.

.

Chapter 23

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Ayusin mo nga. Dito ka kasi sa kaliwa iikot."

"Break muna!" tsaka ako sumalampak sa sahig.

 

Hay! Napapagod na talaga ako. Bakit kasi ganito yung routine? Sasapakin ko talaga yung si Charmaine pag nakita ko siya! Nagsend kasi siya ng couple dance ek-ek tapos yun daw yung sayawin namin. Ito namang impaktong unknown particle na 'to, pumayag! So ano, hindi importante ang opinyon ko sa kanila? Mga mababait na groupmates talaga.

 

Pinanood ko na lang muna siyang sumayaw mag-isa. Mukha nga siyang tanga kasi pandalawang tao talaga yung sayaw eh. Pero in fairness to him, magaling talaga siyang sumayaw. Medyo naiilang pa nga akong dumikit sa kanya kasi naaalala ko yung ginawa niya noong birthday party ni Tricia. Oo. Nafefeel ko ang abs ng bwiset.

 

Kinuha ko na lang yung phone ko at napangiti ako sa nabasa ko. Nagtext si Dave!

 

From: 0916*******

Hi Jess! Good luck sa Feb Fair! See you around!

 

Muntik na akong mag-hyperentilate pagkatapos kong mabasa yung buong message niya. Walanghiyang Dave 'to, pinupuno ng kilig ang araw ko! Syempre, nagtext agad ako kay Keisha. Oh di ba? Close na kami agad!

 

To: 0927*******

Pst Keisha! Tinext ako ng pinsan mo! Kinikilig ako! Di ko ma-contain! Hihihi! Oo nga pala, ito yung number ni Patrick panget. Wag mong sabihin na ako ang nagbigay sa'yo ha! Baka bangkay na ako bukas! 0915*******.

 

After kong i-text yun, tinago ko muna ulit yung phone ko sa bag saka tumayo. Lumapit na ulit ako kay panget.

 

"Game na."

"Fine."

 

Nagpractice ulit kami at ginaya yung impaktong couple dance na nagpeplay sa laptop niya. Tsk. Kung si Dave yung kasayaw ko ngayon, eh di sana mas nag-eenjoy ako. Naalala ko tuloy noong nagpractice kami ng sayaw namin. Ang galing-galing niya magturo ng steps. Inaalalayan niya pa ako sa bawat galaw na hindi ko makuha. Samantalang itong lalaking 'to, sayaw lang nang sayaw. Hindi na iniintindi yung partner. Ang hirap tuloy sumabay.

 

"Wag ka kasing tumingin sa paa mo." nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

"Hindi ko nga masundan eh." ang bilis-bilis kasi. Tss.

"Kinakabisado mo kasi yung sayaw kaya nahihirapan ka."

"Huh? Eh kinakabisado naman talaga dapat ah?" ano na naman bang pinagsasabi niya? Tsaka sabi kaya ni Dave dati mas maganda daw kung kabisado mo yung steps ng isang routine para mas maganda ang performance.

"I know this would sound gay, but-"

"Pfft!" ewan ko pero nung narinig kong sinabi niya yung salitang 'gay' natawa ako. Pero buti napigilan ko dahil baka may mangyaring masama sa akin.

"-but you should dance by heart."

 

Okay. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko ba yung pagtawa ko dahil sa sinabi niya. Ang corny kasi eh. Dance by your heart? Oo sinasabi yan ng mga instructors pero yung nanggaling sa kanya? As in kay Patrick Reyes? Parang ang weird.

 

Pero dahil mabait akong bata, inimagine ko na lang na si Dave yung kapartner ko. Then I recall the steps he taught me a while ago.

 

Medyo nakakasabay na ako ng konti pero na-ooff pa rin ako sa ilang parts. Pero at least di ba? Effective pala ang method na dance by heart. Kasi si Dave ang nilalaman ng heart ko at siya ang inimagine kong kapartner ko. Kinikilig ako!

 

"Hanggang dito muna yung practice natin. Aasikasuhin pa natin yung Capture-theCouple booth."

"Okay."

 

After ng practice namin, nagbihis kami kasi ang baho na namin sa sobrang tagaktak ng pawis. Pagkatapos nun, cinontact ko yung mga kinuhanan namin ng gamit for the booth. Sabi nung nakausap ko, darating na raw mamayang 1 PM yung gamit. Tapos pagtingin ko sa relo ko, 12:30 na pala! Di pa ako nag-lulunch! Nag-dial ulit ako sa phone ko at tinawagan si Steff.

 

"Steff! Nag-lunch ka na ba? Sabay tayo!"

"Hala Jess, katatapos lang naming mag-lunch."

"Ay ganun ba? Oh sige."

"Gusto mo samahan na lang kitang mag-lunch?"

"Hindi wag na! Mag-focus ka na lang dyan sa performance mo! Hahaha! Sige bye!"

 

Saklap naman. Sila Alice at Yna kasi may exams pa kaya hindi ko sila pwedeng tawagan.

 

"Slave."

"Hik!"

 

Napaatras ako nang di-oras dahil may humawak sa balikat ko mula sa likuran. Pero nung nabosesan ko siya at alam ko naman kung sinong impaktong unknown particle ang tumatawag nun sa akin, gusto ko siyang sugurin.

 

"Ano ba--"

"Tara, kain tayo." Ano daw?

"Huh?"

"Ayaw mo?"

"Hindi pa naman ako guto--" nagulat ako nung biglang tumunog yung sikmura ko. Tae. Napaka-wrong timing mo! Pagtingin ko sa kanya, nakangisi siya!

"Tara."

 

Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Una, dahil gutom na rin naman ako at pangalawa, wala akong kasabay. Pero anong meron? Bakit parang bumait siya ng kaunti? O imagination ko lang yun kasi gutom ako? Kanina ang sungit-sungit niya nung nagpapractice tapos ngayon, magyayayang kumain? Labo.

 

Pumunta kami sa pinakamalapit na cafeteria at ang daming tao! Well, lunch break rin kasi ng mga office at halos puro examinations ngayon kaya siguro maraming tao rito. Tapos ang haba pa ng pila! Paano naman kami makakakain nito? Nagugutom na talaga ako.

 

"Tsk. Sa iba na lang tayo." Napatingin naman ako sa kanya. Eh ang layo kaya ng ibang canteen! Tsaka tinatamad na rin akong maglakad at ang init-init!

 

Bigla naman siyang tumalikod at alam kong aalis na siya sa cafeteria pero may naaninag yung mata ko.

 

"Darryl!" pagsigaw ko nun, lumingon si Darryl na kasalukuyang nasa pila. Ang swerte ko talaga! Hah! Pero mukhang binawi yung swerte ko dahil tumingin sa akin ng masama si Patrick.

"Tsk."

"Ha..ha. Okay lang yan!" saka ko siya tinapik sa likod. "Ano ba, wag ka na ngang bitter! Hindi tayo makakakain eh. Tara na MASTER!" sabi ko na lang sa kanya with my lovely sarcasm, saka ko siya hinila papunta kay Darryl. Oo alam kong masamang sumingit pero gutom na talaga ako eh!

 

Pagdating namin sa pila, sumama rin yung mukha ni Darryl. Ugh. Here we go again.

 

"Tsk. Sa Math building na lang dapat ako pumunta." biglang sabi ni Patrick. Kita mo 'tong taong 'to, nagsisimula pa ng gulo.

"Eh di dun ka pumunta. Wala namang pumipigil sa'yo." pinatulan naman ng Darryl na 'to! Ay jusko!

"Ha? May sinasabi ka ba?"

"Di mo narinig? Sabagay, di mo rin naman maiintndihan."

"Di ako nakakaintindi ng salita ng mga Ramapithecus."

 

"Isa pang salita galing sa inyo, makakatikim talaga kayo sa akin." sabi ko sa kanila tapos tinignan ko sila pareho ng masama. As in masamang-masama. Mga bwiset. Hindi na lang manahimik eh. Kitang gutom na gutom na ako, ginagawa pa nilang nakakabwisit yung paligid. Mga lalaki talaga, except kay Dave. Tsk. Mas madali pa naman akong ma-badtrip kapag gutom.

 

Nung nakaorder na kami, tahimik lang kaming kumain. As in tahimik. Di nga sila nagsasalitang dalawa eh. Baka nasarapan sa kinakain nila. Nung tapos na kaming kumain, lumabas rin agad kami sa canteen.

 

"Ahh.. sige. Una na ako, marami pa akong aasikasuhin eh." saka naglakad ng mabilis si Darryl palayo sa amin. Anong nangyari dun? Bakit kaya yun nagmamadali?

 

Napatingin naman ulit ako sa relo ko at nagulat ako nung nakita kong 1:05 na pala. Shocks. Baka nandun na yung mga gamit para sa booth!

"Oy, ala-una na pala. Kunin natin-"

"Sige ako na lang kukuha." tapos bigla ring tumakbo si Patrick.

 

Okay. Anong meron? Hay naku. Hayaan na nga! Mga baliw na mga lalaking yun. Naglakad na lang ako papuntang greenfields. Pero napahinto ako nung biglang nag-ring yung phone ko. Pagtingin ko, tumatawag pala si Steff.

 

"Steff, bakit?"

"Hahaha! OMG Jess! Bwaahaha!" okay. Wala akong naintindihan. Tumawag lang ba siya para tumawa? Ang baliw naman ng babaeng 'to.

"Hoy! Anong meron? Nababaliw ka na ba?"

"S..sorry. Pfft. Ha..haha. Kasi.. kasi.. nagtext sa akin si Pat. Ha..haha. Sabi niya, nakakatakot ka raw pag gutom! Ikaw Jess ha! Nag-lunch date pala kayo ni Pat! Yiiiee!"

 

Pagkatapos sabihin yun ni Steff, napa-facepalm na lang ako. Kinuwento ko rin sa kanya yung mga nangyari pati na rin yung pagsingit ko sa pila at pagkita namin kay Darryl. Ayun, natahimik ang lola niyo. Akala niya mananalo siya sa asaran! Haha!

 

"Hoy Steff wag ka ngang nega!" pano kasi tumahimik lang siya sa kabilang linya.

"Eh kasi naman eh. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa feb fair. Pano kung-"

"Don't worry. Promise, magiging masaya ka sa Valentines Day. Trust me. Haha! Sige, bye!" 

 

Na-excite tuloy ulit ako sa feb fair. I think it will be a blast.