.

.

Chapter 45

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Wednesday na ngayon at pangalawang araw ng pagpapractice namin. Dahil kasama namin yug freshies sa performances, hinati na lang namin yung numbers na gagawin namin. Bale ang napagdesisyunan ay dalawang song number at isang dance number sa aming second years at dalawang dance number at isang song number naman sa first years. Mas marami kasi sa amin ang kumakanta samantalang sa first years naman ay mas marami ang dancers.

 

Sa second years, ang naka-assign sa unang song number ay sina Steff, Darryl, Gisel at Charmaine. Sa second naman ay ako, si Patrick, Dave at Alexa. Sa dance number naman ay si Kevin at Lalaine. Nung nalaman nga yun ni Alice ay halos isumpa na niya si Lalaine.

 

Dito kami sa bahay ni unknown particle nagpapractice dahil dito pinakamalapit ang mga bahay namin. Tsaka may mga musical instruments rin kasi sila kaya kahit hindi na kami magdala.

 

Pinaghanda naman kami ng Mommy niya ng pagkain habang tinotono pa nila yung mga instruments. Si Darryl at Patrick, sila yung nagtotono sa mga gitara.

 

“Huy, matunaw!” nagulat naman ako nung lumitaw yung pagmumukha ni Steff sa harapan ko. Ang nakakainis pa, yung nakakalokong ngiti niya ang bumungad sa akin. Inirapan ko na siya pero tinawanan niya lang ako.

“Halata masyado, Jess,” tapos tumawa ulit siya.

“Sus. Mas malala ka nga dati eh. Kung titigan mo si Darryl parang may babalakin kang masama,” tapos ginaya ko yung boses niya habang nagsasabi ng bebeboy. Ayun, halos nangamatis sa hiya. Haha! Wala pa ring talab sa akin ‘tong si Steff pagdating sa asaran. Si Alice lang naman ang mas malala sa aking mang-asar eh.

 

 

Bigla ko namang naalala yung nangyari nung Monday. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari yun. At hindi rin ako makapaniwalang halos magkaklase kami ni unknown particle sa lahat ng subjects. Paano nangyari yun? Pero ang awkward pa rin talaga kapag kasama si Keisha sa ibang subjects. Sa isang elective naman, kami ni Keisha ang magkaklase. Kapag magkaklase kaming tatlo, ako na yung humihiwalay. Nahihiya pa rin kasi talaga ako sa mga nangyari.

 

“Bebe girl, anong kakantahin natin?”

“Hmm, Way Back into Love ulit?”

“Iba naman,” tapos nagpacute pa ‘tong si Darryl kay Steff.

 

Umusod ako ng upuan dahil nilalanggam ako sa dalawang ‘to. Anak ng tupa. Sila na ang sweet. In fairness ha, four months na sila. Pero natatawa pa rin talaga ako doon sa bebeboy-bebegirl nila. Pfft. Asaran lang nila yun dati pero naging endearment na. Di na naalis sa sistema nila.

 

“Slave. Ano raw yung kanta?” napatingin naman ako sa harapan ko at hawak-hawak niya pa rin yung gitara niya. Tsk. Yan na naman yang slave na yan! Akala ko ba wala na yun? Sabi niya ‘free’ na raw ako, tapos kung makatawag ng slave, akala mo wala nang bukas.

“Ewan ko. Ikaw na mag-isip,” sabay inom ko doon sa juice ko.

“Ako na lang mag-iisip. Hmm. I Won’t Give Up,” nagulat naman ako nung tumabi sa akin si Dave sabay kuha niya doon sa cookies na nasa harapan namin.

“Di kita tinatanong,” tapos tumalikod si Patrick at pumunta doon kay Alexa.

“Positive,” sabi naman ni Dave sa akin.

“Anong positive?”

“Slow,” tapos tumawa siya at iniwan ulit ako. Okay. Ang weird ni Dave. Anong nangyayari dun? Bigla-bigla na lang sumusulpot tapos bigla ring mawawala. Unknown mushroom?

 

“Oh bakit Pat?” napatingin naman ako sa gilid ko at kausap naman ni Patrick si Steff. Pero muntik ko nang maibuga yung juice na iniinom ko dahil sa itsura ni Darryl. Nakatingin siya ng matalim kay Patrick tapos hawak niya yung isang kamay ni Steff. Grabe! Sila na nga pero nagseselos pa rin! Hahaha!

 

Umayos naman agad ako nung tumingin sa direksyon ko si Patrick at pumunta siya dito.

 

“Jump then Fall na lang,” sabi niya tapos tumabi siya sa akin. Ah, so yun pala ang pinunta niya kay Steff. At tama nga ang hinala ko, Taylor Swift song. Eh paano Swifite yang si Steff. Yung playlist niya sa phone niya ay puro kanta ni Taylor Swift.

“Okay.”

 

Nagsimula naman kaming magrehearse. Since yung group namin ang unang nagkaroon ng tutugtugin, kami na yung naunang tumugtog. Bale si Dave sa drums, si Alexa sa keyboard, si Patrick sa guitar at ako naman sa vocals.

 

“Duet na lang kaya, you like? Maganda naman boses ni Patrick tsaka ni Dave eh.” Sabi ni Alexa. Bigla namang napatingin sa akin si Steff at tumawa siya nang tumawa doon sa may sofa. Lagot sa akin mamaya yang si Steff! Takte!

 

“Sino ba gusto mo maka-duet, Jess?” sigaw ni Steff habang pinipigilan niya yung pagtawa niya.

“Gusto ko sana kaso mahirap kumanta habang nagdadrums. Si Reyes na lang.” This time, kay Dave naman ako napatingin at kumindat siya sa akin.

“Fine.” Sabi naman ni Patrick.

 

Hindi na ako nakapagsalita dahil sila na ang nagdesisyon. Feeling ko mawawalan ako ng hininga dito. Parang nasa bingit ako lagi ng kamatayan.

 

Natapos yung rehearsal namin ng 8 PM. Buti na lang at wala pa masyadong ginagawa sa mga klase kundi orientation at discussion ng requirements. Sumabay naman ako kina Tito Steven, dad ni Steff, pauwi since madadaanan naman nila yung bahay namin. Pagkauwi ko, bumagsak na lang ako sa kama ko at napatingin sa kisame.

 

Hay. Hindi ko na alam kung tama pa ba yung mga pinaggagawa ko. Shet naman oh. Bakit ba kasi ang kumplikado ng sitwasyon? Ugh. Ang hirap tuloy magdesisyon!

 

Napatigil naman ako sa pag-iisip nung tumunog yung phone ko. Kinuha ko kaagad yun sa bulsa ng pantalon ko at nakita kong si Steff pala ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

 

“Oh, bakit?”

“Wow, ang ganda ng hello mo ha!” reklamo niya sa akin sa kabilang linya.

“Sinira mo yung moment ko eh!”

“With whom? Yiiee iniisip mo si Pat no?”

“Bakit ko naman iisipin yung unknown particle na yun?”

“Deny pa! Haha! Well, wala naman akong magagawa, ganyan ugali mo eh.”

“Nagsalita ang hindi ganun ang ugali.”

“Hoy ano ka! At least ako sinasabi ko yung totoong feelings ko no. Di tulad ng isa dyan, kunwari pa.”

“Tange. Eh may Keisha na nga—”

“Lechugas naman Jess, isip-isip rin pag may time. Hahaha! Pero dumaan na rin ako sa phase na yan. Piece of advice lang, follow your heart. Good night!” at tuluyan na niya akong binabaan. Walanghiyang babae yun, nasabihan pa ako ng lechugas.

 

Wala pang isang minuto ay bigla na namang nag-ring yung phone ko. Nung una akala ko si Steff na naman, pero this time, pangalan ni Keisha ang nakalagay. Bigla akong kinabahan. Parang alam ko na kung anong pag-uusapan namin at kung saan mapupunta ‘to. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot yung call.

 

“Hello?” tinry kong maging kalmado at cool lang para hindi halatang kinakabahan ako.

“Uhm, hi Jess. Ano, pwede ba tayong mag-usap?” Oh gosh. Ito na talaga.

“Tungkol saan?”

“Tungkol kay Patrick. Let’s meet tomorrow before magstart yung klase. Doon na lang sa garden. Sige, bye.”

 

Halos isang minuto ring nakalagay yung phone sa tenga ko kahit matagal nang tapos yung tawag. Sabi na nga ba, mangyayari ‘to kapag pinilit ko pa rin yung sarili ko sa kanya eh. May masasaktan lang dahil sa ginagawa ko.

 

Dahil masyado na akong stressed dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw, gusto ko na lang maayos na ‘to lahat. Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ako sa kwarto ni Roj. Pagdating ko dun, nakahiga lang siya sa kama niya habang may nakasaksak na earphones sa tenga niya. Nakita naman niya akong pumasok kaya napaupo siya sa gilid ng kama niya.

 

“Kamusta kayo ni Ven?” yun agad ang tanong ko sa kanya.

“Going strong,” tapos ngumiti siya ng nakakaloko na parang nang-aasar lang.

“Whoo, feeling gwapo!” tapos ginulo ko yung buhok niya kaya hinahawi niya yung kamay ko.

“Si kuya Patrick nga pala nasa labas, nagtext sa akin.”

“HA?” napatigil ako sa paggulo sa buhok niya nung sinabi niya yun.

“Huli,” tapos tumawa siya bigla kaya sinapak-sapak ko siya. Epal! Minsan talaga iniisip ko sila ni Patrick yung magkapatid eh. Parehong nakakainis!

“Panget mo!” tapos sinapak-sapak ko ulit siya para na rin may mapaglabasan ako ng stress ko.

“Labas ka na nga, Ate! Tsk,” bigla niya akong tinulak paalis ng kama niya at hinawakan niya yung likod ko para ma-push ako palabas ng kwarto niya. Syempre lumaban ako pero shet, talung-talo ako sa kanya! Hanggang sa nasa pintuan na kami at yung isang kamay ko na lang yung nakahawak doon sa doorway para hindi ako makaalis doon sa kwarto niya. Pero ang walanghiya, biglang sinarado yung pinto kaya natakot ako dahil baka maipit yung kamay ko. So ang ending, inalis ko rin yung kamay ko. Pero nagulat ako nung bumukas ulit yung pinto at tumambad sa akin yung pagmumukha ng kapatid ko.

 

“Everything will be okay again,” sabay sarado niya ulit doon sa pinto.

 

Okay. Mukhang nabawasan naman na yung bigat ng nararamdaman ko dahil sa pagkausap at pagsuntuk-suntok ko kay Roj. Hay. Bahala na nga bukas. Ayoko nang patagalin pa ‘to. Gusto ko nang maging maayos ulit ang lahat. Sana nga lang, maayos pa.