.

.

Chapter 28

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Shet ka! Shet ka talaga Jess! Shet nawala ako sa sarili ko kanina! Muntik ko nang makalbo yung buhok ng babae sa harapan ko kanina sa sobrang kilig sa inyo!" yan ang pambungad sa akin ni Alice pagkapasok na pagkapasok ko sa backstage. Buti na nga lang at hindi dumiretso dito si Patrick dahil nag-CR siya.

"I even recorded it! Look!" sabay pakita sa akin ni Yna nung pictures sa phone niya.

 

Nilagpasan ko lang sila at napaupo na lang sa couch. The heck is wrong with that guy?! Muntik na akong magpalpitate kanina habang ginawa niya yun. Andami-dami pa namang nanonood! At paano kung nakita yun ni Dave? Arrghhh!

 

"Ay shiz! Magsisimula na rin yung concert sa side nina Steff! Tara na! May VIP pass ako dito!" pagkarinig ko nun kay Alice, napatayo ulit ako at mabilis kaming lumabas ng backstage para makapunta doon sa kabilang dulo ng field. Doon kasi nakapwesto yung stage na ginawa nina Steff. Tumakbo kami doon at inabot yung VIP pass namin sa mga nagbabantay at agad naman kaming pinaupo sa may unahan.

Naabutan naming kumakanta na si Steff at Darryl sa stage at hindi matago ang kilig sa mukha ni Steff. Sa wakas! Nagkaayos rin itong dalawang 'to! Syempre, todo tili rin kami nila Alice at Yna nung biglang tinanong ni Darryl ang mga katagang: 'Will you be my bebe girl again?'

Kahit sobrang corny ng tawagan nila, hindi pa rin namin naiwasang hindi kiligin. Lakas ng karisma ng lalaking 'to! Syempre happy kami for Steff dahil sa wakas, sila pa rin ni Darryl ang end game.

Pagkatapos ng performance nila, pumunta agad sila sa backstage at sumunod kami doon. Hinampas-hampas namin si Steff at pinaulanan sila ng asar habang naglalambingan sila doon. Pero nasira ang lahat nung umepal si Alice at Yna.

 

"Speaking of nakakakilig, alam mo ba Steff, may kissing scene rin na naganap kanina sa Dance Concert!" sabay tingin sa akin ni Yna at Alice ng nakakaloko.

"Patrick kissed you? OMG Jess!" biglang tumayo si Steff at ako naman ang hinampas-hampas niya.

"Joke lang yun! Tss!" saka ko sinamaan ng tingin itong dalawang madaldal na 'to. Basta talaga mga tsismis, sila ang nauuna eh!

 

Nakita ko namang tumingin sa akin si Darryl at may namumuong evil grin sa kanyang mga labi. Sa ngiti pa lang niyang yun, alam ko na ang balak niya. That freak! Sigurado akong gusto niya akong i-push sa walanghiyang unknown particle na yun para solo niya na si Steff. Takteng lalaking 'to!

 

"Ikaw ha, akala ko ba si Patrick Dave ang gusto mo? Bakit parang kay Patrick Reyes ang bagsak mo?" minsan ang sarap talagang upakan ng mga kaibigan mo eh. Akala ko kakampi ko 'tong si Steff pagdating sa love life ko pero ngayon, lumilihis na ng landas!

"Ikaw rin ha, porque ayos na kayo ni Darryl, ganyan ka na. Kamusta naman ang kiss sa lips?" bigla silang namula pareho sa sinabi ko. Hah! Akala niyo ha! Kulang na lang sumabog sila sa sobrang pula ng mga mukha nila. Pfft! Haha!

 

Halos 1 AM na rin kami nakapag-pack up. Andami rin kasing activities na inihanda ng bawat orgs. Sobrang dami ring tao kaya ang hirap kumilos. Buti na lang talaga at sinundo kami ng tito Steven, yung dad ni Steff, kasi nakakatakot magbyahe ng madaling araw. Mag-2 AM na kami nakarating sa bahay.

 

"Thanks po, tito. Sige, Steff, bye bye!" sabi ko pagkababa ko ng car nila dahil ako yung huling inihatid.

"Tatawag ako mamaya ha, wag ka muna matulog! Bye!" narinig ko pang pahabol ni Steff.

 

Pinagbuksan naman ako ng gate nung katulong namin at tinulungan akong ipasok yung mga gamit ko. Pagkapasok ko ng bahay, patay na lahat ng ilaw. Mukhang tulog na silang lahat. Dire-diretso ako sa second floor at pumasok agad ako sa kwarto ko. Bumagsak ako sa kama ko at ilang segundo pa lang ang nakakalipas, sobrang bumigat na ang mga mata ko.

 

***

 

"Ate, ate. May bisita ka sa baba." narinig ko yung boses ni Roj. Tsk. Kainis naman oh. Ang sarap pa ng tulog ko eh.

"Sino?" nakapikit pa rin ako at sobrang antok pa rin ako.

"Si kuya Patrick."

"Hmm?" inaantok pa talaga ako.

"Si kuya Patrick nasa baba." sus, akala ko naman kung sino. Si Patrick lang pala--

 

Biglang nagsink-in sa akin yung sinabi ni Roj at napabangon ako bigla-bigla. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko yung pangalan niya.

 

"HUH? Bakit siya nandito?!"

"Ewan ko. Kanina pa siya nandun. Bumaba ka na." saka tuluyang umalis si Roj sa kwarto ko.

 

Napatingin agad ako sa salamin at nakita kong sobrang gulo ng buhok ko tapos sabog-sabog pa yung make-up ko sa mukha. Yuck! Di pala ako nagpalit ng damit kagabi. Nakatulog na lang ako bigla.

Agad-agad akong dumiretso sa C.R. at mabilis na naligo. Gusto ko sanang magbabad sa bath tub ngayon kaso may epal na dumating sa bahay. Tsk. Ano na naman bang kailangan niya?

Habang naghihilamos ako ng mukha, napahawak ako sa noo ko kaya naalala ko yung ginawa niya kagabi. Parang gusto kong sumabog sa kahihiyan kaya kinuskos ko nang kinuskos yung noo ko hanggang sa mamula na sa sobrang sakit. Mabilis lang rin akong nagbihis ng blouse at shorts tapos kinuha ko yung phone ko. And what the heck?! 15 missed calls from Steff ang sumalubong sa akin. Shet! Oo nga pala, tatawagan niya raw ako. Nakalimutan ko! Nakita ko rin na 5 AM pa lang. Wait, 5 AM pa lang?! Ang aga-aga pa pala! Ang aga-aga ring mambulabog ng lalaking yun sa bahay namin.

Agad-agad akong bumaba para tignan kung anong kababalaghan na ang ginagawa niya sa bahay namin. At shet lang. Nadatnan ko pang nagtatawanan sila ni mommy. Tumatawa siya?! Bakit ganyan siya? Sa ibang tao, tumatawa at ngumingiti siya, pero sa akin ang sungit-sungit. May malaking galit ata talaga sa akin 'tong unknown particle na 'to eh.

Napatingin agad sa akin si mommy nung nakita niya akong bumababa ng hagdan.

 

"Oh, nandito na pala siya." lumingon rin si Patrick sa direksyon ko kaya bigla akong kinabahan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa namin at nagpaalam na kay mommy.

"Bakit ka nandito?" yan ang pambungad ko sa kanya pero imbes na sagutin niya yung tanong ko ay hinila niya na lang ako bigla palabas ng bahay.

"Pakihatid na lang siya, hijo, ha?" narinig ko pang sigaw ni mommy.

"Sige po." sabi naman nitong lalaking 'to.

"Teka lang, wait! Saan tayo pupunta? Anong meron?" huminto siya sa pagkaladkad sa akin at hinarap niya ako.

"What's the use of your phone kung hindi mo rin naman ginagamit?"

"Huh?" anong meron sa phone ko ngayon?

"Kinulit ako ni Steff na sunduin ka because you're not answering her calls. Tsk."

"Ahh!" saka ko naalala na itext si Steff para tadtarin ng sorry. Kaso nga lang, hindi nga pala mahilig magbasa yun ng text.

"Wag mo na siyang tawagan. Nasabi ko na sa kanya." tapos hinatak na naman niya ako palabas ng bahay. Nakita kong naka-park yung kotse niya sa labas. Madilim pa sa labas at sobrang lamig dahil February na ngayon. Kitang-kita pa rin yung buwan pati yung mga stars. Pinapasok niya ako sa loob ng kotse niya.

"Anong sinabi mo sa kanya? Nakatulog kasi ako kaagad pagkauwi ko kagabi. Nakalimutan kong tatawag nga pala siya."

 

Hindi naman siya sumagot sa tanong ko at bigla niya na lang pinaandar yung sasakyan. Naramdaman ko tuloy ulit yung antok nung sumandal na ako sa upuan. Sino ba naman kasi ang hindi aantukin kung halos 3 hours pa lang ang tulog mo at sobrang pagod pa sa activities kahapon. Basta ang alam ko lang napapikit na lang ako habang nagbabyahe kami.

 

***

 

"Hey, slave. Wake up." bigla naman akong naalimpungatan nung narinig ko yung boses niya malapit sa tenga ko. Paggising ko, naka-park na yung kotse niya sa tapat ng isang malaking bahay.

"Where are we?" kinusut-kusot ko pa yung mata ko.

"Na kina Garcia." nagulat naman ako nung narinig ko yun. Bahay 'to ni Darryl? Teka anong gagawin namin dito?!

 

Dahil bumaba siya ng kotse ay bumaba na rin ako. Bigla ko namang nakita si Steff, Alice at Yna doon sa gilid ng bahay nila Darryl. Naka-park rin doon yung kotse nilang tatlo. WAIT. Pumunta sila dito gamit mga cars nila? Bakit ang unfair?! Gusto ko na ring gamitin yung kotse ko pero bawal pa raw sabi ni daddy! Ang unfair talaga!

 

"Gosh, Jess! Kagabi pa kita tinatawagan!" salubong sa akin ni Steff.

"Sorry, nakatulog agad ako eh."

 

Pumasok kami sa bahay ni Darryl. Binilin daw ng parents ni Darryl yung bahay kay Steff dahil sa surprise kuno ng babaeng 'to. Jusko, one day pa lang naging sila, may surprise-surprise agad?! Nakakaloka! Pero sabagay, birthday pala kahapon ni Darryl at hindi niya masyadong na-celebrate yun dahil sa Feb Fair.

Inexplain sa amin ni Steff yung balak niya. Syempre, pumayag naman kami para sa ikasasaya niya. Natatawa nga lang ako dahil pati si King of Bitters nadamay dito. Kawawang nilalang naman 'to, friendzoned na nga, hinihingan pa ng favors.

Pinuntahan ni Steff si Darryl sa kwarto niya, tapos nung pumunta na sila dito sa sala, nagduet kami ni Steff para kantahan si Darryl. Si Patrick yung nag-ayos ng sound system tapos si Alice at Yna naman ang nagprepare ng food. After nun, kumain lang kami at hinayaan naming langgamin yung dalawa. Para ngang paparazzi si Alice at Yna dahil panay ang kuha nila ng stolen at secret shots doon sa dalawa. Iniwan namin sila dahil alam naman naming kailangan nila ng bonding moments. Umalis kami ng bahay ni Darryl at kanya-kanyang sumakay sa mga sasakyan nila sina Alice at Yna. Saka ko naalala na wala pala akong car at sasabay na naman ako sa Patrick na 'to.

Bago ko pa sabihin sa kanilang dalawa na makikisabay na lang ako ay pinaharurot na nila yung mga sasakyan nila. What best friends?! Kainis!

 

"Hoy slave, di ka pa ba sasakay? Iiwan kita dyan." dahil wala akong dalang pera at mukhang matatagalan pa si Steff, sumakay na lang rin ako sa sasakyan ni Patrick.

 

Nakabusangot lang ako habang nagdadrive siya. Pero nagulat ako nung tumunog yung phone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Dave sa screen, biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

 

"He-hello?"

"Hi Jess!" OMG! Ang hot ng boses niya talaga!

"H-hi Dave! Uhm, bakit ka pala napatawag?" nagulat naman ako nung biglang pumreno si Patrick. Buti na lang at nakaseatbelt ako. Kundi subsob yung mukha ko sa salamin! Bigla pala kasing nag-red yung lights.

"Wala lang. Just wanna hear your voice. Sige, bye!" pagkasabi niya nun, parang kinuha lahat ng oxygen sa katawan ko at hindi ako makahinga. Takte kang Dave ka! Bakit ka ganyan? Para tuloy akong tangang nagpipigil sumigaw dito sa sobrang kilig ko! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko to the point na parang lalabas na yung puso ko.

 

Why are you doing this to me, Dave? Gosh!