.

.

Chapter 47

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

“Okay, game na game na,” sabay palakpak ni Alexa kaya sumunod na lang kami sa kanya. Unang nagpractice sina Steff. Ang kantang napili nila ay yung Gemini ng Sponge Cola. Syempre, halos perfect na yung performance dahil bukod sa parehong maganda ang boses ni Steff at Darryl, magaling rin sa instruments sina Gisel at Charmaine. At syempre, may kilig factor rin sa vocalists nila. Kahit nagtitinginan at nagngingitian lang sila minsan, mapapangiti ka rin dahil nakakakilig naman kasi talaga sila.

 

Sumunod na nagpractice ay sina Kevin at Lalaine. Ang music nila ay yung Watcha Say at ayos naman yung sayaw nila. Kaso may naalala ako bigla nung nakita ko silang sumasayaw. Naalala ko yung performance namin nung Feb Fair at yung ginawa niya nun. Ang eepal kasi ng mga estudyante noon at may pasigaw-sigaw pa ng ‘Royalty Kiss’ chuchu. Napahawak tuloy ako noo ko. Yun ang unang pagkakataon na may humalik sa akin.

 

“Reminiscing something?” nagulat naman ako nung may bumulong sa tenga ko. At halos kilabutan ako ng boses niya ang narinig ko kaya napatingin ako sa likuran ko. Naka-smirk siya sa akin at nakapamulsa sa pantalon niya.

“Asa ka,” saka ko siya tinalikuran ulit.

 

Bwiset na yun! Nakita niya yung paghawak ko sa noo ko! Ugh! Nakakahiya! Shocks talaga. Feeling ko sasabog na yung mukha ko sa sobrang kahihiyan. Mamaya kung anu-ano ng iniisip ng lord Ramapithecus na yun!

 

Nung natapos na sina Kevin at Lalaine, yung group naman namin ang pumunta doon sa gitna. Umakbay pa sa akin si Dave habang naglalakad papunta doon kaya napatingin ako sa kanya.

 

“Hoy Dave,” saka ko siya sinamaan ng tingin. Aba kahit napatawad ko na siya, may restrictions pa rin siya no. Kung makaakbay ‘to, akala mo best friend kami ah? Kung dati niya ‘to ginawa baka kiligin pa ako.

“Grabe aakbay lang eh. Fine,” tapos tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko, “Kung nakakamatay lang ang tingin, double dead na ako ngayon,” tapos tumawa siya at saka pumwesto doon sa drums. Pinagsasabi nun?

 

Dahil Jump Then Fall nga ang kakantahin namin, inaral ko na yung tono at lyrics nun nung isang araw. Buti na lang at madali lang. Pero dahil hindi ko pa alam kung paano namin hahatiin yung kanta, lumapit ako kay Patrick para tanungin siya.

 

“Oy, paano natin kakantahin ‘to?” sabay turo ko doon sa papel kung saan nakasulat yung lyrics ng kanta.

“First and fourth verses will be mine. Sabay na lang tayo sa chorus.”

“Okay,” tumalikod na ako sa kanya at naglakad papunta doon sa pwesto ko.

“Jump then fall into me,” bigla akong napalingon ulit dahil sa narinig ko.

“Huh?” napatingin siya sa akin at kumunot yung noo niya.

“Bakit?” Okay mukhang guni-guni ko lang yun. Shet ano bang nangyayari sa akin!

“Wala!” this time, dumiretso na talaga ako sa pwesto ko at hinawakan yung mic.

 

Nagsimulang tumugtog sina Patrick, Dave at Alexa para sa intro. Tapos kinanta ni Patrick yung first verse.

 

“I like the way you sound in the morning

We're on the phone and without a warning

I realize your laugh is the best sound

I have ever heard”

 

Maganda naman talaga yung boses niya. Malamig sa tenga at nakakakilig pakinggan. Wag ka nga lang titingin sa mukha niya dahil nakakabwisit. Pero bigla kong naalala yung time na narinig ko yung boses niya sa phone nung kagigising niya pa lang. Bigla akong kinilabutan. Shet! Ano bang pinag-iisip ko!

 

Kinalma ko na lang yung sarili ko. At dahil turn ko na, fineel ko na lang yung music.

 

“I like the way I can't keep my focus

I watch you talk, you didn't notice

I hear the words but all I can think is

We should be together”

Bigla naman kaming nagkatinginan. Pero imbes na iiwas ko yung tingin ko, parang na-glue na lang yung mata ko sa mga mata niya. Naramdaman ko rin yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Pero ang hindi ko lang talaga inaasahan ay yung pagsmirk niya sa akin na para bang nang-aasar siya. Buti na lang at na-maintain ko yung boses ko. Lecheng Patrick! Kung anu-anong pantitrip na naman ginagawa niya!

 

 

“Every time you smile, I smile

And every time you shine, I'll shine for you”

 

Nabigla ako nung bigla siyang sumabay sa refrain. I mean, akala ko ako lang ang kakanta nun. Pero nabigla ako kasi ang ganda ng blending na nangyari. Napatingin ulit ako sa kanya pero this time, nakapikit siya habang naggigitara at kumakanta.

 

“Whoa, oh, I'm feeling you baby

Don't be afraid to

Jump then fall

Jump then fall into me”

 

This time, bumukas na ulit yung mga mata niya at hindi ko na naman maalis yung paningin ko sa kanya. Takte! May magnet ba yung mga mata niya? Ang lakas ng attraction ha!

 

“Be there, never gonna leave you

Say that you wanna be with me too

So I'mma stay through it all

So jump then fall”

 

Tinuloy ko na lang yung pagkanta habang pinipilit kong iiwas yung tingin ko sa kanya, pero shet lang talaga. Kulang na lang sumabog na ako rito dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Buti nga at hindi nahahalata sa boses ko na kinakabahan ako. Hindi rin niya inaalis yung paningin niya sa akin. Tapos paminsan-minsan, ngingiti siya ng nakakaloko. Nung nakarating na kami sa bridge, siya na lang yung kumanta at sa pagbanggit niya ng lyrics nun, bigla akong may naalala.

 

“The bottom's gonna drop out from under our feet

I'll catch you, I'll catch you

And people say things that bring you to your knees

I'll catch you

The time is gonna come when you're so mad you could cry

But I'll hold you through the night until you smile”

 

Naalala ko yung time na umiyak ako sa kanya nung nalaman ko yung tungkol sa ginawa ni Dave. Naalala ko rin yung slumber party ni Tricia at nung umiyak ulit ako sa kanya dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Habang sinasabi niya yung lyrics, pakiramdam ko, sinasabi niya yun sa akin.

 

Buti na lang at natapos na yung kanta. Pagkatapos na pagkatapos nun ay dumiretso agad ako sa banyo. Napaharap ako sa salamin at hindi ko na maipinta yung itsura ko. Para akong iiyak na sasabog na ewan. Nagstay ako dun for three minutes para kalmahin yung sarili ko. After that, lumabas rin agad ako pero muntik na akong madulas dahil biglang sumulpot si Steff sa harap ng banyo.

 

“Walang hiya ka, Steff! Mamatay ako ng maaga sa’yo eh!” sabay hawak ko sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat sa kanya.
“Haha! Yung itsura niyo kasi kanina! Halatang-halata ka,” nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Steff.

“Utot mo.”

“Oo nga! Super titigan pa kayo kanina. Para kaming hindi nag-eexist. Dami nga naming pictures. Nakakakilig kayo tignan!”

 

Oh my gosh. Shet. Ganun ba ako kahalata? Ibig sabihin, alam na nila? Hala naman! Nahalata rin kaya ni Patrick? Ah shet! No way! Nakakahiya! Kainis!

 

“Steff, halatang-halata ba?” sabay hawak ko sa braso niya.

“Oo. Super! Hahaha! Kulang na lang tunawin mo na siya sa titig eh.” kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘to, kanina ko pa siya finlush dito sa bowl. Kung makapagsalita akala mo hindi siya dumaan sa phase na ‘to. Mas halata pa nga siya dati eh!

“Tapos naman na yung practice di ba? Sabihin mo sa kanila nauna na ako, ha? Bye!” sabay takbo ko palayo kay Steff.

“Teka Jess!”

 

Buti na lang at hindi nakikita mula sa sala kung dadaan ako rito sa may pintuan sa kusina. Umikot ako para mapunta ako doon sa main entrance ng bahay nila at para makalabas ako sa gate. Hassle nga lang dahil medyo malayo. Ang laki naman kasi ng bahay nila!

 

“And where do you think you’re going?” napatalon ako sa sobrang gulat nung may nagsalita sa likuran ko. Syempre, kilalang-kilala ko na kung kaninong boses yun kaya nakatalikod pa rin ako sa kanya dahil nahihiya ako sa pinaggagawa ko kanina.

“A-aalis na.”

“Hindi mo dadalhin yung bag mo?” Crap! May dala nga pala akong bag! Hala naiwan ko sa loob!

“Ah! Pinakuha ko kay Steff! Ha-ha.”

“Liar,” tapos nagulat na lang ako nung nasa gilid ko na siya at hinagis niya sa akin yung bag ko. Tss. Dala-dala naman pala niya tapos tatanungin pa ako!

“Come with me,” tapos hinila niya bigla yung braso ko.

“Teka, teka! Saan tayo pupunta?”

“Ihahatid na kita, slave,” saka niya ako pinasakay doon sa loob ng kotse niya.