.

.

Chapter 39

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

One week na ang nakakalipas simula nang magsummer break. Hindi na ako lumalabas ng bahay at pumupunta sa mall dahil naaalala ko lang yung nangyari last week. Kaya tambay lang ako rito sa bahay. Si Roj, ganun rin. Nasa kwarto ako ngayon at nakikinig ng music habang nakatambay sa social networking sites accounts ko. Napunta ako doon sa underground website ng campus at nakita ko yung hot topics. Kahit noong february pa nangyari ang mahiwagang pagtatapat ng feelings ni Darryl kay Steff, sobrang hot pa rin ng issue. Campus Royalties pa ang tawag sa kanila. Sosyal!

 

Nabasa ko naman yung isa pang hot topic. Tungkol kay unknown particle. He’s currently dating daw dahil may mga nakakakita sa kanila ni Keisha ngayong bakasyon at may mga paparazzi shots pa. So kalat na pala na nagdedate sila?

 

Bigla namang tumawag sa akin si Steff kaya sinagot ko kaagad.

 

“Bakit Steff?”

“May ginagawa ka ba? Gusto mo sumama ng practice?”

“Ha? Anong practice? Tsaka tinatamad ako. Ang init kaya sa labas!” naka-todo na nga yung aircon dito sa kwarto ko pero mainit pa rin. Ano pa kaya kung sa lumabas ako ‘di ba?

“Sige na please? Busy raw kasi si Alice at Yna kaya samahan mo na ako! Please?”

“Ano bang practice yan?”

“Band practice.”

“Band? May banda ka na?”

“Hindi ako! Si bebebo—I mean, si Darryl!” natawa naman ako sa kanya. Muntik niya nang masabi yung corny na endearment nila.

“Eh bakit pa ako sasama? Ano ako, chaperone?”

“Ayoko kasing sumama ng wala akong kakilala. Sige na naman. Libre kita.” Pagkarinig ko ng libre, nabuhayan agad ako.

“Sige na nga. Anong oras ba yan?” wala rin naman kasi akong gagawin dito sa bahay. Bored na rin ako kaya sasamahan ko na lang si Steff.

“Yes! Dadaanan ka na lang namin dyan sa bahay niyo. Bye Jess! Thank you!”

 

After that, binabaan na ako ni Steff. Ako naman, nagprepare na rin. Agad-agad akong naligo. White shirt at denim shorts ang suot ko dahil mainit sa labas. Nagdala na rin ako ng cap at shades tapos binulsa ko na yung phone at purse ko. Sakto namang pagbaba ko, nasa sala na namin si Steff at Darryl.

 

“Tara na?” tanong sa akin ni Steff.

“Sige, tara na. In fairness naman, pareho pa tayo ng outfit ! ” sabay napatingin rin si Steff sa suot niya at natawa na lang kami. Naka-white shirt at shorts rin kasi siya tapos may shades pa siyang dala. Si Darryl naman, naka-cap tapos naka-blue T-shirt at jeans.

 

Nagpaalam naman ako kay manang at tinext ko na rin si Mommy. Then lumabas na kami ng bahay at kotse pala ni Darryl ang gamit. Buti pa siya nakakagamit na rin ng kotse. Naiinggit ako. Huhu.

 

Dahil isa akong dakilang epal sa dalawang love birds na ‘to, sa back seat na ako pumwesto at sinaksak ko na lang yung earphones ko. Makikinig na lang ako ng music kaysa pakinggan ko yung sweetness nila. Bitter ako kunwari ngayon.

 

Ilang minutes rin ang nakalipas at huminto na ang sasakyan ni Darryl. Pagtingin ko, nasa bahay na pala nila kami. So dito pala sila magpapractice. Bumaba agad kami at pumasok sa bahay nila. Akala ko kaunti lang ang tao pero medyo marami pala. At muntik na akong mapasigaw nung makita ko si Patrick.

 

“Teka, bakit siya nandito?!” sabay turo ko kay Patrick na may hawak na electric guitar.

“He’s part of the band.” Sabi naman ni Darryl.

 

At kailan pa sila naging magkasundo? At magkasama sila sa iisang banda? Teka anong nangyayari? Iniscan ko ang paligid at nakita ko sina Kevin, Gisel, Charmaine at… Keisha? Bakit siya nandito?

 

“Bakit may problema ka ba doon?” nagulat naman ako nung nasa harapan ko na pala ang unkown particle na ‘to.

“M-marunong ka ba kumanta?!” nasabi ko na lang. Wala rin naman kasi akong mairason dahil wala namang problema. Nagulat lang talaga ako sa presence niya. Bigla namang kumunot yung noo niya.

“Di ba kinantahan kita—”

“Hahahaha maganda nga pala ang boses mo di ba? Wala na akong problema! Ha-ha-ha! ” buti na lang at natakpan ko kaagad yung bibig niya. Lumapit ako sa kanya at saka ako bumulong. “Wag kang maingay, shet ka!” Alam ko naman yung tinutukoy niya. Syempre naaalala ko pa yung time na kinantahan niya ako para mapagaan yung loob ko. Pero nakakahiya namang i-announce niya pa yun dito. Tapos nandito pa si Steff! Abot-langit na pang-aasar na naman ang aabutin ko. Pero buti na lang at wala si Alice. Mas malala yung babaeng yun eh. Tsaka isa pa, nandito rin si Keisha.

 

Hinawakan niya yung kamay ko na nakaharang sa bibig niya at tinanggal niya yun. Lumapit siya sa bandang tenga ko at bumulong rin sa akin.

 

“Watch your mouth, slave.” Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman. Matagal-tagal na rin pala nung last kong narinig ang ‘slave’ mula sa bibig niya. At aba? Bakit slave pa rin ang tawag ng isang ‘to sa akin?!

“Excuse me, hindi mo na ako slave. Dun ka na nga!” saka ko siya nilagpasan.

 

Napansin ko namang nakatingin na pala silang lahat sa amin. Ugh! Epal naman kasi nitong unknown particle na ‘to eh! Kung anu-ano kasing pinagsasabi!

 

Umupo na lang ako doon sa sofa at tinabihan ko si Steff. Nagsimula na rin kasi silang magprepare kaya umupo yung mga spectators.

 

“Ikaw ha, kinantahan ka pala ni Pat.” Sabay ngiti sa akin ng nakakaloko ni Steff. Shet narinig niya pa rin pala!

“Wala lang yun, joke joke lang.” Tapos kumuha na lang ako ng cookies na nakahain sa harap namin.

“Okay, sabi mo eh.” sabi ni Steff pero yung mukha niya iba ang sinasabi. Nakatingin pa rin siya sa akin ng nakakaloko tapos naka-evil smile at pataas-taas pa ng kilay. Di ko na lang siya pinansin.

 

Napag-alaman naming para pala sa charity yung band project na ginagawa nila. Akalain niyong may puso pala ang mga lalaking ‘to? Hindi halata, ha. Bale, yung apat na Campus Princes, si Darryl, Patrick, Kevin and Gisel, ang members ng band at si Charmaine naman ang manager. Si Darryl sa lead guitar at main vocal, Patrick sa bass guitar at lead vocal, Kevin sa drums at Gisel sa keyboard.

 

Napansin ko namang lumapit si Patrick doon sa side ni Keisha. Nasa kabilang sofa kasi sila ni Charmaine. Tapos may binulong si Patrick kay Keisha at after nun, nagtawanan sila. What the heck? Totoo ba talaga ‘to? Tumatawa na naman siya. Blue moon na naman ba?

 

“So totoo ngang nagdedate na sila?” napatingin ako kay Steff at nakatingin rin pala siya kina Keisha at Patrick.

“Malay ko. Tanungin mo sila.” Saka ako ulit kumuha ng cookie.

“Sungit! Selos?” tinignan ko siya ng masama.

“Di pa ako nakapagmove on kay Dave no!” well, medyo totoo naman yun. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan lahat ng nangyari. Parang ang hirap intindihin. Ang hirap tanggapin. Napatawad ko naman na siya sa loob-loob ko pero syempre hindi na maibabalik yung dati. Nakakapanghinayang.

“Pero in fairness ha, ngayon ko na lang ulit nakitang tumatawa si Patrick.” Napabuntung-hininga na lang ako sa sinabi niya. Bakit ba ang clueless ng babaeng ‘to?

“Syempre friniendzone mo. Tingin mo tatawa yan?” natahimik tuloy siya bigla.

 

Pero napaisip rin ako. Si Steff at Keisha, naranasan at nakasama nila yung Patrick na ngumingiti at tumatawa. Pero sa akin, ang sungit niya at lagi pa akong inaaway. Once in a blue moon nga lang siya ngumiti pag kasama ako eh. Ano bang problema niya sa akin?

 

Ay bahala nga siya! Wala na akong pakialam. Magsama na lang sila ng Keisha niya, tutal mukhang doon naman siya masaya. Kakain na lang ako ng cookies.

 

Mukhang di pa sila nakakapagdecide kung anong kakantahin at mukhang di pa sila sanay sa isa’t isa. Dahil wala pa naman silang ginagawa kundi magtono, lumabas muna ako. Pumunta ako doon sa garden nina Darryl. Naglakad-lakad ako doon. Ang ganda ng garden nila. Doon ako nagstay sa malilim na side at pumikit muna. Nakakarelax pala pag ganito.

 

“Jess?” napadilat naman ako at nagulat ako nung nasa harapan ko na si Keisha.

“Bakit?”

“Pwede ka bang makausap?”

 

Dahil wala naman na akong magagawa at nandito na siya, tumango na lang ako. Umupo siya sa tabi ko.

 

“Sinabi na sa akin ni Dave yung nangyari at gusto ko ulit humingi ng sorry dahil sa ginawa ng pinsan ko.” Tapos napayuko na lang siya.

“Wag na lang natin siyang pag-usapan.” Tapos nginitian ko siya. Ayoko na kasing maalala ulit yun.

“S-sorry.” Yun na lang ang nasabi niya at tumahimik siya after that.

“Kamusta pala kayo ni unknow—I mean, ni Patrick?” this time, tumingin na siya sa akin at bigla siyang nagblush.

“Ahm, o-okay naman. Nakakatuwa lang at naging close kami. I mean, hindi ko naman akalaing makakausap ko siya.”

“Naalala ko nung nagpanggap kang fiancee niya.”

“Ahh! Wag mo nang ipaalala! Nakakahiya yun! Eh kasi... naiinggit lang ako sa’yo dati kasi nakakausap mo siya. Ikaw at si Tiffany lang kasi ang kinakausap niya dati.”

“Mukha ngang masaya kayo eh.” Tumatawa-tawa pa kasi sila kanina doon na parang may sariling mundo. Tapos bigla na naman siyang nagblush.

“Masaya siyang kasama.” Tapos ngumiti lang siya. “S-sige, pasok muna ako sa loob.” Saka siya tumayo at tuluyan nang pumasok sa loob.

 

Huminga naman muna ako ng malalim. Epekto ba ‘to ng init? Naiirita kasi ako. O dahil... Ugh! Ano bang nangyayari sa akin? Hindi pwede ‘to. Hindi pwede ‘to.