.

.

Chapter 30

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Jess, di ka pa ba kakain?"

"Mamaya na mommy, tapusin ko lang 'to."

"Oh sige, basta sumunod ka kaagad para sabay-sabay tayo."

"Okay po."

 

Pagkaalis ni mommy sa kwarto ko ay pinagpatuloy ko yung pag-aaral para sa Art Studies. Puro pa naman memorization of terms 'to. Tapos yung Math subject ko pa na yung professor namin ay hindi nagbibigay ng partial points. Shet. Bakit ba kasi nagsabay sila ngayong araw?

 

"Jessica Mishelle!" kinabahan ako nung narinig ko si Daddy na tinawag yung buong pangalan ko. Lagot. Galit na yun!

"Eto na po! Pababa na!" pinatay ko muna yung laptop at iPad ko tapos dumiretso na ako sa baba.

 

Pagdating ko doon, nagsisimula na silang kumain. Napatingin pa ako kay Roj na parang mas blooming pa kaysa sa akin. Marunong na talaga siyang mag-ayos ng sarili niya. I mean, as a guy. Di na siya yung parang nerd type na laging nakasalamin ng makapal at pang-80's ang style ng pananamit.

 

"Kamusta kayo ni Venice? Going strong?" sabi ko pa sa kanya bago ako umupo sa upuan ko habang sinisiko-siko siya.

"Baliw." Bwahahaha! Cute ng baby brother ko, nagbublush! Nabalitaan ko kasi kay Steff yung nangyari sa prom nila Ven. Syempre, mga tsismosa at concerned sisters rin kami no. Boto naman kami sa kanila para sa isa't isa.

"Tumawag pala si kuya Patrick. Naiwan mo daw sa yung handouts mo sa Math." napatigil ako sa pagsubo ko sa sinabi niya.

"Ha?! Teka, bakit sa'yo siya nagtext?! Alam mo number niya?!"

"Roj, Jess, mamaya na kayo mag-usap at nasa harap ng hapag kainan. Kumain muna kayong dalawa." natahimik na lang kaming dalawa at sinunod si mommy.

 

Binilisan kong kumain at sinisipa-sipa ko rin si Roj para iparating na bilisan niya ring kumain. Pagkatapos nun, hinatak ko siya papunta sa kwarto ko.

 

"Hoy Roj, anong nangyayari at textmate kayo ni Patrick?" Grabe ha! Mukhang mas close pa ata sila kaysa sa akin eh.

"Di ka raw kasi nagrereply tsaka sumasagot. Ate naman, para saan pa ang cellphone?" at nagwalk-out siya sa kwarto ko.

 

Takte. Mukhang nahahawaan na rin siya ng kasungitan ng Patrick na yun. Kailangan kong isalba ang kapatid ko. Pero bago yun, hinanap ko muna yung cellphone ko. Ang alam ko ay binato ko yun kanina sa kama ko pero di ko makita. Nung susuko na ako sa paghahanap, naisipan kong tignan sa ilalim ng kama, at ayun, nandun nga. Bakit 'to napadpad dito?

Pagtingin ko, 5 texts at 3 missed calls ang galing sa kanya. Sabi ko nga kasalanan ko talaga. Dahil kailangan ko talaga yung handouts ko sa Math, tinawagan ko siya. Hindi pa natatapos yung isang ring, sinagot niya na kaagad.

 

"Hello? Who's this?" muntik ko nang mabitawan yung phone ko dahil sa narinig ko. Pakshet! Bakit ganito boses niya?! Bagong gising? Teka, 9 PM pa lang ah? Bedroom voice? Bakit ang attractive ng boses niya sa phone? Ay shet, erase! Shet Jess, tumino ka! Si Patrick Reyes yan, as in yung epal sa buhay mo!

"H-hello! Oy! Nasa'yo raw yung handouts ko sa Math sabi ni Roj. Pano yan, eh kailangan ko yan ngayon?" shunga ko naman kasi bakit ko naiwan sa green fields kanina! Exam na namin bukas!

"Tsk. Iniwan-iwan pa kasi." yung boses niya talaga!

"Sorry naman ha! Malay ko ba!"

"Ang lakas ng boses mo." bwisit rin yang boses mo! Shet!

"Pa-scan na lang kung pwede." yun na lang ang nasabi ko dahil kailangan ko talaga yung handouts. Yun pa man din yung mga missed lectures namin dahil lagi kaming excused for Feb Fair.

"Ayoko nga." pagkarinig ko nun, muntik ko nang masuntok yung laptop ko. Buti na lang talaga at napigilan ko yung sarili ko.

"EH KAILANGAN KO-"

"Ihahatid ko na lang dyan. Bye."

 

Napanganga na lang ako sa narinig ko. Ihahatid niya dito? Pupunta siya dito sa bahay? Takteng Patrick yan! Anong oras na tapos pupunta pa siya dito?! Shet naman oh! Mamaya kung ano nang isipin ng pamilya ko!

Dinial ko ulit yung number niya pero di niya sinasagot. Pakshet na Patrick 'to! Wala akong nagawa kundi itext na lang siya.

 

To: Patrick

ARE YOU SERIOUS? PUPUNTA KA DITO? HOY WAG NA! ISCAN MO NA LANG KASI!

 

Bumaba agad ako at naabutan ko pa sina mommy at daddy na nanonood sa sala. Pumunta rin ako doon pero nagvibrate yung phone ko kaya huminto muna ako para basahin yung message.

 

From: Patrick

Tinatamad akong iscan. At nagdadrive na rin ako. Pasalamat ka nga ibibigay ko pa sa'yo.

 

Nasabunutan ko na lang yung sarili ko sa sobrang frustration. Parang iiscan lang eh! Bakit pa kasi pupunta siya rito?! Kainis! Imbes na pumunta ako doon sa sala, dumiretso ako doon sa front door namin at inabangan siya sa may gate.

Kinalma ko muna yung sarili ko. Bakit nga ba ako nagagalit? Dapat matuwa pa ako kasi makakapag-aral ako. Kalma Jess. Kalma. Siguro dala lang yun ng pagkainis ko kay Patrick. Di bale, pag nanalo naman ako sa bet, mawawala na siya sa buhay ko. Konting-tiis na lang Jess.

Nagulat naman ako nung may narinig akong bumusina. Tsaka ko narealize na nasa harapan ko na pala yung kotse niya. Pagtingin ko sa oras sa phone ko, fifteen minutes na pala akong nakaupo dito sa labas ng bahay namin.

Lumabas siya sa kotse niya at nakita kong naka-tshirt siyang puti at naka-jogging pants rin na puti. Mukhang matutulog na pala talaga dapat siya. Ang aga niya namang matulog! Tsaka akala ko ba mag-aaral ang isang 'to?

 

"Oh, handouts mo." tapos inabot niya sa akin yung handouts na hawak niya. Thank God! Makakapag-aral na ako!

"Yes! Thanks!" sabay talon ko pa na parang bata.

"Sige, alis na ako."

"Wait lang!" napakagat ako sa labi ko. Teka nga bakit ko siya pinipigilan?

"Hmm?" nakatalikod siya sa akin tapos nilingon niya lang yung ulo niya.

"N-natutulog ka na ba kanina? Akala ko ba nag-aaral ka?"

"Tapos na akong mag-aral." nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang bilis niya naman!

"Weh? Totoo?"

"Why do you ask?" saka kumunot yung noo niya.

"Wala lang. Masama ba magtanong? Sige na, umalis ka na. Anong oras na." tumalikod na ako sa kanya para pumasok sa gate namin.

"Do you want me to win this bet? Kaya ba gusto mo akong mag-aral pa?" napatigil ako sa pagpasok sa gate at napatalikod ulit. Nakita ko siyang nakangiti ng nakakaloko habang nakapamulsa pa. Th nerve! At bakit ko gugustuhing manalo siya?! Kapal talaga ng mukha ng isang 'to!

"Asa ka! Umalis ka na nga!" tapos sinarado ko yung gate pero binuksan ko ulit. Naabutan ko pa rin siyang nakangiti doon na parang timang. "And I'll win this bet! I assure you!" saka ko tuluyang sinarado yung gate.

 

Tumakbo ako papasok sa bahay at dumiretso ako sa kitchen para uminom ng tubig. Kainis. Pumunta lang pala dito para asarin ako! Buti nakuha ko sa kanya yung handouts ko.

 

"Oh Jess, sinong kausap mo kanina sa labas?" nagulat ako nung nasa likuran ko na pala si mommy.

"W-wala po. Yung aso kasi ng kapitbahay biglang tumahol kaya pinagalitan ko." bago pa masundan ni mommy yung tanong niya ay umakyat na agad ako sa kwarto ko.

 

Mag-aaral na talaga ako. Humanda ka sa akin Patrick Reyes. Tataasan kita sa lahat ng exams at ipagduduldulan ko sa'yo yung mga scores ko. Tignan natin kung may mukha ka pang maihaharap. Uuuughhh! Bwisit na unknown particle!