.

.

Chapter 34

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Come with me."

 

Hindi na ulit ako nagreklamo. Wala na akong lakas para sigawan pa siya o awayin siya. Nagpahatak na lang ulit ako sa kanya. Pero napahinto ako sa paglalakad dahil huminto rin siya. Bigla niya na lang sinuot sa akin yung shades na suot niya.

 

"Baka akalain nila pinapaiyak kita." tsaka siya nagpatuloy sa paglalakad habang hawak pa rin yung kamay ko. "At hindi ko akalaing makikita kitang umiyak." narinig kong sabi niya habang naglalakad.

"Anong akala mo sa akin? Robot? Hindi umiiyak?"

"I thought you're a strong woman." nabigla naman ako sa sinabi niya. Wow. Is that a compliment? Mula kay Patrick Reyes? Hah. Out of this world talaga ang araw na 'to.

"Well I'm sorry to say this to you but it takes a lot of tears to make a woman strong." yun na lang ang nasabi ko. After that, hindi na siya nagsalita. Actually, I learned that from my mom. Iyakin kasi ako nung bata ako. Ngayong teenager na ako, alam ko sa sarili ko na malakas na ang loob ko. Pero dahil sa nangyari kanina, bumalik yung pagkaiyakin ko.

 

After ilang minutes, huminto ulit kami sa paglalakad. Pagtingin ko, nasa tapat na pala kami ng Quantum. Hindi ko napansin na dito pala kami papunta dahil kung anu-anong iniisip ko. Hinatak niya na naman ako papasok sa loob. Hanggang sa pagbili niya ng tokens, hawak-hawak niya pa rin ako. I don't know but it felt comforting. Pakiramdam ko hindi ako mag-isa.

 

Napunta kami doon sa isang shooting game. Naghulog siya ng token tapos inabot niya sa akin yung baril.

 

"When I'm stressed, I always do this kind of stuff. Maybe you should try it." inabot ko naman yung baril at ginawa ko yung sinabi niya. Inisip ko na si Dave at yung tatlo niyang kaibigan yung targets ko. Pinagbabaril ko sila hanggang sa maubos yung time limit ko. After that, medyo gumaan yung pakiramdam ko. At least, napatay ko sila sa isip ko. Tsaka ko lang napansin yung mga tao sa paligid ko. Andami palang nakikinood sa akin.

"You're scary." natawa naman ako sa expression ni Patrick. Haha! Mukha siyang nakakita ng multo! Ibig sabihin ba nito, mas magaling akong maglaro sa kanya?

"Of course. I'm a strong woman, right?" saka ako nagwalkout doon sa game na yun.

 

Humingi pa ako ng tokens sa kanya at lahat na ata ng laro na pwedeng paglabasan ng stress, pinatos ko. Nilaro ko yung pinapalo yung mga figures kapag lumalabas sila sa holes, naglaro rin ako ng Tekken, pati basketball nilaro ko. Pero sad to say, game over agad ako sa stage 1. Ang taas at ang layo naman kasi ng ring! Tsk.

 

"Sa pagkakatanda ko, ikaw ang slave ko, not the other way around." narinig kong sabi ni Patrick habang sinusundan ako.

"A good master makes his slaves happy." ewan ko kung saan ko nahugot yun pero yun na lang ang sinabi ko sa kanya.

"Then am I a good master?"

"No." tsaka ako nag-make face sa kanya. At nagulat ako nung ngumiti siya sa akin. What the heck? Ngumiti ba talaga siya o nag-iilusyon lang ako? He's getting weirder and weirder.

"Come on." at nanghatak na naman siya. Akala ko lalabas na kami sa Quantum pero pumunta kami doon sa karaoke sa gilid. Maraming nakaupo doon sa seats sa harapan pero wala namang kumakanta. Nagulat ako nung bigla niya akong pinaupo doon sa audience seats tapos umakyat siya doon sa mini-stage at naghulog ng tokens.

 

Wait. Don't tell me kakanta siya?

 

"Hi guys." nagsalita siya sa mic at napansin kong nagtinginan yung mga babaeng nakaupo rin dito sa audience pati na rin yung ibang naglalaro malapit sa amin. Wow ha? Lakas makahatak ng audience!

 

"Cute niya!"

"Ang pogi ni kuya! Sana maganda rin ang boses."

 

Okay. Fangirls detected.

 

"My slave told me that a good master can make her slave happy." tumawa naman yung mga babaeng katabi ko dito pati na rin yung ibang lalaking nakaupo. Tapos tumawa rin siya. Sandali nga. Si Patrick Reyes ba talaga ang kasama ko? Bakit siya tumatawa at ngumingiti?

Bigla namang tumugtog yung intro ng kanta na pinili niya. Pagtingin ko sa paligid, nakuha na niya lahat ng attention. Psh. Attention-seeker master. Mas nakuha niya pa lalo yung atensyon nila nung pumikit siya at nilapit niya yung mic sa bibig niya.

 

"Beauty queen of only eighteen
She had some trouble with herself
He was always there to help her
She always belonged to someone else"

 

Konting lines pa lang yung nakakanta niya pero may narinig na akong mga babaeng tumili. Yung iba, kinukuhanan pa siya ng video. Maski ako, natulala na lang sa kanya dahil sa boses niya. I know he has a beautiful voice dahil gumawa na kami dati ng kanta, pero hindi ko akalaing ganito karaming babae ang nahuhumaling sa boses niya.

 

"I drove for miles and miles and wound up at your door

I've had you so many times but somehow I want more"

 

Dumilat rin siya after niyang kantahin yung next lines. Mas lalo pang lumakas yung bulung-bulungan at pigil na pagtili ng mga babae sa paligid nung ngumiti na siya ng nakakaloko. Tapos bigla siyang tumingin sa akin at nagkibit-balikat. Kinuha niya yung mic sa may stand at nagmini-concert na doon sa stage. Wala na. Nakuha na niya lahat ng kababaihan dito.

"I don't mind spending every day
Out on your corner in the pouring rain
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay awhile
And she will be loved
And she will be loved"

 

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil feel na feel niya yung kanta. Kulang na lang magstrip siya dun para mahimatay lahat ng babaeng nanonood sa kanya eh. He really looks like a different person. I remember the only time I saw him like that. Yun yung time na may gusto siya kay Steff at di pa siya natuturndown. Kasama pa nga siya sa inimbitahan namin dati nina Steff sa rest house namin para magbakasyon nung sembreak. He's the smiling and quiet type back then. Pero nung naencounter ko siya sa garden, you know, the Phone Murderer Incident, ay hindi ko na ulit nakita yung Patrick na yun. Naging masungit siya at sobrang mailap sa tao.

 

"Tap on my window, knock on my door
I want to make you feel beautiful
I know I tend to get so insecure
It doesn't matter anymore

It's not always rainbows and butterflies
It's compromise that moves us along, yeah
My heart is full and my door's always open
You come anytime you want, yeah."

 

Nakikisabay na rin yung ibang tao sa pagkanta sa kanya. Lakas talaga makahatak ng atensyon nitong unknown particle na 'to. Magaling na sumayaw tapos magaling pang kumanta. Pero ayokong sabihin sa kanya dahil baka lumaki ang ulo. Well, he's an airhead naman na in the first place.

"I don't mind spending every day
Out on your corner in the pouring rain
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay awhile
And she will be loved
And she will be loved
And she will be loved
And she will be loved"

 

"Oh gosh! Adaw Levine feels!"

"Yung boses niya! Ang sexy! Grabe!"

 

"I know where you hide alone in your car
Know all of the things that make you who you are
I know that goodbye means nothing at all
Comes back and begs me to catch her every time she falls
Yeah"

Humina yung background music at tumahimik rin yung mga tao sa paligid. Of course, ito yung part kung saan pinakasexy ang boses kapag kinakanta 'to.

 

"Tap on my window knock on my door
I want to make you feel beautiful"

 

 Halos mabingi ako nung nagsigawan yung mga babaeng nanonood. Pero napatigil rin ako sa paghinga dahil sa pagkanta niya ng part na yun. Punung-puno ng emotions at idagdag pa na nakapikit siya at nakahawak lang sa stand ng mic habang binabanggit niya yung lines. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Shet anong nangyayari sa akin? What the heck is with his voice?!

 

"I don't mind spending every day
Out on your corner in the pouring rain, oh.
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay awhile
And she will be loved
And she will be loved
And she will be loved
And she will be loved

Please don't try so hard to say goodbye
Please don't try so hard to say goodbye

I don't mind spending every day
Out on your corner in the pouring rain

Please don't try so hard to say goodbye"

 

Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan yung mga nanood sa kanya. Maski yung ibang staff ng Quantum, nakipalakpak rin. Syempre, nakipalakpak na rin ako. Fine. Magaling siya. Bumaba siya sa stage at pumunta sa pwesto ko.

 

"How was it?" yan ang unang tanong niya sa akin habang nakangiti. Takte, ang weird talaga nito.

"Anong meron ngayon? Bakit magkasundo ata tayo? Bakit kakaiba ka? Magugunaw na ba ang mundo?"

"I miss the old me, that's why." saka siya naupo sa tabi ko.

"Sa tingin ko mas magkakasundo kami ng old you."

"At magkakasundo kami ng new you." sabi niya naman sa akin.

"Then you are a good master." tapos nag-okay sign ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa amin. Para kaming ibang tao. Sobrang weird. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na magngingitian kami ng taong 'to, mag-usap pa kaya ng ganito? This is a really really weird day.

"I know."

 

Umalis kami doon sa spot na yun at lumabas na sa Quantum. Mukhang nabawasan naman yung sama ng loob ko pagkalabas namin. Nakatulong talaga yung mga pinaggagawa niya sa akin. Pero parang nabalewala lahat ng yun nung may nakasalubong kami.

 

"Jess." sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman, nakasalubong ko pa ang taong dahilan ng lahat ng 'to. Biglang bumalik lahat ng hinanakit ko kanina. At parang gusto ko na namang maiyak dahil nagrereplay ulit sa utak ko lahat ng narinig ko sa usapan nila kanina. Lumapit siya sa akin pero pumagitna si Patrick.

"She doesn't want to see you." sabi ni Patrick sa kanya.

"Bakit ka ba nakikialam?" sabay tingin ng masama ni Dave kay Patrick. Kinabahan naman ako sa approach nilang dalawa sa isa't isa.

"Dahil may pakialam ako."

"Wala akong pakialam sa'yo. I want to talk to her." biglang tumingin sa akin si Dave kaya napayuko ako. Ayokong magkatitigan kami. Pakiramdam ko magbebreakdown lang ako o kaya naman baka ma-break ko siya sa sobrang inis. Napakapit ako sa laylayan ng damit ni Patrick sa likod. Para tuloy akong bata na nagtatago sa kaaway niya.

"Sad to say but you need my permission to talk to her."

"Bakit? Boyfriend ka ba niya?"

"No. She's my slave." bigla siyang tumalikod kaya magkaharap na kami ngayon. "And she belongs to me." saka niya ako hinatak palayo sa kanila.