.

.

Chapter 20

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Alice: Ang landi nyo! Hahahaha! Shemay Jess kinikilig ako! Jusko naghahyperventilate na ako dito oh! Teka lang! Waaaaahhh kinikilig ako!

Jess: Umayos ka nga! Kadiri!

 

Nakakainis ka-chat 'tong si Alice! Kung anu-anong pinagsasabi! Tss. Dapat ata di ko na sinabi sa kanya eh. Di ko tuloy makausap nang maayos.

 

Alice: Tange! Kinikilig nga kasi ako! Imagine? Piggy back ride hanggang bahay niyo? Eeeeehhh ayan na naman kinikilig na naman ako! Waaaaaiiiiit! Ang feels ko!

Jess: Sige isa pa, sasabihin ko kay Kevin na mahal ko siya. (gusto nya kasi wala syang kaagaw kay Kevin nya)

Alice: Sige subukan mo, sasabihin ko kay Patrick, mahal mo siya.

Jess: YAK! YAK!

Alice: Kilig! Kilig!

 

Nag-offline muna ako saglit dahil hindi ko makausap ng maayos. Lecheng babae yun! Bakit kasi hindi online si Yna at Steff? Mas matino pa sila kausap eh! Napakabaliw ni Alice. Psh. Pero di ko rin naman pwedeng sabihin kay Steff yung plano kasi nga secret, di ba?

 

Nag-ayos na lang ako ng gamit tapos ginawa ko na rin yung mga assignments ko. Inaral ko rin ulit yung kanta namin ng Patrick nay un. At least, medyo kabisado ko na yung tono. After that, nagcomputer na ulit ako. At hindi ko alam kung anong problema ng utak ko pero napasilip ako sa underground website. Nasa number one spot pa rin yung ginawang scene nina Darryl at Steff sa garden kung saan inamin nila na hindi naman talaga sila. Leche kasi yung Andrea nay un eh! Kung hindi dahil sa kanya, hindi naman magkakaganito lahat! Dahil feeling ko ay mababato ko yung laptop kapag di ko tinigilan ang pagbabasa doon sa article, iniscroll down ko na lang agad at binasa ko yung number two. Yung article ay about kay Tricia at Patrick. Kumalat na rin palang stepsister and stepbrother sila. Ang bilis talaga ng tsismis!

 

Dahil nastress na ako sa kababasa ng mga tsismis, pinatay ko na ulit yung laptop ko at maaga na akong natulog.

 

The next day, pumasok ako ng maaga dahil ngayon yung meeting namin para sa feb fair. Huli kaming pumasok ni Steff sa room ni ma’am at halatang-halata na kaiiyak lang ni Steff. Nakita ko kasi siya kanina sa garden na tumatakbo at parang may hinahanap. Hinila ko siya agad at sinabing kanina pa siya hinahanap ni ma’am music. Pero napangiti ako kasi hindi na ganun kalungkot yung boses niya. Siguro may magandang nangyari sa kanila ni Darryl. Mukhang umaayon ang lahat sa plano ah? Bigla tuloy akong naexcite!

 

"Okay, dahil kayo ang campus princes at princesses, kayo ang magiging organizer ng Febfair kasama na yung mga dating princes at princesses na upper years na ngayon. Nga pala, nine nalang kayo dahil wala na si Miss Dominguez dito sa school. Okay? These are your tasks and your groups. I hope you'll do your jobs well. Don't worry, may incentives yan kaya pagbutihin niyo. Okay?"

 

Tapos may nilabas siyang box. Napatingin ako agad sa mata ni ma’am at nakita kong kumindat siya. Pinabunot niya kami isa-isa at binigay ulit namin sa kanya.

 

"Okay. Eto ang group 1. Gisel, Kevin, Alexa and Tiffany. Group 2. Ian, Jessica, Patrick, Lalaine and Charmaine. Group 1, dahil kulang kayo ng isang member, bibigyan ko kayo ng assistant na higher level. Okay? Sige na. Excused na kayo sa mga class niyo. Asikasuhin niyo muna yung tasks niyo."

 

Okay, eto na ang start ng mga plano namin. Pero gusto ko talagang tawanan si Steff dahil para siyang namatayan. Hahaha! Wala raw kasi siyang ka-close doon sa group 1 samantalang kaming tatlo raw nina Darryl at Patrick ay magkakasama. Hay. Feeling ko nga ako ang parang namatayan eh. Imagine? Para akong magbababy-sit ng dalawang dragon! May tatlong metro pa nga silang pagitan pero parang magkakaroon na ng World War III! Mga lalaki talaga!

 

Lumabas kaming lahat sa room ni ma’am at pumunta sa kanya-kanyang group.

 

“Tss. Bakit ditto pa ako napunta?” narinig kong sabi ni Darryl.

“Tss. Bakit nga ba ditto ka napunta?” sagot naman ni Patrick sabay tingin sa akin ng masama. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil wala pang limang minuto ay sumasakit na yung ulo ko dahil sa kanila. Tapos saka ko napansin na parang namamaga yung mata ni Darryl.

“Oi Darryl, napano yang mata mo?” sabay turo ko sa mata niya. Baka umiyak? Pfft.

“H..ha? Wala! Nagpuyat kasi ako kaya ganyan! Tsk! Wag mo ngang tignan!” tapos tinakpan niya ng kamay niya yung side ng mukha niya kung saan ako nakatingin.

“Pffft.” Napatingin ako kay Patrick dahil nagpipigil siya ng tawa. Tapos bigla silang nagtinginang dalawa at nagsamaan sila ng tingin kaya pumagitna muna ako kahit parang walang sense since hanggang leeg lang nila akong dalawa. Great.

 

Pumunta kami sa cafeteria ng Math building at doon kami nag-usap-usap.

 

“Pano kaya kung magphotobooth tayo?” suggestion ni Lalaine na ngayon ko lang nakausap. Hindi ko kasi naging classmate pero kilala ko naman siya sa mukha.

“Hmm, mukhang pwede yun. Tapos dapat yung booth ay may mga couple costumes, props and other accessories.” Dagdag naman ni Charmaine.

 

Nagpapasalamat talaga ako kay Ma’am na sinama niya si Lalaine at Charmaine sa grupo namin. Wala talaga kasi kaming mapapala sa dalawang lalaking ‘to na walang ginawa kundi magparinig sa isa’t isa at halos magpatayan sa tinginan!

 

“Okay, sulat ko muna yung photobooth. Ano ba kaya?”

“Wedding booth.” For the first time ay narinig kong magsalita si Darryl nang matino at tungkol sa feb fair. Umayos siya ng upo at ngumiti. “Gusto ko ng wedding booth.”

“Jail booth for couples.” This time, si Patrick naman yung nagsalita.

“Jail booth para sa mga epal.” Dagdag ni Darryl.

“Hell booth para sa mga nagpapaiyak ng babae.”

“Torture booth--”

“EH KUNG BOOTH-BOOTHIN KO KAYA KAYONG DALAWA?!” napatayo na talaga ako at halos lahat ng nasa cafeteria ay nakatingin sa akin. Bwisit kasi ‘tong dalawang ‘to eh! Nababaliw ako sa kanila! Alam ko na ang nararamdaman ni Steff kapag kasama niya ‘tong dalawang ‘to. Feeling ko sasabog yung utak ko!

 

Napatahimik naman silang dalawa. Good. Kung hindi ay hahampasin ko talaga sila ng upuan. After that, nag-usap na ulit kami nang maayos. Nilista namin lahat ng possible na gawin for feb fair at ito yung napagdesisyunan namin:

 

Photo booth

Wedding booth

Capture-the-couple

Dance Concert

 

Gusto pa nga nilang dagdagan pero sabi ko tama na muna yun at ipapaapprove muna kay ma’am. Pagkatapos ng nakakamatay na meeting nay un ay nagsitayuan na kami at nagpaalam na sa isa’t isa. Umalis ako agad-agad doon dahil hindi ko na mate-take ang makarinig pa ng parinigan nina Patrick at Darryl. Jusko! Daig pa nila ang mga babae sa parinigan!

 

Palabas n asana ako sa gate ng campus pero napahinto ako sa nakita ko. Oh my gosh. Halos hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at hanggang sa nasa harapan ko na sila.

 

“Jess! Hello! Pauwi ka na?”

 

GRABE, NAG-HELLO SIYA SA AKIN! SI DAVE! SI DAVE NG BUHAY KO! WAAAHH KINIKILIG AKO HAHAHAHA!

 

“Ah..haha.. uhm.. o..oo.”

“Oww. Ingat ka pala ha? Sige.” Tapos hinawakan niya ako sa balikat na ikinadagdag ng paninigas ko. Over na ‘to! Tapos.. tapos.. yung ngiti pa niya! Tama na! Kinikilig na ako masyado!

“S..sige.”

“Tara na.” sabi niya doon sa kasama niya.

 

Biglang nawala yung kilig ko. At nawala rin yung pagwawala ko sa loob ko. Oo nga, nag-hello siya sa akin at sinabihan niya akong mag-ingat plus may hawak pa sa balikat, pero nalungkot ako bigla. Bakit may kasama siyang babae? And worse, yung babaeng yun ay ang nagpakilalang fiancée ni Patrick the King of Bitter.

 

Sino ba talaga siya?