.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Anong tingin mo kay Keisha?"

"Sinong Keisha?"

"Yung babae nga doon sa shop dati! Yung nagpakilalang fiance mo!"

"Ahh."

 

Napasubsob na lang ako sa table after ng sinabi niya. Konti na lang talaga, susuko na ako sa lalaking 'to! Kunwari pa eh! Alam ko namang naaalala niya si Keisha. Psh. Pakipot pa masyado!

"Ayun siya oh!" sabay turo ko doon sa may left side, sa part ng mga tent na nagbebenta ng foods.

"Oh tapos?"

"Sungit mo!"

 

Bwisit. Ang slow rin ng lalaking 'to eh! Minsan iniisip ko kung paano 'to naging Campus Prince. Medyo tanga pagdating sa pag-ibig.

 

"MASTER." sabi ko sa kanya, sarcastically, "Tinutulungan na nga kitang mag-move on kay Steff, ayaw mo pa? Ayan na oh. Babaeng may gusto sa'yo."

"I am moving on. Hindi ko kailangan ng tulong."

 

Uh oh. Serious tone ang gamit niya. Napatikom tuloy ako ng bibig. Nakakatakot talaga siya pag ganyan kaseryoso. Pero nakakainis! Paano ko malalakad sa kanya si Keisha kung nagmamatigas siya?!

 Nanood na lang ako kasama niya doon sa mga nahuhuling tumatapak sa X-marks at nakukulong sa jail booth. Nakakatawa lang dahil kapag nakikita nilang lumalapit na yung mga 'couple-lis', tumatakbo agad sila. Pero wala rin naman silang magagawa dahil best runners yang mga na-hire namin.

 

"Jess!" halos malaglag naman ako sa upuan ko nung may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa right side, muntik na naman akong malaglag. Aba't kung sinuswerte ka nga naman! Si Dave pala yung tumawag sa akin! Oh my gosh!

"He-hello!" saka ako nag-wave sa kanya. Lumapit siya doon sa pwesto namin with matching ngiti-ngiti pa kaya ako, nahihirapang magpigil ng kilig.

"May ginagawa ka ba?" na-shock naman ako sa tanong niya. Bakit niya kaya natanong? Aayain niya ba ako?

"Nagbabantay siya." bigla namang singit nitong unknown particle na 'to sa usapan. Psh! Epal!

"Ah ganun ba? Oh sige--"

"Wait lang!"

 

Napatayo ako sa inuupuan ko tapos tumingin ako kay Dave. Gulat pa nga yung expression niya eh. Tumingin rin ako kay Patrick at nagmakaawa look tapos kumunot lang yung noo niya.

 

"Uhm, break time ko ngayon, actually." saka ako ngumiti sa kanya.

"Talaga?" sabay ngiti ni Dave. Heaven! Amp! Tumango ako sa kanya. Paalis na sana ako sa pwesto ko kaso umubo ng sadya si Patrick.

"Ano yan? Break time mo tapos ako lang magbabantay dito? Sinuswerte ka ata, slav--" napatakbo ako sa pwesto niya saka ko tinakpan yung bibig niya bago pa marinig ni Dave yung sasabihin niya. Bastos na lalaking 'to! Sasabihan pa ako ng slave sa harap ni Dave! Baka mamaya kung anong isipin nun!

 

Napatingin ulit ako doon sa may mga tents at saktong nakita ako ni Keisha. Tinanggal ko yung isang kamay ko sa bibig ni Patrick pero yung isa, nakatakip pa rin sa kanya. Kumaway ako kay Keisha at sinenyasan ko siyang lumapit dito. Nung mga ten meters apart na lang kami, biglang namula yung mukha niya. Pffft. May tama nga 'tong babaeng 'to kay Patrick.

 

"Keisha, pwedeng favor?"

"H-ha? A-ano yun?"

"Pwedeng samahan mo muna dito si Patrick? May pupuntahan lang ako. Please?"

 

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, yung expression ni Keisha ay mahihimatay na siya. Kulang na lang ay sumabog yung pisngi niya sa sobrang pula. At dahil parang nanigas na siya doon sa kinatatayuan niya, hinatak ko siya papunta sa upuan ko at pinaupo ko siya doon. Ayun, lalong naging tuod.

 

"Oh ayan, may kasama ka na!" sabi ko kay Patrick tsaka ko siya binelatan. After that, tumingin naman ako kay Dave tapos sinenyasan niya ako na umalis na kami.

 

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang hindi mangiti. Pero grabe! Ang lakas ng tibok ng puso ko! Naabnormal na naman! Kasi 'tong si Dave eh! Lakas ng dating!

 

Kwento lang siya nang kwento at wala naman akong maintindihan dahil naririnig ko yung pagtibok ng puso ko. Peste! Nahyhypnotize ako sa ngiti niya! Tapos ang bango-bango niya pa. Naliligo ata 'to ng pabango eh. Pero mas matapang yung amoy ng pabango ni Patrick.

 

Speaking of Patrick, kamusta na kaya yung dalawang yun? Bigla tuloy akong naawa kay Keisha dahil hinatak ko siya doon. Bad mood pa naman yung unknown particle na yun. Tsk. Hayaan na nga. Kaya na nila yun.

 

"Jess?"

"Ah, eh. Huh?" bigla naman siyang tumawa kaya matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi kiligin sa harapan niya. Ano ba naman yan! Hindi ko na ma-contain yung kilig ko!

"Sabi ko, kung gusto mo bang pumunta doon sa Dating Cafe." buti na lang talaga at nakayuko siya nung tinanong niya yun dahil hindi maipinta yung reaction ko. Takte! Inaaya niya ako sa Dating Cafe?! Shocks! Ibang level na ng kagandahan ko 'to!

"Ah, s-s-sure!" parang naging high-pitched tuloy yung boses ko sa sobrang kaba.

 

Dinala niya ako doon sa Dating Cafe kung saan kami galing kanina nina Darryl at Patrick. Buti nga at wala na dito si Steff kung hindi ay aasarin ako nun. Naghahanda na ata sila para sa Concert Jamming mamaya.

 

Pero hindi kami nakaligtas sa mata ng ilan. Nung dumaan kami ay narinig ko pa yung pangalan ko at ni Dave. Well, kahit hindi kasama si Dave sa Campus Princes, sikat pa rin siya sa school dahil nga pang-top 11 siya. Tsaka magaling pa siyang sumayaw at marami ring nagkakacrush sa kanya, including me.

 

"Dapat pala nag-disguise tayo." bulong niya sa akin at kinilabutan ako dahil ang lapit ng bibig niya sa tenga ko.

"Oo nga eh. Hayaan mo na." tsk. Panigurado, isa 'to sa magiging laman ng underground website.

 

Umupo kami sa bandang dulong table at umorder na rin ng cake at frappe. Nakakahiya nga dahil naiwan ko yung gamit ko doon sa booth kaya wala akong dalang kahit ano maliban sa phone ko na hindi ko na binitawan simula kanina dahil sa nangyari sa booth. Wala rin tuloy akong pera. Pero sabi niya, treat na daw niya. Kaya kinilig na naman ako.

 

"Oo nga pala. Uhm. Ano. Jess, happy Valentine's." nabigla ako sa sinabi niya. Tapos bigla siyang nag-abot ng boquet ng flowers. Saan galing yun?! Wala namang ganun kanina ah?

"T-thank you." this time, sobrang nag-blush talaga ako. Takte talaga! Binigyan niya ako ng flowers! What is the meaning of this?!

"I know this might surprise you. But I want you to know that..."

 

Kung kanina, sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ngayon, feeling ko lalabas na siya sa dibdib ko. Alam ko ring Valentine's Day ngayon, pero hindi ko naman ineexpect na ganito ang mangyayari. Ito na ba ang katapusan ng kamalasan ko sa buhay?

 

"I... I like you."

 

Nanigas ako bigla sa kinauupuan ko. Hindi ako nakahinga for a few seconds at parang biglang tumahimik yung paligid. D...did I hear it right?

 

He...he likes me? As in...me?

 

"Dave...I--"

 

Biglang umingay yung paligid. Akala ko dala pa rin ng pagkasabi ni Dave na gusto niya raw ako, pero narealize ko na nagriring pala yung phone ko. Pero hindi ko pinansin dahil baka mawala ako sa momentum.

 

"Dave, actually... a...ako--" tumutunog pa rin yung phone ko. Leche naman oh!

"Sige, sagutin mo muna yan."

"Okay. Sorry." saka na lang ako nagsmile sa kanya. Tumayo naman ako at pumunta doon sa gilid para tignan kung sino ang pesteng tumatawag.

 

At tama nga. Peste talaga yung tumatawag ngayon.

 

"Hello?!" pasigaw kong sagot doon sa kabilang linya. Kainis na Patrick talaga 'to! Panira ng moment! Ayun na eh!

"Tsk. Where are you?"

"Nasa dulo ng mundo." bwisit talaga. Ang sarap niyang barahin!

"Hindi ako nakikipagbiruan."

"Hindi rin ako nakikipagbiruan." Panget ka! Epal! unknown particle! Bitter! Bakla!

"Ah ganun? Oh sige. Sasabihin ko na lang kina Charmaine na ayaw mong magpractice. Bahala ka. Hindi ko kasalanan kapag magkamali at mapahiya ka mamaya." tapos bigla niyang tinapos yung tawag.

 

What's wrong with him?! At anong practice--oh crap.

 

Napatingin ako sa oras sa phone ko at nakita kong 3:57 PM na. Patay! May rehearsals nga pala lahat ng kasali sa Dance Concert ng 4 PM! Takte! Lagot ako!

Napatakbo agad ako papunta kay Dave.

 

"Dave, sorry talaga. Sorry kung hindi tayo makakapag-usap regarding sa.. sa ano. Basta! Sorry may rehearsals pala kasi kami ng 4 at nakalimutan ko. Kaya, maiwan na muna kita ha? Sorry talaga!" halos maiyak na talaga ako sa sobrang guilty.

"Okay lang! Gusto mo ihatid na kita doon?"

"Ha? Naku wag na--"

"No need." napalingon naman ako sa likuran nung marinig ko yung boses na yun. Pagtingin ko, para akong nakakita ng multo.

 

Bigla niya akong hinatak palabas ng Dating Cafe habang ako, shocked pa rin sa naganap. Anong nangyari?! Nagpabalik-balik pa ako ng tingin sa cellphone ko at sa lalaking 'to. Bakit kaharap ko ngayon si Patrick?!

 

"Bakit ka nandito? Kausap lang kita kanina ah? Tsaka, pano mo nalaman na nandito ako?"

"Dami mong tanong." ang sungit talaga! Nakakainis na ha!

"Eh di wag mong sagutin--"

"Pumunta ako sa dulo ng mundo. Happy?" pagkasabi niya nun, natahimik na lang ako.

 

 

Why is my heart beating so loud?