.

.

Chapter 31

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

“Jess! Kamusta ang exam sa Art Stud?” nakita ko sina Alice, Yna at Steff sa may garden kaya pumunta agad ako dun. Wow ang tagal na naming di tumatambay dito ah?

“Ayos naman. Madali lang.” saka ako nag-thumbs up sa kanila.

“OA ka naman kasing mag-aral! Grabe ha? Walang tulugan? Ayaw patalo?” sabi ni Alice. Nakwento ko kasi sa kanila yung deal namin ni Patrick. Syempre, kinailangan kong ikwento yung bwisit na master-slave chuchu namin. Diring-diri nga ako habang kinukwento ko yun kagabi.

“Syempre naman no! Para wala nang nanggugulo sa akin!”

“Asus! Kakainin mo rin yang sinasabi mo. Kita mo ‘tong si Steff oh, ganyang-ganyan din pinagsasabi niyan dati.”

“At kailan ka pa naging love guru, Alice?”

“Nung na-inlove ako kay Kevin.”

“Landi mo!” tsaka namin siya pinaghahampas.

 

Dahil may exam pa ako sa Math, umalis rin agad ako. May sari-sarili rin silang exams sa iba’t ibang subjects. Nag-aaral rin yang mga yan kagabi nung tinawagan ko sila. Pero ang kaibahan namin, sila natulog, ako hindi. Feeling ko nga anytime ay pipikit na ako eh.

 

“Okay ka lang ba?”

 

Bigla akong kinilabutan nung marinig ko ang boses ni Dave sa gilid ko. Napatalon pa ako dahil sa sobrang gulat sa presence niya.

 

“D-d-dave!”

“Hi Jess!” tapos tumawa siya dahil sa reaction ko. Shet ang gwapo niya talaga. Bigla tuloy nawala yung antok ko dahil sa pagtawa at pagngiti niya sa akin. Ang swerte ko ngayon!

“Anong class mo?”

“Ah d-dyan sa may ano, sa Math Building.”

“Hm sige hatid na kita doon.”

 

Muntik na akong manlambot nung narinig kong sinabi niya yun. Tapos ngumiti pa siya sa akin. Nagsimula na siyang maglakad ulit kaya sinabayan ko siya. Gosh. Eto na ba yun? Eto na ba ang moment naming dalawa? Gusto ko sanang tumili ngayon pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

 

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang Math Building. Minsan sinusulyapan ko siya. Gusto kong kurutin yung cheeks niya kaya matinding pagpipigil ang ginawa ko. Dave, bakit ang cute at ang gwapo mo at the same time?! Tapos nakakagat pa siya sa labi niya ngayon! No, stop it!

 

“Andito na pala tayo. Ang bilis.” Sabi niya nung makarating na kami sa Math Building.

“O-oo nga eh. Sige Dave, thank you sa paghatid. Ingat ka!”

“Good luck sa exam mo.” Tapos hinawakan niya yung dalawang balikat ko at nginitian niya ako. After that, tumakbo siya palayo sa akin.

 

OH MY GOD! OH MY GOD TALAGA! AAHHHH! SHET! Bwisit ka Dave bakit ka ganyan! Paano ako mag-eexam nito?! Naghyhyperventilate na ako!

 

Sinampal-sampal ko yung sarili ko para kumalma ako. Pero ang bilis pa rin talaga ng tibok ng puso ko. Grabe. Kakaiba talaga ang epekto ng lalaking yun sa akin! I can feel the kilig vibes everywhere!

 

Tumakbo ako papuntang room namin ng nakangiti. Para nga akong tanga pero who cares? Kinikilig ako kaya wag nila akong pakialaman. Pagkakuha ko ng test paper ko, sinagutan ko yun agad dahil sobrang inspired ako ngayon. Hinatid lang naman ako ng crush ko sa building na ‘to! Para niya na rin akong hinatid sa altar. HAHAHA OMG IMAGINATION, STOP IT!

 

Pagkatapos kong sagutan yung exam, nabawasan na yung kilig vibes ko. Peste talaga yang si Ma’am Franco! Ang hirap-hirap niya magpa-exam. Buti sana kung 3 hours yung allotted time eh. Kaso 1 ½ hours lang. Ang dami pa namang equations nun. Puro derivations and differentiations pa.

 

Lumabas ako ng room at nararamdaman ko na naman yung pagkaantok ko. Buti tapos na yung class ko ngayong araw. Makakatulog na ako. Pero may dalawa ulit akong exam bukas. Hay buhay. Umupo muna ako doon sa bench sa labas ng building para magpahinga. Nakapikit na rin ako dahil sobrang bigat na ng mga mata ko. Makakauwi pa ba ako ng maayos nito? Pasundo na lang kaya ako? Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at tinawagan ko yung driver namin.

 

“Manong, pasundo na lang po dito sa Math Building. Di ko na kayang magbyahe. Sobrang inaantok na ako.” Nakapikit na ako habang kausap ko si manong. Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya at binaba ko na yung tawag. Gusto ko na lang talagang makauwi at makatulog para makapag-aral pa ako mamayang gabi. 2 PM pa lang naman.

 

Sinandal ko yung ulo ko sa bench para mas kumportable yung posisyon ko. Hihintayin ko na lang si manong dito…

 

***

 

Naramdaman ko bigla na parang lumilindol kaya napadilat ako. Tsk. Nakatulog pala ako. Pagdilat ko, nagulat na lang ako nung nasa loob na ako ng kotse. Tinignan ko yung katabi ko at halos mapasigaw ako nung nakita ko si uknown particle!

 

“TEKA BAKIT AKO NANDITO?!” sabay ikot ko kaso nakaseatbelt pala ako.

“Tsk. Wag ka magulo. Pag tayo nabangga.”

“Hoy ano ‘to?! Kinidnap mo ako?!” napabuntung-hininga siya sa sinabi ko.

“Tinawagan mo ako kanina.” Sabi niya habang nakatingin lang sa daan at patuloy na nagdadrive.

“Kelan kita tinawagan?!”

“Check your phone, slave.”

 

Napacheck naman ako bigla ng phone ko at yung nakaregister na last call ko ay kay Patrick. Teka paano nangyari yun?! Yung driver namin ang tinawagan ko ah?!

 

“Sa susunod, tignan mo kung sinong tinatawagan mo. And don’t just drop the call.” Bigla akong nahiya sa nangyari. Shet! Ibig sabihin siya yung natawagan ko kanina?

“Wait lang! Di ba nasa bench ako kanina? Bakit ako napadpad dito sa kotse mo?”

“Isn’t it obvious, slave?” mukhang slave na naman ‘to eh! Slave-slave-in ko pagmumukha niya eh!

“Binuhat mo ko?” parang sasabog yung utak ko sa mga nangyayari.

“Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tao dun. Sa lahat ng pwedeng tulugan, sa bench pa?”

“Eh inaantok nga kasi ako! Hmp!”

 

Tinalikuran ko na lang siya. Bwiset! Tinignan ko na lang yung phone ko at nakita kong 4 PM na pala. Halos 2 hours rin pala akong natulog. Psychology at English lang naman ang exam ko bukas. Madali lang naman siguro yung Psych at essay lang naman daw yung exam sa Eng so kahit mabilisan lang akong magreview.

 

Mabilis rin naman kaming nakarating ng bahay. Bumaba agad ako sa sasakyan niya. Papasok na dapat ako ng gate namin kaso bigla siyang bumusina kaya napatingin ako sa sasakyan niya. Bumukas naman bigla yung salamin kaya nakita ko yung pagmumukha niya.

 

“By the way, mukha kang totoong babae pag tulog ka.” Tapos ngumiti siya ng nakakaloko at tinaas niya yung phone niya. Pagtingin ko doon sa phone niya, yung picture ko habang tulog ako yung naka-display. Bago pa ako makapag-react, pinaandar niya na agad yung kotse niya.

 

UGH! THAT GUY! NAKAKAINIS TALAGA SIYA! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NANALO AKO! HINDING-HINDI NA AKO MAGPAPAPESTE SA’YO! ITAGA MO YAN SA KOTSE MO!