.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Yan na nga ba ang sinasabi namin sa'yo eh!"

"Gosh Jess! That was close!"

"Buti nalang at tinulungan ka ni Patrick!"

 

Bigla namang namula yung tenga ko nung narinig ko yung cursed name na yun.

 

"Pwede ba Alice? Wag na wag mong babanggitin yang pangalan na yan sa harapan ko? Nakakasira ng mood eh! Psh."

 

Nandito kami sa canteen ngayon at nagrerecover pa lang ako sa nangyari kanina sa Disciplinary Office. Grabe talaga! Akala ko maeexpel na ako! Kasalanan 'tong lahat ng phone murderer na yun eh! Kung hindi niya sana inapakan yung phone ko, eh di sana normal pa rin ang buhay ko ngayon! Ugh!!

 

"Hey Jess, how about your phone. What's your plan?" napatingin naman ako kay Yna.

"Ay naku Yna, wag mo na nga ipaalala! Nadedepress lang ako lalo! Lagot talaga ako kay daddy mamaya!"

"Gusto mo humiram ka muna ng pera sa amin?" sabi naman ni Steff.

"Naku wag na! Kilala niyo naman ako, ayokong umuutang. And besides, bibilhan naman siguro ako ni daddy ng bagong phone pag nalaman niyang nasira eh. May kasama nga lang na lecture at sigaw. Haaay."

 

Pumasok na rin kami after naming magmerienda sa cafeteria sa Humanities building. Actually, last class ko na 'to, tapos sila eh may class pa sa Eng10. Ako kasi yung nakahiwalay na section eh. After nung Hum class namin eh tumambay muna ako sa garden para hintayin sila. Pero habang papunta ako doon eh nakita ko si...

 

Patrick Dave Alvarro.

 

Si Patrick! OMG! My one and only crush! Shet! Shet! Shet!

 

Pero bigla akong naumay sa 'Patrick'. Ugh. Bakit ba kasi magkapangalan sila?! Sa lahat naman ng pwedeng ishare nila sa isa't isa eh pangalan pa! Bwiset!!

 

"Hi Patrick!"

"Hi po!"

"Hello kuya Patrick Dave!"

 

Bwisit. Bakit ba ang daming bumabati sa kanya?

Well, dahil na rin siguro sa rumors. Sabi kasi, siya yung 11th rank sa entrance exam. Sadly, 10 lang ang acknowledged as campus princes and princesses. Pero kahit ganun eh sikat pa rin siya. Kasi nga, gwapo at matalino rin siya tulad nung ibang princes, well except sa isa.

 

Nagulat naman ako nung biglang..

tumingin siya sa direksyon ko.

 

"Hi Jess!" tapos kumaway siya sa akin with matching labas ngipin na oh so puti.

 

OH MY GOD! PWEDE NA AKONG MAMATAY! NAG-HI SIYA SA AKIN! KILALA NIYA AKO! OMAYGAD TALAGA KILALA NIYA AKO! KILALA AKO NI DAVE! KYAAAAHHHH!! SYET KIIKILIG AKO!

 

"Hello!" syempre kumaway rin ako tapos konting ngiti lang. Mahirap na, baka mahalata niya akong kinikilig. Ahihihi!

 

After nun eh lumabas na agad siya ng gate. Ako naman eh tumuloy na doon sa tambayan namin sa may garden. Shet akala ko puro kamalasan ang mangyayari sa akin ngayong araw, akalain niyo yun? May kilig moments pala ako ngayon with Patrick.. I mean Dave. Wahahaha! Gagi kinikilig ako ano ba 'to!!

 

"Ang saya mo ah?"

"AY KALABAW KANG HAYUP KA!!"

 

Halos bumaligtad ako doon sa kinauupuan ko nung magsalita siya. Taeness talaga 'to! Nakakainis!! Feeling close!

 

"Bwisit ka, alam mo yun?"

"Thank you." then he smirked.

 

Ugh! Bakit ba andito 'tong unknown particle na 'to?! Akala ko nawala na siya sa mundo eh! Leche naman oh! Kung kelan tuluy-tuloy na yung kilig moments ko tsaka pa may umepal.

 

"Kung akala mo magthethank you ako sa'yo dahil hindi ako naexpel, you're wrong. Kasalanan mo naman lahat 'to no!"

"May sinabi ba akong kelangan mong magthank you?"

 

Eh ano palang ginagawa ng lalaking 'to dito?

 

"Eh anong ginagawa mo dito?"

"For this."

 

Tapos may nilapag siyang kahon sa harapan ko. Ako naman eh nanlaki yung mata nung makita ko yung label nun. Gosh. Is he insane?

 

"H..hoy! Ano 'to?"

"Bulag ka ba? Edi cellphone." 

"Alam kong cellphone 'to, pero bakit andito 'to sa harapan ko?" napakapilosopo kasi sumagot! Tadyakan ko siya eh!

"Ano pa? Di ba sabi mo I murdered your phone? Oh edi ayan. It was reincarnated. Amen." tapos nag-amen pa talaga siya sa harapan ko. After nun eh tumalikod siya sa akin.

 

Ako naman eh binuksan ko yung box ng phone. It was the same model ng nasira kong phone. Same color. Basta parang ganun din. Kukunin ko na sana kaso bigla siyang bumalik sa harapan ko at nagsalita.

 

"By the way, hindi 'to libre."

 

Pagkasabi niya nun eh muntik ko nang mabitawan yung phone. Ano?! Hindi libre?! Ako ba eh pinagloloko niya?! Akala ko ba kapalit 'to ng phone ko na nasira niya?!

 

"Anong hindi libre?! Kasala--"

"Wala ng libre sa mundo ngayon, miss." tapos nilapit niya yung nakakabwisit niyang mukha sa akin Yuck! Baka mahawaan ako ng kayabangan at kaarogantehan!

"Excuse me, wala ako--"

"But don't worry, hindi pera ang kapalit niyan."

 

Eh? Ano daw? Taeng lalaking 'to! Ang gulo ng utak! Di kaya may sayad 'to? Baka nabaliw na dahil binasted ni Steff? Tsk tsk.

 

Hindi naman niya tinuloy yung sasabihin niya at bigla nalang ulit siyang umalis sa harapan ko. Hinintay ko muna siyang tuluyang makaalis sa may garden bago ko kuhanin ulit yung phone. OMG! I'm saved! Hindi na ako papagalitan ni Daddy! Yehey!

 

Pero bigla naman akong kinabahan dun sa pinagsasabi nung Patrick na yun.

 

Di kaya naging womanhater na siya dahil binasted siya ni Steff? At ang una niyanng bibiktimahin ay ako? Halaaa TTOTT Kasi naman eh! Pero hindi naman siguro? Mabait naman siya kay Steff eh. Sa akin lang ata siya masama dahil sinuntok ko siya sa mukha. Pero deserving naman siya sa suntok na yun dahil inapakan niya yung phone ko!!

 

 

"Ay pusang kalabaw!!"

 

Nagulat ako nung biglang magvibrate yung phone. Takte! Di ko namalayan na may sim card na pala 'to!! Te..teka..

 

Di kaya ninakaw niya lang 'to?

 

Tinignan ko naman yung text. At napatunayan kong.. hindi niya 'to ninakaw. Dahil siya yung nagtext. At ang kapal ng mukha niya. Promise. Ganda pa ng pangalang nilagay niya ha?

 

 

To: Slave

From: Master

 

Be ready for your punishments.