.

.

Chapter 35

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasalubong namin kanina si Dave. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. Basta ang alam ko, papunta kami somewhere.

 

"S-saan na naman tayo pupunta?" nagsalita na lang ako dahil kapag tahimik ako, baka mas malaki ang possibility na umiyak ako.

"Airport." pagkasabi niya nun, napatingin ako sa kanya. Ibig sabihin...

"Ngayon ang uwi ni Tricia?"

"Yeah."

 

Kaya pala tingin siya nang tingin sa relo niya kanina. Ang aga naming natapos magshopping. Buti na lang at nag-Quantum kami para magpalipas ng oras. Pero malas nga lang talaga kanina at nakita ko pa si Dave.

Para namang lumubog yung puso ko nung naisip ko si Dave. I like him so much. So much to the point that I've given him my trust. Akala ko siya na. Akala ko ito na yung hinihintay kong happy ending. Alam kong mali yung ginawa niya. Alam kong ginagamit niya lang ako. At alam kong galit ako sa kanya ngayon. Pero bakit ganito? I still... I still... want him.

 

"Anong ginawa mo nung nalaman mo na hindi ka gusto ni Steff?" nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang tinanong ko yun sa kanya. Ewan ko. Siguro dahil gusto ko ng karamay. He also lost the game called love. Maybe I can get some advice.

Naghintay ako sa sagot niya pero wala akong narinig. Susuko na sana ako sa paghihintay pero narinig ko siyang huminga nang malalim.

"Tinanggap ko lang. I just want her to be happy. If I'm not her happiness, then I will give it to her by letting her go."

 

Natulala ako sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko akalaing ganito siya mag-isip. Maski ako, nasaktan para sa kanya. Mas boto naman kasi talaga ako kay Darryl para kay Steff, pero hindi ko akalaing ganito kasakit yung nangyari sa part niya. Saka ko narealize, siguro kaya siya naging ganito, yung pagiging masyadong masungit niya, ay dahil sa nangyari sa kanila ni Steff. 

 

"Naka-move on ka na?" tanong ko sa kanya.

"Of course. It's not that hard." napaisip naman ako. Sa pagkakaalam ko, sembreak nung nabasted siya ni Steff. Five months pa lang ang nakakalipas. Ganun ba talaga kabilis mag-move on ang mga lalaki?

 

Makakapagmove on rin kaya ako ng ganun kabilis? Dapat pigilan ko na 'tong nararamdaman ko para kay Dave hangga't di pa ako masyadong nafafall. Ginamit niya lang ako sa pustahan nila. Oo, masakit. Sobra. Kaya hangga't di pa huli ang lahat, I should stop.

 

"Thank you nga pala kanina." yun na lang ang nasabi ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kaming dalawa ngayon. Siguro bukas, tatawanan ko 'tong pangyayaring 'to.

"No worries. A good master saves his slave." tapos narinig ko siyang nagsmirk.

"At humahakot ng maraming fangirls?" sabi ko na lang dahil naalala ko yung pagkanta niya dahil sa pinagsasabi niyang good master.

"Jealous, my slave?" then he grinned.

"Asa! Kapal! Yuck!" kapal niya! At bakit ako magseselos? Kitang busy ako sa pag-eemote dahil kay Dave tapos sasabihin niyang nagseselos ako?

 

Hindi ko naman napansin na nakarating na pala kami sa airport. Dahil hindi pa rin ako umaalis sa kotse niya, hinatak na naman niya ako palabas. Kanina pa siya ha! Sumasakit na yung braso ko kakahatak niya!

Naglakad kami papasok at nung nasa loob na kami, nakita namin sina Steff, Alice at Yna, kasama na rin si Darryl. So alam rin pala nila na ngayon ang dating ni Tricia.

 

"Yun oh! Kamusta ang date?" pagkasabi nun ni Alice, tinignan ko siya ng sobrang sama to the point na sumakit na yung kilay ko dahil sa pagkakakunot nito. "Sabi ko nga, hindi na ako magtatanong."

"Okay ka lang ba Jess? Anong nangyari?" this time, si Steff naman ang nagtanong. Hindi ko na lang siya sinagot dahil hahaba pa lalo yung usapan. At ayoko ring pag-usapan kung anong nangyari kanina.

"Something happened between her and that Dave." gusto kong sakalin si Patrick ngayon dahil siya yung sumagot sa tanong ni Steff. Pakshet na 'to! Bakit niya sinabi?!

 

Magtatanong na sana yung tatlo tungkol sa kung anong nangyari pero hindi na yun natuloy dahil narinig namin si Tricia habang tinatawag yung pangalan namin. Napatingin kaming lahat sa kanya at tumakbo siya palapit sa amin.

 

"Oh my gosh! Nandito kayong lahat!" saka siya yumakap sa aming mga girls. Tinignan niya si Darryl at nakita kong nag-iba yung expression niya. Oops. Mag-ex nga pala sila. "Hoy Darryl, wag mong sasaktan 'tong si Steff ha! Kundi ako gugulpi sa'yo." sabi niya at saka ngumiti. Then after that, nagyakapan sila ni Darryl. Napatingin agad ako kay Steff at nakita kong nakangiti rin naman siya, pero halatang nagseselos siya ng konti. After that, si Patrick naman ang tinignan ni Tricia. "Bro! Haha! Still on masungit mode? Bumalik ka na sa dati please?" tinignan siya ng masama ni Patrick kaya nagsalita ulit si Tricia. "Kidding! Haha!" at saka niya niyakap ang step-brother niya.

 

Nag-usap-usap pa kami doon tungkol sa nangyari kay Tricia sa States. Sabi niya, ayos naman daw siya doon pero namimiss niya pa rin ang Kingdom University kahit papaano. Mukha ngang nag-eexcel rin siya doon eh. Well what would you expect from the topnotcher of our batch?

 

After ng pag-uusap namin, napagdesisyunan naming umalis na doon sa airport. Pero nag-C.R. muna saglit yung apat na babae. Nagpaiwan na lang ako dahil alam kong mang-iintriga lang sila kapag magkakasama kami. Naiwan kami dito sa labas nina Darryl at Patrick.

 

Nagulat naman kami nung biglang may nag-ring na phone. Pagtingin ko, kay Patrick pala yun. Sinagot niya lang yung phone niya dito at hindi na lumayo pa.

 

"Hello? Okay. Bukas? Sige. Bye." saka niya binaba. Sino naman kayang tumawag sa kanya? Bigla siyang napatingin sa akin kaya nagkatinginan kami dahil nakatingin ako sa kanya.

"Keisha." bigla niyang sinabi. Wait. Ibig sabihin, si Keisha yung kausap niya sa phone kani-kanina lang? Since when did they become close?

"Tinatanong ko ba?" sabi ko na lang. Hindi ko naman kasi tinatanong kung sinong kausap niya. Bakit niya sinasabi? Tss.

"Sinasabi ko lang." saka siya nagkibit-balikat.

"Kamusta pala kayo?" Dahil kay Dave, hindi ko na masyadong nakakamusta si Keisha. Pero nag-uupdate naman siya sa akin sa kanila ni Patrick. Hindi ko lang akalain na bigla silang magiging close. I mean, ni hindi nga pinapansin dati ni Patrick 'tong si Keisha. Tapos biglang ganito.

"Getting to know each other."

"Ohh." wala naman akong masabi. Hindi ko kasi inaasahan yung sagot niya. So they are getting to know each other. Wow.

"Tungkol doon sa bet..." napatingin naman ako bigla sa kanya nung nabanggit niya yung bet. Naalala ko na naman na mas mataas yung average niya sa akin. "... ako ang nanalo kaya kasama kita ngayong araw pero napag-isip-isip ko..."

 

Kinabahan naman ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Idagdag pa na masyadong seryoso yung mukha niya ngayon.

 

"Siguro dapat ibigay ko na rin yung gusto mo. It's time for us to get serious." hindi pa ba siya seryoso sa lagay na yan? Kinakabahan ako sa kanya eh!

"Anong ibig mong sabihin?"

"I'll give you what you want... if that will really make you happy." para akong nabingi sa sinabi niya. Wait. Tama ba ang naririnig ko?

 

 

"You are not my slave anymore. You're free."