.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"Ano ba yan Jess, pumirmi ka nga! Nahihilo ako sa'yo eh!"

"Eh ayokong umupo Alice!!"

"Ugh. Nakakahilo kaya!" sabi naman ni Alice sabay hawak pa sa ulo niya.

"Jess, just sit down. It's a bit distracting." sabay awkward smile ni Yna. Haaaay sabi ko nga.

 

Wala naman akong nagawa kundi umupo. Umagang-umaga pa lang eh aligaga na ako. Kasi naman eh! Lecheng unknown particle yun!! Finlood ba naman ako kagabi ng "Be ready for your punishments" na text! Kapal talaga ng pagmumukha nun!!

 

"Jess, in fairness ha. Ang bait ni Pat! Binilhan ka ng phone! At same model pa." tinignan ko naman si Steff. Anong mabait dun?! Eh may bayad nga yun! Tss.

 

Naikwento ko kasi sakanila na binilhan ako ni unknown particle ng phone na parang phone ko rin dati. Pero syempre di ko sinama sa kwento yung hinihingi niyang kapalit. Dahil alam ko na ang mangyayari pag sinabi ko sa kanila. Lalagyan nila yan ng malisya, promise! Yung kay Steff at Darryl nga nung una eh nilagyan namin ng malisya, tignan niyo ang nangyari ngayon. Pero syempre walang mangyayaring ganyan sa akin. Magaling ako eh. BWAHAHAHAHA!

 

"Naku, sa'yo lang yun mabait no! Bakit kasi binasted mo yun, babaita? Ako tuloy yung napagdidiskitahan!!"

"Haha! Alangan namang sagutin ko? Eh alam niyo naman kung sinong gusto ko di ba? Ang kaso.. di niya alam." tapos napayuko siya.

"Hoy hoy hoy Tiffany Damian, wag kang mag-emote! Moment ko 'to! Mamaya ka na magmoment!!"

"Oo na, oo na." tapos tinuloy niya nalang yung assignment na ginagawa niya.

 

Ako naman eh binuklat nalang yung notebook ko sa Art Studies 1. May quiz kasi kami mamaya dito. Di pa naman ako masyadong nakapag-aral kagabi dahil kinulit ako ng kapatid kong si Roj na tulungan siya. Ewan ko dun, lakas din ng topak ng lalaking yun!

 

*vibrate vibrate*

 

Ay bwiset na cellphone 'to!! Bakit ba kasi ang lakas ng vibration neto? Binuksan ko naman agad at, as usual...

 

Hoy slave, ang panget mo.

 

Grabe ang gandang good morning neto! Taeness!! Feel na feel niya ang pagtawag ng slave ha? Kapal talaga ng mukha! At ang panget ko?! Wow napakagwapo niya naman! Leche! Palibhasa bitter lang siya kasi nasapak ko siya sa mukha at maraming nakakita nun!

 

"Ano na namang itsura yan Jess? Para ka na ring constipated. Hahaha! Nahahawa ka na sa facial expression ni Steff!" sabi ni Alice sabay tawa ng malakas. Napatingin naman kaming dalawa ni Steff sa kanya with matching spark spark pa sa mata.

 

"Sabi ko nga tatahimik na ako! Eto namang dalawang 'to, di mabiro!! Yna, tulungan mo nga ako!" tapos inangkla niya yung braso niya sa braso ni Yna.

 

"Eeeeeehhh? What will I do?"

 

 

At ayun, hinaharass na naman ni Alice si Yna. Si Steff naman bumalik sa pagtytype sa phone niya. If I know eh yung diary-kuno na naman niya yan. Nagdadiary kasi siya sa phone niya eh. Weird no?  Nitong mga nakaraang araw nga eh medyo bangag yang si Steff eh.

 

Ako naman eh nireplyan ko si hayup na 'master'. Actually, first time kong magrereply sa kanya dahil inignore ko lang yung pamfaflood niya sa akin kagabi.

 

Hoy rin MASTER. Ang panget mo rin. Like master, like slave.


Bwisit talaga eh. Umagang-umaga palang sira na agad araw ko. UGH! Baka nga for the rest of second sem eh masisira lagi ang araw ko. Kainis.

 

Napatingin naman ako sa labas ng garden at nashock pa ako sa nakita ko.

 

"Huy Steff, si Darryl oh! Papunta dito!"

"HA?!"

 

Napatingin rin silang tatlo sa direksyon na tinitignan ko. Tapos ako, si Alice at si Yna eh tinignan si Steff with o-sige-na-maglandi-ka-muna-look. Kaya ayun, nagblush pa at saka tumakbo papalapit kay bebe boy niya. Hahaha! Ang banas lang kasi, ang bobo nitong Darryl na 'to! Akala niya joke joke pa rin para kay Steff yung boyfriend-girlfriend thingy nila, pero ang totoo eh sineseryoso na niya. Tsk tsk. Poor bestfriend.

 

Pero mas poor me. Ang malas malas malas ko kasi talaga! Wala bang maaawa sa kalagayan ko ngayon?

 

"Hay naku! Si Steff may lovelife na! Si Jess magkakaroon na rin yan dahil sa murdered phone niya! Ako crushlife pa lang! Si Yna zero lovelife! Ano ba naman yaaaaaan!" tinignan ko naman si Alice habang nag-eemote. Pinagsasabi ng babaeng 'to?

 

"Anong pinagsasabi mo dyan Alice? Ako magkakalovelife? Syempre naman! Mapapasakin si Patrick Dave Alvarro! Mark my words. Mwahaha!" tapos naalala ko na naman yung kahapon. Yiiieee! Shet kinikilig ako. Hahaha! Kilala niya nga kasi ako! Anuba!

 

"Haha! Nope Jess! We weren't talking about that Alvarro guy. We're talking about your phone murderer, Patrick Reyes. Kyaaah! You guys are so cute! Gwiyeopda!" (Gwiyeopda means cute)


"EEEWWW! Ano ba naman yan! Bakit dun pa?! Kadiri kayo! Hinding-hindi ako magkakagusto dun no! Itaga niyo pa yan sa kaluluwa ng yumao kong cellphone! Nevaaaah!" sabay hand gesture ko pa ng "no".

 

 

Tapos biglang nag-iba yung tingin nila. Teka.. parang nakita ko na yung mga tingin nilang ganyan eh.. kelan nga ba yun...

 

Kelan nga ba sila tumitingin ng ganyan...

  

AAAAAHHHH!!!! Tumitingin pala kami ng ganyan kapag kasama namin si Steff tapos paparating si Darry---

 

"Hoy."

 

Biglang nangilabot yung buong katawan ko nung may humawak sa balikat ko. Gosh!! Tapos nung narinig ko yung boses eh kilala ko na kung sino.

 

"Yna, penge nga ako ng alcohol! May virus ata yung balikat ko! Dali!" akala niya ha! Di ko siya titigilan sa pang-aasar. Kapal kasi ng mukha! Ako slave? DUUUUH?

"Ehhh?" di naman alam ni Yna yung gagawin niya. Malamang, mahihiya yan kay Patrick. Tss.

"Ikaw Alice? May alcohol ka ba? Yung matapang ha! Malakas ata kapit ng virus sa balikat ko eh. Baka mahawa ako ng kaarogantehan." this time lumingon ako sa likod ko at nakita ko siya na nakatayo malapit sa akin. Pero ang mas nakakainis..

 

NAKANGITI SIYA!!

 

Ugh! Bakit ba feeling ko, talo na naman ako?!

 

"See? Your friends do not agree with you. I am not a virus, miss." sabay smirk ulit.

 

Pagtingin ko kay Alice at Yna, nagpipigil sila ng tawa! Waaah! Lagot sakin 'tong dalawang 'to mamaya! Uupakan ko sila! Napakasama nila! Di man lang ako tulungan dito! Huhuhuhu! Wala na may virus na ako! Kelangan ko ng anti-Patrick Ryes alcohol.

 

At bakit ba siya miss ng miss? Ano siya pa-formal masyado? Sapakin ko siya eh! Tss.

 

"Let's go."

 

This time, napatayo na ako sa sinabi niya. Anong let's go, let's go? Ang laki talaga ng problema ng unknown particle na 'to eh!

 

"Excuse me, mister. Wala akong natatandaan na appointment ko sa'yo. So if you don't mind, may klase pa ako." sabay alis ko doon sa garden kahi wala pa naman talaga akong klase. May 3 hours break pa kaya ako!! Taeness san ako tatambay neto?!

"I thought, wala kang klase?" napahinto naman ako bigla tapos napalingon sa kanya.

"Stalker ka ba?!" my gulay! Now hindi lang siya gumaganti, nang-iistalk na rin siya?!

"So wala ka ngang klase." then naggrin na naman siya. D..don't tell me, he's just.. UGH!! Nakakainis!! Bakit ba kasi ako lumingon?!

 

Lumapit siya sa akin tapos bigla niyang hinagis yung bag niya sa akin at muntikan ko pang di masalo.

 

"WHOA!! Ano bang problema mo?!" sabi ko matapos kong masalo yung bag niya. Grabe, mas mabigat pa ata 'to sa akin ah! Ano bang nilalagay niya sa bag niya? Bato?

"Di ba sabi ko, be ready for your punishments?" tapos lumingon siya sa akin. Eh paano nauuna siya sa akin tapos nakapamulsa pa dahil wala siyang bag na dala. See? Ang kapal ng mukha di ba?

"So eto yun? Ang pagbubuhat ng NAPAKAGAAN mong bag?" kahit ayaw ko 'tong punishment thingy na 'to, nakornihan ako sa trip niya ha!

"Nope. And yes."

 

Huh? Ano daw?

 

"C'mon slave. We have so much to do."

 

WHAT DID HE SAY?! SLAVE?! SO SERYOSO NGA YUNG SLAVE-MASTER NA TEXT NIYA?!

OH MY GOD. NO WAY.