kang sumakay sa roller coaster ng sunud-sunod? Ganun eh! Ganun yung feeling!

 

"Oy. Baba na." sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Pero wala naman yung nagawa dahil iniwas niya agad yung tingin niya at bumaba na ng kotse niya. Kainis! No choice ako kundi bumaba. Baka mamaya biglang umandar 'tong kotse!

 

Pagpasok ko sa bahay nila, hindi na ako namangha. Alam ko namang mayaman siya at alam ko namang mansion ang bahay niya. Pero ang ikinagulat ko lang ay yung ambiance ng bahay. Parang ang lungkot masyado.

 

"Sinong nandito ngayon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad at patingin-tingin sa paligid. Sarado pa yung mga ilaw. Ang dilim tuloy.

"Yung namatay naming maid tsaka yung nasagasaang cook. Ayan sila oh. Kasabay mong naglalakad." sabay turo niya sa gilid ko.

 

 

Hindi ako matatakuting tao pero nung sinabi niya yun gamit ang kanyang nakakatakot na pagmumukha, naging effective. Napalapit ako agad sa side niya kahit labag sa kalooban ko. Peste 'tong unknown particle na 'to! Tapos patay pa yung mga ilaw! Bahay niya ba talaga 'to? Bakit parang haunted house?!

 

Pagtingin ko sa kanya, parang biglang nag-init yung dugo ko. Aba naman kasi! Nakangisi! Hindi naman masyadong effective yung pananakot niya no! Konti lang!

 

Pagdating namin doon sa living room, buti at binuksan niya na rin yung mga ilaw. Tapos umupo agad ako doon sa may couch at nilabas yung laptop ko. Kaso may biglang gumalabog doon sa may bandang likuran ko.

 

"A..ano yun?" tinignan ko siya kasi parang wala lang sa kanya. Putek natatakot na ako dito sa bahay niya ha! Kung anu-anong tumutunog!

"Wala. Baka yung batang kapitbahay namin na namatay last week."

 

Nag-inhale ako ng maraming hangin. At sobrang labag na talaga sa kalooban ko 'to dahil tumabi ako doon sa couch na inuupuan niya. Kasi naman eh! Ano bang problema niya? Eto na ba ang ganti niya sa pagsipa-sipa ko sa kanya? Ang lame niya ha.

 

"Oy slave, asan na yung pinapacompose ko sa'yong kanta?"

"Oh ayan! Slave-in mo mukha mo!"

 

Tinapon ko sa kanya yung flash drive ko at nasalo niya naman kaagad. Tapos he snorted at me. Psh! Hampasin ko siya ng laptop eh!

Pinanood ko nalang siya habang binubuksan yung files sa drive ko. Ewan ko ba pero nakaramdam ako bigla ng hiya! Shocks! Baka mabasa niya! Nag-ala ninja ako sa pagtalon papunta sa kanya.

 

"Te..teka ako na nga dyan!" sabay agaw ko doon sa laptop niya. Phew! Buti di pa niya nabubuksan!

"Oy ano ba? Tabi dyan titignan ko."

"Ayoko! Panget nung nagawa ko! Baka laitin mo.. oh sratch, I'm sure lalaitin mo pala!" tapos tinry ko pang itaas yung laptop niya pero pagtayo niya, wala, naagaw niya pa rin.

"Pag panget eh di gumawa ka ulit. Simple as that. Dami mo pang sinabi."

 

Sungit! Panget! Bakla!

Inirapan daw ba ako? Bakla siguro talaga 'to eh!

 

Humarap nalang ako doon sa side ng bintana nila. Ayokong makita yung nakakabwisit niyang reaksyon habang binabasa niya yung na-compose ko. For sure any minute tatawa na yan.

 

"Pffft."

 

See?! Aggghhh! Bakit ko ba kasi siya naging partner?! Could anyone tell me?! Bakit?! Ang malas malas malas ko sa kanya! Huhuhu!

 

"Hoy! Makatawa ka dyan kala mo may talent ka sa pagcocompose! Psh!"

"Maka-hoy ka ah? Wala ka na sa bahay mo. Teritoryo ko na 'to." sabay ngiti niya na parang nademonyo. Pero mukhang bakla. Pffft! Hahaha!

"Bleh." binelatan ko nalang siya.

"Oy teka, marunong ka ba maggitara?" napatingin naman ako agad sa kanya. Whoa. Nagseseryoso na siya.

"Basics lang. Baket?"

"Tutugtog ka rin."

"Huh?!"

 

Ano ba naman yan! Ako na nga nagcompose, papatugtugin niya pa ako?! Ano 'to, sariling sikap ko lang tapos share kami ng grades? Parasitism? Aba hindi naman ako papayag dyan!

 

"Hoy MASTER. FYI, ako na ang nagcompose. Akala ko ba ikaw ang maglalapat ng tono? Bakit ako ang pinapatugtog mo?!"

 

Tapos alam niyo ang ginawa? Aba, winalk-outan ako! Bastusing unknown particle 'to! Kinakausap tapos biglang aalis?! Nag-iinit na naman ang dugo ko sa kanya ha!

 

Makalipas ang mahigit one minute eh bumalik rin siya. Tss. Sana hindi nalang. Pero pagbalik niya, may hawak siyang dalawang gitara. Oh edi siya na ang may dalawang gitara.

Pero in fairness ha? Bakit ang talented ng mga campus prince na 'to? Ang alam ko si Darryl marunong ring maggitara. Tapos si Kevin, ayon kay Alice na stalker-- I mean admirer daw, eh marunong namang sumayaw.

 

"Saluhin mo." nagulat ako sa sinabi niya at akmang ihahagis niya na yung isang gitara. Dahil nagpanic ako, tinaas ko naman yung dalawang kamay ko. "Joke lang."

 

See? See?! Sinong hindi mabubwisit sa buong pagkatao ng lalaking 'to? Ang lakas mang-asar! Nakakainis! Ihampas ko sa kanya yang gitara niya eh!

 

Sinamaan ko nalang siya ng tingin habang papalapit sa akin. Actually, minumurder ko na siya sa utak ko ngayon. Pagdating niya sa harapan ko, inabot niya sa akin yung isang gitara.

 

"Ako ang maglalagay ng tono pero tutugtog ka pa rin, para kapag sinend natin yung mp3 file kay ma'am, pareho tayong may ginagawa. Okay?"

 

Okay mo mukha mo.

 

Di ko nalang siya pinansin at naglakad ako papunta doon sa kabilang side ng sala. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nagbubutingting na siya ng gitara niya doon. Ako naman, namomroblema na. Shocks naman kasi eh! Nung sinabi ko sa kanyang basics lang, joke lang yun! Ang totoo nyan, 4 chords lang ang alam ko! Yun palang kasi yung tinuturo ni Roj sa akin. Huhuhu sana naman yung apat na yun yung gamitin niya. Yung G, D, A tsaka E minor.

 

Dahil wala naman akong magawa, nagstrum-strum nalang ako doon sa gitarang binigay niya. Syempre puro G, D, A at Em lang yung chords na natutugtog ko. Malay ko ba sa iba? Ang alam ko mahirap na yung mga yun eh. Masakit na sa kamay.

 

Nung na-bore na ako kakastrum, at feeling ko wala naman sa tono yung pagstrum ko, sinukuan ko na yung gitara. Lumingon ulit ako sa pwesto niya at pagtingin ko, naggesture siya na lumapit daw ako doon.

 

Ano ako aso? Pwede naman kasing tawagin. Hand gestures pa gusto.

 

Syempre, lumapit naman ako. Gusto ko na kasi 'tong matapos para makita ko na si Dave! May practice kasi kami mamayang hapon. OMG kinikilig na ako!

 

"Nagawan ko na ng tono. Madali lang naman."

"Anong chords mga ginamit mo?"

"D, A, Em tsaka G."

"TALAGA?! YES!"

 

Napatalon pa talaga ako nun! Grabe! Hahaha! Ang swerte ko naman! Sumakto pa doon sa apat na chords na alam ko!

 

"Para kang baliw." napatigil naman ako sa pagsuntok-suntok sa hangin nung sinabi niya yun. Panira talaga 'to ng momentum eh. Kitang nagdidiwang pa ako!

"Baka ikaw! Game na! Para matapos na 'to!" umupo ako sa tabi niya para makita ko yung lyrics na ginawa ko. Brrrr. Pagkabasa ko palang nung unang line, kinilabutan na ako. Bangag ata ako nung tinype ko 'to. Kung anu-ano lang yung pumasok sa isip ko.

"Pano na pala ang tono nito? Game na, kantahin mo na." sabi ko sa kanya. Tagal niya kasi eh! Pasuspense pa masyado!

"Fine. Excited ka lang marinig boses ko eh." sabay smirk niya sa akin. Hah! As if naman! Kapal talaga ng apog ng lalaking 'to eh!

"Haha very funny, MASTER." with sarcasm overload. Psh. Tagal-tagal kasi!

"That's my slave." tapos pinat niya yung ulo ko. So, ginawa niya na talaga akong aso? Hayup na 'to!

 

After nun, nagstrum na siya at may plucking ba yun? Basta kung anu-anongpinaggagawa niya. Akala ko nga kakantahin niya yung mismong lyrics, pero nag-hum lang siya. Sinabayan ko naman siya sa utak ko pero nilapat ko na rin yung lyrics. Then after nun, huminto rin agad siya.

 

"Oh ganun lang yun. Game. Di ba ikaw unang kakanta nung first verse?"

"Okay fine. Sabihin mo nalang pag may mali ako."

"Of course. Di dapat tinotolerate ang pagkakamali ng isang slave." tinignan ko ulit siya ng masama. Parang sira lang. Slave ng slave.

 

Nagsimula naman na siyang magstrum ulit, habang ako, nagpeprepare sa lyrics na sasabihin ko. Nung tapos na yung instrumental ng intro part, huminga muna ako ng malalim, then kinanta ko na yung first verse.

 

"You're the kind of person that I hate
You're so arrogant, selfish and depraved
You always tell me things that make me mad
There are no days that you made me glad"

 

Napatingin naman agad ako sa kanya. Chineck ko kung tinatawanan niya na ba ako o baka mamamatay na siya kakapigil ng tawa. Instead, nagulat ako nung nakatingin lang rin siya sa akin.

 

"But I can't find myself leaving you
Do you feel this way too?"

 

Napatingin nalang ulit ako sa screen ng laptop niya. Nakakadistract kasi itsura niya! Mukha siyang ewan! Unknown particle! >_<

Nung chorus na, nagpanic ako kasi hindi ko na alam yung tono. Di niya naman tinuloy hanggang dito eh!

 

"Even though you are not a perfect guy"

 

Hihinto na sana ako sa pagkanta pero bigla siyang sumabay.


"I want to be with you all the time"

 

Tapos yung sa 3rd line ng chorus, di ulit siya kumanta. Siguro dahil na rin doon sa lyrics.


"Even though you don't see me as a girl"

 

Pffft. Ewan ko, bigla akong napangiti. Kasi I see her as a girl. Hahaha! Gay! Bakla! Patrick panget na bakla!


"I will stay in love with you"

 

Tapos ayun, sumabay ulit siya sa last line. After that, huminto na siya sa paggigitara. At ayan na naman yung mukha niyang parang ewan, na nakakabanas.

 

"Nice. You have a good voice." compliment ba yun? Bat parang insult ang dating pag siya ang nagsasabi?

"Ako pa!" pagmamayabang ko naman. Aba syempre, performer ata ang mommy ko nung college siya no. Mana-mana lang yan!

"Yabang." sus akala mo siya, hindi.

"Mas mayabang ka--" bigla naman siyang tumingin ng masama sa akin. "--MASTER." bakit ba pag natatakot ako sa kanya, nagiging masunurin ako?

"Syempre. Sabi mo nga di ba?..."

 

 

Huh? Anong sinabi ko? Ano na naman bang pinagsasabi niya?

 

 

"... like master, like slave."