.

.

Chapter 27

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Si unknown particle ba talaga yun?
Ibang klase. Nag-iba talaga yung itsura niya! Nagmukha na siyang totoong tao. Ganito rin yung reaction ko sa birthday party ni Tricia eh. Mukha rin kasi siyang matinong tao noon.

 

"Ehem. Earth to Jess! Earth to Jess!" sabay kalabit pa sa akin ni Yna. Doon lang ako napatingin sa kanya tapos nakangisi lang siya sa akin.

"Girl, tunaw na niyan si Patrick mamaya." sinamaan ko naman ng tingin si Alice.

 

Walang utang na loob talaga 'tong dalawang babaeng 'to eh. Buti nga pinayagan pa sila dito sa backstage kasi pinakiusapan ko si ate Catherine, tapos aasar-asarin lang nila ako. Hindi ko na lang sila pinansin at naglaro na lang ako sa phone ko. Kaso napahinto ako nung biglang nagregister yung pangalan ni Dave sa screen.

 

OMG tumatawag siya!

 

Tumayo ako sa pagkakaupo ko tapos pumunta muna ako sa sulok. Nanginginig ko pang pinindot yung screen para masagot ko yung tawag.

 

 "He-hello?" shocks nahihiya na ako sa kanya. After nung confession niya sa Dating Cafe kanina, parang ang awkward na.

"Jess, sorry kanina kung nabigla ka sa sinabi ko. Kasi-"

"O-okay lang!" sobrang high-pitched ng boses ko dahil sa kaba. Imagine, kausap ko ang crush ko sa phone at ang pinag-uusapan namin ay yung pagtatapat niya!

"Talaga?" bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko. "By the way, good luck sa Dance Concert. I know you can do it well." tapos naputol na yung tawag.

 

Nasa tenga ko pa rin yung phone ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kinikilig ako. Kulang na lang tumalon ako para mailabas ko 'tong kilig ko.

 

 "Anyare na naman sa'yo?" narinig ko yung boses ni Alice sa may gilid ko pero di ko siya pinansin. Hindi pa rin ako makarecover sa lahat ng nangyayari. Kainis kasi 'tong si Dave!

"What's with that idiotic smile, Jess?" sabay tawa pa ni Yna sa kabilang side ko. Baliw rin 'tong dalawang 'to eh. Talagang pinuntahan pa nila ako dito sa sulok para asarin.

 

Kinindatan ko sila at agad nilang nagets yung ibig sabihin nun. Aba't inagaw talaga nila sa akin yung phone ko! Bumalik kami sa pwesto namin kanina habang nagpipigil pa rin ako ng kilig. Ganda ng Valentine's Day ko! Quotang-quota ako sa kilig moments!

 

"Hoy, ayusin mo mamaya. Pag ikaw nagkamali..." napatingin naman ako sa lalaking 'to. I mean, napatitig. Iba talaga itsura niya ngayon. Nakakapanibago. Parang naging karespe-respeto siya sa paningin ko, for the first time.

"Baka ikaw magkamali!" sabi ko na lang. Yabang eh. Ako lang ba ang pwedeng magkamali? Parang ang perpekto niya ah!

"Why would I?" yabang talaga! Masungit na nga, mayabang pa!

 

Sasagutin ko na sana siya ng "Whatever, unknown particle." kaso baka mabigyan na naman ako ng death glare. Masira pa Valentine's Day ko.

 

Bigla namang pumasok si ate Clarissa at sinabing kami na raw yung susunod na magpeperform. Bigla tuloy akong kinabahan. Sanay naman akong humarap sa maraming tao kapag nagrereport at nagpepresent pero iba 'to! Nasa libo ang nanonood! Takte!

 

"Pfft." napatingin ako sa damuhong 'to at feeling ko ay nakita niya yung reaksyon ko pati na yung panginginig ng kamay ko. Ugh! Epal! Bakit siya hindi kinakabahan?! Kainis! Ang unfair! Parang chill lang siya eh!

 

Tumayo siya bigla at hinila yung braso ko kaya napatayo ako.

 

"Tara na, slave." saka niya ako hinatak palabas ng backstage at palapit na kami ng palapit sa stage. OMG andaming tao! Bakit andaming tao?!

"Takte anong meron? Bakit andaming nanonood?!" sabay silip ko ulit sa audience.

 

"And now, let's all welcome, the dancing campus prince and princess! Mr. Patrick Reyes and Ms. Jessica Morales!" pagkasabing-pagkasabi nun ng MC, napatakip ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao. Lalo lang akong kinabahan. Dahil nanigas na ako doon sa pwesto ko, tinulak-tulak na ako netong Patrick na 'to papunta sa gitna ng stage.

 

"Ha-ha. Akala ko ba hindi ka magkakamali? Wala pa nga, nanigas ka na dyan." hindi ko siya sinagot at nakatingin lang ako sa dami ng taong nanonood sa amin ngayon. Is this even real? Ang dami talaga!

"Oi. Are you really that scared?" hindi ko ulit siya nasagot. Kulang na lang ay magpalpitate ako dito sa sobrang kaba. Parang nawala lahat ng slf-confidence ko at namemental block na ako.

 

Bigla kong narinig yung song na sasayawin namin. Oh my God! Ayan na! Shet! Nakalimutan ko na yung mga steps! Teka, di pa ako ready!

 

Nagulat ako nung bigla niyang tinakpan ng isa niyang kamay yung mga mata ko mula sa likod.

 

"Hoy, te-teka! Tumutugtog na yung kanta!"

"Kahit tumutugtog yan, kung wala ka naman sa sarili mo, magkakalat ka pa rin sa stage. Kumalma ka muna. Isipin mong walang nanonood ngayon. Isipin mo nagpapractice lang tayo." tinry kong sundin yung sinasabi niya at medyo kumalma ako. Pero kinakabahan pa rin ako!

"Okay na?"

"Me-medyo." tinanggal niya yung kamay niya sa mga mata ko. Malapit na ring magsimula yung part ng song kung saan kami magsisimulang sumayaw.

"Now all you have to do..." pumosisyon na siya sa harapan ko dahil yun yung unang step sa choreography. "is to dance with me."

 

Bigla siyang sumayaw kaya napasayaw na rin ako. Buti na lang at naalala ko yung first step at madali ko siyang nasundan. Pilit ko ring iniisip na nagpapractice lang kami.

 

"OMG! Patrick! Ang gwapo mo!"

"Freaking gorgeous! Ang sexy mo sumayaw!"

 

Pagkarinig ko nung mga nun, natawa ako. Pero siyempre pinigilan kong humalakhak dahil baka makalimutan ko yung susunod na steps. Tapos napatingin ako sa mga mata niya at nakakunot pa yung noo niya.

 

"What?" mood swing na naman!

"Gorgeous daw at sexy? Haha! Yuck!--" bigla naman niya akong hinigit sa bewang dahil yun yung step namin kaya tumama ako sa dibdib niya. Ang sakit ha!

 

"Jess! Ang galing mo palang sumayaw!"

"Beauty, brains and talent!"

 

This time, narinig kong nag-snort si Patrick. Kung hindi lang kami sumasayaw, siguro super gulat na yung expression ko. Tumatawa at ngumingiti na naman siya! Naaabnormal na naman ata 'to!

 

"Baka short, amasona and crazy."

"Hiyang-hiya naman ako sa pagiging arrogant, bipolar and bitter mo di ba!" hinigit niya ulit ako sa bewang kaya napalapit na naman ako sa kanya. Bakit ba kasi ganito yung step pang chorus?!

 

Buti na lang talaga at malapit nang matapos yung sayaw namin. Hindi ko na kayang tagalan 'tong partner kong 'to! Buti pa sana kung si Dave 'to, eh di sobrang enjoy ako. Psh.

Pagkatapos ng sayaw namin, sobrang lakas ng hiyawan ng audience at hindi ko na maintindihan yung sinisigaw nila. Pero after ilang seconds, narealize ko yung sinisigaw nila at nakita kong nakikisigaw rin sina Alice at Yna sa may gilid ng stage. Kulang na lang ay sugurin ko sila doon para matauhan sila.

 

"KISS! KISS! KISS!"

"ROYALTY KISS! ROYALTY KISS!"

 

Biglang nagsitaasan yung balahibo sa katawan ko. Anong problema ng audience? Nakalaklak ba sila ng kung ano at nagkakaganyan sila?! Lalo pang lumalakas yung sigawan nila to the point na parang may rebolusyong nangyayari dito.

 

Pagtingin ko sa side ko, nakatingin lang sa akin si Patrick. Expressionless.

"A-ano?!" kasi di ko mabasa yung pagmumukha niya at napaatras pa ako.

 

 

"ROYALTY KISS! ROYALTY KISS! ROYALTY KISS!" ang sarap sabihan sila ng shut up kaso hindi naman nila ako maririnig dahil wala naman akong mic at lalong hindi ko naman kayang talunin yang pagrerebolusyon nila.

 

 

"Fanservice, I guess?"

"Hoy Patrick Reyes, anong pinagsasabi mo?!"

"Do it, slave." saka siya ngumisi. At doon ako talaga kinilabutan. Ano bang nangyayari sa mundo?! Feeling ko sasabog na yung mukha ko sa sobrang kahihiyan! PInaggagawa kasi ng nilalang na 'to eh!

"Ba-bahala ka nga dyan!" nagsimula akong maglakad at lalagpasan ko na sana siya kaso bigla akong napabalik dahil hinatak niya yung braso ko. And the next thing I knew...

 

 

"AHHHHH! OMAYGAD NAPICTURAN MO BA YUN? SHET!"

"WAAAAHHHH ANG CUTE NILA NAKAKAINGGIT!"

"BAKIT DOON LANG? LOWER! LOWER!"

 

He kissed me on my forehead. After that, hinatak niya na ako pababa ng stage.

Pakiramdam ko talaga, may mali sa kanya. Naaabnormal na talaga siya.