.

.

Chapter 41

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Maaga akong nagising ngayon. Or more like, hindi ako masyadong nakatulog. Bwisit na unknown particle yun! Kung anu-anong pinagsasabi.

 

Hindi na ulit ako sumama sa practice ng banda nila. At hindi na ako sasama ulit kahit yayain pa ako ni Steff. Ayoko na munang makita si Patrick pati na rin si Keisha.

 

“Morning.” Bati ko kay Roj nung nakita ko siya doon sa dining area. Ang aga niya ring gumising ah? O baka naman hindi rin siya natulog?

“Ate, ang laki ng eyebags mo.” Sabi niya sa akin sabay kusot pa sa mata niya. Nilapitan ko siya at kinutusan.

“Walanghiya ka. Ang aga-aga, eyebags ko kaagad ang pinansin mo.”

“Totoo naman eh. Eyebags na tinubuan ng mata.” Kakaltukan ko sana ulit siya kaso tumakbo siya palayo sa akin. Kainis yun! Wala man lang galang sa akin!

“Ikaw naman, eyebags na tinubuan ng mukha! Panget mo!” sigaw ko habang papunta siya sa sala.

 

Nagstay ako doon sa kitchen para kumuha ng almusal. Nag-toast ako ng tinapay at nagtimpla na rin ng kape. After that, pumunta rin ako sa sala at tumabi kay Roj habang kumakain rin siya. Tahimik lang kaming kumain doon at nagmuni-muni. Pero nasira ang katahimikan nung biglang may narinig akong sumigaw sa labas.

 

“Jessica Mishelle Morales! Hoy babae!” napaso pa yung dila ko sa kape dahil nagulat ako sa tumatawag. Mukhang pinagbuksan naman ni Manang kaya nakita ko siyang pumasok sa pintuan namin.

 

“Utang na loob lang Alice, alas-otso pa lang, nambubulabog ka na!” yan ang salubong ko sa kanya nung makita ko siyang pumasok sa bahay.

 

“Eh kasi naman, naka-off ang phone mo! Kagabi ka pa namin kino-contact! Uso mag-open ng phone, ano po?” sabay pamaywang niya pa sa harapan ko.

 

In-off ko nga pala yung phone ko kagabi. Ayoko muna kasi ng kahit anong distractions pero wala rin namang epekto. Hindi rin ako nakatulog ng matiwasay. Salamat sa lecheng “of course” na yan.

 

“Bakit ano bang problema?”

“Gaga ka. Ininvite tayo ni Tricia sa party mamaya. Parang welcome party!”

“Huh? Merong ganun?”

“Ay oo nga! Di na namin nasabi sa’yo last week kasi nga nagmumukmok ka pa dun sa Dave na yun. Tsaka nakalimutan na rin kasi naming ipaalam sa’yo. Eh sakto pang nakapatay yung phone mo. Eh di ayun! Wala kang alam. Gets?” tumayo ako at saka ko siya binatukan ng malakas. Akala ko naman kung ano! At bakit parang ako pa ang may kasalanan na wala akong alam? Sila nga ‘tong hindi nagpaalam sa akin ng tungkol dito eh!

“Eh bakit ka pala nandito? Mamaya pa naman pala yung party eh.” Pagkatapos nun, ako naman ang binatukan niya.

“Yun nga! Slumber party kasi girl! Pinuntahan lang kita rito para ipaalam sa’yo. Mamaya ma-shock ka kapag sinundo ka namin dito later. Saka nga pala, pinagpaalam ka na ni Steff sa parents mo.”

“Ha? Talaga? Bakit wala namang sinabi sina Mommy na pinayagan na pala nila ako?”

“Ate, bulag ka? Di mo nakita yung note doon sa ref?” napatingin naman ako kay Roj dahil sa sinabi niya. May note sa ref? Bakit di ko napansin kanina nung nasa kusina ako?

“Sige na, aalis na ako. At paki-open ng phone ha? Babye!”

 

After that, umalis na rin kaagad si Alice sa bahay. Aba at talagang yun nga lang ang ginawa niya rito. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko ng almusal at after nun, dumiretso ulit ako sa room ko.

 

Kung slumber party yun, kailangan kong magdala ng pantulog. In fairness naman kay Tricia, tuwing uuwi siya, laging may occasion na nagaganap. Kamusta na kaya yung babaeng yun?

 

Nag-ayos agad ako ng mga gamit na dadalhin ko. Inopen ko rin yung phone ko at nagulat ako sa flood messages ni Yna at Alice. Akala ko sasabog na yung phone ko kanina! Buti na lang talaga at di mahilig magtext si Steff.

 

Sabi nila, alas-singko raw yung start ng party at casual lang naman raw ang suot. Kung anu-ano lang ang pinaggagawa ko hanggang mag-alas singko. Ginulo ko si Roj, nanood ng mga palabas, tumunganga sa sala at tumambay sa kusina. Napakaproductive ng araw ko.

 

Nagsimula naman na akong mag-ayos nung bandang 4 PM na. After kong maligo, nagsuot ako ng ¾ sleeves na shirt at nag-denim shorts ako. Sinuot ko na rin yung backpack kung saan nakalagay yung mga gamit ko. After ilang minutes, may narinig na akong bumubusina doon sa labas kaya nagmadali na rin akong lumabas. Tumakbo ako palabas ng gate at pagtingin ko, parang gusto ko nang bumalik sa kwarto ko.

 

Bakit kotse ni Patrick ang nandito sa labas?

 

Biglang bumaba yung bintana ng kotse at nakita ko siya sa driver’s seat at... si Keisha sa passenger seat.

 

“Sabi ni Tricia ako na lang raw sumundo sa’yo since malapit ka lang naman.”

 

I cursed silently. Hayup na Alice yun! Hindi niya sinabi sa akin na si Patrick ang susundo sa akin. Akala ko pa naman sasabay ako sa kanilang tatlo! Kainis! At ano? Magiging sagabal pa ako sa kanilang dalawa sa loob?

 

“Hindi na. Papahatid na lang ako kay manong.” Saka ko itinuro yung loob ng bahay namin. Tumalikod na rin ako para pumasok ng bahay.

 

“M-mukhang ayaw niyang sumabay.” Narinig kong sabi ni Keisha. Pagkasabi niya nun, parang gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina. Shet na yan.

 

“We’re already here.” Sabi naman ni Patrick. “Pumasok ka na rito. Or else...” bigla naman akong kinilabutan sa tono niya. Ayan na naman yung nakakatakot niyang tono. Lakas makapanlambot ng tuhod. Pero ayokong maging istorbo sa kanila kaya hindi ako sasabay.

 

“Magpapahatid na nga lang ako—h-hoy!” nagulat ako nung bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko at hinatak ako. Takte! Hindi ko man lang narinig na lumabas siya ng kotse! Binuksan niya yung pinto doon sa back seat at doon niya ako pinaupo.

 

“Stay there.” Sabi niya sabay sarado ng pinto at umikot papunta sa driver’s seat. Nung makasakay siya sa loob, sinamaan ko siya ng tingin doon sa rear mirror.

“Ano ako, aso?! Tss.” Hindi naman siya nagsalita after nun.

 

Pinaandar niya yung sasakyan niya at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Dahil ayoko namang mas lalo pang maging awkward, sinaksak ko na lang sa tenga ko yung earphones at tinodo ko yung volume ng phone ko. Nag-huhum na lang ako o kaya kumakanta ng mahina para di ko marinig yung mga boses nila kung sakaling nag-uusap man sila. Tss. Bakit ba kasi ako nasa back seat? At bakit ba kasi sa kanila pa ako nakisabay? Ugh! Masasabunutan ko talaga yang si Alice mamaya!

 

After ilang minutes, natanaw ko na yung bahay nila Patrick. So dito pala nag-stay si Tricia. Akala ko sa bahay ng Dad niya. Nung huminto yung sasakyan niya, nagmadali akong lumabas at hindi ko na sila hinintay. Sa labas pa lang ay marami ng tao kaya nag-excuse ako at pumasok na agad sa loob. Nasa pintuan pa lang ako, kitang-kita ko na kaagad yung tatlo doon sa sala habang kausap si Tricia. Tumakbo ako papunta sa kanila at nakita naman nila ako kaya kumaway sila. Pagdating na pagdating ko doon, binatukan ko kaagad ng malakas si Alice.

 

“Aray! Ano na naman bang problema mo?!”

“Wala! Gusto lang kitang batukan! Walanghiya ka!”

“Kaninang umaga ka pa ha!”

“Eh ikaw kasi eh!”

 

Umupo agad ako doon sa sofa at binaba ko yung gamit na dala ko. Huminga ako ng malalim para kumalma ako. Tumingin na lang ako sa paligid at marami nga talagang tao dito. Yung iba, namumukhaan ko dahil naging classmate ko rin sa ibang subjects nung first sem at second sem. Naglalaro ng cards yung iba tapos yung ilang babae, nagpapaikot ng bottle. Truth or dare ata. Yung iba naman, lumilibut-libot lang sa bahay at nagkakamustahan.

 

Tumayo ulit ako para kumuha ng juice na nandoon sa may lamesa. Pabalik na sana ako doon sa sofa pero natigilan ako nung may nakasalubong akong hindi ko inaasahang makita rito.

 

“Jess.”

“D-dave?”

 

Shet! Bakit nandito si Dave? Invited siya? Takte naman oh!

 

“Uhm. Hi.” Saka siya ngumiti sa akin pero halata namang may awkwardness dahil sa nangyari sa aming dalawa.

“H-hindi ko alam na invited ka rin pala.”

“Yeah. Actually sinama lang ako ng kaibigan ko.” Nilalaru-laro niya naman yung baso ng juice sa kamay niya.

“S-sige.” Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan yung braso ko.

“Wait, Jess. Pwede bang makapag-usap ulit tayo? I just want to—” nagulat naman ako nung biglang may nanghigit sa akin at muntik pang matapon yung laman ng baso ko. Sisigawan ko na sana kung sino yun pero pagtingin ko, si unknown particle pala.

 

“Back off.” Sabi niya kay Dave. Nagkatinginan lang sila at parang binabasa nila yung isa’t isa. Pero bigla kong nakita na papalapit sa amin si Keisha kaya pumiglas ako sa hawak ni Patrick.

 

“Fine. Let’s have a talk, Dave.” Saka ako lumapit kay Dave, pero hinigit na naman ako ni Patrick.

“Hey—”

“Ano ba?! Kanina ka pa ha!” bulong ko sa kanya.

“Bakit ka sasama—” pinutol ko yung sasabihin niya at ngumuso ako sa direksyon ni Keisha.

“Hinahanap ka na ng girlfriend mo. Bumalik ka na doon.” Tapos hinatak ko si Dave palayo sa kanya.

 

Nakahawak lang ako sa braso ni Dave at hindi ko rin alam kung saan kami pupunta kahit ako ang nagdadala sa kanya. Nagulat naman ako nung siya ang nangunang maglakad at ako naman ang nadala dahil siya naman ang humawak sa braso ko. Umakyat kami sa second floor at nag-end up kami sa may veranda.

 

Pagdating namin doon, namangha ako sa view. Kulay orange na kasi yung langit at kitang-kita na rin yung lumulubog na araw. Nagpaganda pa sa view yung mga puno sa paligid.

 

“So... how are you?” napatingin naman ako sa kanya. Nakasandal siya sa may railings at lalong na-exphasize yung facial features niya dahil sa sinag ng araw.

 

“Fine, I guess.”

 

“Good. I’m really happy to see you right now.” Saka siya ngumiti sa akin.

 

“Dave, alam mo namang—”

 

“No, Jess. I’m not trying to win you back. I’ve learned my lesson. Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko ngayon. It’s just that... I’m relieved that you’re fine now.” Nakita ko naman sa mata niya yung guilt na nararamdaman niya.

 

“It’s not that easy.” Sabi ko sa kanya sabay irap. Anong akala niya ? Sa loob ng ilang linggo, makakalimutan ko na lahat ? Well, napatawad ko na naman siya sa loob-loob ko, pero syempre nandun pa rin yung inis at panghihinayang, na kahit anong gawin namin, alam kong hindi na magwowork-out. It’s like a wound. Time can heal it but the it will leave a scar.

 

“I know. It’s not easy for me, too. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakagagong lalaki sa mundo. At sinayang ko ang chance na makasama ang isang babaeng katulad mo.” Napansin ko namang nangingintab na yung mata niya kaya mas lalo lang natrigger yung luha ko.

 

“Kainis. Wag ka ngang ganyan! Naiiyak lang ako eh!” tapos hinampas ko siya ng malakas at tumawa lang siya sa ginawa ko.

 

“Alam kong hindi na maibabalik yung dati nating status pero... pwede pa naman siguro nating i-work out ang friendship? Hindi naman kita minamadali. Paghihirapan kong maibalik yun.”

 

Kung hindi lang talaga nangyari yung pustahan na yun, siguro mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko for Dave. Pero alam ko sa sarili kong wala na eh. Alam kong hindi na talaga maibabalik yung dati. At alam ko rin sa sarili ko kung bakit.

 

“Okay. Pero sisiguraduhin ko ring paghihirapan mo yun.”

“Challenge accepted.” Saka siya ngumiti ulit.

 

Tumingin na lang ulit ako sa langit. Kung kanina kulay orange, ngayon color violet na. Kasabay ng paglubog ng araw, siguro kailangan ko na ring ibaon sa limot lahat ng masasakit na nangyari sa amin ni Dave. It’s time to move forward. Kahit papaano, nabunutan na ako ng tinik sa dibdib. At least, hindi mauuwi sa wala ang pinagsamahan namin. At dahil rin sa nangyari ngayon, mas lalo ko lang narealize ang totoong feelings ko.