.

.

Chapter 33

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Kainis. It's been fifteen minutes! Ang kapal ng mukha ng lalaking yun! Kung hindi lang dahil sa... kung hindi lang dahil sa... ugh! Naaalala ko pa rin yung karumal-dumal na pangyayaring yun.

 

 

"C'mon Jess! Open it!" binalak pang agawin sa akin ni Yna yung phone ko pero nakaiwas agad ako.

"Sige na kasi! Gusto na rin naming malaman!" sabi naman ni Alice habang nakaupo lang sa couch namin.

"Okay, pwede ko naman siyang tawagan at sa kanya mismo tanungin ang GWA niya." napatingin kaming tatlo kay Steff habang nilalaru-laro niya yung phone niya. Ugh! Kainis naman 'tong tatlong 'to!

"Fine! Fine! Eto na nga oh, babasahin ko na!"

 

Kumalma kaming apat at magkakatabing umupo sa sofa namin. Two weeks na rin kasi ang nakalipas after ng exams. Last week lang yung final exams. Luckily, wala naman akong kailangang i-take na exams, pati na rin si Steff, pero si Alice at Yna, nag-take ng tig-isang subject. At ngayong weekend, nagpopost na yung mga profs ng grades namin sa website ng Kingdom University. Kanina lang ay tinignan namin yung grades namin sa accounts namin. And then right after that, lumabas sa phone ko ang pangalan ni unknown particle. Sabay-sabay pa kaming napatingin sa phone ko dahil alam naming ang laman ng text niya ay ang ipinagmamalaki niyang average.

 

Shet. This is it! The moment of truth! Imbes kasi na scores sa exams ang pagbasehan namin, naging GWA na lang since hindi naman kami pareho ng subjects pati na yung items sa exams. Ang weighted average ko this sem ay 1.1304. Sana lang talaga ay matalo ko siya! Please! Please!

 

Dahan-dahan kong binuksan yung message niya habang yung tatlo ay titig na titig sa phone ko. Halos lumabas na rin yung puso ko sa sobrang kaba. Takte! Eto na talaga!

 

From: Patrick

1.0978

 

"OH MY GOD NANALO SIYA!" tsaka ako hinampas sa likod ni Alice. Shet! Ang sakit nun ha!

"Whoa! That means he got a 1.25 in a 3-unit subject while you got a 1.5. Geez, that's the only difference, right?" nakita kong may hawak na calculator si Yna at nagcocompute-compute doon. What the heck?! Dahil lang sa 1.5 ako at 1.25 siya sa isang 3-unit subject?! Nakakabanas!

"Paano ba yan Jess, he won the bet." dumagdag pa 'tong si Steff! Akala ko ba best friends ko sila?! bakit parang sa unknown particle na yun pa sila kumakampi?! This is so unfair!

 

Pero shet! Natalo ako?! No way! Ipinundar ko ang tatlong gabing walang tulog dito tapos dahil lang sa pesteng 1.5 ko kaya ako natalo? Bwiset talaga!

 

And now, nandito ako ngayon sa campus para sa preparation sa recognition. Yung mga seniors naman ay busy sa pagpapractice ng graduation. Kasama ko si Steff, Alice at Yna kanina pero naghiwa-hiwalay rin kami dahil may kanya-kanya kaming schedule para ngayong araw.

 

"Yo."

 

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang isang nakakainis na lalaking mas mataas ang GWA sa akin. Naka-white shirt lang siya at jeans, tapos may cap. Simple lang naman ang suot niya pero napapatingin pa rin sa kanya yung ibang estudyante. Sus, kung alam lang nila kung gaano kasungit ang isang 'to.

 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo doon sa greenfields. Kaunti na rin yung mga estudyante sa campus dahil out na yung grades namin at simula na ng bakasyon. Recognition at graduation na lang talaga ang hinihintay.

 

"Saan tayo pupunta?" singhal ko sa kanya habang nakakunot yung noo ko. Kulang na lang malukot yung mukha ko sa sobrang inis. Pero imbes na sagutin niya ako, hinatak niya lang ako palayo doon sa greenfields.

"Teka nga, saan tayo pupunta? Huy!" pero wala pa rin siyang imik. 

 

Ang alam ko lang, nasa loob na kami ng kotse niya. Mas lalo lang nadagdagan yung inis ko dahil buti pa siya, nakakagamit na ng car kahit estudyante pa lang siya. Tahimik lang siyang nagdrive. Kinalma ko yung sarili ko dahil ayaw kong mastress ngayon.

Mukhang pupunta kami sa mall dahil yun yung way na dinadaanan niya. Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext. Muntik ko pang mabato yung phone ko nung nakita ko yung pangalan ni Dave. How can he make me this nervous?

 

From: Dave

Hi Jess! Are you free tonight?

 

Pagkabasa ko nun, halos lumabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Oh my gosh lang. Is he asking me for a date?! Nanginginig yung kamay ko habang nagrereply ako sa kanya.

 

To: Dave

I'll look into it. May schedule pa kasi ako sa ngayon eh.

 

Kung pwede lang talagang mag-yes na lang eh. Kaso hindi naman ako ganun kababang tao. I won't go back on my own words. Natalo ako sa bet namin ng Patrick na 'to kaya I need to take the consequences. And besides, mukhang hindi naman kami aabot ng sobrang gabi.

Napatigil naman ako sa pagtetext nung biglang huminto yung sasakyan niya. Pagtingin ko, nasa harapan na pala kami ng mall. Tinanggal ko yung seatbelt ko at saka ako lumabas sa kotse niya. Sinundan ko na lang siya papasok sa mall.

 

"Tsk. Pa-cool masyado." bulong ko sa sarili ko. Nilalaru-laro niya kasi yung susi ng kotse niya sa kanang kamay niya habang yung kaliwa ay nakapamulsa. Idagdag mo pa na andaming tumitingin sa kanya pagkapasok namin sa mall. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin kung naka-cap, shades at with matching earphones pa. Mukha tuloy siyang artista na nakadisguise.

 

"Hey slave, faster." sabay lingon pa niya sa akin. Napalapit naman agad ako sa kanya dahil gusto ko siyang sapukin. Shunga rin 'to minsan eh no?

"Wag ka ngang magbanggit ng slave slave dyan! Baka akalain nila alalay mo talaga ako. Tss." masasayang ang face value ko dahil sa isang 'to. Mukha ba akong alalay niya?

"Tara na." saka niya ako hinatak.

 

Hindi na ako nagreklamo pa. Ayoko nang sayangin ang lakas ko sa kanya. Nagpahatak na lang ako sa kanya hanggang sa mapunta kami sa Department Store. Nung una, akala ko gusto niyang magshopping ng gamit niya o di kaya damit. Pero pumunta siya sa ladies section.

 

"Wag mong sabihing maglaladlad ka na?" napatakip na lang ako sa bibig ko. Oops. Di ko sinasadya.

"Very funny. Shall I laugh?" tapos tinalikuran niya na ako. Tss. Sungit!

 

Nagulat naman ako nung bigla siyang naghagis ng mga damit sa akin pati na mga sapatos. Kulang na lang ay ilibing na niya ako sa mga damit na binabato niya. Ano na naman bang problema ng uknown particle na 'to?!

 

"Sukat mo lahat."

"Huh?! At bakit--"

"For Tricia." napatigil naman ako sa sinabi niya. For Tricia? Ibig sabihin...

"Uuwi siya?"

"Sa tingin mo?" kita mo 'tong bakulaw na 'to. Oo o hindi lang ang sagot, magsasabi pa ng iba. Kung may takong lang yung sapatos na inabot niya sa akin, kanina ko pa ibinaon yun sa ulo niya.

 

Kaysa makipagtalo pa sa kanya, sinukat ko na lang yung mga damit at sapatos na pinili niya, tutal magkasingkatawan kami ni Tricia. Matagal-tagal rin akong nagsukat dahil sa dami ng pinagbabato niya sa akin kanina. Paglabas ko, pitong damit na lang ang natira. Yun yung mga napili kong bagay kay Tricia.

 

"Okay na siguro yan." tsaka niya kinuha ulit yun at binayaran sa counter. In fairness ha, ang bait niyang kapatid. Nung umuwi rin si Tricia dati, binilhan niya rin siya ng gift. Kaso binabawi ko na yung sinabi kong mabait siya dahil pinadala niya sa akin lahat ng paper bags. Grabe, ang gentleman ng hayup!

 

Umupo muna kami sa food court. Napansin ko ring kanina pa siya tingin nang tingin sa relo niya.

 

"Ang aga pa." sabi niya bigla.

"Bakit? Ano bang meron?" tumingin rin ako sa relo ko at nakita kong 12:30 PM na. Kaya naman pala kumukulo na yung sikmura ko! Binitawan ko muna lahat ng paper bags na hawak ko, pati na rin yung bag ko. Kinuha ko yung wallet ko at saka tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Kakain ho, MASTER." tsaka ko siya inirapan. Leche talaga. Hanggang ngayon nabibitter pa rin ako sa naging resulta ng bet namin.

 

Naglibot muna ako sa food court para makapili ng bibilhin ko. Hanggang sa nakita ko bigla si Dave kasama nung mga kabarkada niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatago sa mga taong dumadaan. Takte! Andito rin pala siya! Paano kung makita niya kaming magkasama ni Patrick? Baka kung anong isipin niya!

 

"Kamusta naman yung pinopormahan mo, dude?" narinig kong tanong ng isa niyang kasama. Sa pagkakaalam ko, Frank ang pangalan niya. Naging classmate ko ata siya nung first sem sa isang subject. Hindi ko maiwasang hindi makinig sa usapan nila kaya lumapit ako nang hindi nagpapahalata. Buti na lang talaga at medyo maraming tao. Umupo ako sa bandang likod nila para marinig ko yung usapan nila.

"Oo nga. Di ba campus princess yun? Jessica Morales? Tama ba?" bigla akong kinabahan nung nabanggit yung pangalan ko. So they are talking about me.

"She's great. Maganda, matalino, mabait. She's almost perfect." kulang na lang ay tumayo ako dito at tumakbo papunta kay Dave para yakapin siya. Grabe! Sinabi niya ba talaga yun? Kinikilig ako!

"Hoooh. Swerte!"

"Lakas talaga ng kamandag ng gagong 'to! Haha!"

"Campus princess pa ang nabingwit!"

 

Nagtawanan yung tatlong kasama niya habang siya ay pangiti-ngiti lang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa daloy ng usapan nila. Pero alam ko sa sarili ko na malapit nang mangibabaw ang inis ko. They are just looking at me as a trophy. A prize. Bakit ba ganyan ang mga kaibigan ni Dave? Gusto ko nang sumugod sa kanila pero pinigilan ko ang sarili ko.

 

"Kailan mo ba balak ligawan?" tanong nung isa.

"Gusto niyo mamayang gabi?" nabigla naman ako sa sagot ni Dave. Wait. Sa pagkakatanda ko, inaaya niya ako mamayang gabi.

"Whoa. Easy, Dave. Baka mamaya bigla kang mabasted."

"No. I'm pretty sure that she likes me, too." saka siya ngumiti ulit.

"Yabang nito oh! Haha! Oh ano? Panibagong pusta na naman ba 'to?"

"Game. How about 3,000?" sabay labas ng pera ng isa pa.

"Oh sige game ako! Pakiramdam ko mababasted 'tong si Dave mamaya eh."

"Sigurado ba kayo dyan? Meron pa akong tig-5,000 sa inyo kapag napasagot ko siya, di ba? Heh. Mukhang kikita ako ng malaki sa inyo. Jess is really a blessing to me." halos malaglag ang panga ko sa narinig ko mula sa bibig ni Dave. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang galing yun kay Dave. Si Dave na hinahangaan ko mula noong una akong pumasok dito sa university na 'to.

 

Gustung-gusto kong sumugod sa kanila at sampal-sampalin silang apat lalo na si Dave pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong gumawa ng iskandalo dito. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at bumalik sa pwesto namin kanina ni Patrick. Umupo ako nang padabog sa harapan niya at nakatingin lang ako sa mesa.

 

"Akala ko ba kakain ka? Bakit wala kang dala?" pagkasabi niya nun, tinignan ko siya ng masama to the point na gusto ko na siyang sakalin dahil sa sobrang inis. Pero imbes na gawin ko yun, bigla na lang tumulo yung luha ko. Shet naman. Dapat pala sa C.R. na lang ako pumunta. Bakit ba ako bumalik dito?

"Hey. Why are you crying?"

"Malay ko!" saka ko pinunasan yung mga pesteng luha ko. Bwisit! Bwisit! Why am I crying in front of him? Pero imbes na tumigil ako sa pag-iyak, lalo pang dumami yung luhang pumapatak sa mata ko at lumalakas na rin yung mga hikbi ko. 

"Stay there."

"Ano ako, aso?!" nasabi ko na lang habang pinupunasan ko yung pisngi at mata ko. Pero bago ko pa madagdagan yung reklamo ko, tumayo na siya at hindi ko na tinignan kung saan siya pumunta.

 

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko at binuksan ko yung messages. Binasa ko ulit yung tinext sa akin ni Dave kanina. I can't believe it. I really can't believe it. Pinagpupustahan lang nila ako. Kinalma ko yung sarili ko para makapagtext pa rin ako ng maayos.

 

To: Dave

Sorry, busy pala ako. Sumama ka na lang sa mga kapustahan mo. GAGO.

 

I sent it to him. Ang kapal talaga ng mukha niya. I admire him so much. I like him. Pero ginamit niya yung feelings ko para lang makipagpustahan? Akala ko magiging masaya na ako eh. Akala ko may feelings rin siya para sa akin dahil sa mga ginagawa niya para sa akin. Pero walanghiya! Para lang pala yun sa lecheng pustahan nila!

 

"Here." napatingin naman ako kay Patrick. Nakabalik na pala siya. Nilapag niya sa harapan ko yung shake na hawak niya. "Magpalamig ka muna. Ang init ng ulo mo eh."

"Nagsalita ang hindi mainitin ang ulo." sabi ko na lang at saka ko ininom yung shake na binigay niya. Pero para lang akong tanga dahil habang umiinom ako ng shake ay umiiyak pa rin ako. Takte, kelan ba kayo titigil?!

 

Napatigil naman ako sa pag-inom nung biglang nagring yung phone ko na nakalapag sa lamesa. Pagtingin ko, yung hayup na Dave na yun ang tumatawag. Lalo lang akong naiyak dahil sa sobrang sama ng loob. May balak pa talaga siyang kausapin ako? Ang kapal niya talaga! Icacancel ko na sana yung tawag pero biglang hinablot ni Patrick yung phone ko.

 

"Hoy! Ibigay mo sakin ya--"

"What do you want?" natulala na lang ako sa kanya nung bigla niyang sinagot yung tawag ni Dave. Tapos nagulat ako nung pinindot niya yung loudspeaker.

"Where's Jess?"

"She's busy."

"Shut up. Si Jess ang gusto kong makausap kaya ibigay mo sa kanya yung phone niya." napatingin siya sa akin at saka ako umiling-iling. 

"Ayaw daw niyang kumausap ng gago. Bye." tapos inend niya yung call at saka nilapag yung phone ko sa lamesa.

 

Napayuko na lang ako. Nararamdaman kong nakatingin lang sa akin si unknown particle na para bang ang tanga-tanga ko. Bwisit lang talaga. Bakit siya pa ang nakakita sa aking umiiyak? At alam kong alam na niya ngayon kung bakit ako umiiyak. For sure aasarin niya lang ako. Dyan naman siya magaling eh. Ang asarin ako. Oo na. Talo na ako sa kanya.

 

"Fine. Oo na, tanga na ako. Bobo na ako. Say what you want. Oo tanga na ako kasi naniwala ako sa pakshet na lalaking yun! Gusto ko siya. Gustung-gusto ko siya! Tapos malalaman kong... malalaman kong... pinagpupustahan lang pala nila ako. Haha! I'm such an idio--"

"It's not your fault." napatingin ako sa kanya habang patuloy pa rin yung agos ng luha ko. Nakita kong kinuha niya sa tabi ko yung mga paper bags na pinabuhat niya sa akin kanina at tumayo siya. Bigla niyang hinatak yung kamay ko kaya napatayo rin ako.

 

"Come with me."