.

.

Chapter 40

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

“Okay, guys! Break muna!” sigaw ni Charmaine.
After that, binitiwan na ng guys yung mga instruments at dumiretso sila sa kusina.

 

“Alam mo,  para kang nakakain ng panis na pagkain.” Napatingin naman ako kay Steff na katabi ko pa rin sa sofa hanggang ngayon.

“Ha?”

“Itsura mo kasi. Hahaha!” bigla niyang hinawakan yung eyebrows ko. “Wag mo ngang ikunot yan.”

 

Napabuntung-hininga na lang ako. Hindi talaga maganda pakiramdam ko dito. Naiirita talaga ako.

 

“Naiirita ako eh.” Bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko.

“Dahil ba naiisip mo pa rin si Dave? O dahil nagseselos ka kay…” tapos tumingin siya kay Keisha na nakasunod kay Patrick.

“Ewan ko sa’yo.”

 

Tumayo na lang ako doon sa sofa at kinuha ko yung gitara na nakalapag doon sa couch. Nagstrum lang ako doon ng nagstrum para naman madivert sa ibang bagay yung isip ko. Tapos bigla kong narinig yung tunog ng piano. Pagtingin ko, nakaupo na rin pala doon si Steff at nagpipindot ng keys doon.

 

“Kanta tayo!” sigaw niya. Syempre, umoo na lang ako. Tutal nagbebreak pa naman sila eh. Moment muna namin ‘to! Nagsimula siyang tumugtog ulit sa piano at mukhang alam ko na yung kakantahin niya kaya sinabayan ko na rin ng pag-strum sa gitara. Buti na lang talaga at minaintain ko ang pag-aaral ng paggigitara. Thanks to Roj and... well, unknown particle.

 

“You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side”

 

Ang ganda talaga ng boses ni Steff kahit kailan. Ang sarap pakinggan. Nung nasa chorus na, nakisabay na rin ako sa kanya sa pagkanta.

 

 

“You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life”

 

Nung nasa second verse na, ako naman ang kumanta. Nakakamiss rin maki-jamming sa friends mo.

 

And this could be good, It's already better than that
And nothing's worse than knowing you're holding back

I could be all that you needed If you let me try

 

“You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life”

Bigla naman kaming napahinto nung may mga pumalakpak at naghiyawan pa. Shet! Hindi ko napansin na nakabalik na pala sila galing doon sa kusina. Masyado akong nadala sa pagkanta, at ganun rin ang reaksyon ni Steff.

 

“Yun naman oh! Ang gaganda ng boses!” sigaw ni Kevin habang may hawak pang isang baso ng tubig.

“Pwede na rin pala kayong gumawa ng banda eh!” biro naman ni Charmaine.

 

Binaba ko kaagad yung gitara at umalis doon sa pwesto na yun. Si Steff naman, inaasar ni Darryl. Kaya ayun, di na nakawala sa pwesto niya. Ako naman, balak ko sanang pumunta ulit doon sa garden para magpahangin ulit pero nagulat ako nung may humila sa akin.

 

“Mag-usap tayo.” Sabi sa akin ni Patrick kaya bigla akong kinabahan dahil naka-serious face na naman siya. Pero nakita kong nakatingin sa amin si Keisha kaya bumitaw ako sa hawak niya.

 

“Mukhang may sasabihin rin sa’yo si Keisha, kaya pumunta ka na doon.” Tumalikod ako sa kanya at saka naglakad papunta doon sa garden pero napatigil ako nung narinig ko yung sumunod niyang sinabi.

 

“Get over him.” Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Pakshet. Kailangan ba niyang ipaalala na naman yung nangyari sa amin ni Dave? I’m trying to move on!

 

Napalingon ako sa kanya pero naglalakad na siya papunta doon sa pwesto ni Keisha. Tumalikod na rin ulit ako para pumunta doon sa garden. Umupo ako doon sa pwesto ko kanina at napabuntung-hininga na lang.

 

Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Nagiging bipolar na ba ako? Shet naman eh! Sabi ko wala na akong pakialam kay Dave. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon? Hindi pa rin ba talaga ako makamove-on?

 

Hindi ko agad namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.

 

“Hoy! Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinaha—” pinunasan ko naman agad yung luha ko nung napansin kong nasa harapan ko na pala si Steff. “Hala bakit ka umiiyak?”

“Hindi ako umiiyak no! Haha!”

“Hindi ako bulag no, Jess.” Umupo naman siya sa tabi ko tapos bigla akong niyakap. Mas lalo naman akong naiyak sa ginawa niya.

“Ano ka ba, ang clingy mo ngayon ha. Shet ka!” natawa lang siya sa sinabi ko kasi punas ako nang punas sa luha ko, tapos labas naman sila nang labas.

“Kasi ang emo mo! Bakit ka nag-eemote dito?”

“Parang siya hindi naging emo ah? Nung magkagalit nga kayo ni Darryl, halos ilang drum na yung naiyak mo eh!”

“Eh dati yun! Ano ba kasing iniiyakan mo?”

“Ewan ko rin. Hay. Nabubuang na ata ako.”

“Ayaw mo pa kasing aminin eh.” Napatingin naman ako sa kanya.

“Huh?”

“Alam mo yung alam na naming lahat ang nararamdaman mo pero ikaw, ayaw mo pang aminin sa sarili mo?” bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at tumakbo papasok doon sa loob.

“Baliw!” sigaw ko sa kanya pero mukhang di na niya narinig dahil tuluyan na siyang pumasok.

 

Nahiga ako doon sa bench at pumikit. Hindi ko rin alam kung bakit stressed na stressed ako ngayon. Napaisip ako sa sinabi ni Steff. Alam kong may point siya pero naiinis pa rin ako. Bakit ba ayaw ko pang aminin sa sarili ko?

 

Hindi na lang ulit ako nag-isip at nagpahinga lang doon. Hindi ko namalayan, na unti-unti na pala akong nakatulog.

 

 

***

 

Naalimpungatan ako bigla. Dinilat ko yung mata ko at napatingin ako sa langit. Kulay orange at violet na ang nakikita ko kaya alam kong maggagabi na. Wait... maggagabi na?!

 

“Sa wakas.” Napatingin ako sa bandang ulunan ko at nakita kong nakaupo si Patrick doon. Napabangon ako agad.

“Nandito pa ba silang lahat?! Tapos na kayong mag-rehearse?!”

“Paalis na. Katatapos lang mag-pack up.” Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naiwan na naman kami. Tsaka bakit di na lang niya ako ginising?!

 

Bigla naman siyang tumayo at mukhang pabalik na rin siya sa loob.

 

“Tumayo ka na dyan at aalis na sila.” Napayuko naman ako. Alam kong masugit at cold siya pero bakit ba parang sa akin lang? Ano ba talagang problema niya sa akin?

 

“Mauna na kayo. Dito muna ako.”

“Bakit?” bigla namang kumunot yung noo niya, tapos napabuntung-hininga na lang siya. “Sige, nagpapahatid pa si Keisha eh. Bye.” Saka siya tumalikod ulit.

 

Keisha na naman. Mukha na siyang Keisha nitong mga nakaraang week. Hah. Baka nga mahal na niya si Keisha. Great. Habang ako, nagluluksa pa rin sa nangyari sa amin ni Dave. Pero bakit hindi lang ito dahil sa nangyari sa amin ni Dave? Gosh. Nababaliw na talaga ako.

 

Oo na. Aaminin ko na naninibago ako sa kinikilos niya. Namimiss ko yung dati. Slave, huh. Oo nga pala, I’m already free. Wala na siyang pakialam sa akin at dapat ganun rin ako sa kanya. Pero...

 

“If I asked you to stay, would you?” bulong ko sa sarili ko habang nakayuko pa rin. Hay. Ano bang pinag-iisip ko? Tama na nga ‘to. Tama na ‘tong kalokohan na ‘to.

 

Tumayo ako at maglalakad na sana pabalik sa loob pero napahinto ako nung nakita ko siya sa harapan ko. Oh shet! B-bakit hindi ko siya napansin na nakatayo sa harapan ko? Wait. Bumalik ba siya? Oh my gosh. Narinig niya kaya yung sinabi ko?! Shet sana hindi!

 

Nagkatinginan lang kami doon pero nag-iwas na agad ako ng tingin. Bago pa siya magsalita at baka kung anong masabi niya, nilagpasan ko na agad siya at naglakad na papasok sa loob. Pero napahinto ako nung narinig ko siyang nagsalita.

 

“Of course.”

 

Hindi ko alam kung hallucination ko lang ba yun o ano pero dahil napahinto ako sa paglalakad, naunahan na niya ako sa pagpasok sa loob, habang ako, nagtataka pa rin. Sinabi niya ba talaga yun?

 

Oh gosh. I think I just experienced a mini-heart attack.