.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Siraulo ka!"

"Bakit ba?! Eh nakakainis eh!"

"Kahit na! bakit mo sinuntok?! Adik ka ba Jess?! Anong hinithit mo kanina ha?"

"Eh ano naman?! At least hindi ako nauntog habang nakatingin si Kevi--"

"SHUT UP GIRLS!! PWEDE?!"

 

Napatigil kami ni Alice sa pagbabangayan namin nung sumigaw si Steff. Si Yna naman eh tahimik lang at kinakabahan habang nakatingin sa aming tatlo.

 

"Okay na? So, ano ba talagang nangyari? Yna?" tumingin si Steff kay Yna para ipakwento yung nangyari. Kinukwento ko kasi sa kanila pero ayaw nila akong pakinggan dahil daw baka may dagdag sa story ko! Grabe 'tong mga babaeng 'to! Ayaw ako paniwalaan!

"Eh.. eh kasi.. papunta na dapat kami sa canteen.. Then Jess bumped into Patrick.." tapos tumingin si Yna sa akin pero umiwas rin agad. "and he's.. he's.."

"Umiiyak siya!" sabi ko dahil ayaw pang ituloy ni Yna. Psh. Ano naman kung umiiyak siya?! Siya pa rin may kasalanan kung bakit nasira yung phone ko! Bwisit talaga!!

"Then.. tumuloy na kami sa paglalakad sa canteen but.. Jess said her phone's missing.. so we went back.. but--"

"PERO YUNG WALANG HIYANG PATRICK NGA NA YUN EH INAPAKAN YUNG PHONE KO! YUN NGA KASI YUNG NANGYARI! TAPOS SINUNTOK KO SIYA SA MUKHA! KAYA WAG NIYO AKONG PIPIGILAN DAHIL SASAKTAN KO TALAGA YUNG PATRICK NA YUN NGAYON DIN!!"

 

Tumayo ako para sumugod kung nasaan mang lupalop ng university yung bwisit na yun, pero sabay-sabay silang humawak sa damit, paa at kamay ko.

 

"Huminahon ka nga Jess! Para kang sinasaniban ng espiritu ng nawasak mong cellphone!" sabi sa akin ni Alice. Hinila naman nila ako para mapaupo ulit.

"Ano ka ba Jess! Dapat di mo sinuntok si Pat. Pwede kang--"

"Steff?! Bakit ba kinakampihan mo pa yung Patrick na yun?! Siya ba bestfriend mo?! Siya ba?!"

"Hindi ko siya kinakampihan pero--"

"Oh eh tama lang na sinuntok ko siy--- hmmmm!!"

 

Nagulat naman ako nung bigla akong tinalian ni Alice at Yna ng panyo sa bibig! Grabe di ako makahinga dahil hawak-hawak ni Yna yung kamay ko tapos si Alice eh tinatali yung panyo sa bibig ko. Isa pa 'tong si Steff! Nakihawak na rin sa kamay ko! Para tuloy akong ginagahasa dito! Leche 'tong mga to!

 

"Ayan! Wag ka nga munang maingay Jess! Kalma lang! Phew! Grabe ang wild mo!" sabi ni Alice sabay iling sa akin.

"Hmmmm. hmmm-- HMMM!!" leche! Di ako makapagsalita! Kainis na panyo 'to!! Tapos hawak rin nila yung kamay ko!

"Jess, hindi ko kinakampihan si Pat pero kasi baka mapahamak ka sa ginawa mo!" sabi naman ni Steff habang hawak hawak niya pa rin yung kamay ko. Psh. Ano namang ikakapahamak ko sa pagsuntok sa bwisit na lalaking yun?!

 

Bigla namang tumunog yung relo ni Yna, which means 1 PM na. At tinanggal nila yung pagkakahawak sa akin dahil pare-pareho kaming may klase sa Math building. Magkakaklase kasi kami sa Math55. Tinanggal ko naman yung pagkakatali nung panyo sa bibig ko. Whoooh! Ang sakit sa pisngi! Lagot sa akin si Alice mamaya!

 

Tumakbo kami papunta sa Math building. Late na kasi kami. Para kaming mga kabayo pero okay lang, konti lang naman ang tao sa paligid dahil class hours pag 1 PM. Pagdating namin sa room, eh andoon na yung prof namin.

 

Nag-excuse nalang kami at umupo sa kanya-kanyang upuan. Pero nga dahil college 'to, eh walang permanent seat sa klase. At bwisit lang yung Diane na yun! Inunahan ako sa tabi ni Steff! Ayan tuloy wala akong maupuan na malapit sa kanilang tatlo!

 

"Ms. Morales, please sit down."

"Yes sir." naghanap ako ng vacant seat at halos mandilim na naman yung paningin ko nung nakita ko yung pagmumukha ng phone murderer ko.

"Ms. Morales!"

 

Napaupo agad ako sa may likod. Hindi ko alam kung paano ko itetake ang klaseng ito na may katabi akong nakakainis na nilalang.

Pero ewan ko lang ha, natetempt akong tumawa dahil may black eye siya sa bandang right eye. Pffft. Worth it rin pala yung pagsuntok ko, bull's eye. 

 

Pag-upo ko eh bigla siyang nagparinig.

 

"You'll pay for this." sabi niya pero nakatingin pa rin siya sa prof namin.

"It's worth it. Phone murderer." sabi ko rin at nilagyan ko pa ng emphasis yung phone murderer. Tss! Nakatingin lang rin ako sa prof namin nung sinabi ko yun.

"Let's see."

"Oh, I thought you can't see?" tsaka ko tinuro yung sarili kong kanang mata para asarin siya. At panalo ako! Hahaha! Nakita ko kasing kumunot yung noo niya at gumalaw-galaw yung panga niya na parang nagngingitngit. Lumayo naman ako ng kaunti at baka bigla niya akong suntukin.

 

Nagpatuloy lang ang klase at di namin pinapansin ang isa't isa. Pero biglang napahinto sa pagsasalita si sir tungkol sa L'Hopital's Rule nung may babaeng nagknock sa pinto. Nag-usap sila ni sir tapos umalis yung babae at humarap ulit si sir sa amin.

 

"Mr. Reyes and Mr. Morales, pumunta daw kayo sa admin. Now."

 

Nagulat naman ako nung sinabi yun. Ako? At itong damuhong 'to? Anong kalokohan na naman 'to?! Napatingin rin ako kay Alice, Yna at Steff at para silang mga namatayan. Okay, mukha ba akong namatay?!

 

"Huh. Sa wakas." narinig kong sabi ng katabi ko na tumayo at lumakad palabas ng room.

"Ms. Morales? Sige na." wala naman akong nagawa kundi lumabas at pumunta sa admin building. Siguro ten meters apart ang layo ko kay Patrick dahil nauuna siyang maglakad. Nakasuksok yung dalawang kamay niya sa pantalon niya at pa-cool pa siya maglakad. Tss. If I know, eh pasikat lang yan sa mga babae. At eto namang mga babaeng madadaanan niya eh nagpapacute! Ugh! Kadiri!!

 

After five minutes ng paglalakad eh nakarating na rin kami sa building. Sinundan ko lang siya dahil mukhang alam naman niya kung saan pupunta. Pero kinabahan ako nung pumasok siya sa room ng Disciplinary Office.

 

*Gulp*

 

Kumatok ako tapos pumasok rin agad. Nakita ko siya na nakaupo doon sa may couch kaharap ng isang babae. Yun ata yung babaeng kumausap kay sir kanina.

 

"Ms. Morales? Sit." then tinuro niya yung couch sa tabi ni Patrick. Kahit against my own will eh umupo na rin ako. Then umupo rin siya ng maayos para kaharap niya kaming dalawa.

"So, maraming students ang pumunta dito para ireklamo ka, Ms. Morales." nagulat naman ako doon at halos lumabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok nun.

"P..po?" tinignan ko si Patrick at parang bored lang siya dahil nilalaru-laro niya lang yung ballpen niya.

"Maraming witness, na sinuntok mo daw si Mr. Reyes within the campus vicinity. And mukhang totoo naman yung sinasabi nila." sabay tingin niya kay Patrick at doon sa black eye niya.

"Pero po--"

"According to our university policy, no violence must be observe within the campus. And clearly, you violated it, Ms. Morales."

 

Parang nawala yung vocal chords ko nung sinabi yun nung babae. Namumuo na rin yung luha sa mga mata ko. Now I am in trouble. What will I do?

 

"Ms. Morales, you know that you can be expelled by violating the university rules. To think na campus princess ka pa."

 

Napayuko nalang ako. Naiiyak na talaga ako. Gusto ko sanang sumagot kasi nakakapanghina talaga eh. At isa pa, wala naman akong pakialam kung campus princess ako! Pero ayoko namang ma-expel! Lalo lang akong lagot kay daddy kapag nalaman niya 'to. Nakakainis naman eh!

 

"So your expulsion might---" napaangat ako ng ulo nung narinig ko yung salitang "expulsion", at naramdaman kong tuluy-tuloy na ring tumulo yung luha ko. Ngayon lang ako nadepress ng ganito sa tanang buhay ko. 

"Cut it." napatingin ako kay Patrick nung bigla siyang nagsalita. Tuluy-tuloy pa rin yung pag-iyak ko pero pinipigilan kong maging maingay yun.

"Yes Mr. Reyes?" sabi nung babae na parang nairita nung pinigilan siya sa page-expel sa akin. Well, I dont know kung ieexpel nga ako agad-agad pero ganun pa rin yun. Maeexpel ako at walang mababago doon.

"Pwede bang wala ng expulsion?"

 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Walang expulsion? Pero...

 

"Mr. Reyes, you--" pinutol niya ulit yung pagsasalita nung babae. Minsan talaga, may pagkabastos 'tong lalaking 'to eh.

"You see, hindi naman ako nagreklamo right? According to the university rule, you can only expel the student if nagreklamo ako. Am I correct?" tumayo siya bigla at tinago yung ballpen na nilalaro niya sa bulsa ng pants niya.

"Yes. But.."

"I am sorry Mrs. Miranda, but I won't allow you to expel this girl." then bigla niyang hinawakan yung wrist ko. 

 

"And besides..." tumingin siya sa akin. Parang may something sa tingin na yun at kinabahan na naman ako. He smirked at me at di ko alam kung dahil ba yun sa mukha akong yagit na bata dahil sa pag-iyak ko.

 

"I have my own ways to punish her." tapos hinatak niya ako palabas ng Disciplinary Office.