.

.

Chapter 29

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Dahil panahon na naman ng exams, aligagang-aligaga na naman ang mga estudyante. Maski ako, nagsimula na ring mag-aral para sa mga long exams ko this week. Kainis lang dahil ang dami naming lessons na kailangang i-self study dahil sa Feb Fair. Tsk. Buti na lang may incentives kami doon.

 

"Jess, san ka mag-aaral? Sabay na tayo!" sabi ni Steff sa akin nung natapos na yung subject namin. Dumiretso kaming cafeteria para kumain. Kaso bigla kong nakita si Darryl na pumasok rin sa cafeteria nung nakapasok na kami kaya napangiti na lang ako ng nakakaloko sa kanya.

"Wag na ako ang isama mo. Mukhang may gustong sumolo sa'yo eh!" tapos ngumuso ako doon sa may pinto ng cafeteria kaya napalingon rin siya. Ayun, nangamatis ang bruha. Tinawanan ko lang siya hanggang sa makarating dito sa table namin si Darryl.

 

Ako naman, dahil ayokong makaistorbo sa kanilang dalawa, nagpaalam na. Lumabas ako ng cafeteria at dinial ko yung number ni Alice tapos sinali ko rin sa call si Yna. Shet. Nagugutom na ako. Sana pala bumili muna ako ng pagkain.

 

"Hello, Jess? Why?" sagot ni Yna.

"Bakit ka tumawag, babae?" sabi naman ni Alice.

"Nasaan ba kayo? Sabay-sabay na tayong kumain at mag-aral!"

"Ha? Hindi pa ako pwede eh. May tinatapos pa kaming requirements ng group ko sa isang major. Sorry!"

"Uhm, me too. I still need to attend to some meetings."

"Ay ganun? Sige, bye."

 

Kainis naman! Mukhang wala akong kasamang magrereview. Uuwi na nga lang ako sa bahay. Doon na lang rin ako kakain. Sa paglalakad ko, biglang nahagip ng mata ko si Dave. May kasama siyang mga lalaki at nakikipag-high five pa siya sa kanila. Yun kaya ang barkada niya? Kilala ko kasi yung isa dun dahil classmate ko sa Philo. Tapos yung isa naman, nakikita ko lagi sa gym. In all fairness, ang gagwapo ng kabarkada niya!

Pero shet! Siya lang ang nakikita ko sa ngayon. Ang gwapo niya talaga! Yung ngiti niya, nakakalusaw! Nanigas na lang ako doon sa kinatatayuan ko.

 

"What the hell are you doing?" napatingin naman ako sa gilid ko at hindi ko napansing katabi ko na pala 'tong unknown particle na 'to. Saka ko narealize na halos nakanganga na pala ako habang nakatingin kay Dave. Hala nakita nya yun?! Nakakahiya! Mamaya budburin na naman ako ng pang-aasar ng walanghiyang 'to!

"W-wala!" kaso mukhang huli nang magdeny dahil napatingin rin siya kay Dave. Nakita ko namang napataas yung isang kilay niya.

"Oh. So it's him." bigla niyang tinuro si Dave kaya nagpanic ang katawang-lupa ko dahil baka biglang mapatingin dito si Dave.

"Ay shet ka!" hinatak ko yung braso niya at tumakbo ako.

 

Bwisit na lalaking 'to! Ipapahamak pa ako! Paano kung biglang lumingon si Dave?! Anong gagawin ko?! Hindi ako prepared no! Tsaka hindi pa rin ako makarecover doon sa pagtawag niya sa akin! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung sakaling makaharap ko ulit siya!

Napahinto na lang ako sa pagtakbo nung napadpad na kami sa green fields. Napaupo ako sa damuhan sa sobrang pagod.

 

"What the.." nakita kong napaupo rin siya sa damuhan at hinihingal-hingal rin siya.

"Takte ka! Bakit mo siya tinuro?! Shet! Shet! Pano kung nakita niya ako?! Shet talaga-"

"Watch your mouth, slave."

 

Napatikom bigla yung bibig ko. Puro mura na pala yung lumabas sa bibig ko. Kinabahan ako dahil ayan na naman yung aura niyang nakakatakot.

Huminga muna ako ng malalim para kumalma ako. Buti na lang fresh ang air dito.

 

"Buti na lang talaga hindi niya ako nakita." yan agad ang nasabi ko. Hanggang ngayon, pag naiisip ko pa rin yung ginawa niya few days ago, parang gusto ko na lang maghyperventilate.

 

Dave likes me. He likes me! Me as in Jess Morales! Ako!

 

"Tsk. Why her?" narinig ko siyang bumulong sa sarili niya pero di ko naman naintindihan.

"Huh? May sinasabi ka ba?"

"Wala, sabi ko ang liit mo." tsaka ako tinalikuran.

"Sungit mo! Bwiset!"

 

Kainis! Nagtatanong ako ng maayos tapos ganyan ang isasagot? Sipain ko siya eh. Bakit ko ba kasi siya hinatak dito? Sana tumakbo na lang akong mag-isa! Minsan, hindi ko rin ginagamit ang utak ko eh.

Bigla namang tumunog yung tyan ko. Takte, nagugutom na talaga ako. Bakit ba kasi hindi ako bumili ng pagkain bago umalis sa cafeteria? Narinig ko siyang nagpipigil ng tawa kaya lumingon ako sa likod ko para magsalitaan siya pero natigilan ako nung bigla siyang may hinagis sa akin. Nagpanic naman ako bigla kaya sinalo ko yun.

 

"Ano 'to?" saka ko narealize na ang bobo ng tanong ko.

"Obvious ba?" sabi na nga ba yan ang isasagot niya eh! "Burger yan kung hindi mo alam. Hindi ko nakain kanina. Kung ayaw mo, ibalik mo na sa akin. Kakainin ko na lang mamaya."

"Tinanong ko lang kung ano 'to, dami mo nang sinabi."

"Inunahan lang kita sa pagrereklamo mo." saka siya nagsmirk sa akin.

 

Ayan na naman! Naaabnormal na naman siya! Pero totoo namang magrereklamo sana ako kung bakit niya pa ako binigyan. Pero naisip ko na ang isasagot niya.

 

"Mabait akong amo. Di ko hinahayaang magutom ang alipin ko." sabi niya sa akin.

 

See? Sabi na nga ba ganyan ang isasagot niya. Dahil gutom na rin naman ako, sinimulan ko na ring kainin yung burger na binigay niya.Tahimik lang kami doong nakaupo habang nagpapahangin.

Nang mauubos ko na yung burger ay napansin kong may kakaiba sa kanya. Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong may dala-dala syang libro. Nanlaki talaga ang mata ko at tinuro ko yung hawak niya. Muntik na akong mabulunan nung nakita ko yun.

 

"Nag-aaral ka?!" First time. First time ko siyang nakitang ganyan. I mean, oo campus prince siya at given naman na matalino siya. Siya kasi yung tipo ng tao na kahit hindi mag-aral, mataas pa rin ang nakukuhang grades. Alam niyo yun? Yung parang effortless ang talino. Ako nga ang pinapagawa niya ng iba niyang assignments di ba?

 

"Obvious ba?"

"Weh? Baka props lang yan?"

"I know I can pass my exams even without studying. Pero wala akong magawa kaya mag-aaral na lang ako."

 

Conceited! Mayabang! Tss. Kala niya naman ang tali-talino niya. At aba? Parang kasalanan pa ng mundo na wala siyang magawa kaya siya mag-aaral.

 

"Sus, wala rin namang pinagkaiba kahit mag-aral ka." sabi ko na lang sa kanya.

"You sure, slave?" tapos tumaas na naman yung kilay niya.

"Tingin mo, master yabang?" tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Then let's have a bet." pagkasabi niya nun, bigla akong kinabahan. "Kapag nataasan kita sa lahat ng exams, panalo ako. Kapag may exam ako na mas mababa sa'yo, kahit isa lang, panalo ka."

"So what's the bet?" tanong ko kaagad sa kanya. Naging seryoso naman bigla yung mukha niya kaya kinabahan ako.

"If I win, you'll spend a whole day with me. Of course, as my slave."

 

"WHAT? HIBANG KA NA BA? ANO-" bigla niyang nilagay yung index finger niya sa labi ko kaya napahinto ako sa pagsasalita. Bigla rin akong kinilabutan. Shet. What's wrong with him?

 

"If you win, I won't pester you anymore." pagkasabi niya nun, tinitigan ko talaga siya at naitanong ko sa isip ko kung si Patrick Reyes, as in yung aroganteng bwiset na unknown particle ba talaga 'tong kaharap ko ngayon. He won't pester me anymore? Eh parang yun nga lang ang silbi niya sa mundong ito ah? Ang pestehin ako!

"Yes, slave, I won't pester you anymore." tinanggal niya yung index finger niya sa labi ko at nagsimulang magbuklat ng libro. Nilatag niya rin yung mga handouts na nakaipit sa libro.

 

 

"You'll be free."

 

 

For the first time, natuwa ako sa mga pinagsasabi niya. If I win, wala nang tatawag sa akin ng slave. Wala nang gugulo sa buhay ko. Wala nang makikialam sa akin. Wala nang unknown particle.

 

"Deal." sabi ko at saka ko rin nilabas yung binder ko at nagbuklat-buklat para mag-aral. I need to win. I need to win para mawala na siya sa buhay ko.

 

I want to win pero parang may something sa loob ko na hindi ko maexplain. Baka gutom lang 'to.