.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Hmm hmm hmmm mmm hmm!! Lalalala! Ahmmmhuuuhmm!"

 

"Tumahimik ka nga Jess! Ang ingay mo naman eh!" napatingin naman ako kay Alice. Aba? Himala? Ayaw niya na sa maingay? Nung tinignan ko kung anong pinagkakaabalahan niya, nagrereview pala ang bruha.

"Ayan, ngayon ka lang nag-aral ha! Nganga ka tuloy!" asar ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. At dahil may hawak siyang makapal na physics book, lumayo ako agad at kumapit kay Steff.

 

Patago pa naming tinawanan si Alice. Adik rin kasi 'tong babaeng 'to eh. Ngayon lang nagrereview! Si Yna naman, nagsusulat ng Hangul sa notebook niya.

 

"Jess, ayos na ba yung plano niyo for the fair?" napatingin ako kay Steff.

"Hmm, finalized na yung concepts pero di pa namin naaasikaso. Kayo ba?"

"Gusto ko nang kainin ng lupa! Kasi naman sila Lalaine! Kung anu-ano pinaggagawa sa akin!" natawa lang ako sa reaksyon niya dahil mukha na siyang iiyak! Hahaha!

"Jusko pare-pareho lang tayo! Mukhang mamamatay rin ako sa kahihiyan sa gagawin namin eh."

 

Nagkwentuhan lang kami ni Steff ng kung anu-ano tungkol sa feb fair preparations habang yung dalawa ay busy sa kani-kanilang mga mundo. Buti na lang talaga at may incentives 'tong ginagaawa namin. Tapos marami pa kaming hahabulin sa lessons after nito. Sana naman hindi bumaba or maapektuhan yung grades ko.

 

Naikwento ko nga rin pala sa kanila yung gagawing paglakad sa akin ni Keisha kay Dave at yung paglakad ko sa kanya kay Patrick. Naloka daw sila sa pinaggagawa ko. Eh wala, crush na crush ko talaga si Dave eh! Kailangang may magtulak sa akin papunta sa kanya para masalo niya ako. Ahaha shet ang corny ko na ha!

 

"Ehem! Bawal rape-in si Dave sa isip! Dahan-dahan lang!" napatingin ako bigla kay Alice na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko.

"Che! Magreview ka na nga lang dyan!" saka ko siya binelatan.

 

Sakto namang nagtext si Charmaine na may meeting daw kami kaya nauna na ako sa kanila. As usual, doon ulit ang meeting place sa Greenfields. Pagdating ko doon, si Darryl pa lang yung nakita ko.

 

"Oy!" sigaw ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Jess. May request ako."

"Huh?"

 

Nagulat ako nung bigla niya akong hinila kaya napaupo ako ng di-oras. Tapos may binulong siya sa akin. Habang kinukwento niya yun, natatawa na lang ako. Pfft. Lakas ng tama ng lalaking 'to kay Steff. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ba ako o matatawa.

 

"Okay ba yung plano ko?"

"Oo! Pwede na yun. Kahit ano namang gawin mo, kikiligin panigurado si Steff." totoo naman eh. Makita pa nga lang niya si Darryl, baka mangisay na yun sa sobrang kilig. Paano pa kaya kapag may pinlano pa 'tong lalaking 'to?

 

 

"Anong ginagawa niyo?"

 

Napatingin ako doon sa nagsalita galing sa likod. Nagulat pa ako kasi bigla na lang nagsalita eh. Pagtingin ko, si unknown particle lang pala.

 

"Nagmemeeting." sabi ko na lang sa kanya.

"Ng kayong dalawa lang?" at nagtaas pa siya ng kilay. Whoa! Marunong siyang magtaas ng kilay!

"Hindi. Kasama naming magmeeting yung damo. Tsaka yung puno. Pati itong lupa tsaka mga insekto." hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero basta gusto ko lang siyang asarin. Siguro para makaganti na rin at para mapanatag yung kalooban ko. Hahaha! Pero nung nakaramdam na naman ako ng death vibes galing sa kanya, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. "Pero dalawa lang talaga kami. Hahaha ang tagal niyo eh." palusot ko na lang tapos humarap ako kay Darryl at nagmake-face.

 

Dahil alam kong awkward na naman ang sitwasyon na ito, prepared na ako. Nilabas ko yung phone ko at saktong nagtext si Keisha. Oh di ba? Close na agad kami! Hayaan na ang dalawang lalaking 'to. Bahala silang mag-asaran diyan.

 

Keisha: Hi! Nakwento sa akin ni Dave yung tungkol sa practice niyo sa sayaw :)

 

Bigla ko namang naalala yun at napakagat ako sa labi ko dahil kinikilig ako. Tumalikod ako sa dalawa dahil baka pagkamalan nila akong baliw kapag nakita nilang nakangiti ako.

 

Jess: Wait kinikilig ako! Hahaha! Dahil dyan, ilalakad na talaga kita kay Patrick! Asahan mo yan!

 

After that, hindi na siya nagreply kaya wala akong choice kundi tignan 'tong dalawang lalaking 'to. Muntik na akong matawa nung makita kong nag-iiwasan sila ng tingin pero tumitingin rin naman sila sa isa't isa. Pffft! Para silang mga ewan!

 

 

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" napatingin ako kay Patrick na magkasalubong na yung kilay nung kinausap ako.

"Wala. Masama na bang ngumiti?" at di ko napigilan yung sarili kong mapangiti ulit.

"Tsk." hala? Badtrip agad-agad?

"Huy, naalala mo pa ba si Keisha?" inopen ko yung topic sa kanya kahit katabi namin si Darryl na parang naging interesado naman bigla.

"Hindi." ang taray! Daig pa ang babaeng may period!

"Yung nasa shop malapit sa school? Yung nagpakilalang fiance--hmmm!" nagulat ako nung bigla siyang magninja moves at tinakpan yung bibig ko kaya napahiga ako sa may damuhan kasama siya. Putek! Ano bang pinaggagawa niya?!

 

"Ehem." pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko na nakatayo si Alexa at Charmaine. At ayan na naman ang nakakaloko nilang mga ngiti. Dahil mukhang iba ang napaprocess nila sa mga utak nila, tinulak ko 'tong damuhong uknown particle para makaupo ako nang maayos.

 

Phew!

 

Pagkaupo ko, nakita kong nagpipigil ng tawa si Darryl. Bwisit na lalaking 'to! Siraan ko kaya siya kay Steff? Akala ko pa naman kakampi ko siya! Tapos si Charmaine at Alexa, parehong nakangiti sa akin at may pataas-taas pa ng kilay.

 

Ugh. Bwisit talagang Patrick yan! Kung anu-ano tuloy iniisip nila!

 

"Game na ba? Meeting na tayo ha?" kainis 'tong si Charmaine. Nang-aasar pa yung tono! Huhu! Nabahiran ng masamang budhi ang isipan nila!

"So yung sa photo and wedding booth, sa amin nina Charmaine at Darryl. Then yung sa capture-the-couple ay kay Jess at Patrick. Gawin na natin yung preparations dahil malapit na yung fair." sabi ni Alexa sa amin.

 

Naging seryoso naman yung usapan namin at nakagawa na rin kami ng paraan para maprepare lahat. Ang problema na lang nain ay yung Dance Concert. At bigla akong nagka-idea.

 

"Paano kaya kung iinvite natin yung mga nagpe-PE class ng mga dance?" para kasama si Dave!

"Actually, tinry na rin namin silang kausapin kaso hindi kasi lahat swak sa sched ng practice."

"Aww."

 

Kainis naman! Gusto ko ulit makapartner si Dave sumayaw. Yung ilelead niya ako sa steps tapos aalalayan niya ako para makasunod ako nang maayos. Omaygad kinikilig ako pag naiimagine ko! Shut up, brain! Hahaha! Teka lang! Yiiiieeee!

 

"Eh kung kayo kayang dalawa ni Patrick?"

 

Bigla namang nasira yung pag-iimagine ko ng pagsayaw namin ni Dave nung narinig ko yung sinabi ni Charmaine.

 

"Ha?!" pareho pa kami ng reaksyon ni Patrick.

"Eh kasi di ba, magkatulong naman kayo for the preparations. So I think mas madali kayong makabuo ng isang routine. Then ituro niyo na lang sa amin.Besides, capture-the-couple lang naman ang aasikasuhin niya samantalang kami ay yung dalawang booths."

 

Sa sinabing yun ni Charmaine, napanganga na lang talaga ako. Ako? Patrick? Sayaw? In one sentence? Utang na loob!

 

"Eh bakit hindi na lang kay--"

"Okay."

 

Napatingin kaming lahat kay Patrick. Anong sabi niya? O..okay? As in okay? Yung okay talaga na o-k-a-y? Parang gustong sumakit ng ulo ko.

 

"Oh payag na si Patrick! Yehey!" at talagang nagcheer pa si Alexa? Kainis!

"Teka ayoko nga kas--"

"Oh. Baka hindi siya marunong sumayaw. Baka mapahiya. Pwede bang iba na lang partner ko?" for the nth time, napanganga na naman ako. Ang kapal ng kalyo niya sa mukha ha! Ako? Si Jessica Morales, hindi marunong sumayaw? Aba't hinahamon ata ako ng King of Bitters na 'to eh.

"Excuse me?" pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"Sinong marunong sumayaw sa inyong dalawa?" tanong niya pa kay Charmaine at Alexa. At talagang di ako pinansin? Tanggap ko nang minamaliit niya yung height ko eh. Pero kung pati talent ko eh minamaliit niya, aba bugbugan na 'to!

 

 

Tumayo ako at nagmartsa sa harapan niya kahit nakaupo siya sa damuhan.

 

 

"Ako ang partner mo." sabi ko sa kanya. "Master." saka ko inapakan yung isa niyang paa at after nun tumakbo ako palayo sa kanila habang sumisigaw ng 'babye'.