.

.

Chapter 24

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Nandito kami ngayon sa labas ng Dating Cafe. Feb Fair na nga pala at ang daming estudyante ang nagkalat sa campus. Katatapos lang rin kasi ng exams kahapon. Which means, after nitong event, kailangan ko nang mag-aral dahil sa special exams na itetake namin.

 

"Tara, pasok na tayo." sabi sa amin ni Darryl tapos nauna siyang pumasok sa loob.

"Tsk." napatingin ako kay unknown particle at di ko maiwasang matawa. Selos! Pfft. Tapos nakakatawa rin kasi naka-disguise pa kami ngayon. Pare-pareho kaming nakahoodie tapos naka-cap at shades. Para tuloy kaming sindikato. Kaya pagpasok namin sa cafe, tinginan lahat ng nandoon, pati yung mga waitress.

Umupo kami kaagad sa isang table doon sa bandang gitna at nagtaas ako ng kamay. Nakita ko naman na napansin kami ni Steff. Lumapit siya sa amin at nung tatanungin niya na kami ng order namin, halos sabay-sabay kaming nagtanggal ng cap at shades. Halos lumuwa yung mata niya nung makita niya kami, or more like, si Darryl. Aalis nga sana siya pero pinigilan siya ni Darryl.

Para lang silang timang habang pinapanood ko sila. Gusto naman nila yung isa't isa pero bakit nagkakaganyan? Well at least, tinatry ni Darryl na ayusin yung problema at siya na ang gumawa ng first move. Pero habang iniisip ko yung plano niya mamaya sa concert, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Bakit ang sweet ng lalaking 'yun? Kainggit tuloy si Steff!

Nagulat pa nga ako nung nagsalita bigla si Darryl ng Korean eh. Naintindihan niya yung sinabi ni Steff! Eh ako nga kailangan ko pang i-consult si Yna pag ganun. Lalo lang tuloy akong kinilig nung sinabi niya yung 'nado nureul saranghaeyo'.

 

"Tsk. Ingay naman oh." napatingin naman ako kay unknown particle. Sus! Di niya lang kasi naiintindihan eh. Kawawang nilalang naman 'to. Friendzoned na nga, outcast pa.

 

Nung tumakbo si Steff palabas ng cafe dahil sa sobrang hiya, natawa talaga ako ng bongga. Mas lalo pa siyang mahihiya mamaya sa mga pasabog ng bebeboy niya.

Lumabas na rin kami ng cafe at inasikaso yung booths na naka-assign sa amin. Syempre, kasama ko ang partner kong King of Bitters. Pumunta kami sa Capture-the-Couple booth dahil kami ang naka-assign na magbantay ngayong oras.

Bale ang rule ay kapag natapakan o nahawakan mo yung mga X-marks na nakadikit sa kung saan-saan, huhulihin ka ng mga 'couple-lis'. Okay, hindi ko idea ang couple-lis na yan. Ang corny kaya! Eh sino pa ba ang nag-iisang corny sa grupo namin?

Maraming nakakalat na couple-lis sa paligid. Karamihan ay mga naging kaklase namin o trip lang nilang manghuli para dalhin sa 'Couple Jail.' Mga classrooms lang yung jails pero dahil masyadong malaki para sa isang selda, hinati-hati namin ang isang room para makabuo ng eight compartments. Once na nandoon na kayo, maghihintay kayo ng one hour nang magkasama, unless may magbabayad para makalayo kayo.

Naaninag ko naman sina Charmaine at kumaway sila sa amin. Syempre, tuluy-tuloy lang kami sa paglakad papunta sa kanila. Pero nagulat ako nung biglang may apat na lalaking pumaligid sa aming dalawa.

 

"Whoa. Whoa. Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko doon sa mga lalaki.

"Sorry, campus princess. But you are under arrest." nagulat ako sa sinabi nung nasa unahan ko. Bigla niya na lang akong hinawakan sa kaliwang braso tapos yung isa ay humawak naman sa kanang braso ko. Pagtingin ko kay Patrick, ganun rin yung ginawa sa kanya. Bigla nilang sinuot yung posas sa left hand ko at sa right hand ni Patrick. Kinaladkad nila kami papunta kina Charmaine at Lalaine. Ngingiti-ngiti lang sila doon na parang mga adik.

 

"Hoy Charmaine, ano 'to?!"

"Tsk. Are we not exempted?" tanong naman nitong Patrick na 'to.

"No, no, no. Kayo kaya ang gumawa ng rules! At wala namang sinabi sa pinasa niyong rules," sabay taas niya doon sa papel na binigay ko sa kanya kahapon kung saan namin sinulat yung rules para dito sa lintek na booth na 'to. "na exempted ang mga organizers."

"Enjoy na lang kayo!" sabay wave pa ni Lalaine sa amin.

 

Hinatak kami nung mga lalaki papunta sa isa sa mga Couple Jail doon. Tae naman oh! Kung magaganito rin lang naman ako, bakit hindi na lang kay Dave?! Bakit kay Patrick pa?!

 

"Humanda kayo sa akin mamaya!" sigaw ko kina Charmaine pero binelatan lang nila ako! Mga walanghiya yun!

 

Pinasok kami sa isa sa mga compartments at saka kinandado yung pinto. Wow lang ha? Kami nag-isip neto pero kami ang nakulong?! Kainis! Napaupo na lang ako sa sobrang inis. Pero naalala ko na nakaposas nga pala kami kaya sumakit yung wrist ko dahil sa force.

 

"Tsk. Dahan-dahan nga." iritang sabi niya sa akin. Sabi ko nga nasaktan rin siya. Buti nga. Dahil nakaupo na ako, umupo na lang rin siya sa tabi ko. Bigla akong nakaramdam ng awkwardness. Oo lagi ko nga siyang kasama pero duh? Valentines day ngayon! Hindi siya ang gusto kong kasama kundi si Dave!

 

Nagulat naman ako nung biglang may tumugtog sa compartment namin.

 

If there were no words 
No way to speak 
I would still hear you 

If there were no tears 
No way to feel inside 
I'd still feel for you

 

"Oh please." bakit ganyan yung mga pinapatugtog nila? Ano ba naman yan!

"Ikaw nag-suggest niyan. Sabing wag na lagyan ng music eh." napatingin na lang ako sa kanya. Doon talaga ako nagsisi ng todo. Balak ko kasing asarin yung mga mahuhuli namin eh. Tutugtugan namin sila ng love songs. Oh di ba? Malay mo magkadevelopan? Pero bakit? Bakit nasama ako dito?!

 

And even if the sun refuse to shine 
Even if romance ran out of rhyme 
You would still have my heart 
Until the end of time 
You're all i need 
My love, my valentine

 

Napapikit na lang ako at napasandal sa wall. Kung si Dave ang kasama ko ngayon eh di sana mas feel na feel ko ang kanta. Eh kaso tuod 'tong kasama ko. Palibhasa brokenhearted. Bahala siya dyan! Matutulog na lang ako! Mahaba-haba rin ang isang oras na walang ginagawa no! Nakakainis, dapat pala dinala ko yung phone ko. Saka ko naman naalala na dala kanina ni Patrick yung phone niya.

 

"Hoy!" pagkasabi ko nun ay napatakip agad ako ng bibig at lumayo sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na nakapikit siya at balak niya palang matulog! Ayan nakatingin na siya ng masama sa akin! Shet! Yung death vibes niya nararamdaman ko!

"S..sorry." sabay ngiti ko na lang sa kanya ng pilit.

"Ano?" with matching kunot-noo pa siya.

"Ahh.. ano kasi. P..pwedeng pahiram ng phone?"

"Bakit?"

"Tatawagan ko sila Steff. Papapyansa ako! Oh di ba? Para makaalis na tayo dito! Para everybody happy!"

"Not everybody." this time, ako naman ang napataas ang kilay. Pfft. Ang emo! Hahaha! Buti na lang napigilan ko yung tawa ko kundi baka patay na ako ngayon.

"Dali na!"

"Ayoko." napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ayaw niya?!

"Dali na kasi!"

"No. Kapag hindi ako masaya, dapat hindi ka rin masaya. Like master, like slave. Remember?" saka siya nagsmirk sa akin. Aba naman talaga! Dinamay pa ako sa ka-emohan niya!

"Please?" talaban ka ng pa-cute style ko!

"Edi abutin mo sa kabilang bulsa ko."

 

Napatingin lang ako sa kanya. Ibig sabihin, nasa kaliwang bulsa niya yung phone niya. At ano? Ako pa ang mag-aabot samantalang kaya niya namang iabot sa akin?! Bubugbugin ko na 'to eh!

 

"Weak." sabi niya sa akin sabay ngiti nang nakakaloko. Aba't hinahamon talaga ako ng unknown particle na 'to ha!

"Asa ka pa." gamit yung free hand ko, pinilit kong abutin yung left side niya, pero pinipigilan niya rin ako. Ugh! Ayaw talaga ipakuha yung phone niya! Napaka! Nararamdaman ko na rin yung hininga niya sa pisngi ko dahil sobrang lapit ko sa kanya pero wala akong pake. Ang importante ay makuha ko ang phone niya at matawagan si Steff!

 

"Pahiram na kasi! Isosoli ko naman agad eh!" sige pa rin ako sa pagkuha ng phone sa bulsa niya pero di ko makuha!

"Kung makukuha mo."

"Hah! Ayaw mo lang sigurong mahiwalay sa akin no? Bwahaha!" sabi ko na lang dahil wala akong maipang-asar sa kanya! Tae! Ang hirap talagang kuhanin ng phone niya! Susuko na sana ako pero bigla siyang huminto sa paggalaw kaya napatingin ako sa kanya. Pero mukhang maling move yun dahil face to face na kami ngayon. As in he's breathing right into my face.

 

Bigla siyang ngumit nang nakakaloko kaya kinabahan ako.

 

"B..bakit?"

"Let's stay here." tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko kaya napalayo ako. Kaso lumalapit ulit siya at hinahatak niya yung posas towards him.

"H..hoy ano ba!"

"Just the two of us." layo pa rin ako nang layo pero lapit lang siya nang lapit. Anak ng posas naman oh!  Bakit siya nagkakaganyan?!

"P..patrick, umayos ka." saka ko naramdaman na nakasandal na ako sa pader. Shet. Maliit nga pala ang compartment na 'to! Dead end!

"Checkmate." tapos bigla niyang nilagay yung dalawang braso niya sa pader kaya nakulong ako doon. Napataas rin yung left hand ko dahil sa lecheng posas na nagcoconnect sa amin.

 

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Jusko! Parang awa niyo na po! Rereypin ako ng isang 'to! Dave, iligtas mo ako!

 

Palapit nang palapit yung kadiri niyang pagmumukha sa mukha ko kaya napapikit na lang ako. Huhuhu bakit ako pa?! No! Yung lips ko! Hindi pwede! Mawawala ang virginity ng lips ko!

 

"Pffft!" nakarinig ako ng pagpipigil ng tawa kaya napadilat agad ako. Pagtingin ko, nakapatong sa balikat ko yung ulo ng takteng Patrick na 'to at tumatawa siya! Umabot sa sukdulan ang pagkainis ko sa kanya kaya hineadbatt ko siya. Bigla siyang napahiga sa sahig dahil sa impact pero nasama rin ako dahil sa lecheng posas na 'to. Kainis na ha! Kanina pa paepal 'tong posas na 'to!

 

Nahilo pa ako dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa ulo niya nung hineadbatt ko siya kaya hindi agad ako nakabangon mula sa pagkakahiga sa kanya.

 

"Ehem! Ehem!"

 

Napatingin naman ako sa boses na narinig ko at narealize ko na bukas na pala yung pinto. Nakita ko sina Alice at Yna na halos mapunit na yung mga labi sa sobrang ngiti. Saka ko narealize yung posisyon namin ni panget kaya agad-agad akong napabangon mula sa kanya.

 

"Balak sana naming pyansahan kayo kaso mukha naman kayong nag-eenjoy dyan!"

"Haha! But really, that was an embarrasing position." pang-aasar pa nitong si Yna.

 

Bago pa sila tuluyang mang-asar ay tinakot ko na sila sa lahat ng alam kong pwedeng ipang-blackmail sa kanila para palabasin nila ako dito. And yes, I did it! Napagtanto kong 15 minutes pa lang pala ang nakakalipas. Wow. Fifteen minutes nga, halos mabaliw na ako sa loob kasama ng Patrick na 'to, one hour pa kaya?!

 

Paalis na sina Alice at Yna kaya balak ko sanang humabol sa kanila pero naalala kong tagabantay nga pala ako sa booth na 'to.

 

"See you na lang sa concert mamaya ha!"

"We'll wait for you at the front seat!"

 

Saka sila tuluyang nawala. Balak ko na sanang sigawan si Patrick sa lahat ng kabaliwang pinaggagawa niya sa akin kanina sa loob pero biglang nahagip ng mata ko si Keisha. Napangiti ako nang nakakaloko dahil biglang may planong nag-form sa utak ko.

 

Okay, I've got this.