.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Hindi lang sa ambiance ng bahay niya ako kinilabutan, maging sa kanya kinikilabutan na rin ako. Like master, like slave? Eeew. Hindi ako bakla at lalong hindi ako masungit. Ang friendly ko kaya! Sa kanya lang naman ako nagkakaganito kasi nakakapang-init talaga siya ng dugo, no.

 

"Ngayon na ba natin 'to irerecord? O practice lang talaga ngayon?" tanong ko nalang sa kanya.

"Ewan ko. Ano bang gusto mo?" Gusto ko nang umalis para makasama ko na si Dave! Yun ang gusto ko! Huhuhu, ang landi ko na naman.

"Sa susunod nalang tayo mag-record. Di ko pa masyadong kabisado yung tono eh. Tsaka tanghali na rin." 12:30 na kasi eh. Magmemeet pa kami ni Dave ng 1 PM!

"Fine. Sige na, umalis ka na sa pamamahay ko." sabi niya saka siya sumandal sa sofa na inuupuan niya at pinikit nya yung mata niya.

 

Kita mo 'tong lalaking 'to. Wala talagang bakas ng pagiging gentleman. "Umalis ka na sa pamamahay ko?", yan na ba ang usong goodbye ngayon? Psh. Pasalamat siya at excited akong makita si Dave!

 

"Fine rin, baboo!" saka ako nagwalk-out sa sala nila.

 

Habang naglalakad ako eh naiimagine ko na yung gwapong mukha ni Dave. Shet. Kinikilig ako. Anubaaaa. Tapos kaming dalawa lang mamaya. Oh my gosh, tae anong gagawin ko mamaya? Rerape-in ko na ba siya? Haha de joke lang! Di ako mahalay!

 

"Para kang baliw."

"Ay bakulaw kang rapist!!"

 

Kamuntikan na akong malaglag doon sa hagdan sa may pintuan ng bahay nya. Bwisit na Patrick 'to! Biglang nagsalita! Nasa likod ko pala! Phew! Akala ko katapusan na ng buhay ko kanina. Buti nalang napahawak ako sa kurtina!

 

Wait.. kurtina? Sa pinto..

 

"Tsk."

 

Napanganga nalang ako. Akala ko sa kurtina ako napahawak. Sa damit niya pala. Syempre, tinanggal ko kaagad yung pagkakahawak ko dahil baka mahawa ako ng mga germs niya.

 

"You ruined my shirt." pagtingin ko, sobrang luwag na ng shirt niya. Sa bandang leeg ko kasi nahawakan. Kaya nagmukha na tuloy V-neck. Pffft. Bagay naman sa kanya eh, para siyang gaylaloo. Hahaha!

"Kasalanan ko ba? Ikaw nga 'tong nanggugulat eh!"

"Hindi kita ginulat, sinabi ko lang yung totoo. Para ka talagang baliw." inirapan ko nalang siya at bumaba ng hagdan. Pero pagtingin ko, sumusunod lang siya sa akin.

"May gusto ka ba sa akin? Bakit ka ba sumusunod?!" nasabi ko nalang bigla. Eh kasi naman, parang aso! Sunod ng sunod!

"Naka-drugs ka ba?" sabi niya with nakakunot pa na noo. Ako pa ang tinanong? Eh siya nga 'tong mukhang nakahithit eh! Baliw!

 

Sinukuan ko nalang siya at naglakad nalang palabas ng bahay niya. Pero naalala ko, hindi ko pala alam kung paano lumabas dito sa village nila. Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa likod.

 

"Pano lumabas dito?" tanong ko sa kanya habang siya ay nagsusuot ng rubber shoes.

"Eh di gamitin mo yung gate." haha nakakataawa.

"I mean, sa village."

"Sumakay ka ng sasakyan o kaya maglakad ka." sabay tayo niya at lakad. Tapos nilagpasan lang ako.

 

Gosh. Hindi ko talaga kinakaya ang unknown particle na 'to! Pag kausap ko siya, feeling ko anytime eh sasabog ang utak ko!

Wala akong nagawa kundi habulin siya. Pero pagtingin ko, nakasakay na siya sa kotse niya. Ako naman ay nag-ala Flash para sumakay doon sa car niya bago umadar yun. Pagpasok ko sa loob, nakapoker-face lang ako.

 

"Pasabay nalang sa paglabas ng village." sabi ko sa kanya habang nakatingin siya sa rear mirror.

"Ano ako, driver mo?" Well, bagay naman sa kanyang maging driver. Why not?

 

Nginitian ko siya with ubod ng kaplastikan na smile.

 

"Sige na Master. Di ba mabait ka?" saka smile ulit. Pwe. Kelan pa siya naging mabait? Kinikilabutan ako sa pinagsasabi ko!

"No, I'm not. Kaya dito ka sa unahan. I am not your driver."

 

Syempre dahil nga natatakot ako sa mala-Hulk niyang itsura kapag nagseseryoso, eh lumipat ako sa unahan. Sus. If I know eh gusto niya lang akong makatabi. May gusto ata talaga 'to sa akin eh! Hahaha! Ang ganda ko talaga!

 

After that, pinaandar na niya yung car niya. At saka ko naalala na mahal ko pa pala ang buhay ko. Shocks! Kaskasero nga pala siya, bakit di ko naalala! Huwaaaa!

 

Imbes na 5 minutes ang byahe palabas sa village nila, naging 2 minutes lang sa kanya. Feeling ko nagflash lahat ng good memories sa akin nung mga panahong yun. Akala ko kasi mamamatay na ako anytime. Phew.

 

"Baba." sabi niya sa akin habang ako eh kinapa pa yung katawang-lupa ko kung okay pa. Mukhang buo pa naman ako kaya bumaba agad ako. Ayoko nang sumakay sa kotseng yan!

 

Pagkalabas ko, sinarado ko kaagad yung pinto at pinaandar niya agad yung kotse niya. At sa akin niya pa talaga tinapat yung tambutso kaya halos nainhale ko yung lahat ng usok galing sa kotse niya.

 

"MABANGGA KA SANANG ULTRA GAY KA! ANG PANGET MO! HAYUP KA!"

 

Ugh! Nakakainis! Ni hindi man lang ako nakaganti sa lahat ng kalapastanganang ginawa niya! Bwisit! Bwisit!

Imbes na sumabog ako dun, nagpara nalang ako ng taxi at pumunta sa place na sinabi ni Dave sa text. Wala pa sigurong 30 minutes ay nakarating na ako. Pagtingin ko, nandun na siya at nakasandal lang siya sa wall. Nasa labas kasi siya ng gate doon sa may condo. Ang gwapo niya talaga!

 

Lumapit ako agad sa kanya. Nakita naman niya ako agad at kumaway pa siya. Oh my gosh, Jess wag ka mahimatay!

 

"He.. hello!" bati ko kaagad sa kanya.

"Hello Jess. Haha. Ano tara na? Dun tayo sa court sa harap ng condo." tapos hinawakan niya yung isang braso ko habang ako eh nagpipigil ng feels at kilig dito. Takte, kinikilig na talaga ako!

 

Pumunta kami doon sa court na sinasabi niya. At in fairness, walang tao. Buti naman. Nakakahiya magpractice kapag maraming nakatingin sa'yo no.

Nagpractice kami agad kasi daw may pupuntahan daw siya mamayang 3. Hayy. Sana hindi babae. Pero ayun nga, medyo lagi akong nagkakamali kasi kinikilig nga ako! May skinship kasi kami dito at nadidistract ako kapag hinahawakan niya ako. Ang landi ko lang talaga. Hahaha.

 

Buong 2 hours ay nagpractice lang kami. Feeling ko nga ang galing-galing ko na sumayaw dahil sa kanya eh. Nakakadala yung moves niya. Tsaka inaalalayan niya talaga ako bawat step. Kapag di ko siya nasasabayan, chinecheer niya pa ako. Ngingiti siya tapos kapag nakuha ko na, nakikipag-appear siya sa akin. Sinong hindi maiinlove sa ganyan di ba?

 

"Wow, natapos natin. And you're really great, Jess. Ang galing mo pala talagang sumayaw." tapos hinawakan niya yung dalawang balikat ko na dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.

"Ah..haha.. a..ang galing mo kasing instructor." totoo naman eh. Super pogi pa!

"Magaling ka kasing estudyante. Maganda pa." tapos ngumiti ulit siya.

 

ANAK NG GULAY! Wag na wag nyong sasabihin na nanaginip ako! Sinabihan niya ako ng magaling at maganda! Takte! Ang puso ko! Whoooh! Teka di ko mapigilan yung kilig ko! Baka mahalata niya! Sheeeet naman na lalaki 'to, lakas magpakilig!

 

"Pero alam mo, akala ko talaga dati, masungit at mataray ka. Ganun kasi ang impression ko sa princess at prince dito. Pero hindi pala." masungit? Mataray? Hindi ako ganyan!

"Ay naku hindi no. Si Steff hindi rin naman masungit at mataray. Siguro yun lang talaga ang tingin ng ibang estudyante. I mean, kasi di ba, parang may special treatment sa amin dito, though wala naman talaga."

"But I'm really glad that you're not like what I imagine you to be. Simple ka lang rin pala. And I like that aspect of you."

 

Dahil sa sinabi niyang yun, hindi na ako nakapagpigil. Sobrang lawak ng pagngiti ko na feeling ko eh mukha na akong tanga. Kasi naman eh! Narinig ko yung salitang "like" at di ko na naintindihan yung iba. Parang automatic na nagdiwang ang buong pagkatao ko nung narinig ko yun.

 

"Oh, sige pala Jess, may pupuntahan pa ako eh. Pero ihahatid na rin kita sa inyo at--"

"Ahh! W..wag na. Ano.. haha.. m..may pupuntahan rin kasi ako eh. S..s...sige, bye!"

 

Saka ako tumakbo palabas doon. Feeling ko eh anytime, tutumba na ako. SHET. Tanga tanga mo Jess! Ihahatid ka na nga, tinanggihan mo pa! Bobo! Huhuhu! Eh kasi naman eh! Masyado akong na-shock sa sinabi niya at di na ako nakapag-isip ng matino. Ako? Ang magandang ako? Ihahatid ng gwapong si Dave? Hindi kinaya ng utak ko kaya di na ako nag-isip ng isasagot ko.

 

HUHUHU. Ambobo lang talaga! Sayang yung moments!

 

Nadepress na tuloy ako. Para akong baliw na naglalakad sa gilid habang pinipitas ko yung mga dahon sa gilid. Kainis naman kasi eh. Dave..

 

*peep peep*

 

Sana nagpahatid nalang ako. Eh di sana mas matagal pa kaming magkasama.

 

*peep peep*

 

Kung um-oo ako, eh di sana kinikilig pa rin ako ngayon at hindi naninira ng mga halaman.

 

*peep peep*

 

Sana kasama ko pa rin siya ngayon--

 

"Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan lang?"

 

Kung nagpahatid ako eh di sana hindi ako kinakausap ng Patrick na 'to. Nakakainis talaga. Eh di sana.. sana.. huh? Wait.. Teka lang.. b..bakit..

 

"Bakit ka nandito?" sabay turo ko pa sa pagmumukha niya.

"Susunduin ko yung maliit kong slave. Sakay. May gagawin tayo." saka nya ako tinulak papasok sa kotse niya. Huh? Teka.. ano bang nangyayari?!

 

 

Sabi ko sana si Dave yung maghatid sa akin pauwi! Bakit may epal na Patrick na sumundo sa akin? Anyare, world?