.

.

Chapter 43

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

“Magdamit ka muna!” sigaw ko habang nakayuko. Bwisit naman kasi eh. Nakakdistract yung itsura niya!

“Ah. Sorry.” Bumitaw naman siya agad sa braso ko at pumunta sa kung saan. “Okay na.” Nung narinig ko yun, saka lang ako nakahinga ng maluwag at hinarap ko na siya.

 

Ramdam na ramdam ko naman yung awkwardness between us. Siguro dahil na rin sa mga nangyayari sa amin at dahil na rin sa feelings ko.

 

“A-ano na palang nangyayari sa baba?” tanong ko na lang para mawala yung awkward atmosphere.

“Yung ibang lalaki na lang ang nandun. Halos lahat nasa kabilang side na ng bahay para matulog.”

“Teka, anong oras na ba?” nasa bag ko pa naman yung cellphone ko. Sana dinala nina Steff yung gamit ko kasama nila.

“Mag-aalas dos.”

“WHAT?!” Mag-aalos dos na?! Teka, ibig sabihin, halos six hours akong natulog sa may veranda? Whoa! Ang sarap pala ng tulog ko kung ganun.

“Kanina ka pa hinahanap nina Tricia. Akala nila nasa kabilang side ka na para matulog.”

“Kabilang side?” bigla naman niya akong hinatak papunta sa veranda. Umuulan pa rin pero hindi naman ganun kalakas. Tinuro niya yung kabilang side na sinasabi niya. Akala ko kung anong kabilang side, yun pala, kabilang bahay. Sa kanila rin pala yun?

“Nandyan yung mga kwarto ng mga pumunta dito. Sa second floor yung mga lalaki, third floor naman yung mga babae.”

“Ahh.”

“Tara sa loob, mababasa ka dyan.” Tapos hinatak na naman niya ako. Kanina pa ‘to nanghahatak ah!

 

Pagkapasok namin sa loob, saka ko lang natitigan ng matagal yung kwarto niya. Kulay blue yung walls ng kwarto tapos may malaking kama sa gilid. May malaki rin siyang closet, tapos sa tabi nun ay nakasabit yung dalawang gitara at isang electric guitar. Napansin ko namang may kinuha siya sa loob ng closet niya at pagtingin ko, foam pala.

 

“Para saan yan?”

“Higaan ko. Dyan ka na matulog sa kama.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Teka, ano bang pinagsasabi niya?

“Huh?! Wait, doon na lang ako sa kabilang bahay kasama nina Steff!”

“May mga naglalasing dyan sa baba.” Sabi niya habang nilalatag niya yung foam na kinuha niya. Pero ano daw? Sa baba? So yung mga naiwang lalaki pala na sinasabi niya kanina ay yung mga naglalasing. Pero naglakad pa rin ako papunta doon sa pintuan.

“Hah! Parang mga lasing lang eh.” Kaya ko namang lagpasan yung mga lasing at saka hindi naman siguro nila ako aanuhin. Isa pa, ayokong maiwan kasama niya dito sa kwarto no! Hindi ko ata kakayanin!

“Tsaka maraming multo sa labas. May white lady nga pala na nagpapakita sa tapat ng bahay namin. Good luck sa pagpunta sa kabila.” Napatigil ako sa paglalakad at bumalik ako papasok sa kwarto niya. Napaupo agad ako sa kama niya.

“HA-HA! D-dito na lang pala muna ako!” pag-upo ko sa kama niya, nakahiga na siya doon sa foam na nilatag niya.

“Akala ko ba doon ka sa kabilang bahay?”

 

Eh walanghiya pala siya eh! Pagkatapos niyang magsabi na maraming multo sa labas at may white lady sa tapat ng bahay nila, sa tingin niya makakalabas pa ako?! Madali pa naman akong mag-imagine ng mga kung anu-ano. Tapos alas-dos pa ng umaga. Gosh! Takte kinikilabutan ako!

 

Napansin ko namang pumikit na siya kaya binato ko sa kanya yung unan sa kama niya.

 

“Hoy wag ka muna matulog!” dinilat niya naman yung isa niyang mata at tumingin sa akin.

“Bakit?”

“Eh hindi pa ako inaantok eh! Kagigising ko lang!” shet naman kasi! Bakit six hours akong natulog doon sa may veranda? Hindi pa tuloy ako dinadalaw ng antok.

“So?”

“Hindi pa nga kasi ako inaantok! Wag ka na magtanong!” pero ang totoo niyan, natatakot lang akong mag-isang gising dahil sa mga pinagsasabi niya. Mamaya maimagine kong may multo akong katabi eh. Bwisit! Kung anu-ano kasing pinagsasabi niya kanina!

“Bakit nga?”

“Ang gulo mo rin eh no! Can you just stay for a while ka pang nalalaman dyan kanina, tutulugan mo lang rin naman pala ako!” saka ko ibinato ulit sa kanya yung isang unan. Bumangon naman agad siya at napaupo na lang sa higaan niya.

“Takot ka lang eh.” Kita mo ‘tong taong ‘to! Alam niya na pala yung dahilan, itatanong pa sa akin!

“Asa ka nam—AAAAHHHH!” hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang kumulog at kumidlat ng malakas to the point na halos nakakabingi na at nagliwanag pa yung veranda. Napatakbo tuloy ako habang nakapikit at nakatakip yung tenga.

“Hey, are you alright?” pagdilat ko, narealize kong napatakbo pala ako doon sa higaan ni Patrick at napaupo ako sa harapan niya. Naiyak na lang ako bigla. Siguro yung pagkulog na rin yung naging trigger. Narealize ko na ang dami-dami ko palang frustrations na kinikimkim. Naipon na pala lahat ng sama ng loob at bigat ng pakiramdam ko at ngayon ko lang nailabas.

“Teka, b-bakit ka umiiyak? O-oy. Tsk.” Bigla naman niya akong hinatak palapit sa kanya at naramdaman ko na lang yung kamay niya sa likod ko at sa ulo ko. Bigla niya akong niyakap. Parang lalo lang uminit yung mata ko dahil sa ginawa niya. Lalo lang akong naiyak.

“Tsk. Getting scared by a mere thunder. Are you a kid?” kahit gusto ko siyang sigawan at batukan, hindi ko na nagawa dahil hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko.

“Don’t worry. I’m here.” Nagulat ako sa sinabi niya and at the same time, medyo gumaan rin yung pakiramdam ko. This time, napayakap na rin ako sa kanya.

“Y-you’ll stay with me, right?”

“I’ll stay with you.”

 

Ilang minuto rin kami sa ganung posisyon. Kahit ngayon lang, kahit itong sandali lang, maramdaman ko yung security kapag kasama ko siya. Kasi alam kong bukas o sa mga susunod na araw, si Keisha na naman ang kasama niya. Sa mga susunod na araw, hindi ko na siya makakasama.

 

“Okay ka na ba?” bumitaw naman siya sa pagkakayakap kaya bumitaw na rin ako. Medyo okay na rin ako at kumalma na rin yung pakiramdam ko.

“Mmm.” Saka ako tumango. Bigla naman siyang tumayo kaya sinundan ko siya ng tingin.

“Hintayin mo ako dyan.” Tapos lumabas siya ng kwarto. Napabuntung-hininga naman ako. Ano bang pinaggagawa ko? Bakit ba umiyak ako sa harapan niya? Pangalawang beses na ‘to. Nung una, dahil kay Dave. Ngayon naman, dahil sa kanya. Pero ano pa bang magagawa ko? May Keisha na siya. Ayoko namang guluhin pa sila. Isa pa, alam ko kung gaano kamahal ni Keisha si Patrick. Kahit na gusto ko yung lalaking yun, hindi kaya ng konsensya ko na kunin siya kay Keisha.

 

“Here.” Napatingin naman ako sa kanya. Bumalik na pala siya, tapos may dala siyang mug at bote ng C2.

“Ano yan?” umupo siya sa harapan ko at inabot sa akin yung mug na dala-dala niya.

“Gatas. Pampatangkad.” Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. “Kidding. Pampakalma.” Tapos ngumiti siya. Tinitigan ko tuloy siya ng matagal. Mas bagay talaga sa kanya pag ngumingiti siya.

 

Ininom ko naman kaagad yung gatas na dinala niya habang siya naman ay iniinom yung C2. Dahil mainit, wala pa sa kalahati yung naiinom ko. Natutuwa rin ako dahil nagtimpla pa talaga siya. Mabait yata siya ngayon sa akin?

 

“Uhm... Na-nasaan pala si Keisha?” nakatingin lang ako sa gatas habang tinanong ko yun.

“She left at around 9 PM. May curfew kasi siya tsaka strict yung tatay niya pagdating sa oras ng pag-uwi niya.”

“Ahh. Ganun ba.” Alam na alam niya  ha. Mukhang lagi nga silang magkasama. Bakit ko pa ba kasi tinanong yun?

“Anong pinag-usapan niyo kanina?” napatingin naman ako sa kanya.

“Huh? Nino?”

“Ni Alvarro.”

“Ah, si Dave? Nag-sorry lang siya. Tsaka ayos na kami.”

“What?! Kayo na?” halos mabitawan ko naman yung mug na hawak ko dahil sa sinabi niya.

“Huh?! Adik! Hindi! What I mean is, may closure na kami! Tsaka wala na akong gusto sa kanya no!” napatakip naman ako bigla ng bibig ko. Shet. Kailangan kong pigilan yung sarili ko. Mamaya bigla akong madulas sa mga pinagsasabi ko.

“Oh. O-okay. Good for you.” No. Not good for me. Kasi narealize ko na ikaw yung gusto ko. Stupid!

 

Ininom ko na lang yung natitirang gatas para hindi na siya ulit magtanong. Ilang minuto ring nangibabaw yung katahimikan at yung ulan lang sa labas yung maririnig. Nung maubos ko na yung gatas, nilapag ko yun sa tabi ko. Mukhang effective nga na pampakalma dahil normal na ulit yung pakiramdam ko.

 

“Tsk. Sinasadya mo ba?” napatingin naman ako sa kanya. Ano na namang pinagsasabi nito?

“Hmm? Ang alin na naman?”

“Tsk. Acting like a kid...” ano bang problema ng lalaking ‘to?

“Bakit ba? Ano na namang—” bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan niya yung batok ko. The next thing I knew, tinaas niya yung laylayan ng damit niya at pinunasan niya yung bibig ko. Pagkatapos niyang gawin yun, kinuha niya yung mug sa tabi ko at naglakad siya palabas ng kwarto.

 

Oh my gosh! Takte! Ano yun? What the! Lecheng gatas yan! Akala ko ba pampakalma yun? Eh bakit naaabnormal na naman yung tibok ng puso ko?! The heck! Hinding-hindi na ako iinom ng gatas! Wala akong pake kahit hindi na ako tumangkad! Takte talaga! Sana sinabi niya na lang na may gatas ako sa labi. Bakit siya pa yung nagpunas?! Shet shet shet! Siya ata yung nananadya eh! Ginagawa niya ba ‘to para mahulog pa ako lalo? Kainis!

 

Napansin ko namang nakabalik na pala siya kaya inayos ko yung sarili ko. Okay, Jess, wag kang magpahalata. Kalma. Puso, kumalma ka. Utang na loob.

 

“Let’s play a game. Nawala na yung antok ko eh.” Saka siya umupo ulit sa harapan ko.

”G-G-Game?” Shet, hindi pa ako kalmado!

“Spin the bottle?” tapos tinaas niya yung bote ng C2 na iniinom niya kanina. Dahil hindi na rin ako makapag-isip ng maayos, napatango na lang ako.

“Kung kanino tatapat yung bote, magiging slave for five minutes.” Wait, ano raw?!

“Teka, di ba truth or dare yung spin the bottle?”

“No. Binago ko na. Slave for five minutes na.” Tapos saka niya pinaikot yung bote. Hah! Ayos rin siya ha. Namiss niya ba masyado yung pagiging master niya at gusto niya na namang maging slave ako?! Tsk. Honestly, ano bang nagustuhan ko sa bwisit na unknown particle na ‘to?

 

At nagsimula na naman ang kamalasan ko. Sa akin nakaturo yung bote.

 

“Welcome back, slave.” Saka siya ngumiti ng nakakaloko.

“You...” kung hindi ko lang talaga mahal ang isang ‘to, matagal ko na siyang nasakal! Bigla naman siyang tumalikod sa akin.

“Massage my back for five minutes.” Dahil wala naman na akong magagawa at alam kong stubborn rin ang isang ‘to, ginawa ko na lang. Minasahe ko yung likod niya... just like the old times. Ito naman ang isa sa mga lagi niyang pinapagawa dati.

“Okay! Tapos na ang five minutes!” tapos bumalik ako sa pwesto ko.

“Damn.” Bumalik rin naman siya at saka niya pinaikot ulit yung bote. This time, sa kanya naman huminto kaya napangiti ako ng nakakaloko.

 

“Welcome back, slave.” Ginaya ko yung sinabi niya kanina pati na rin yung expression niya. At dahil sumakit yung ulo ko kanina kakaiyak, yun na lang ang iuutos ko sa kanya.

“What’s your order?”

“Massage my head, slave.” Nakakatuwa palang sabihin yung slave! Hah! Ngayon ikaw naman ang alipin ko. Akala mo ha! Tumalikod rin ako sa kanya para mamasahe niya yung ulo ko pero bigla na lang niyang hinawakan yung balikat ko at hinatak ako kaya napahiga ako. Akala ko nga tatama yung ulo ko sa sahig pero it turned out na naglanding yung ulo ko sa may unan sa lap niya.

“Mas madali pag ganito.”

“O-okay.” Hinawakan niya yung magkabilang sentido ko at nagsimula na siyang magmasahe. Napapikit na lang ako para feel na feel ko. In fairness, marunong siya. Parang gusto ko na lang tuloy na habangbuhay niyang i-massage yung ulo ko...

 

***

 

Bigla akong napadilat. Mukhang umaga na ah? Nakatulog na pala ako mula sa pagmamasahe niya. Pero napabangon ako nung narealize kong nasa kama na pala niya ako. Pagtingin ko sa lapag, tulog pa rin siya doon sa higaan na nilatag niya. Teka, binuhat niya ba ako papunta sa kama niya o nag-sleepwalk lang ako?

 

Nagulat naman ako nung biglang bumukas yung pinto at bumungad sa akin yung pagmumukha nila Steff, Alice, Yna at Tricia. At ang nakakatakot pa ay yung sinasabi ng mga expression nila. Para bang sinasabi ng mga mukha nila yung sinasabi-ko-na-nga-ba-nandito-ka-expression, kaya bago pa sila may sabihin na kung ano, tumakbo na ako papunta sa pinto at tinulak ko sila palabas. Syempre, lumabas na rin ako at sinarado yung pinto bago pa magising yung isa.

 

“Grabe Jess, sabi namin ipaglaban mo lang, hindi namin sinabing matulog kayo sa iisang kwarto!” binatukan ko ng malakas si Alice.

 

Bago pa sila mag-isip ng kung anu-ano, tinulak-tulak ko sila papunta doon sa kabilang kwarto at saka ko sinabi sa kanila yung nangyari. Sinabi ko na nakatulog ako doon sa veranda na pinuntahan namin ni Dave and it turned out na kwarto pala yun ni Patrick. Tapos sinabi ko rin na tinakot ako ng lecheng Patrick na yun kaya di na ako nakapunta doon sa kabilang bahay. Pero syempre, hindi ko na kinuwento yung mga nakakahiyang pangyayari. Alam kong pang-aasar lang ang aabutin ko pag ginawa ko yun.

 

Pagkatapos kong ikwento sa kanila yung nangyari, nagpaalam na rin agad ako. Sinabi ko na lang na kailangan kong umuwi agad dahil may lakad pa akong pupuntahan. Hanggang sa pagbaba namin ng second floor, kinukulit pa rin nila ako. Gusto pa nga akong ihatid ni Tricia pauwi pero sinabi ko na magtataxi na lang ako. Nung sinabi ko yun, si Steff naman ang hindi pumayag. Crap. Oo nga pala. Hate na hate niya yung taxi.

 

“Ako na lang ang maghahatid sa kanya.” Napatingin naman kami sa may main door at nakatayo doon si Dave. Lumapit naman ako sa kanya dahil mukhang siya lang ang makakatulong sa akin para makatakas sa mga babaeng ‘to.

“Sige girls, bye bye!” saka ko tinulak palabas si Dave at hinatak ko siya kung saan nakapark yung mga kotse.

“Is that a point for me?” tapos ngumiti siya. Alam ko namang ang tinutukoy niya ay yung challenge ng pagbalik sa pagkakaibigan namin.

“Two points. Salamat!” tapos sumakay na ako sa kotse niya at hinatid niya ako sa bahay namin.

 

Pero habang nasa byahe kami, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari kagabi. It felt like a freakin’ dream. Pero ngayon, siguradong-sigurado na ako: I’m not falling in love with him... I already fell.