.

.

Chapter 38

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Bumitaw naman agad ako sa kanya tsaka ko pinunasan yung mga luha ko. Naalala kong may kasama pala siya ngayon. Ayoko namang sirain yung date nila dahil lang sa gusto ko ng karamay ngayon.

 

“Sorry. S-sige.” Tumalikod na ako sa kanya pero hinila niya ulit yung braso ko.

“Anong nangyari sa’yo?”

“Wala.” Walang emosyon kong sagot at saka ko binawi yung braso ko. Sakto namang napatingin ako sa bandang kanan ko at nakita kong naglalakad palapit dito si Keisha pero mukhang di pa niya kami nakikita. “Sige. Andyan na yung ka-date mo.” Saka ako tuluyang lumayo doon sa pwesto niya.

 

Pumunta ako sa CR at inayos ko yung sarili ko. Bakit ko ba kasi iniiyakan si Dave eh lalaki lang naman siya? Masyado kong dinadamdam ‘to, eh hindi naman sa pag-ibig lang umiikot ang buhay ko.

 

Kinuha ko yung face powder ko sa bag at inapply ko yun sa mukha ko lalo na sa malapit sa mata para matakpan yung pamamaga. Kinalma ko rin yung sarili ko para makapag-isip ako ng maayos. Tama. Nandito ako para mag-shopping, hindi para magdrama sa love life ko. Wala naman na akong magagawa. Kung hindi siya para sakin, eh di hindi. Bata pa naman ako. Hindi ko naman kailangang masyadong seryosohin yang love love na yan.

 

Matapos kong mag self-reflect, umalis na ako sa CR. Basta ang mindset ko ngayon, pagshoshopping. Eto naman yung lagi kong ginagawa pag bored ako eh. Pumunta ako sa ilang shops para magtingin-tingin ng mga damit. Buti talaga at marami akong dalang pera ngayon. Ang gaganda kasi ng mga damit na nilabas ngayong month. Binilhan ko na rin si Roj dahil mukhang nagkakaroon na siya ng taste sa damit at hindi na yung puro checkerd na polo at slacks yung sinusuot niya. Naimpluwensyahan rin siguro ni Venice dahil adik raw sa fashion ang batang yun sabi ni Steff.

 

Saka ko naramdaman ang gutom. Kaunti nga lang pala yung nakain ko kanina dahil nagstalk ako kina Keisha tapos idagdag pa na dumating si Dave. Hindi ko na rin hinintay yung inorder ni Dave doon sa restaurant dahil tumakbo na ako after that. Pumunta ulit ako sa foodcourt. Siguro naman wala na sila dun no? Tsaka nasa thirf floor naman sila kanina eh. Baka manonood sila ng sine dahil yun lang naman ang pwedeng gawin sa 3rd floor. Wait. Manonood sila ng sine?! Wow ha. Ang bilis ng getting to know each other stage nila. Tss.

 

Umorder ulit ako ng pagkain at nilantakan ko yun. Pero naisipan kong tawagan yung tatlo since wala naman akong magawa.

 

“Oh kamusta?” si Alice ang unang sumagot. After her, tinawagan ko naman si Steff at Yna para may conference call kami.

“Napatawag ka, Jess?” sabi naman ni Steff.

“Nagkaroon kami ng confrontation ni Dave, mga babae.” Pagkasabi ko nun, nailayo ko kaagad yung phone ko sa tenga ko. Takte ‘tong tatlong ‘to! Kung maka-huh at maka-OMG akala mo wala ng bukas!

“Oh gosh! What happened?!” tanong ni Yna.

“Ayun, sinabi niya yung buong kwento. Umiyak pa nga siya. Pero wala na akong pake. Bahala siya. Pero naaawa ako sa kanya. Mukhang di naman niya sinasadya na mapunta sa ganung sitwasyon eh.”

“Eh ikaw? Hindi ka man lang ba umiyak o nagdrama man lang?” tanong naman ni Alice.

“Syempre naiyak rin ako no! Anong akala mo sa akin, robot?! Pero hindi ko naman kailangang umiyak nang umiyak na lang, hindi naman siya ang buong buhay ko.”

“Wow Jess. Ikaw ba yan? Parang nagmature ka ah.” Sabi naman ni Steff. Talaga bang asal immature ako ?

“I told you, you should’ve chosen that Patrick of yours.” Dagdag pa ni Yna. Naalala ko tuloy yung mga nangyari kanina at syempre, kailangan ko ring ikwento sa kanila.

“Baliw, may Keisha na yun.” At nailayo ko ulit yung phone ko sa tenga ko. “Wag nga kayong sigaw nang sigaw! Masakit sa tenga ha! Hindi ba kayo nasasaktan?!”

“Wait Jess! What did you say? Keisha? Who’s that?”

“Yna, siya yung may gusto doon kay Patrick. Basta!”

“Parang kilala ko yang Keisha na yan. Kaklase ko ata siya sa isang subject. OMG. Oo nga, kalat sa room namin na may gusto siya kay Patrick Reyes. Pero shet! Sila na ba?!” sabi naman ni Alice.

“Aba malay ko! Magkadate sila ngayon eh. Mukha ngang nanonood na sila ng sine.”

“Hahaha! Are you jealous, Jess? Parang galit yang tono mo eh.” Isa pa ‘tong Steff na ‘to. Porque maayos na ang love life niya, kung makapang-asar akala mo walang pinagdaanan.

“Bakit naman ako magseselos? Wala naman akong gusto sa kanya.” Pero after kong sabihin yun, parang may kung ano akong naramdaman. Weird.

“Sus! Ganyan din yung sinabi dati ni Steff. Tignan mo ngayon, kinain niya lahat ng sinabi niya.” Sabi ni Alice tsaka naman nagreklamo si Steff sa kanya.

“Bahala sila. Wala na akong pakialam. Magdate sila buong buhay nila.” Pagkasabi ko nun, tinawanan naman ako nung tatlo sa kabilang linya.

“Haha! Hindi ko alam kung dala lang ba yan ng ginawa sa’yo ni Dave o dahil nagseselos ka kay Keisha.” Konti na lang babarahin ko na talaga ‘tong si Alice.

“At saka di komagets. Bakit nakipagdate sa kanya si Patrick eh mailap nga yun sa babae. Sa pagkakaalam ko, ako at ikaw lang ang madalas niyang nakakausap na babae.” Napaisip naman ako sa sinabi ni Steff. Sabagay may point siya. Pero ano nga bang pakialam ko? Wala naman na akong responsibilidad sa kanya. Sabi niya nga, I’m free na daw. Kaya wala na kaming connection sa isa’t isa. Bahala siya sa buhay niya at bahala ako sa buhay ko.

 

Pero naalala ko yung ginawa ko kanina. Yung niyakap ko siya dahil sa bigat ng pakiramdam ko kanina nung nag-usap kami ni Dave. Narealize ko lang... na tuwing malungkot ako o may problema ako, lagi siyang nandyan. Coincidence or not, he’s always with me.

 

“Hello Jess? Are you still there?” napabalik naman ako sa reality nung narinig ko yung boses ni Yna.

“Baka iniisip si Patrick o kaya si Dave. Hahaha!” I swear, pag talaga nakita ko ulit si Alice, sasabunutan ko kaagad siya.

“Tigilan niyo nga yang kaka-Patrick niyo. Wala naman akong gusto sa kanya no. ”

“Alam mo, Jess, makinig ka kay Alice. Napagdaanan ko na yan. Yung akala mo wala kang gusto sa isang tao, dinedeny mo siya, pero subconsciously, andoon na yung feelings.” Natahimik kami sa sinabi ni Steff.

“Geez Steff. Is that the effect of being in love?” natawa naman kami sa comment ni Yna. Oo nga. Nagiging love guru na rin si Steff. Pagkatapos nun, nagbye na kami sa isa’t isa dahil marami pa raw silang gagawin. At ako, tinapos ko na lang yung pagkain ko at saka dumiretso sa bahay.

 

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ni Roj at naabutan ko siya doong nagrereview. Napailing na lang ako.

 

“Roj naman, bakasyon na. Pwede ring magpahinga sa pag-aaral.” Saka ako umupo sa may kama niya.

“Sa July na yung entrance exam sa UP.” Sabi niya habang nakatingin pa rin doon sa makapal na Physics book.

“At April pa lang. May two months pa. Why don’t you enjoy the summer vacation?”

“Mainit. Nakakatamad lumabas.” Hopeless case na talaga ‘to. Tinignan ko yung oras at 4 PM pa lang pala. Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ko yung number ni Venice. Narinig ko naman agad yung boses niya sa kabilang linya.

“Hello Venice?” pagkasabi ko ng pangalan niya, napatingin agad sa akin si Roj. Haha! How cute! “Free ka ba today? Punta ka dito sa bahay. May nerd na nagpapakalunod sa Physics book dito. Save him. Bye!” after that, nginitian ko lang si Roj ng nakakaloko at saka ko nilapag yung binili kong mga damit para sa kanya.

“Bumaba ka na doon at magmovie marathon na lang kayo sa sala. Hindi yung puro libro mo yung kausap mo dito sa kwarto mo. Mga lalaki talaga.” Pagkasabi ko nun, si Roj naman yung ngumiti ng nakakaloko.

“Bakit ate? Did something happen?” Oh shet. Bakit ba ang bilis pumick-up nitong lalaking ‘to? Parang sinabi ko lang naman yung ‘mga lalaki talaga’, may napansin na agad siya.

“Wala no! Ang sinasabi ko lang, some guys have no balls.” Naalala ko si Dave. “Papakiligin ka tapos lolokahin ka lang pala sa huli. Yung iba naman, magulo mag-isip. Minsan nandyan para sa’yo pero kinabukasan, ibang babae naman ang kasama. Ay ewan !” saka ko narealize na andami ko na pa lang nasabi.

“So something really happened.” And then he smiled again. Baliw na kapatid!

“Ay bahala ka dyan. Basta bumaba ka na doon at maya-maya darating na si Venice.” Tumayo ako sa kama niya at paalis na sana ng room niya nung narinig ko siyang nagsalita.

 

“Boys never realize how much one little thing can hurt a girl. But girls also don’t realize how much their attention means to a guy. When he feels that he can’t have the girl’s attention, he’ll end up falling for a girl whose attention is always on him.” Napatingin ako kay Roj at kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

 

“Sabi yan ng teacher namin sa Values. Baka ma-apply mo sa’yo, ate.” Tapos ginulo niya yung buhok ko at nauna na siyang lumabas doon sa kwarto niya.

 

Attention, huh.