.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Bwahahaha! Totoo? Grabe ang haba ng buhok mo, Steff!
Pakiipit naman natatapakan namin eh!"

"But I like Darryl for Steff. Patrick's for Jess. Haha! Kidding! Don't look at me that way!"

 

Nandito kami ngayon sa garden at naghihintay ng klase nila Alice at Yna. Excused kasi kami ni Steff kaya sinamahan muna namin silang dalawa dito sa garden. At anong napala ko? Pang-aasar.
 Si Steff naman, parang nasaniban ng malanding kaluluwa! Porque solved na yung problema niya.
Sinabi niya kasi sa amin yung usapan nila ni Patrick. Tss. Kaya pala wala yung unknown particle na yun nung Friday. Pero ayun nga, kasalanan pala ng cellphone niya at hindi pinarinig kay Steff yung last part.

 

"Haha! Para talaga silang mga bata." kita mo 'tong babaeng 'to, ngayong tatawa-tawa. Samantalang nung mga nakaraang linggo, akala mo namatayan. Nalaman na namin mula kay Steff ang katangahang ginawa niya. Shunga daw kasi yung recorder niya, hindi sinabing may karugtong pa pala yung sinabi ni Darryl. Tinawanan nga lang namin siya kanina kasi para siyang baliw na kinikilig tapos biglang maguiguilty.

 "Pero in all fairness ha! Nakakakilig yung sinabi ni Darryl na--ehem! I love her. I really do. Asus! Nakakaloka!" saka pinagpapalo ni Alice yung braso ni Steff.

 

Hinayaan ko na lang silang tatlo doon na maghampasan at magkulitan. Ako naman, napaisip bigla sa nangyari noong nakaraang araw. Naalala ko kasi si Dave tsaka yung babaeng kasama niya. Akala ko ba crush niya si Patrick panget? Eh bakit kung makadikit siya kay Dave, parang sila na?

 

Oh wait. OMG. H..hindi kaya..

Okay, Jess. Kalma! Sus naman! Hindi niya yun girlfriend no! Malay mo, friendly lang talaga siya! Oo tama. Friendly lang si Dave kaya ganun.

 

"Itsura mo Jess? Hindi ka ba naka-pupu sa bahay niyo?" minsan talaga may isang kaibigan kang panira sa pag-eemote mo eh. Gawin na nating halimbawa 'tong lecheng Alice na 'to. Tinalikuran ko siya pero napabalik rin ako paharap sa table dahil may nakita akong di kanais-nais.

"Oh. And here's our other love team. Hihihi." biglang sabi ni Yna with matching giggle pa.

 

Bigla akong nakaramdam ng masamang presence. Ibig sabihin, malapit na siya sa amin.

 

"Hi Pat!" bati sa kanya ni Steff.

"Hi. How's your stupid phone?" saka siya ngumiti at nagtawanan silang dalawa ni Steff.

 

Okay. This feels really weird. Ngumiti at tumawa siya. Combo yun ha! Ibang klase talaga ang kamandag ni Steff! Akalain mong magiging ganyan si Patrick pag nandyan siya?

 

"Ehem. Ehem. Baka po may magselos ha? Ehem lang. Pasintabi." Kahit kailan talaga 'tong si Alice, ang lakas ng topak. Sabagay, baka mamaya biglang dumating dito si Darryl tapos nakitang close 'tong dalawang 'to, eh baka maulit na naman ang The Great Booth War. Oh please. Ayoko nang makita at maalala pa yun.

"Bakit ka pala napadaan dito, Pat? May kailangan ka ba?" tanong ni Steff sa kanya.

"Oh. Right." tapos bigla siyang lumingon sa direksyon ko.

"Ano na naman?" eh kasi kung makatingin siya parang may gagawing karumal-dumal sa akin eh! Nagulat ako nung bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako patayo.

"Hoy hoy hoy wait! Anong nangyayari? Bakit?"

"Group meeting." saka niya ako hinatak ulit.

"Ngayon na? Eh! Mamaya na lang! Tsaka anong oras pa lang naman oh! Ano bang--" bigla siyang huminto sa paghatak at tumingin na naman sa akin ng seryoso. Okay, may death vibes akong nafefeel.

"Rule number one--"

"AH! Hahaha! Di ba may meeting pa tayo? Tara na dali! Baka malate tayo! Hahaha! Sige mga babae una na kami!" tinulak-tulak ko siya palayo sa table na inuupuan namin kanina. Peste talaga 'to! Hindi na nahiya! Akala ko nakalimutan niya na yung mga pinagsasabi niyang rules dati! Pano kung narinig yun nila Steff? Oh gosh, lalo na si Alice. Hindi ko kakayanin. Hindi ko na nga sila kinakaya minsan eh! Nakakahiya kaya!

 

Nung makalayo na kami sa kanila, tinigil ko na rin yung pagtulak-tulak ko sa kanya at tahimik na lang na naglakad.

 

"Buti naman masaya na siya." nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita. Saka ko narealize na si Steff pala yung tinutukoy niya. At napangiti na lang ako nang nakakaloko. Tsk, tsk, tsk. Kawawang bata. Sawi sa pag-ibig. Pfft.

"Eh kasi mutual na ang feelings nila." tapos humarap ako sa kabilang side. "Di tulad ng isa dyan."

"May sinasabi ka?" whoa! Narinig niya yun?

"Wala PO." tapos umabante ako ng konti sa paglalakad para hindi niya makitang pinagtatawanan ko siya. Hahaha! Nakakatawa kasi eh!

 

Naglakad na lang ulit kami nang tahimik at dito pala ang meeting place namin sa may Greenfields. Pagdating namin, nandun na si Alexa, Charmaine at ang pinakamamahal ni Patrick--este ni Steff, si Darryl. Umupo kami sa damuhan at pinag-usapan ulit namin yung mga naiisip namin.

 

"Nakausap ko kanina si Steff. Sabi niya, Dating cafe, mini carnival at concert jamming yung activities nila. Buti na lang at walang kaparehas sa atin." sabi ko sa groupmates ko.

 

Nagbrainstorming ulit kami at nag-assign na rin ng mga gagawin ng bawat isa. Actually, nagbunutan kami ng assignments. Sa photobooth at wedding booth, kaming tatlong babae ang mag-aasikaso. Then yung capture-the-couple, yung mag-best bud. Sa dance concert naman ay magpaparticipate kaming lahat. Pero hindi ko talaga alam kung may matatapos ba 'tong dalawang lalaking 'to.

 

"Pwede bang ulitin yung bunutan?" pagrereklamo pa sa akin ni Darryl.

"Pakiulit nga." isa pa 'tong unknown particle na 'to.

 

Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko sa dalawang 'to. Nagpaparinigan na naman sila.

 

"Huy wag nga kayong mag-away." saway ni Alexa sa kanila. Buti na lang at may mga kasama akong matino. "Okay ganito na lang. Mag-pompyang na lang tayong girls, then kung sinong maiba, siya ang magiging partner ng isang guy. Ganun na lang ha?"

 

Wala naman akong nagawa since yun nga ang best way. Tss. Ayaw ko pa man ding maka-pair ang kahit isa sa kanila.

 

Nagpompyang kami ni Alexa at Charmaine. And the lucky girl is..

 

"Jess! Pili ka na sa kanila kung sinong gusto mong maging partner." why is my life so miserable? Bakit? Bakit kailangang ako pa?! Napapikit na lang ako sa kamalasang tinamo ko. Fine. Siya na lang.

"I'm going with--"

"She's going with me." bigla niyang hinawakan yung wrist ko at hinatak ako papalapit sa kanya kahit nakaupo ako sa damuhan kaya ang nangyari ay napahiga ako. Bastos na lalaking 'to!

"Oh." biglang sabi ni Charmaine at nakita kong ngumiti siya nang nakakaloko sa akin.

"So that settles it. Darryl goes with us. Patrick goes with Jess." saka tumayo si Alexa at nagpagpag. "Meeting adjourned."

 

Nagsitayuan na rin kaming apat at pinagpagan ko rin yung damit ko dahil kumapit sa akin yung mga damo nung hinatak ako ng damuhong 'to! Tsk! Ang kati tuloy! Nauna na rin yung tatlo dahil sisimulan na raw nilang i-contact yung mga sponsors.

 

"Slave." nagpantig naman yung tenga ko nung marinig ko yung word na yun. Ngayon na lang niya ulit ako tinawag ng ganyan. Peste, akala ko talaga nakalimutan na niya!

"Ano?!" lingon ko sa kanya, pero napaatras ako nung makita ko yung nanlilisik niyang mga mata. "I mean, bakit po.. m..maste..r? Ha..haha." bakit ba kasi nakakatakot siya pag seryoso?!

"Pagpagan mo yung likod ko." tapos tumalikod siya sa akin. Andami ring damong nakadikit sa laylayan ng damit niya. Pero bakit hindi niya pa tanggalin?! Sa akin pa iuutos?! Kaartehan ng lalaking 'to eh!

 

Pero wala naman akong nagawa. Mamaya sa akin niya pa mabaling yung sama ng loob niya dahil brokenhearted siya. Pinagpagan ko yung likod niya then after nun, umalis na rin agad kami doon. Dahil may pupuntahan daw siya, humiwalay na siya ng way. Ako naman, balak kong bumalik ng garden since one hour pa naman bago mag-start yung next class nila Alice at Yna.

 

Kaso sa paglalakad ko, may nakita na naman akong di kanais-nais. Si Dave.. with that girl again. Napahinto talaga ako sa paglalakad at parang may something na kumirot sa dibdib ko. Umiwas na lang ako ng tingin. Palakad na sana ulit ako sa ibang direksyon kaso..

 

"Jess!"

 

Oh gee. Tinatawag niya ako. Gusto kong lumingon pero ayaw ko ring lumingon. Shet naman oh! Pero in the end, lumingon rin naman ako.

 

"Uy, hello Dave!" sabay fake smile.

"Wala ka na namang kasama? Where are your friends?"

"Ahh, actually papunta na ako sa kanila." after that, hindi ko na talaga kinaya at napatingin ako doon sa girl na kasama niya. Nagkatitigan kami at alam kong nagpapakiramdaman rin kami.

"Ohh, oo nga pala di ko siya napakilala sa 'yo last time na nagkita tayo." shet. Eto na. Oh my gosh di ko 'to kakayanin! Baka maiyak ako sa harapan nila pag pinakilala niyang girlfriend niya yun.

"Keisha, this is Jess, mukhang kilala mo naman siya dahil campus princess siya, at classmate ko sa PE yan." so Keisha pala ang pangalan niya. Parang narinig ko na yung name niya dati. Saan nga ba? "And Jess, this is Keisha--" hala eto na! Wait hindi pa ako prepared eh! Kailangan kong maglabas ng panyo! Tissue! Payong! Kahit ano! "--my cousin." nasaan na yung panyo ko?! Girlfriend niya yan kaya kailangan kong magluksa at..

 

Huh?

Teka. Ta..tama ba yung pagkakarinig ko?

 

"C..cousin.. mo?" tanong ko ulit sa kanya dahil baka girlfriend yung sinabi niya at mali lang yung narinig kong cousin.

"Yep. My closest cousin, actually. Magka-age kasi kami."

 

Halos mag-give up yung tuhod ko. Gusto kong sumigaw at tumalon-talon dahil mali ako ng hinala, pero nakakahiya naman kung gagawin ko sa harapan nila, di ba? Napangiti na lang talaga ako doon kay Keisha. Hindi fake ha! At ngumiti rin siya sa akin. Parang dati lang ay nasigawan ko pa siya nung nasa shop nila kami. Nakakahiya tuloy. Magiging cousin-in-law ko pa man din siya.

 

Bigla namang nag-ring yung phone ni Dave kaya nag-excuse muna siya sa amin ni Keisha.

 

"He..hello ulit." sabi niya sa akin.

"Hello!" then ngumiti ulit ako sa kanya. I swear, hindi ko na siya aawayin!

"S..so you like my.. my cousin, huh?" at ngumiti siya bigla nang nakakaloko. Halata ba ako masyado? Hala! Ba..baka alam na ni Dave na may gusto ako sa kanya. Shet. "D..don't worry, hindi naman niya halata. Na..nafeel ko lang na may gusto ka sa kanya." at tuluyan na akong nag-blush.

"W..wag mong sabihin ha! Baka kasi iwasan niya ako pag nalaman niya." ayoko namang mangyari yun. May balak pa akong rape-in siya.

"S..sure. Kung gusto mo, ilakad pa kita sa kanya eh." pagkasabi niya nun, nanlaki talaga yung mata ko.

"Talaga?!"

"Mmm." sabay nod niya pa sa akin. Ako naman, napahawak sa kamay niya at gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. Hindi ko alam kung pano ko irereturn yung gagawin niyang favor, to think na, nasigawan ko pa siya dati nung kasama ko si Patrick sa--

 

Ohh.

Napangiti rin ako bigla nung naisip ko na kung paano ko siya masusuklian.

 

"Dahil dyan, ilalakad rin kita kay Patrick. Di ba may crush ka sa kanya at nagpakilala ka pang fiancee niya?" this time, siya naman ang super namula to the point na kakulay na niya ang kamatis. Haha! Ang cute! Super blush on mode siya!

 

"Oh, mukhang close na close na agad kayo ah?" napatingin ako sa likuran at nakabalik na pala si Dave. Napangiti ako sa kanya tapos hinawakan ko sa balikat si Keisha.

"Oo naman. Super close na kami. Di ba, Keisha?" sabay tingin ko kay Keisha at nag-nod naman agad siya kahit sobrang namumula pa siya.

 

 

I guess, this is the start of my exciting love life. Hihi!