.

.

Chapter 19

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Yung totoo? BAkit feeling ko may tumubong balat sa pwet ko? O baka naman dahil lagi akong nakakakita ng itim na pusa? Pero bakit? Bakit ang malas ko? Bakit may kasama akong malas?

"Hoy, isara mo nga yan." di ko siya pinansin. Nasisira lang ang araw ko.

"Tsk. Isara sabi eh." Lalalala wala akong naririnig~ kasi maganda ako lalalala~

"Ayaw mo ha?"

 

Napasigaw ako na parang walang bukas nung bigla siyang nagpreno at halos lumabas talaga yung kaluluwa ko. Ano bang problema ng taong 'to?!

 

"Ano bang problema mo?!"

"Sabi ko, isara mo yang bintana ng kotse. Nakadungaw ka pa dyan."

"Ano naman?!" yun na nga lang ang magagawa ko dito sa kotse niya, pipigilan pa ako! Alangan namang sa kanya ako humarap, di ba? Eeew, kadiri.

"Pag nahagip yang ulo mo dyan, wala na akong kasalanan. Itatapon ko na lang yang katawan mo at pugot mong ulo sa ilog pag nagkataon." sabi niya ng seryoso saka niya pinaandar ulit yung sasakyan. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Pesteng 'to, inimagine ko tuloy ang sarili ko na walang ulo! Huhu natakot ako bigla!

 

Lumayo ako sa bintana at sinarado na lang yun, tapos hinigpitan ko lalo yung seatbelt ko.

 

"Susunod rin pala." napatingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang kanyang di-kaaya-ayang smirk. Nakakainis!

 

Tumahimik na lang ako buong byahe at nireminisce na lang ang pinaggagawa namin ni Dave kanina. Yung moment na tinuturuan niya akong sumayaw, inaalalayan niya ako, nangngingitian kami, at higit sa lahat, nung sinabi niya ang salitang "LIKE" sa akin kahit di ko na narinig yung kadugtong! OMG kinikilig ako! Kainis na Dave 'to! Hahaha ang lakas ng tama ko sa'yo!

 

"Baba."

 

Para namang nabasag lahat ng good memories ko kanina nung may narinig akong nagsalita. Pagtingin ko, bukas na pala yung pintuan sa side ko at nakatayo doon si unknown gay particle.

 

"H..huh?"

"Para kasing baliw."

 

Dahil wala pa ako sa wisyo at si Dave pa rin ang laman ng utak ko, hindi ko namalayan na nandito na ata kami sa pupuntahan DAW namin. Talaga? Huminto pala yung sasakyan? Bumaba pala siya? Shocks. Masyadong napalalim ang imagination ko sa amin ni Dave kanina!

 

"Tsk. Ang tagal." nagulat ako nung bigla siyang pumasok sa may side ko at lumapit sa akin.

"HOY! LAY--" at bigla siyang humarap sa pagmumukha ko kaya napatikom ako ng bibig. OMG! Anong gagawin niya sa akin?!

"1st rule? Wag maingay." tapos bigla na lang lumuwag yung pakiramdam ko. Yun pala, tinanggal niya yung seatbelt ko. Whew! Bumaba naman agad ako at saka ko napansin na dito pala siya nagpark sa likod ng Admin Office. Nasa Kingdom University pala kami?!

"Teka, anong ginagawa natin dito?"

"Sumunod ka na lang."

 

Wala akong nagawa (at hindi ko alam kung bakit), kundi sumunod nga. Tapos nag-end up kami sa greenfield kung saan sila nagkakilala ni Steff. Pffft. Di makapagmove on? Ang sarap niya sanang asarin kaso kasi baka kung anong magawa niya sa akin at mangyari bigla ang itapon-ang-bangkay-ko-sa-ilog-operation niya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

 

"Kasali raw tayo sa febfair. Narinig ko kanina yung usapan ng profs." Ay, chismosang baklang 'to!

"Wait, tayo? As in TAYONG DALAWA?" sabay turo ko sa sarili ko at sa kanya with matching kunot ng noo.

"I mean, campus princes and princesses."

"Oohh. Linawin mo kasi!"

 

Bigla naman siyang umupo sa damuhan. Anong drama na naman ba 'to?

 

"Hindi pa ata inaannounce ni Ma'am music na kasali tayo. Ibig sabihin, hindi pa alam ni Steff at.. urrgh.." muntik na akong matawa sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"At ni Darryl?"

"Oo."

 

HAHAHAHA! Nakakatawa! Di niya masabi yung name ni Darryl! Bitter! King of Bitters! Hahaha!

 

"Bakit ano bang meron?" super pigil pa rin ako sa sarili ko para di matawa. Buti na lang at effective ang poker face ko.

"Gusto kong magkaayos sila. I want her to be happy."

 

Kung kanina gusto kong sumabog sa tawa, ngayon parang nalunok ko ata. For the first time, naging iba ang tingin ko sa kanya. Magpaparaya siya?

 

"Ibig sabihin, sumusuko ka na sa kanya?"

"Matagal na akong sumuko. Ayokong pahirapan siya. Kung mahal niya naman talaga yung ungas na yun, wala akong magagawa."

 

Nag-slow clap ako sa kanya. Grabe, for the first time talaga, may meaning yung sinabi niya! Hindi joke, hindi pang-aasar, at may hugot! Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya (ipaalala nyo sa akin na mag-alcohol mamaya).

 

"For the first time, may nasabi kang maganda."

 

Sinabi niya naman sa akin yung plano niya. Isuggest raw namin kay ma'am na hatiin kami sa dalawang grupo. Syempre dapat hindi magkagroup si Darryl at Steff. Sabi niya nga, kagroup daw dapat namin si Steff pero hinindian ko. Like duh? Kaya akong basahin ni Steff at feeling ko malalaman niya agad na may pinaplano kami kapag napansin niya mga galaw ko. Huhu! Sabi kasi nila Alice, halata daw ako masyado pag may binabalak na masama o mabuti. Tsaka if I know, gusto lang makasama ng Patrick na 'to si Steff eh! Mga modus nito!

 

"So he'll be in our group?" sabi niya pa with matching pandidiri nung sinabi kong si Darryl nalang ang kagroup namin.

"Oo nga! Tsaka ayaw mo nun? May bonding time kayo? Hahaha!" saka ako lumayo sa kanya ng super layo kasi baka bigla akong paslangin. At tama nga ako! Sinamaan niya ako bigla ng tingin! Whoo! Safe! Buti 10 meters apart kami!

 

Bago pa man niya ako masabihan ng kung ano, tumakbo na ako papunta sa room ni ma'am music. Buti talaga at nandito siya sa university kahit sabado.

 

Sinabi namin ni Patrick the Bitter (oo may bago na naman akong nickname sa kanya) yung mga plano namin. Aba at etong si ma'am , biglang kinilig!

 

"Wow Mr. Reyes. Napakabait mo naman. Ang mga kabataan talaga ngayon, oh. Di bale, makakahanap ka rin ng girl for you." saka niya nginitian si Patrick.

"At ikaw rin Ms. Morales, napakabait mo namang kaibigan. Don't worry darating rin ang right guy for you." At kailan pa naging love guru si ma'am?! Na-stress ako dun ha!

"Ah ma'am, meron na po. Hahaha!" tsaka ako tumawa at kinilig ng konti sa harapan niya. Aba, ang swerte ko kaya kay Dave!

"Sino? Etong si Mr. Reyes ba? Aba, mukhang bagay nga kayo, ano?"

"Ay eto po?" tapos tinuro ko yung pagmumukha ni Patrick the Bitter. "Ay hindi po! No way! Never! Di ba? Di ba?" saka ko tinignan si Patrick at binigyan ko ng suportahan-mo-ako-o-mamamatay-ka-look.

"No ma'am. Alipin ko yan." sabay smirk niya sa akin. Aba naman! Ang kapal talaga! Ipinasok na naman niya ang alipin-alipin issue niya dito!

"Ang cute niyo namang dalawa. Hahaha. Oh sige na, marami pa akong gagawin para sa feb fair."

 

Dahil pinapaalis na kami ni ma'am, eh di lumayas na kami sa room niya. Pagkalabas na pagkalabas namin, sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

 

"Alipin alipin ka dyan?!"

"Totoo naman di ba? Sa akin nakasalalay ang buhay mo dito sa university na 'to. Kapag gusto kong ma-expel ka, isang salita ko lang, maeexpel ka dahil sa ginawa mo dati." napanganga na lang ako. Porque ganun, alipin na agad?! Blackmailing yun eh! Parang baliw lang 'tong hinayupak na 'to!

"Ano naman?! Andami-daming school dyan eh!"

"Eh di hindi mo na makikita yung.. sino nga yun? Ahh. Yung gusto mo?"

 

Bigla akong kinilabutan. OMG. Oo nga. Pano na si Dave? Pano na sila Steff? No! Napamahal na rin ako sa university na 'to no! Ayoko namang maexpel ako agad-agad!

 

Nung mukhang kuntento na siya sa expression sa mukha ko, naglakad na siya ulit papunta sa car niya. Syempre, sumunod naman agad ako. Sa kanya nga RAW kasi nakasalalay ang buhay ko sa university na 'to. Huhu kasi naman eh! bakit ko ba kasi siya sinuntok dati?! Lecheng phone murderer issue na yun!

 

"Pahatid ako sa amin." sabi ko na lang sa kanya. Eh sa wala akong pera eh. Siya naman kasi nagtangay sa akin agad-agad mula sa bahay eh!

"Hindi mo ako driver." utang na loob! Wag mong sabihing, hindi niya ako ihahatid?! Hoy wala akong pamasahe! At di ko rin dala yung phone ko!

 

Napabuntung-hininga na lang ako. Kahit labag sa kalooban ko, ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya.

 

"Di ba master kita? Mabait ka di ba? Sige na!"

"Okay. Sabi mo eh.. pfft."

 

 

AAAHHH!! NAKAKAINIS! Pinipigilan niyang tumawa! Leche talaga! Ang dangal ko! Huhuhu! Bwisit! Bwisit to the nth level! Humanda kang unknown particle na gay na bitter na phone murderer na blackmailer ka! Humanda ka sa susunod!

 

Bago pa mawala nang tuluyan ang dangal ko, sumandal na lang ako sa bintana at pinaandar na niya yung sasakyan.

 

***

 

Ang alog naman. Bakit parang up and down ang motion ng mundo? May earthquake ba?

 

Napadilat ako bigla kahit inaantok pa ako. I mean, super inaantok pala. Madilim na. Gabi na pala.

 

"'Asan na?" sobrang wala akong energy magsalita. Naubos ata lahat sa dami ng pinaggagawa ko kanina. "Huh? Bakit.." teka.. bakit wala yung kotse? Bakit..

"Naubusan ng gas yung kotse."

 

Aahhh. Kaya pala naka-piggy back ride ako ngayon sa kanya.

 

 

 

"HUH?! HOY! TEKA! ANONG GINAGAWA MO?!" para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung narealize ko na karga niya ako ngayon sa likuran niya. TAe, anong nangyayari?!

"Kanina pa kita ginigising, ayaw mong magising. Edi binuhat kita. Ano, okay na?" anong okay na?! Anong klaseng sagot yan?!

"Eh bakit mo pa ako binuhat?! Sana iniwan mo na lang ako dyan sa tabi o kaya tinawagan mo nalang si mom--"

"You are my responsibility. Kinuha kita sa inyo kaya ihahatid kita hanggang sa inyo. Ayokong mag-alala pa ang pamilya mo kapag mag-isa ka lang umuwi."

 

Pagkasabi niya nun, napatingin na lang ako sa langit.

 

Lord, si Patrick, as in yung Patrick na masungit, antukin, walang kwenta at bwisit ang kasama ko ngayon? Bakit parang sinapian siya ng kung anong espiritung gentleman?