.

.

Chapter 26

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Siguro dahil pa rin 'to sa pagcoconfess ni Dave kanina sa akin. Takte talaga, di ko inexpect yun! Nawindang ang pagkatao ko. Pero kinikilig ako, sobra. Akala ko one-sided love na eh, pero biglang ganito.
Napangiti tuloy ako bigla at napakagat na lang sa labi para mapigilan ang pagtili. Kilig vibes all the way!

Pero nawala lahat yun nung maramdaman ko ang aura ng kasama ko. Tss. Bakit pa kasi siya pumunta doon sa Dating Cafe? Naudlot tuloy yung moment namin ni Dave. Panira talaga siya ng love life ko kahit kailan!

Bigla ko namang naalala si Keisha at na-guilty ako. Agad-agad ko siyang tinext para makibalita.

 

'Keisha! Kamusta pala dyan? Huhu sorry sa ginawa ko kanina.' Wala pang isang minuto, nakita ko kaagad yung reply niya.

'Ayos lang naman. Umalis na rin ako kasi dumating na yung groupmates niyo daw. Tsaka bigla na lang rin kasing umalis si Patrick eh.' Naramdaman ko naman na malungkot yung text niya. Shocks, naguguilty talaga ako at dinamay ko pa siya dito.

'Sorry talaga! Huhuhu! Di bale babawi ako next time. Err, kasama ko na siya ngayon kasi may dance rehearsal kami eh.'

'Okay lang. Wag ka magsorry, dapat nga ako yung mag-thank you. Kaya, thank you :)'

 

Wala naman na akong maireply kaya binulsa ko na lang yung phone ko. Bakit ba ang bait-bait niya? Manang-mana siya sa pinsan niya. Bastos rin kasi 'tong Patrick na 'to eh. Bakit siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam? Kawawa tuloy si Keisha. Hindi niya ba nafifeel na may gusto yung tao sa kanya? O baka hindi pa rin siya nakaka-move on kay Steff? Kawawang nilalang naman 'to.

 

"So what's with you and that guy?" nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita. Kahit nauuna siyang maglakad at likod niya lang ang nakikita ko, alam ko namang ako ang kausap niya. At dahil badtrip ako sa pagiging badtrip niya, niloko ko yung sagot ko sa kanya.

"Wag na, baka mainggit ka lang." saka ako ngumiti dahil naaalala ko na naman yung sinabi ni Dave sa akin kanina. Ay, kilig!

"Why would I?" patuloy pa rin siya sa paglalakad at hindi man lang lumilingon.

"Kasi gusto ako ng taong gusto ko." saka ako bumelat sa likod niya. Pero napahawak na lang ako sa noo ko nung bumangga ako sa dibdib niya. Bastos! Huminto pala ang loko at humarap sa akin!

"Sigurado ka?" nakita ko naman yung expression niya na parang pinipigilan niyang tumawa to the point na sobrang namumula na yung mukha niya. Tinalikuran niya ulit ako at nagsimula siyang maglakad pero naririnig ko pa rin yung pagpipigil niya ng tawa. Bastos na unknown particle 'to! Suntukin ko ulit siya eh!

 

Naglakad na lang ulit ako habang pinapatay ko siya sa utak ko. Pero napahinto ako dahil sa sudden realizations ko. OMG. Si Patrick Reyes, tumatawa? Blue moon ba ngayon? Bigla akong kinilabutan.

Humabol ako sa kanya at sumabay sa paglalakad. Naalala ko ulit si Keisha kaya nagtanong ako sa kanya.

 

"Anong nangyari kanina? Kamusta si Keisha?" tumingin pa siya sa akin habang nakataas yung kilay niya.

"Wala. She's fine." napakawalang kwenta naman ng sagot na yan!

"I mean, anong masasabi mo sa kanya?"

"Babae siya." napahawak na lang ako sa ulo ko dahil feeling ko sasabog na 'to dahil sa lalaking 'to.

"Yun lang?"

"Hindi niya ako magulang para malaman ko lahat sa kanya."

 

Okay, suplado mode na naman siya. Makalayo na nga. Mamaya kung ano pang mangyari sa akin. Bipolar talaga 'tong unknown particle na 'to. Kanina halos mamula sa kakatawa tapos ilang seconds lang ang nakalipas, sungit mode na naman siya. Labo ng utak niya, promise.

 

Ilang minuto lang, nakarating na rin kami sa practice room. Pagkapasok namin, huminto lahat ng sumasayaw at tumingin sa amin. Yung iba, nagbulung-bulungan pa at yung iba naman, may kasama pang tili. Hay. Perks of being one of the Campus Princes and Princesses.

 

"Okay, nandito na ang stars of the night! Hala sige, akyat na sa stage at simulan na ang practice!" sigaw sa amin ni ate Clarisse, 3rd year college at isa sa Campus Princess ng batch nila.

 

Wala naman kaming nagawa kundi umakyat doon sa stage. Nakakailang lang dahil lahat sila, nakasunod yung tingin sa amin. Pumwesto kami doon sa gitna at pinatugtog na ni ate Clarisse yung music.

 

Wha- wha- what did she say
Mmmm whatcha say,
Mmm that you only meant well?
Well of course you did
Mmmm whatcha say, Jason Derulo
Mmmm that it's all for the best?
Of course it is

 

Sinayaw namin yung choreo na prinactice namin nung nakaraan. Intense nga lang ngayon dahil bigay-todo kaming lahat. Syempre mamaya na 'to kaya kailangang career-in!

Hindi ko namalayan na habang sumasayaw pala kami ni Patrick, nakatingin kami sa isa't isa. Aba himala! Nakakayanan ko siyang titigan nang matagal. Ang ganda pala ng mata niya. Pero syempre di ko sasabihin sa kanya. Iba ang takbo ng utak niyan eh.

Bigla naman niya akong hinigit palapit sa kanya dahil yun yung choreo. Ano ba naman 'tong lalaking 'to. Pabango ata pinapaligo nito eh! Kahit kanina pa kami init na init dahil doon sa pagbabantay ng booth sa labas, ang bango pa rin niya.

 

I was so wrong for so long
Only tryin' to please myself (myself)
Girl, I was caught up in her lust
When I don't really want no one else
So, no I know I should of treated you better
But me and you were meant to last forever

 

Namimiss ko tuloy yung PE namin ni Dave. Gusto ko ulit siya makasayaw. Pero in fairness, magaling rin talagang sumayaw 'tong si Patrick. Wala nga lang facial expression.

Umikot ako sa kanya with matching eye contact ulit pero muntik na akong matapilok nung ngumiti siya. Takte anong problema niya?! Nagulat ako dun ha! Imagine, wala siyang ka-expre-expression tapos biglang ngingiti? Buti na lang napahawak agad ako sa braso niya kundi subsob yung mukha ko sa sahig.

After ng song, nagpahinga muna kami at saka paulit-ulit pang nagpractice. Pagkatapos ng last practice, halos mapahiga na lang ako sa sahig sa sobrang pagod. Ang strict masyado ni ate Clarisse! Pag nagkakamali kami sa isang part, uulitin ulit yung buo. Grabe, bugbog na katawan ko. Tuluyan na akong humiga sa stage. Wala akong pakialam kung anong sabihin nila sa akin. Sobrang pagod na ako.

 

"Oh." bigla namang naghagis ng bimpo si Patrick sa pagmumukha ko. Pero imbes na mainis ako, napangiti ako kasi ang bango nung bimpo. Sarap sa pakiramdam! Tinanggal ko yun sa pagmumukha ko at nakita kong nakaupo na pala sa tabi ko si Patrick at umiinom ng mineral water. Bigla kong naramdaman yung matinding uhaw.

 

"San mo yan nakuha?" sabay turo ko sa mineral water na hawak niya habang nakahiga pa rin ako.

"Doon sa harap. Ubos na." tapos patuloy pa rin siya sa pag-inom kaya lalo lang akong nauhaw.

"Ubos na?! Bakit?"

"May mga nagtake-two."

 

Takteng mga yan! Hindi ba nila alam na may isang babaeng nauuhaw dito at nakuha pa nilang kumuha ng dalawang mineral water?! Tinatamad na akong bumili sa canteen o sa mga booths.

 

"Tubeeeeeeeeeg!" para akong batang nagtatantrums doon pero ayoko talagang tumayo kasi sobrang pagod pa ako.

"Oh. May natira pa ako." napatingin ulit ako kay Patrick at inooffer niya yung mineral water niya na halos one-fourth na lang ang natira. May sakit ba siya? Baka nga blue moon talaga? Bakit bigla siyang naging mabait? Napaupo tuloy ako at hinawakan ko siya sa noo at leeg.

"What the heck are you doing?"

"Wala ka namang lagnat. Mamamatay ka na ba kaya mabait ka sa akin, MASTER?" sabi ko sa kanya at talagang sincere ako doon.

"Kung ayaw mo, eh di wag mo." bigla niyang binuksan yung bote at akmang uubusin niya na yung laman ay inagaw ko sa kanya yung mineral water.

"Joke lang naman! Di ka na mabiro!" sabi ko na lang kahit sobrang nagtataka pa rin ako sa nangyayari sa kanya. O baka naman narealize niya na sobrang sungit at sama niya sa akin at naisipan niyang magbago na para sa ikauunlad ng bansa natin.

"Tsk." kita mo 'to, nagsusungit na naman! Hmp! Tinignan ko na lang yung bote at may narealize na naman ako.

"May laway mo na 'to eh!" tinignan niya ako nang masama at akmang aagawin niya ulit yung bote kaya pinigilan ko siya. "Eto na nga PO oh! Iinumin ko na!"

 

Dahil na rin siguro sa sobrang uhaw, nilagok ko lahat ng tubig doon. Gosh, gusto ko pa. Peste kasing mga nag-take two yan! Kung hindi dahil sa kanila, eh di sana isang bote yung nainom ko ngayon. Pagkatapos nun, tumahimik na lang ako at pinagmasdan yung paligid ng practice room. Yung iba sa mga dancers, nagsisialisan na para magbihis at mag-ayos. Two hours na lang rin kasi at Dance Concert na. Pero kami, nandito lang, nakaupo at nagpapahinga. Marami pa namang time eh.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero naisipan kong kausapin ng medyo seryoso 'tong unknown particle na 'to.

 

"Oy unknown- este Patrick, bakit ang sungit mo sa mga tao?" hindi naman ako nakatingin sa kanya. Nakaupo lang ako sa stage at ginagalaw-galaw ko lang yung paa ko.

"Gusto ko lang."

"Gusto mo lang o napipilitan ka?" nagulat rin ako sa nasabi ko. Nahahawa na rin ata ako sa kaabnormalan ng lalaking 'to.

"Paano mo nasabing napipilitan lang ako?"

"Dahil kay Steff? I mean, di ba mabait ka sa kanya? Baka dahil naranasan mo nang mareject, natatakot ka lang ulit na maging open sa mga babae kaya dinadaan mo sa pagsusungit mo para hindi sila maging masyadong attached sa'yo." hindi ko alam kung dala lang ba 'to ng pagtatapat sa akin kanina ni Dave kaya nagiging love guru na ako.

"Huh. Love expert ka na ngayon?" kita mo 'tong lalaking 'to. Siya na nga tinutulungan, siya pa 'tong masungit! Hampasin ko siya to the left and to the right eh.

"Ang sinasabi ko lang PO, try mo PONG bawasan yang pagsusungit mo PO kasi may mga taong gustong maka-close ka pero hindi mo PO binibigyan ng chance." katulad na lang ni Keisha. Naaawa talaga ako sa kanya. Para kasing walang pakialam sa mundo 'tong naging crush niya. Kaya gagawa talaga ako ng paraan para mapansin niya si Keisha.

"Why would I? Nakakayanan mo nga eh." aba at sa akin pa talaga binase. Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong sakalin minsan.

"Kasi magaling ako."

"Then they have to be good too, so that they can handle my attitude."

 

Ang tigas ng ulo ng unknown particle na 'to! Bakit kay Steff lang kasi siya mabait? Lakas talaga ng kamandag ng babaeng yun! Tapos sa iba, it's either magsusungit siya o kaya hindi niya papansinin.

 

"Oh, guys, sige na magprepare na kayo! Ilang oras na lang magsstart na yung Dance Concert! Kaya natin 'to!" kahit ayoko pang tumayo, napilitan ako dahil kay ate Clarisse. Bumaba kami sa stage at umalis na sa practice room para magprepare.

 

Dahil nasa booth pa yung gamit naming dalawa, dumiretso kami doon. Buti na lang at medyo malapit lang yun sa practice room. Naabutan pa namin doon si Charmaine at Lalaine na nagliligpit. Isasara na kasi yung ibang booths para makanuod sila sa events sa stage mamaya.

 

Hinanap ko sina Alice at Yna dahil pagala-gala lang sila sa campus ngayon. Sinabi ko sa kanila na tulungan akong magprepare. Nung bandang 6 PM na, dumating sila with matching hingal pa.

 

"Anyare sa inyo?"

"Eh kasi nakita namin si Darryl na may pineprepare na something! For sure para kay Steff yun! Lechugas na babaeng yun, ang swerte!" sabi ni Alice habang pinapawisan yung pawisan niyang mukha.

"I guess Steff's Valentine's day will be awesome!" dagdag naman ni Yna.

 

Dahil usapang Valentine's rin naman ang nangyayari, kinwento ko sa kanila yung nangyari kanina sa Dating Cafe at nakailang hampas sila sa akin dahil sobrang kinikilig ako kay Dave! Shet di ako makaget-over! Gusto niya rin ako!

 

"Aray ha! Pero grabe! Haba ng buhok mo! Haha!" tapos sinundot ako ni Alice sa tagiliran.

"But I still ship you with Patrick. You guys look good together. Swear!" hindi ko alam kung nang-aasar lang ba o nagsasabi ng totoo 'tong si Yna eh. Painosente pa kasi yung mukha.

 

Bago pa tuluyang maubos yung oras namin sa tsismisan, pumunta na kami sa CR at nagbihis muna ako tapos sinimulan na nila akong ayusan. Syempre dapat fierce yung look kasi fierce yung sayaw namin eh. After 30 minutes, natapos rin kami. Agad-agad kaming lumabas ng banyo at tumakbo papunta sa main stage. Dumaan kami sa backstage pero sa sobrang pagmamadali namin ay may nabangga akong lalaki doon sa may pintuan.

 

"Sorry po-- aray ko Yna, ano ba?" kasi 'tong si Yna siko nang siko sa akin eh nagsosorry pa nga ako doon sa nabangga ko. Napatingin ulit ako doon sa nabangga ko at tumingala ako para makita yung mukha niya.

 

Napanganga na lang ako. He looks so...hot. Anong kababalaghan ito?

 

"I guess I look good." sabi sa akin ng nag-iisang unknown particle and he smirked at me. "Pasok na daw, magsisimula na."

 

Hindi ko naman magawang kumilos. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Bakit ganyan yang itsura niya? Bakit bigla siyang naging gwapo? Kung hindi pa ako tinulak nina Alice at Yna papasok sa loob, siguro tititigan ko lang si Patrick.

 

Iba pala talaga ang nagagawa kapag naaayusan, ano?