.

.

Chapter 36

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"You're free."

 

Ugh! Nagpagulung-gulong na lang ako sa kama ko dahil hindi ako makatulog. Lecheng araw 'to! Napakaraming nangyari sa loob lang ng isang araw.

Dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, tinawagan ko sina Steff, Alice at Yna kanina pagkauwi ko ng bahay. Tapos ay ikinwento ko sa kanila lahat ng nangyari. Umiyak pa ako nung kinukwento ko na yung tungkol kay Dave. Hindi sila nagsalita nung nagkukwento ako. Hinayaan lang nila akong ilabas lahat ng sama ng loob ko.

 

"I told you! He's a good for nothing guy." si Yna ang unang nagsalita at pinagalitan niya pa talaga ako.

"Malay ko ba? Hindi ko naman alam na... magagawa niya yun." feeling ko maiiyak na naman ako nito eh.

"Pero seryoso, nag-iinit ang ulo ko dyan sa Dave na yan. Akala ko pa naman, matino siya. He's handsome, smart and rich. Kaso jerk pala." sabi naman ni Alice.

"At least, Pat was there for you." dagdag pa ni Steff.

 

Pagkabanggit ng pangalan ng unknown particle na yun, nagreplay na naman sa utak ko yung sinabi niya. I'm not his slave anymore. I'm free na daw. Siguro dahil ayaw niyang may makaistorbo sa kanila ni Keisha. Hah! Napakagandang timing nga naman talaga. Kung kelan ako lugmok dahil sa pinaggagawa ni Dave, saka naman uusbong yung love life niya. 

 

"Hello? Jess? Are you still alive?" narinig kong sabi ni Yna. Saka ko napansin na natahimik pala ako saglit dahil sa mga pinag-iisip ko.

 

Matagal rin kaming nag-usap-usap. Buti nga at nadivert na sa kung saan-saan yung topic. Basta ang alam ko, ala-una na kami nag-goodnight sa isa't isa. After that, humilata na lang ako sa kama ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Pakiramdam ko hindi totoo lahat.

Nanghihinayang pa rin talaga ako kay Dave. I mean, gustung-gusto ko siya. At sobrang saya ko nung napansin niya ako. Hindi ko nga lang alam kung napansin niya ba talaga ako o pinansin niya ako para sa pakikipagpustahan niya.

Isa pa yang Patrick na yan. Para siyang ibang tao nung nakasama ko siya kanina. Nagulat pa ako nung nilayo niya ako nung hinarang kami ni Dave. Pero nagulat talaga ako sa sinabi niya kanina. Hindi ako makapaniwalang nasa getting to know each other stage na sila ni Keisha. Hindi ko naman sila nakikitang magkasama o magkausap. 

Saka ko naisip, alam kaya ni Keisha yung pinaggagawa ng pinsan niya sa akin? Tinext ko kaagad siya.

 

To: Keisha

May alam ka ba sa pustahan ni Dave at ng barkada niya?

 

Biglang uminit yung ulo ko. Paano kung may alam pala siya pero hindi niya lang sinasabi sa akin? Na mas sinuportahan niya yung pinsan niya? 

Maya-maya pa ay nagvibrate yung phone ko at nakita kong nagreply na siya.

 

From: Keisha

Huh? Wait, what do you mean? Anong ginawa ni Dave?

 

Ewan ko pero nakahinga naman ako ng maluwag. So that means wala siyang alam. Hindi naman na ako nagreply dahil ayokong manggaling sa akin yung pinaggagawa ng pinsan niya. Mas mabuti nang umamin sa kanya si Dave o kaya kumprontahin niya. 

Dahil masyado akong napagod ngayong araw, agad rin naman akong nakatulog.

 

***

 

 Simula na ng summer vacation. Pagkagising na pagkagising ko, nagprepare agad ako para pumunta sa mall. Ayoko kasing tumunganga ngayon sa bahay dahil for sure, lalo ko lang maaalala lahat ng nangyari. Mas mabuti pang magshopping na lang ako nang sa ganun, mag-enjoy pa ako.

Nagpaalam ako kina Mommy at sumabay na lang ako kay Dad sa sasakyan niya dahil madadaanan niya naman yung mall. Dahil nga bakasyon na, tanghali pa lang ay andami nang tao sa mall. Bago ako dumiretso sa mga shops, pumunta muna ako sa foodcourt para kumain. Mas mabilis kasi ang service doon. Pumila agad ako sa KFC at agad ko rin namang nakuha yung order ko. Humanap agad ako ng mauupuan and luckily, meron pa naman. 

Nagsimula na akong kumain nung nakaupo na ako. Tinext ko rin sina Steff, Alice at Yna kung anong ginagawa nila. For sure busy ang tatlong yun. Napatigil ako sa pagkain at pagtetext nung may nahagip ang mga mata ko. Napatingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko sila.

 

"Bibili lang ako ng food ha?" sabi ni Keisha at tumango naman si Patrick. Dahil madadaanan niya yung pwesto ko, yumuko agad ako at sinuot ko yung cap at shades na dala-dala ko. Shet! Akala ko gagamitin ko 'tong mga 'to dahil mainit, yun pala magagamit ko para magtago!

 

Pero bakit nga ba ako nagtatago?

 

Sinundan ko ng tingin si Keisha at nakita kong sa KFC rin siya bumili. Takte naman. Sa lahat ng pwedeng makita ngayong araw, bakit silang dalawa pa? Wait, nagdedate ba sila?! Unang araw ng bakasyon, date agad?!

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nakabantay sa pag-order ni Keisha. Pasulyap-sulyap rin ako sa pwesto ni unknown particle. Nakatunganga lang siya doon at walang ginagawa. Kita mo nga naman oh. Bakit yung babae pa ang pinag-order niya? Wala talagang dugo ng gentleman ang hayup na 'to. Kahit kahapon, pinadala niya sa akin yung sandamukal na paper bags para kay Tricia.

Nung nakaorder na si Keisha, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa pwesto niya. Buti na lang naka-shades ako at hindi halatang nakatingin ako sa kanila. 

 

"Hindi ka ba kakain?" narinig kong tanong ni Keisha kay Patrick.

"Not hungry. Hihintayin na lang kitang matapos." tapos ngumiti siya kay Keisha.

"O-okay."

 

So palangiti na siya, ganun? Sabagay, ganun naman yung pinakita niya kahapon. Pero naninibago pa rin ako. Kasi dati sobrang sungit niya to the point na hindi niya talaga pinapansin si Keisha, tapos ngayon, may ganyang moment na sila? Ano kayang nangyari sa dalawang 'to?

 

"Uhm, Patrick, di ba close kayo ni Jess?" kinabahan naman ako nung nabanggit yung pangalan ko.

"Why?"

"Kasi nagtext siya sa akin kagabi. Tinatanong niya yung pustahan daw nina Dave at ng friends niya. Tinry kong i-contact si Dave pero di naman siya sumasagot. May alam ka ba?"

 

Shet na yan. Dapat talaga hindi na ako nagtext kay Keisha eh. Pero malay ko bang wala siyang alam? Akala ko kasi may kinalaman rin siya doon sa pustahan. Akala ko alam niya yung pinaggagawa ni Dave dahil nga close sila at magpinsan pa sila.

 

"Pinagpustahan siya nung gagong yun pati ng mga kaibigan niya." pagkarinig ko ng sinabi niyang yun, napakagat ako sa labi ko dahil alam kong anytime ay maiiyak na naman ako.

"W-what?! Ginawa yun ni Dave? Pero ang alam ko... may gusto talaga siya kay Jess."

"Ask him if you want."

 

Hindi na sila nagsalita after nun. Nagpatuloy lang sa pagkain si Keisha kaya tinuloy ko na rin yung pagkain ko. Pero nakakainis lang dahil umiiyak ako habang kumakain. Leche namang mga luha 'to! Akala ko naubos na sila kahapon pero bakit hanggang ngayon, meron pa rin?

 

"May nakaupo ba dito miss?" napatigil naman ako sa pag-iyak nung may narinig akong boses sa harapan ko. Pag-angat ko ng ulo ko, parang gusto kong sumigaw sa sobrang... ewan. Halu-halo na ang nararamdaman ko.

Hindi ko siya sinagot at umalis ako doon sa kinauupuan ko kahit wala pa sa kalahati yung nakakain ko. Naglakad ako doon sa kabilang side kung saan hindi ako makikita ni Keisha at Patrick. Pero naramdaman kong humahabol pa rin siya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

 

"Pwede ba Dave? Wag mo nga akong sundan!"

"Jess, please let me explain."

"Hindi ako tanga, Dave. Narinig ko na lahat ng dapat kong marinig." tinalikuran ko ulit siya pero hinigit niya yung braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Alam kong mali ako. Alam kong gago ako. Pero sana naman pakinggan mo yung side ko."

"Buti inamin mong gago ka, Dave. At yung side mo? Narinig ko na. Ang saya mo nga kasi alam mong mananalo ka na di ba?" doon na ulit bumagsak yung mga luha ko. Peste talaga. 

"Jess, please. Makinig ka muna sa akin. Please?" nagulat pa ako nung lumuhod siya sa harapan ko kaya napatingin sa amin yung mga tao sa foodcourt. Hindi pa kasi kami nakakaalis doon. 

"Ano ba, Dave? Mahiya ka nga!" sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luha ko sa pisngi.

"Kaya ko nga 'to ginagawa kasi nahihiya ako sa ginawa ko sa'yo. I know I'm wrong. I know it's my fault. But please, makinig ka muna sa akin." napansin ko namang namumula na rin yung mata niya at maya-maya pa ay may mga pumatak na ring luha sa pisngi niya.

"Makinig? Ni minsan ba nakinig ka sa konsensya mo? Ni hindi mo man lang ba naisip na masasaktan ako sa pinaggagawa mo?" lalo langbumigat yung nararamdaman ko. Alam kong marami nang nakatingin sa amin pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang ilabas lahat ng hinanakit ko sa kanya.

"I'm sorry Jess. Alam kong mali. Alam kong masasaktan ka. Okay lang kung hindi mo na ako mapatawad, basta makinig ka lang sa sasabihin ko. Please? Please?" hinawakan niya yung kamay ko pero hinawi ko yun.

"Fine. I will listen to your reasons. Just this time, Dave. Pero hindi pa rin kita mapapatawad sa ginawa mo."

"T-talaga? Makikinig ka sa akin?" nung nakita ko yung reaction niya, parang kinurot bigla yung puso ko. Naaawa ako sa kanya pero hindi naman pwedeng bumigay ako. Ako ang biktima dito, hindi siya.

"Tumayo ka na dyan." pagkasabi ko nun, agad rin naman siyang tumayo at pinunasan niya yung luha niya. Buti na lang talaga at nakashades ako. Feeling ko mugtung-mugto na yung mata ko.

 

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinatak ako palayo doon sa foodcourt.

 

"Jess, I'm really sorry. I... I hope, it's not the end yet." at naramdaman ko yung pag-squeeze niya sa kamay ko.