.

.

Chapter 32

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Oh anong nangyari sa'yo? Good mood ka ata babaita?" yan ang bati sa akin ni Alice nung nakita niya ako sa garden. Ngumiti na lang ako sa kanya tapos tinaas ko yung test papers ko.

"Well." tsaka ako naggrin habang winawagayway sa harap niya yung mga papel.

"Ang yabang! Kainis! Dahil dyan, libre mo kami mamaya!" tapos bigla na lang syang nagtext sa phone niya. Alam ko namang si Steff at Yna yung tinext niya.

 

Nung nareceive ko yung exams ko sa Math, Art Stud, Philo at English, halos magwala na ako kanina. Uno ko kasi lahat ng exams at ako pa yung highest sa dalawa. Gusto ko na ngang ihampas to sa pagkatao ng Patrick na yun. Sayang nga lang at di ko pa siya nakikita ngayong araw. Well, ayaw ko naman talaga siyang makita.

After ilang minutes, nakita kong tumatakbo papunta dito sa garden sina Steff at Yna. Pagkarating na pagkarating nila, binatukan agad nila ako.

 

"Naks naman Jess! Ang galing mo talaga!" sabi ni Steff sabay upo sa tapat ko. Nakita ko naman na hawak niya rin yung mga test papers niya. Bago pa siya makapagreact, hinatak ko na mula sa kanya yung mga papel. Biglang pumunta sa side ko si Yna at Alice para tignan rin yung scores niya.

"Inspired ba kayong dalawa at napaka-OA ng exam scores niyo? Nahiya yung scores ko sa inyo ha!" sabi ni Alice after niyang makita yung scores ni Steff.

"You girls are really worthy of the title Campus Princess. Amazing!" sabi naman ni Yna.

 

Nagkwentuhan lang kami doon sa garden habang kumakain ng snacks. Ngayon kasi, release na ng mga scores sa long exams. Malalaman na rin sa ibang subjectskung exempted ka ba o hindi. Kaya chill na lang kami ngayon. Tatlong subjects na lang naman ang kulang kong grades para malaman ko kung anong average ko ngayong sem eh. Ayoko na ring magtake ng finals kung saka-sakali dahil nakakatamad mag-aral ulit. Napakahuwaran ko talagang estudyante.

 

"Sino kayang mananalo sa inyo ni Pat? Nacucurious na ako!" sabi ni Steff. Minsan pahamak rin 'tong si Steff eh. Ang ganda-ganda na ng atmosphere, sinira niya pa.

"Kung based sa rank, mananalo si Jess. She's next to Tricia, di ba? Pero malay natin, mas magaling pala sa kanya yung MASTER niya." tapos ngumiti pa ng nakakaloko si Alice. Epal talaga 'tong babaeng 'to lagi eh.

"I just want them together." sabay pikit pa ni Yna. Promise, sumakit bigla ang ulo ko sa kanilang tatlo.

"Girls, alam niyo yung Jess plus Dave equals perfect? Tapos ang Jess plus Patrick ay chaos? Sana nainform kayo sa balitang yun, no?"

 

Hinayaan ko na lang silang tumalak nang tumalak doon. Basta ako masaya akong mataas ang exam scores ko. Ayos rin pala 'tong bet na 'to eh. Namotivate akong mag-aral ng sobra. At maganda naman ang kinalabasan.

 

"Hala! Tignan niyo, tignan niyo!" busy pa ako sa pagcocompute ng expected average ko nang biglang sumigaw si Steff sa amin.

"What is it?" napatingin rin si Yna na busy sa pagkain.

"Ayun oh. Oh my gosh, sino yung kasama ni Pat?" tsaka tinuro ni Steff si unknown particle at si Keisha.

 

Wait, si Keisha?! Magkasama sila?!

 

"Si Keisha." pagkasabi ko nun, sabay-sabay napalingon sa akin 'tong tatlong babaeng 'to with weird expressions. "May crush kay Patrick." sabi ko na lang.

"No way! I don't like her." natawa naman ako sa pagkakasabi ni Yna. Di pa nga niya nakikilala, ayaw niya na agad.

"Bakit sila magkasama?" tanong naman ni Alice sa akin. Teka nga, bakit ba sa akin sila nagtatanong?

"Ewan ko. Baka dumadamoves. Hayaan niyo na sila. Malay niyo madevelop!" 

"Tss. They have no chemistry." kulang na lang malukot yung mukha ni Yna sa sobrang dismaya. Ano bang problema ng babaeng 'to? Fan na fan ng loveteam kuno daw namin ni unknown particle. Yuck.

 

Pero bakit nga kaya sila magkasama? Baka nga nagfirst move na si Keisha? O baka naman narealize ni Patrick na bagay sila ni Keisha? Hindi kaya si Patrick ang nagfirst move? Napatingin ulit ako sa kanila at nakita kong ngumiti si Patrick.

OH MY GOSH. Once in a blue moon lang siya ngumiti! Well, ang alam ko dati palangiti siya pero nung binasted siya ni Steff, lumayas ata lahat ng kasiyahan sa katawan niya. Ako tuloy ang napeste dahil sa kanya.

 

"Jess."

"Ay peste!"

 

Napatalon ako bigla nung may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko, si Dave pala! Shet! Nasabihan ko siya ng peste! Hala!

 

"Hala sorry! Hindi ko sinasadya! Ano, nagulat lang talaga ako kasi bigla kang--"

"Hey, hey, it's okay. Haha!" tapos hinawakan niya yung magkabilang-balikat ko para magkaharapan kami. "Ang cute mo magpanic." sabay ngiti niya na sobrang nakakakilig. Kulang na lang sumabog ako dito at hampasin sina Steff mamaya sa sobrang kilig!

"I just want to give this to you." may kinuha siya sa bag niya tapos inabot niya yun sa akin.

"Ano 'to?"

"I hope you'll be with me. Sige, Jess! Bye!" tapos tumakbo siya palayo sa amin.

 

Nanigas lang ako doon sa pwesto ko habang hawak-hawak pa rin yung envelope na binigay niya. Bumalik lang ako sa sarili ko nung narinig kong pinagtatawanan na ako ng tatlo kong kaibigan sa likuran ko.

 

"Really Jess? Kulang na lang lumuwa yung mata mo at maglaway ka sa harapan niya eh!" tapos tinawanan ulit ako ni Alice.

"Dave is cute but my vote still goes to your master." sabi naman ni Yna. At may pa-vote-vote pa siyang nalalaman? Ano 'to, contest?

"Ano yang inabot niya sa'yo?" nung tinanong yun ni Steff, napaupo ako sa upuan namin at sabay-sabay naming tinignan yung laman.

 

RECOGNITION PROGRAM

KINGS AND QUEENS' BALL

 

Sa title pa lang, napa-OMG na kami. Binasa namin yung letter at pagkatapos nun, nawindang na ako. Mahigit one month pa yung recognition and graduation pero naglabas na sila ng invitations. Tapos may ball pa sa gabi? Wow! Ang astig naman nito! Tapos, ininvite pa ako ni Dave na maging partner niya sa ball!

 

Naputol naman bigla yung imagination ko para sa ball nung magvibrate ang phone ko sa bulsa ko. Pagtingin ko, si Patrick pala yung nagtext. Ano na naman bang panggugulo ang gagawin niya?

 

From: Patrick

Here are my scores: 101/100, 90.5/100, 67/70, 85/85, 98.5/100. Two more subjects. Ano? Natakot ka na ba?

 

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko after kong mabasa yung text niya. Umabot pa sa point na gusto kong ibato yung phone ko. Pero kinalma ko yung sarili ko at chineck yung exams ko. Okay, time to compare.

 

I have 100/100, 92/100, 89/90, 47.5/50. Meron pa akong kulang na tatlong subjects. Shet! Sana mas mataas ako sa kanya! Kailangan mas mataas yung general weighted average ko sa kanya! Kinakabahan na ako. Bakit ang tataas ng exams niya?! 

 

"Mukha ka na namang constipated, Jess. Si Patrick yan no? Pag si Patrick kasi ang pinag-uusapan natin, lagi kang mukhang constipated." hindi ko alam kung sinasadya ba yun ni Alice o ano pero nabawasan yung pagkakaba ko sa scores na tinext ni Patrick.

 

Bakit ba ako kinakabahan? Dapat lang na maniwala ako sa sarili ko. Hah! Kayang-kaya ko siyang talunin! Nagreview ako ng sobra sa mga subjects ko to the point na halos di na ako natulog ng 3 days. Bakit ako matatakot, di ba?

 

"Teka balik tayo sa recognition ball, girls. So, kailan tayo magshoshopping?" napatingin kami kay Steff nung sinabi niya yun.

"Eh? But it's still early!" sabi naman ni Yna.

"Oo nga. Saka na lang kapag lumabas na yung GWA natin! Medyo kinakabahan pa ako sa isa kong subject. Leche naman kasi, terror prof pa yung napunta sa akin." may point naman si Alice at Yna. Sobrang aga pa nga. Last week of February pa lang. Makakapaghintay naman yang recognition ball.

 

Wait... hindi kaya... kaya magkasama si Patrick at Keisha ay dahil nagkayayaan sila sa recognition ball? Hmm, posible nga. Ay bahala sila sa buhay nila! Basta partner kami ni Dave, heaven na yun! And sigurado naman ako sa sarili ko na Campus Princess pa rin ako. Last sem kasi, ang GWA ko ay nasa 1.19. Siguro naman ngayon, kaya ko yung i-retain. So baka may awards rin akong matanggap sa recognition.

 

Bigla ko ulit naramdaman na nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ulit. Akala ko yung unknown particle na naman ang nagtext pero it turned out na si Keisha pala.

 

From: Keisha

Jess! Partner ko si Patrick sa ball! I'm so happy! Excited na ako sa ball! See you there!

 

 

Pagkabasa ko nun, sinara ko na lang ulit.Tsk. Sabi na nga ba, magkapartner sila. Pero bakit kailangan niya pa akong iupdate tungkol doon? Well, siguro dahil ako ang tulay sa kanilang dalawa kaya gusto niya akong iupdate sa mga kaganapan sa kanila ni Patrick. Bigla na namang nagvibrate yung phone ko kaya binasa ko kaagad.

 

From: Keisha

P.S. Alam mo ba ang mga favorites ni Patrick? Like color and style? Patulong naman oh. I want to know him more.

 

Napabuntung-hininga na lang ako. Bakit niya pa ako tinatanong, eh magkasama naman sila ngayon? At bakit ba ako naiirita? Siguro magkakaperiod na ako. Hay naku.