.

.

Chapter 46

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Dumiretso agad ako sa garden gaya ng napag-usapan namin kagabi. Umagang-umaga pa lang pero sobrang pinagpapawisan na ako dahil sa kaba. Takte! Sana pala nag-rehease ako kagabi! Ni hindi ko alam yung mga sasabihin ko kapag nagkita kami. Paano pag wala akong nasabi? Paano kung hindi ako makapagsalita?

 

Iniscan ko kaagad yung tables at benches para hanapin siya. Pagtingin ko sa bandang gilid, nakita ko kaagad si Keisha na nakaupo sa isang bench at nakayuko. Naglakad ako papunta sa kanya pero habang palapit ako nang palapit ay lalo lang lumalakas yung tibok ng puso ko. Nung nasa bench na ako kung nasaan siya, napatingala siya. Walang umimik sa amin. Pinili ko na lang na maupo sa tabi niya kahit sobrang awkward namin ngayon.

 

“K-kamusta ka na?” bati niya sabay ngiti na halata namang pilit.

“Ayos lang,” sabi ko na lang. Kinalma ko na lang yung sarili ko para makapag-isip ako ng matino. After all, wala nang atrasan ‘to.

“E-eh kayo ni Patrick, kamusta na?” napatingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa paa niya. Ako naman, tumingin na lang sa mga estudyanteng dumadaan sa harapan namin.

“Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Eh di ba nga kayo yung laging magkasama?” hindi ko naman napigilan na magtonong bitter sa pagsabi ko nun. Totoo naman kasi eh. Sila yung laging magkasama bago matapos yung second sem hanggang bakasyon, tapos ako ang tatanungin niya ng ganyan? Ano ‘to, bastusan?

“Kami? Ayos naman kami. We’re... we’re actually getting to know each other,” napakuyom na lang yung palad ko dahil sa sinabi niya.

“Ahh. Wow. Mukha ngang nag-eenjoy kayo sa company ng bawat isa eh.”

“Y-yeah. Unti-unti ko na siyang nakikilala and nakikilala niya na rin ako. Nagkikita kami madalas para mag... magdate. Then we talk about our interests, hobbies, favorites, mga ganung bagay.” Sabi ko dati sa sarili ko, mukhang mabait naman si Keisha. Pero ngayon, naiinis ako sa kanya. Bakit ba parang pinagdidiinan niya pa sa akin yung mga pinaggagawa nila? Gusto niya bang patunayan na mas marami siyang alam tungkol kay Patrick? Na mas marami silang similarities? Nakakainis!

“Okay, I get it. Diretsuhin mo na ako, Keisha. Ano ba talagang gusto mong sabihin?” nagulat rin siguro siya sa sinabi ko dahil napatingin agad siya sa akin. Maski ako, nabigla dahil hindi ko na napigilan yung bibig ko. Pero nakita ko kaagad na naging seryoso yung expression niya at nagkatinginan na kami sa mata.

“May gusto ka ba kay Patrick?” this time, ako naman ang nabigla sa tanong niya. Mukhang hindi niya na rin kayang pigilan yung sarili niya. Hindi naman ako makapagsalita dahil siya ang kauna-unahang taong nagtanong sa akin niyan. I mean, sila Steff kasi, dinadaan nila sa jokes at pang-aasar para ma-confirm yung feelings ko kay Patrick. Pero kay Keisha, sobrang seryoso ng atmosphere namin to the point na hindi na ako makahinga ng maayos.

“K-kung wala kang gusto sa kanya, pwede bang... pwede bang layuan mo siya? Pwede bang hayaan mo na lang siya sa akin? You’re actually... getting in our way,” this time, napakagat na ako sa labi ko. Sinabi niya ba talaga yun? Ito ba yung gusto niyang sabihin sa akin?

 

Huminga muna ako ng malalim para hindi maapektuhan ng inis yung pag-iisip ko. Hindi ako makapaniwalang narinig kong sinabi niya yun sa akin. Oo, handa naman akong mag-give way for them kasi ako naman talaga ang nakakagulo sa kanila. They’re getting to know each other, so bakit pa ako sisingit? Pero dahil sa sinabi niya...

 

“Sorry, pero ayoko.”

“Bakit?!” kitang-kita ko sa mukha niya yung frustration to the point na parang maiiyak na siya.

“I... I love him, too. I know it’s too late for me to realize it, pero hindi naman pwedeng sundin ko yung sinabi mo. And for your information, lumalayo ako sa kanya nung summer at maski ngayong pasukan na. It’s not my fault kung bigla na lang kaming nagkikita o kaya nag-uusap.” I’m not trying to sound like an antagonist pero feeling ko ganun yung dating. At saka totoo naman eh. Nilalayuan ko siya pero parang pinaglalaruan kami ng tadhana at kabaligtaran ang nangyayari.

“Sabi mo dati... si Dave ang gusto mo. You even said na hindi ka magkakagusto sa isang Patrick Reyes!” nagulat naman ako nung bigla siyang nagtaas ng boses.

“Yeah. Gusto ko dati si Dave pero dahil sa ginawa niyang kalokohan, nawala na yung feelings ko for him. And during that time, si Patrick ang kasama ko. He was there for me. Oo, nung una, hindi ko naman pinapansin o pinapahalagahan yung mga pinaggagawa niya pero dahil sa mga yun, narealize ko yung feelings ko for him.”

“Bakit... bakit ngayon pa na may chance na ako sa kanya?” bigla na lang may bumagsak na luha sa mata niya, “Bakit siya pa?”

 

Hindi ko na kinaya yung inis na nararamdaman ko.

 

“Pwede ba, Keisha? For your information, kaya lang naman kayo naging close ni Patrick ay dahil sinunod niya yung sinabi ko sa kanya. Hah. Oh baka nakalimutan mo na? ‘Di ba, ako yung naging tulay niyo? ‘Di ba dapat magpasalamat ka sa akin? Pero ano? Ito ang maririnig ko sa’yo? Wow ha? Hindi ka ba nahihiya? O sadyang wala kang utang na loob?” pagkasabi ko nun, natulala lang siya sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo doon sa bench.

 

“Dahil sa mga sinabi mo ngayon, alam ko nang natatakot ka sa akin. Sa pwedeng maging effect ko sa relationship niyo ni Patrick. Wag kang mag-alala, hindi ko naman kayo guguluhin. Hindi naman ako desperada,” I saw her flinched. Mukhang tinamaan siya, “Pero hindi ko na kasalanan kung pagkakataon ang maglapit sa amin o kung siya mismo ang lumapit.”

 

Pagkatapos kong sabihin yun, naglakad na ako palayo sa kanya. Pero napatigil rin ako agad dahil may gusto pa akong sabihin.

 

“He’s not yours to begin with. Well, hindi rin naman siya sa akin. So, may the best woman wins na lang,” saka na ako tuluyang umalis doon.

 

 

***

 

Pagdating ko sa room namin sa Anthro, napatingin agad ako doon sa upuan niya at nandoon na siya. Nakatakip yung mukha niya ng cap kaya alam kong natutulog siya. Umupo na lang ako sa pwesto ko at kumopya muna ng notes sa katabi ko dahil nga hindi ako nakapasok nung last meeting namin. Buti at kaunti pa lang kami sa classroom at di pa dumadating yung prof namin.

 

“Ate, di ba po Campus Princess ka?” napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Ate? So freshie siya?

“Ahh, oo. Ang corny no? Jess na lang. Ikaw ba?” tapos nginitian ko siya. Actually cute naman siya pero medyo chubby. Kaya nga ako umupo dito kasi di ba ginawa ko siyang harang sa view nina Keisha?

“Harold po. Freshman pa lang po ako. Meron pong parang party for freshmen ‘di ba? Ang galing. Excited na tuloy akong mag-weekend,” tapos naging dreamy na yung mukha niya. Syempre, madali ko naman siyang nakagaanan ng loob. Madaldal rin kasi siya kahit lalaki siya. Tss. Unlike sa isang tao doon sa kabilang side.

 

Napatingin naman ako bigla sa pintuan at nakita kong pumasok si Keisha. Tinuloy ko lang yung pakikipag-usap kay Harold and at the same time, nakikita ko sa peripheral view ko yung pagpunta ni Keisha sa upuan niya. Nakita niya rin si Patrick na natutulog kaya nakatingin lang siya sa kanya. Pero napatingin na talaga ako nung tinanggal niya yung cap sa mukha ni Patrick at hinawakan niya yung pisngi niya. Syempre, nagising si Patrick at napatingin kay Keisha.

 

“Bakit?” tanong ni Patrick sa kanya tapos kinuha niya yung cap niya sa kamay ni Keisha.

“Parating na si Ma’am. Wag ka na matulog.”

 

Napabuntung-hininga naman si Patrick at wala siyang nagawa. Aba’t sinunod niya talaga yung utos ni Keisha sa kanya ha? Tss. Nangalumbaba na lang tuloy siya sa may desk niya. Pero nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa side ko kaya napaupo agad ako ng maayos para maharangan ako ng katawan ni Harold. Shet! Grabe, nakita niya kaya akong nakatingin sa kanya? Nakakahiya!

 

Naramdaman ko naman yung pag-vibrate ng phone ko kaya kinuha ko kaagad at tinignan kung sino yung nagtext. Pagtingin ko, pangalan ni Patrick yung lumabas. Hala pakshet! Nakita niya nga ata!

 

Anong tinitingin-tingin mo? Ganun na ba ako kagwapo sa paningin mo?

 

Pagkabasa ko nun, napanganga na lang ako. Grabe. Ang hambog ng isang ‘to. Feeler! Vain! Nakakasuya! Nireplyan ko kaagad siya ng mala-anghel kong sagot.

 

Akala ko kamay at paa lang kinakalyo. Pati pala mukha mo. Ang kapal eh.

 

Tapos sinend ko kaagad sa kanya. Dumating naman na yung prof namin at nagsimula na siyang magbigay ng background about Anthropology. Ang ganda na sana ng momentum ng pakikinig ko kaso nagvibrate na naman yung phone ko.

 

Bulinggit. Liit. Pandak. Unano.

 

Gusto kong sumigaw at sumugod sa kanya kaso hindi naman pwede dahil nagdidiscuss si Ma’am. Napakasiraulo talaga ng unknown particle na yun! Kung makapanlait akala mo perfect! Nireplyan ko ulit siya.

 

Panget. Epal. Hambog. Sungit. Bitter. Abnormal! Utot mo, pink!

 

Sinend ko yun sa kanya pero feeling ko talo pa rin ako. Grabe kasi yung impact nung apat na salitang sinend niya. Masyado akong natamaan! Bwisit talaga yun! Akala mo naman ang tangkad-tangkad niya!

 

“Mr. Reyes? Nasaan siya?” nagulat naman ako nung biglang nagtawag si Ma’am. Hala hindi na ako nakinig.

“Here,” sabay taas niya ng kamay niya.

“Okay. How would you define Anthropology?”

“It’s the study of humankind; their origin, behavior, culture, beliefs and their interactions.”

 

Yung iba naming kaklase, napa-‘whoa’ pa dahil sa pagsagot niya. Galing ha. Pero buti alam niya yung pinag-uusapan kahit nagtetext. Eh di siya na magaling magmulti-tasking.

 

Bigla naman akong may naisip na pang-asar ulit sa kanya. Tinext ko siya kaagad at nagpipigil talaga ako ng tawa dahil naiimagine ko siyang ganun. Bwahaha!

 

Hoy Ramapithecus.

 

Yan yung tinext ko sa kanya. Nung nabanggit niya kasi yung origins of human, naisip ko kaagad yan. Wala pa sigurong isang minuto ay nagreply agad siya.

 

Mali ka ata ng tinext. Should’ve sent that to Alvarro, slave afarensis.

 

Nanlaki naman yung mata ko sa tinext niya. Grabe! Akala ko kay Darryl lang ‘to may malaking galit, pero ngayon pati kay Dave, meron na rin!

 

Mali ka rin ata ng pinagsendan. Should’ve sent that to your seatmate, lord Ramapithecus.

 

Jealous of her, slave afarensis?

 

Asa ka.

 

:)

 

Napatigil naman ako sa pagtetext nung nareceive ko yung smiley na reply niya. Bigla ko kasing na-imagine na siya yung nakangiti. Uggghh! Bwisit na yan! Hindi na lang ulit ako nagtext sa kanya hanggang sa matapos yung klase namin dahil naiimagine ko talaga yung nakangiti niyang pagmumukha. Naiimagine ko yung expression niya nung kumanta kami noon sa Quantum.

 

Ang gwapo niya—crap. Tama na nga ang pag-iisip ng kung anu-ano! Naaabnormal na naman ako. Kainis!

 

Umattend ako sa iba ko pang klase ngayong araw. Nagfocus na lang ako dahil kailangan ko nang magsipag ulit. Nagiging competitive ako ngayon dahil sa bagong ranking namin. Oo, hindi naman big deal sa akin yun, pero di ba, parang deep inside, gusto mo pa ring maging competitive.

 

After that, dumiretso na agad kami kina Patrick. Yung mga lalaki, sumabay sa sasakyan niya, samantalang kaming mga girls, hinatid ng daddy ni Steff. Takte, makikita ko na naman siya. Sana lang, mapanindigan ko yung pinagsasabi ko kay Keisha kanina.