.

.

Chapter 44

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Sa mga natitirang araw ng bakasyon, lagi lang akong nasa loob ng bahay.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Andami kong realizations sa buhay. Tapos yung mga nangyari pa sa slumber party ni Tricia. Gusto ko pa sana siyang makabonding kasi isang buwan lang siya dito sa Pilipinas, pero hindi ko naman magawa dahil alam kong sa bahay siya nina Patrick nakatira ngayon. Nahihiya naman akong papuntahin pa siya dito sa bahay.

 

Busy naman yung tatlo sa mga buhay nila kaya hindi ko na sila ginugulo. Si Roj rin busy, dahil malapit na yung entrance exams sa colleges na susubukan niyang pasukan. Ayaw niya raw pumasok sa Kingdom University kasi nandun daw ako. Medyo bastos rin siya, ano?

 

“Jess, kakain na.” Napatingin naman ako kay Mommy na nasa pintuan na pala ng kwarto ko.

“Opo, wait lang.”

 

Inayos ko naman na agad yung gamit ko. First day of classes ngayon. Grabe, second year college na pala ako. Nakakapanibago. Oo nga pala, may assessment na nangyari last April at nung enrollment sinabi yung results. Nire-rank kasi ulit yung Campus Princes and Princesses para sa nagdaang school year. Ganito pala yung ginagawa nila kapag natatapos na ang school year. Every year level, pwedeng magbago yung mga nasa top. At ngayong second year college na kami, medyo nagbago yung nasa listahan:

 

Patrick Reyes

Ian Darryl Garcia

Jessica Mishelle Morales

Tiffany Damian

Calvin Gisel Villanueva

Charmaine San Rafael

Kevin Fuentes

Lalaine Margarette Antonio

Alexa Demition

Patrick Dave Alvarro

 

Yan yung naging bagong ranking. Tss. Naalala ko tuloy yung pustahan namin tungkol sa GWA. Syempre kinutuban na akong mas magiging mataas yung rank niya dahil nga nataasan niya yung GWA ko. Pero hindi ko akalaing lalampasan niya rin si Darryl. Nakita ko na ang GWA ni Darryl ay 1.1156. Dahil wala na si Tricia dito sa school, syempre sa iba na mapupunta ang first spot. Pero hindi ko naman akalaing sa kanya yun mapupunta.

 

Natuwa naman ako nung makita ko yung name ni Dave sa list. Sa pagkakaalam ko, siya yung top 11. Buti na lang at nakapasok siya sa top 10.

 

Hinatid naman kami ni Daddy sa schools namin ni Roj, at pagdating ko sa campus, sina Steff agad ang sumalubong sa akin.

 

“Jess! Ansabe naman ni Patrick! Grabe pinalitan niya si Tricia sa pagiging top 1! Ibang klase ata utak nilang dalawa eh!” pambungad agad ni Alice.

“Maybe he was inspired. Ehem.” Tapos sinundut-sundot pa ako ni Yna sa tagiliran.

“Pero congrats sa atin, Jess! Top 3 and 4!” tsaka kami nag-appear ni Steff. Well, okay lang naman kahit bumaba yung rank ko. Sabi ko nga, wala naman akong pakialam sa mga Campus Princes at Princesses na yan. Basta maayos yung grades ko, okay na ako.

 

Syempre, tinignan namin yung mga schedule namin. Ang saklap nga lang dahil hindi kami magkakaklase sa kahit saan. Iba-iba yung sched ng subjects namin na magkakapareho. Dahil may kanya-kanya na kaming klase, nagpaalam na kami sa isa’t isa at pumunta na sa mga first subjects namin, which is yung sa akin ay elective, Anthropology.

 

Pumunta agad ako sa building ng Anthro classes at tinignan ko ulit sa sched ko kung anong room ako. Mamaya maligaw na naman ako gaya nung nangyari nung first year ako. Pagpasok ko sa room, awkward moment agad ang bumungad sa akin. Magkatabi kasi sina Keisha at Patrick sa may bandang likuran. Shet naman, bakit Anthro rin yung kinuha nila?! Takte, lumalayo na nga ako, tapos nilalapit naman sila sa akin ng pagkakataon. Anong kapakshetan ‘to?!

 

Buti na lang at hindi pa nila ako napapansin kaya nag-ninja moves ako sa bandang kanan at umupo ako sa gitna pero sa dulo. Syempre pinili ko yung malaking lalaki na maging katabi ko para nahaharangan niya yung view ko sa kanila. Hah! I’m so smart.

 

“Excuse me, guys!” napatingin naman kaming lahat nung may biglang sumigaw sa may pintuan. “Nandito na ba si Patrick Reyes at Jessica Morales?” may hawak siyang maliit na papel at feeling ko ay doon nakasulat yung pangalan namin. Pero halos lumubog ako dito sa upuan ko nung inannounce niya yung pangalan naming dalawa. Shet. Alam na nila na andito ako.

 

Para makatakas, tumayo agad ako at lumapit doon sa tumawag sa aming babae sa may pintuan. Pero wala pang isang segundo ay nasa gilid ko na ‘tong unknown particle na ‘to.

 

“Pinapatawag kayo ng Admin. Nandun na yung ibang Campus Princes and Princesses.”

“Uhm, bakit po?” tanong ko.

“Hindi ko rin alam eh. Nautusan lang. Sige!” saka siya umalis sa harapan namin. “Next is Charmaine San Rafael and Alexa Demition sa Math building.” Narinig kong bulong niya sa sarili niya habang naglalakad. Mukhang task niyang hanapin lahat ng Prince at Princess ah?

 

Bumalik muna ako sa loob para kunin yung bag ko at agad-agad rin akong umalis. Pero sadyang kabayo ata ‘tong unknown particle na ‘to dahil naabutan niya pa rin ako. Hindi ko naman maiwasang maalala yung mga nangyari dati sa slumber party ni Tricia kaya nahiya ako bigla at binilisan ko lalo yung lakad ko.

 

“Slave.” Napahinto naman ako sa paglalakad ko at napatingin sa likuran.

“Hoy, akala ko ba hindi na ako—”

“Are you avoiding me?” tapos nakita ko na naman yung seryoso niyang mukha. Pero this time, hindi ko naramdaman yung death vibes, kundi bigla lang bumilis yung tibok ng puso ko. Tumalikod ako bigla at napabuntung-hininga.

“Obvious ba?” saka ako nagsimulang maglakad ulit.

“Bakit?” nagulat naman ako nung nasa tabi ko na siya, pero nakatingin lang rin siya sa may nilalakaran namin.

“First prince ka na ‘di ba? Try mong i-deduce.” Tapos umirap ako. Takteng yan, bakit ganito yung usapan namin?! Kinakabahan tuloy ako jusme!

 

Buti na lang at malapit na kami sa Admin office kaya tumakbo na agad ako papunta doon. Pagdating ko, nandun na sina Steff, Darryl, Kevin at Lalaine. Nandun rin yung Campus Princesses ng fifth years, fourth years, third years at syempre yung sa freshmen. Tumabi agad ako kay Steff doon sa may sofa habang hinihintay pa yung iba. Ilang minuto pa ang lumipas, nakumpleto na rin kami.

 

“Okay girls and boys, pinatawag ko kayo ngayon dahil may bagong event na gagawin ang university. It’s like a welcoming party for the freshies.”

 

Bigla namang natuwa yung sampung freshies, samantalang kaming mga higher years ay nagtampo. Ang duga naman bakit ngayon lang nila yan naisipan? Sana ginawa rin nila yan nung freshies pa kami!

 

Inexplain naman ni Ma’am yung gagawin namin. In fairness, mukhang maganda yung plano. Hinati-hati ni Ma’am yung tasks by year level para raw mas madali kaya nag-group na rin kami. Sa fifth years na-assign yung foods and drinks, sa fourth years naman yung theme at design, sa third years ay program, at magkasama naman ang second years at frist years para sa performances. May binigay sa aming funds si Ma’am at i-compute na lang raw namin yung expected na gagastusin para ma-estimate yung perang gagamitin. Nagbigayan naman kami ng phone numbers para ma-contact namin ang isa’t isa. At dahil may mga klase pa kami, nagmadali kaming lahat para umattend ng classes namin.

 

Mukhang hindi na ako aabot sa Anthro class ko dahil 30 minutes na lang ang natitira bago matapos yun kaya didiretso na lang ako sa next class ko. Naglakad ako papunta sa Math building pero halos mapatakbo ako sa gulat nung may biglang humawak sa mga binti ko. Pagtingin ko, si Dave pala! Pinaghahampas ko siya ng bag ko dahil napasigaw talaga ako ng malakas sa sobrang gulat!

 

“Bwisit ka!”

“Aray! Aray! Haha! Yung mukha mo kasi nakabusangot. Kanina pa kita tinitignan doon sa may Admin office. May problema ka ba? O ako pa rin ang pinoproblema mo?” hinampas ko ulit siya ng bag ko.

“Kapal mo rin eh no? Sino ka naman para problemahin ko?”

“Ang sakit nun ha! Aba naging crush mo kaya ako!”

“Dati yun! Nasa hate list na kita ngayon!”

“Akala ko ba friends na ulit?”

“Utot mo.” Saka kami nagtawanan. May pagkabaliw rin pala ‘tong si Dave eh. Grabe, hindi ko akalaing makakapag-usap pa ulit kami ng ganito. Parang nung mga nakaraang buwan lang, halos maningkit yung mata ko sa pag-iyak dahil sa lecheng pinaggagawa niya sa akin. Pero ngayon, parang wala na lang. Siguro dahil nakamove on na rin ako sa kanya. Hindi pa naman kasi ganun kalalim yug feelings ko for him that time. Pero ngayon, alam kong malalim na para sa isang tao. Pero shet kasi siya eh.

 

“Sige Jess, bye!” saka siya nag-wave sa akin habang tumatakbo papunta doon sa next class niya.

 

“Slave.”

“Ay utang na loob ka!” bigla kong pinanghampas yung bag ko sa may likuran ko dahil may sumundot sa tagiliran ko. Napigilan niya naman yung pagtama ng bag ko sa mukha niya. Lecheng unknown particle ‘to!

“Class mo?”

“Secret. Tsaka baka hinahanap ka na ni Keisha doon sa Anthro. Bumalik ka na dun, tsupi na—” nabigla naman ako nung hinatak niya yung braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

“Bakit ba Keisha ka ng Keisha?” shet. Ramdam ko na naman yung serious aura niya.

“Eh malamang lagi kayong magkasama. Duh?”

“Pinagbigyan lang naman kita sa gusto mo.” This time, napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Pinagbigyan niya ako? Ano na namang pinagsasabi niya?

“Pinagsasabi mo?”

“Sabi mo dati, kilalanin ko si Keisha. Ngayon namang kinikilala ko siya, nagsusungit ka. And then you asked me to stay, but you’re the one running away from me. Hindi na kita maintindihan. Para kang batang nagtatantrums. Para kang batang ginagawang laro ang lahat.” Tapos binitawan niya yung braso ko at nagsimula nang maglakad palayo sa akin.

 

Hindi ako nakapagreact sa sinabi niya at tumayo lang ako doon sa pwesto ko. Inalala ko yung time na sinabi ko yun sa kanya. Ang tanga ko. Oo, ako nga ang nagsabing kausapin niya naman o kaya pansinin si Keisha dahil tinutulay ko silang dalawa. Pero hindi ko naman akalaing susundin niya nga yun. At hindi ko naman akalaing pati ako magkakagusto sa kanya.

 

Nung nakita ko silang magkasama dati, parang may kung anong nagbago sa sistema ko. Yung feeling na hindi ko maintindihan. Akala ko epekto lang yun ng nangyari sa amin ni Dave. Pero hindi pala. Nagseselos ako. Nagseselos ako kay Keisha. Pero hindi ko naman magawang guluhin pa sila kasi nahihiya ako kay Keisha. Mahal niya si Patrick at sinuportahan ko pa siya dati. Tapos ngayong napansin na siya ni Patrick, hindi imposibleng magkagusto rin si Patrick sa kanya. Kaya sabi ko sa sarili ko, mapaparaya na lang ako. Tutal kasalanan ko naman eh. Narealize ko yung feelings ko nung huli na ang lahat. Siguro ganun nga talaga. It was meant to be that way... that you’ll never know how much you like someone until they like someone else.

 

Pero sa nangyari ngayon... sa inasal niya kanina... parang nabago na naman yung desisyon ko. Umalis ako doon sa pwesto ko at tumakbo papunta sa kanya. Hindi ko na alam, feeling ko gumagawa na lang ng sariling desisyon yung katawan ko. Hinawakan ko yung braso niya kaya napatingin siya sa akin.

 

“Sorry.” Yun na lang ang nasabi ko sa kanya habang nakayuko dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Narinig ko naman siyang nagbuntung-hininga.

“You asked me to stay, right? Then let me.” Napatingin ako sa kanya at naramdaman kong umiinit na yung mata ko.

 

Bigla kong naisip kung ganito rin ba siya kay Keisha. Tama ba ‘tong ginagawa ko? Nakapagdesisyon na ako dati eh. Kapag sumubok ulit ako, baka masaktan na naman ako. Sabi ko let go na eh. Sabi ko tama na. Pero shet lang. Hindi ko ata kaya.

 

I know that I should let go, but I can’t. I really can’t.