.

.

Chapter 42

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

“Saan ka galing?” bungad sa akin ni Steff nung makabalik na ako doon sa pwesto namin kanina.

“Baka naglabas ng sama ng loob.” Sinamaan ko naman ng tingin si Alice.

“Gaga! Nag-usap kami ni Dave.” Pagkasabing-pagkasabi ko nun, halos idikit nilang tatlo yung pagmumuha nila sa mukha ko.

“What happened? Did you resolve your issues?” tanong naman ni Yna.

“Ayos na kami. We’re trying to work out our friendship.”

“Naks naman, friendship na lang ang habol! Haha!” tapos sinundut-sundot pa ako ni Steff sa tagiliran.

“Of course! She belongs to someone else.” Isa pa ‘tong si Yna na may pataas-taas ka ng kilay.

“Ehem! Kung sino raw po ang may pangalang Patrick Reyes, nasa’yo raw puso ni Jess—” bigla kong hinatak si Alice at tinakpan ko ng panyo yung bibig niya.

“Pakshet ka Alice!” hindi ko alam kung uminom ba ‘to ng wine dahil para na namang baliw o yan pa rin yung natural niyang estado eh. Tapos nakikidagdag pa ‘tong si Steff at Yna. Sumasakit ulo ko sa tatlong ‘to eh!

 

“Jess!” nagulat naman ako nung yumakap mula sa likuran ko si Tricia. “Kinikilig ako! Hahaha!”

“Huh?” ano na naman bang pinagsasabi nitong si Tricia? Ano raw? Kinikilig siya? May love life na rin kaya ang isang ‘to?

 

Nag-usap-usap lang kami doon sa may couch habang yung ibang mga bisita ay pakalat-kalat sa bahay nila. Yung iba naging classmates ko sa ilang subjects, yung karamihan naman, high school classmates ni Tricia at family friends nila. Pero nagsimula na kaming mag-asaran nung dumating si Darryl at Kevin. Si Steff nagpipigil pa ng kilig, eh halata namang kinikilig. Si Alice, ganun pa rin. Obsessed pa rin kay Kevin. Si Yna naman, umalis muna saglit at pumunta doon sa kusina dahil nagugutom raw siya. Kaming dalawa na lang tuloy ni Tricia ang naiwan dito sa may couch.

 

“Nakakatuwa! Akala ko kaunti lang ang pupunta dito sa slumber party pero ang dami pala!” sabay inom ni Tricia sa juice na hawak niya.

“Syempre no, magpapasukan na naman kaya baka isa ‘to sa mga huling gala ng friends mo.”

“Sabagay. Ang saklap nga lang dahilisang buwan lang ako rito. Ugh! Bakit ba kasi sa States ako lumipat ng school!” natawa na lang ako sa kanya dahil parang sising-sisi siya sa desisyon niya. Naalala kong umalis nga pala siya dito sa Pilipinas para makapag-isip-isip at siguro, para na rin kina Steff at Darryl.

 

“Oo nga pala, kamusta kayo ng kapatid kong arogante?” tapos pataas-taas pa siya ng kilay niya.

“Tss. Wala akong pakialam sa kanya no.” Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kanina nung sinundo niya ako kasama si Keisha. “Hoy Tricia, bakit pinasundo mo ako sa unknown particle na yun?!”

“Huh? Unknown particle?” Ah shet. Nasanay na akong unknown particle yung tawag ko sa kanya.

“I mean si Patrick!”

“Ohh. So unknown particle pala ang tawag mo sa kanya ha?” tapos bigla siyang tumawa. “Ang weird niyong dalawa!”

“Hah! Siya lang ang weird! Normal ako!”

“Sabi ba naman niya kagabi sa akin...” biga naman niyang ginaya yung expression ni Patrick, pati na rin yung boses niya. Tss. What’s wrong with that dwarf amasona slave?” halos mandilim yung paningin ko nung narinig ko yung sinabi ni Tricia at napatayo talaga ako.

“D-D-dwarf amasona slave?!”

“Whoops! Di ako nagsabi nun ha! Si Patrick yun! Ginaya ko lang siya!”

“Nasaan siya?! Dwarf amasona pala ha? Patay ka sa aking Patrick Reyes ka!”

“Who knows? Baka kasama niya na naman yung Keisha na yun. Tsk.”

 

Pagkabanggit ni Tricia ng Keisha, bigla akong kumalma at bumigat yung pakiramdam ko. Bakit ko nga ba siya hinahanap eh kasama niya naman si Keisha. Siguro halos araw-araw silang magkasama ngayong bakasyon. Di kaya araw-araw rin silang nagdedate?

 

“Oh, I see.” Napatingin naman ako kay Tricia at binigyan niya ako ng isang nakakalokong tingin, tapos tango pa siya nang tango. Bigla naman niya akong hinatak kaya napaupo ulit ako sa couch. “Don’t worry, boto pa rin ako sa’yo.” Tsaka niya ako tinapik sa balikat.

“Huh?” teka, bakit parang alam niya yung mga nangyayari?

“Ano ka ba! Updated kaya ako sa nangyayari. Marami akong sources no.” Saka ko narealize na yung sources na tinutukoy niya ay yung tatlong babaeng yun. Lagot talaga sila sa akin mamaya! Pinagkakalat pa nila yung mga pinagdadaanan ko!

“Wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa—”

“Jess, don’t underestimate a woman’s instinct. Malakas kaya ako makaramdam pagdating sa mga ganitong bagay. At for sure, alam na rin nina Steff, Alice at Yna yung totoong feelings mo. Ikaw lang ‘tong di nagpapakatotoo sa sarili mo eh.” Nagulat naman ako dahil biglang napunta sa seryosong bagay yung usapan namin.

“No. Narealize ko na kung ano yung totoong nararamdaman ko. Pero huli na. I lost somebody who wasn’t even mine.” Saka ako napayuko. Siguro nga hindi sa pag-aaral o sa grades nakikita ang katalinuhan ng isang tao. Mataas naman yung grades ko, kasama naman ako lagi sa mga nakakakuha ng highest scores, pero ang tanga ko kapag tungkol sa love na ang usapan. Una ay yung kay Dave. Hindi ko alam na niloloko at pinagpupustahan na pala ako. Tapos ngayon, kung kelan nawala na sa akin, at saka ko marerealize yung feelings ko. Is loving someone, really this hard and complicated?

“Hooooh, so umamin ka na rin. Narinig niyo yun ha? Naks! Dalaga na talaga ‘tong si Jess!” nagulat naman ako nung narinig ko yung boses ni Alice at narealize kong nasa likuran ko lang pala sila. Shet! Narinig nila yung sinabi ko?!

“Takte! Kanina pa kayo dyan?!”

“Hmm, long enough to hear those words.” Sabay kindat pa ni Yna sa akin. Aba’t pinagtutulungan ako ng apat na ‘to! Pati si Tricia, nakikisali na rin sa kanila! Tapos kinocorner pa nila ako ! Aba naman talaga!

“E-ewan ko sa inyo! Bahala nga kayo dyan!”

 

Nagmartsa ako palayo sa kanila dahil siguradong pagtutulungan lang nila ako. Naririnig ko nga yung tawanan nila eh! Mga walang hiyang yun! Ang babait na kaibigan!

 

“Fight for him, Jess!” narinig kong sigaw ni Yna. What the heck?

“Susuportahan ka namin!” sigaw naman ni Steff, sabay tawa.

“Kunwari ka pa kasi eh! Yan tuloy naunahan ka!” bwisit talang ‘tong si Alice kahit kailan eh!

“Go future sis-in-law!”

 

Dahil hindi ko na kinakaya yung mga pagsigaw nila, tumakbo ako papunta doon sa second floor ng bahay. Mas mabuti na rito dahil tahimik. Para kasing may gyera doon sa baba dahil sa sobrang dami ng tao, tapos idagdag pa yung apat na babaeng yun.

 

Pumasok ako doon sa kwarto na pinasukan namin kanina ni Dave at pumunta ako doon sa veranda. Sa wakas, tumahimik rin ang paligid. Napatingin na lang ako sa langit. Sobrang dami ng stars at ang ganda rin ng buwan dahil bilog na bilog.

 

Napaisip ulit ako sa pinagsasabi nilang apat. Hay. Hindi ko naman kasi akalaing mahuhulog ako sa pesteng unknown particle na yun! Ni hindi ko nga alam kung kelan ako nagkaroon ng feelings sa kanya. Yes, I think... I’m falling for him. Ever since that phone murder incident, lagi na siyang nasa tabi ko. Lagi na kaming magkasama dahil na rin siguro sa pinauso niyang slave ako at master siya kuno. Hindi ko lang siguro siya napapansin yung mga ginagawa niya sa akin dati dahil puro ako Dave at kay Dave lang nakatuon yung atensyon ko. Pero nung nawala si Dave, doon ko naramdaman yung presence niya. Lalo na nung time na sobrang down ako at siya yung kasama ko nun. Nung panahon na yun, unti-unti kong narealize kung ano ba talaga siya sa akin. He’s like my knight in shining armor—err, I mean, arrogant prince in shining big ego. Naalala ko yung mga times na lagi siyang nandyan para sa akin kahit lagi kaming nagbubulyawan at nag-aaway. Siguro hindi ko lang siya nabibigyan ng atensyon dati dahil alam kong lagi siyang nandyan para sa akin. Pero ngayong nawala na yung atensyon niya at lagi na siyang kasama ni Keisha, lagi na akong naiirita. Saka ko naisip na baka nagseselos lang ako. Nagseselos ako dahil nasanay akong laging ako yung kasama niya o di naman kaya si Steff lang. Tama nga yung sinasabi nila, na marerealize mo lang yung mga ginagawa sa’yo ng isang tao, kapag tinigil niya na ang paggawa nito.

 

Minsan, iniisip ko rin kung may feelings rin ba siya sa akin. Hindi naman sa nag-aassume ako, pero sabi nga ni Tricia, woman’s instinct. Pero mukhang wala dahil si Keisha ang kasama niya ngayon. Mukhang kay Keisha siya nahulog. Hah. This is so funny. Nagpatulay sa akin si Keisha kay Patrick, pero mukhang ako yung nahulog. And what’s worse is, nahulog sila sa isa’t isa habang ako, nawala na lang sa view.

 

 

“If I asked you to stay, would you?”

“Of course.”

 

Naalala ko na naman yung sinabi niyang yun. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang sinabi niya o imagination ko lang yun. Siguro nga, malas talaga ako pagdating sa pag-ibig.

 

“You’ll stay... huh.”

 

***

 

Napadilat naman ako bigla dahil naramdaman kong nababasa ako. Pagdilat ko, umuulan pala. Bakit umuulan, eh samantalang ang ganda-ganda kanina ng panahon? Tss. Nakatulog na pala ako dito sa may veranda. Mukhang gabing-gabi na rin. Binuksan ko yung sliding door at pumasok ako doon sa loob ng kwarto, pero napatigil ako dahil sobrang dilim. Teka, bukas yung ilaw nito kanina ah? Sinong nagpatay?

 

Bigla naman akong may narinig na gumalaw sa bandang kanan kaya napaatras ako. Takte! W-wag niyong sabihing, m-multo yun? Bigla ulit may gumalaw kaya napasigaw na ako. Shet! Baka nga multo yun! Ayoko na dito!

 

Tatakbo na sana ako papunta doon sa pintuan palabas ng kwarto na ‘to pero biglang may nanghatak sa bewang ko at nagtakip ng bibig ko. Halos manginig ako sa kaba dahil feeling ko ay mamamatay na ako.

 

“What the hell are you doing in my room?” bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko nung marinig ko yung boses niya. Tinapakan ko ng malakas yung paa niya at napabitaw siya bigla sa may bibig ko.

“Bwisit ka! Akala ko multo na yung humawak sa akin, ikaw lang pala!” halos mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang takot kanina, yun pala itong unknown particle lang na ‘to yun! Alam na alam ko yung boses niya at lalo na yung amoy niyang halos maligo na sa pabango.

 

Naramdaman ko namang tinanggal niya yung pagkakahawak sa bewang ko at ilang segundo lang ang nakalipas ay bumukas yung ilaw sa kwarto. Kitang-kita ko yung expression niya na parang hindi makapaniwala na ako yung nasa loob ng kwarto niya.

 

“Dwarf— J-Jess? Anong ginagawa mo rito?” pero bago pa ako makapagsalita, napatalikod na ako bigla at napaharap sa side ng veranda niya.

“N-nakatulog ako sa may veranda! Malay ko bang kwarto mo ‘to! Wag kang mag-alala, aalis na ako!” saka ako ulit humarap pero nakayuko na ako. Shet naman kasi! Bakit wala siyang T-shirt at naka-pants lang siya?! Takteng yan! Binilisan ko na lang yung lakad papunta doon sa pintuan para makalabas na agad ako, pero bigla na naman niya akong hinatak.

 

“Ano na naman ba—”

“Can you just stay for a while?”

 

Napatigil ako sa pagresist sa kanya at napatingin sa mga mata niya. Wait…. Did… did I hear it right? He’s asking me to… to stay?