.

.

Chapter 48

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Maaga akong pumasok ngayon dahil feel ko lang. Pero nasira agad yung araw ko dahil nakita ko na namang magkasama si Patrick at Keisha. Nung nakita ako ni Keisha, lumapit pa siya lalo kay Patrick at kinakausap pa niya, sabay ngiti.
Hinayaan ko na lang siya dahil wala naman akong karapatang mainis o magalit. Nagfocus na lang ako sa pag-aaral. Kailangan kong pataasin yung rank ko. Pero hindi naman dahil sa title ng Campus Princess. Gusto ko lang mamaintain yung mataas na grades, at syempre sino ba namang ayaw mapataas ang grades niya, di ba?

 

Nag-uusap na rin kami sa mga preparations na dapat pang asikasuhin para sa party for freshies. Sa isang araw na kasi yun. Madalas ko na ngang kasama si Dave tuwing break eh. Kinukulit niya ako sa pagbawi niya raw sa friendship namin. Hay. Kung dati pa siya ganito, mahal na mahal ko na siguro siya ngayon. Leche kasing Dave ‘to eh, ang dami pang kalokohan sa buhay.

 

“Huy. Kanina ka pa tulala,” napatingin naman ako kay Dave na kumakain ng burger.

“Ha? May sinasabi ka ba?”

“Sabi ko si Keisha at Reyes na.” Halos bumara sa lalamunan ko yung kinakain kong burger dahil sa sinabi niya kaya dali-dali niyang inabot yung softdrinks. Nung nakasurvive na ako, tumingin ulit ako sa kanya.

“SILA NA?! Ke-kelan pa?!”

 

Hindi na maipinta yung itsura ko dahil sa sobrang gulat. Kaya ba ganun na lang ka-confident si Keisha pag nakikita ko sila? Kaya ba sinasabi niyang nakakagulo ako sa kanila?

 

Pero nasira yung confusion ko nung biglang tumawa si Dave ng malakas, to the point na napapatingin na sa amin yung mga nakaupo sa kalapit naming table. Binatukan ko siya ng malakas.

 

“Aray!” sabay hawak niya doon sa part ng ulo niya kung saan ko siya sinapok.

“Pinagtitripan mo ba ako? Gusto mong friendship over na talaga?!”

“Di ka kasi nakikinig eh. Gusto mo pa yung tinatakot ka,” sabay smirk niya sa akin. Aba talaga naman!

“So, hindi yun totoo?”

“Tingin mo?” hindi pa rin matanggal yung nakakaloko niyang ngiti.

“Umayos ka Dave ha,” tsaka ko siya tinignan ng masama to the point na tumirik na yung mata ko.

“Haha! Joke lang yun! Di ko naman na masyadong nakakausap si Keisha eh.”

“Tss. Magpinsan nga kayo.”

“Hala? Bakit? Bakit na naman?”

“Pareho kasi kayong nakakainis.”

 

Magwawalk-out na sana ako dito sa cafeteria kaso biglang may pumasok. At kung minamalas ka nga naman oh. Si Keisha at Patrick pa ang pumasok. Syempre, bumalik agad ako sa upuan ko. Pagkaupo ko, ayan na naman yung nakakalokong ngiti ng walanghiyang Dave na ‘to. Kaso ang hindi ko inaasahan, sinipa niya yung binti ko sa ilalim ng lamesa! Hayup ‘to ah!

 

“Aray ko!” tapos nanlisik na yung mata ko sa kanya.

“Oh? Anong nangyari sa’yo Jess? Ayos ka lang ba?” nagulat naman ako nung biglang nilapit ni Dave yung mukha niya sa mukha ko. At talagang hinawakan niya pa yung mukha ko!

“Hoy! Anong ginagawa mo?!” bulong ko sa kanya nung sobrang lapit na ng mga mukha namin.

“Gumagawa ng eksena. You’ll thank me later for this,” and then he smirked again, “May masakit ba sa’yo, Jess?” sabi niya ng malakas at nakatingin lang siya sa mga mata ko na para bang nagwoworry siya. Syempre dahil gwapo siya at sobrang lapit nga ng mukha niya, uminit na yung mukha ko dahil sa sobrang hiya.

“Walang masakit!” pilit kong nilalayo yung mukha ko kaso ang lakas niya! Leche ‘to ah!

“Wow, you’re blushing,” sabay ngiti niya sa akin kaya lalo pang nag-init yung mukha ko. Ahhh shet na Dave ‘to! Ano bang pinaggagawa niya?!

 

Bigla naman kaming nakarinig ng ingay sa may bandang likuran ko. Dahil nakatingin doon yung mga estudyante sa cafeteria, napatingin rin ako. Buti na lang hindi na mahigpit yung hawak ni Dave sa mukha ko.

 

Pagtingin ko, may natapong pagkain doon sa lapag. At... at kay Patrick yun. Napatingin naman siya bigla sa direksyon namin at mukhang bad mood siya. Ramdam na ramdam ko rito yung death vibes niya. Whooo! Matagal ko ring hindi naramdaman yun ha! Takte, nakakatakot talaga siya pag seryoso!

 

“See? It’s effective.” Napalingon ulit ako kay Dave dahil sa sinabi niya, “He’s jealous.”

 

Napanganga na lang ako. Siya? N-nagseselos? Dahil ba sa pinaggagawa ni Dave? Syempre, nagsimula na rin akong mag-assume. Ah shet!

 

“Paano mo naman nasabi?” tanong ko kay Dave.

“Man’s instinct,” sabay shrug niya sa balikat niya. May nalalaman-laman pa siyang man’s instinct. May instinct ba ang mga lalaki? Tsk. Mamaya pinagloloko na naman ako ng lalaking ‘to.

“Teka, para makasigurado,” hinatak ko yung kwelyo ni Dave kaya nagulat siya. Pffft! Itsura niya! Hahaha! Syempre, ilang inches lang ang layo ng mukha ko sa kanya kaya sinamaan ko na siya agad ng tingin dahil baka may gawin ‘tong hindi maganda.

“Amasona ka talaga,” bulong niya sa akin.

 

After ilang seconds, biglang may malakas na tunog na nanggaling ulit sa likuran namin. Pagtingin ko, yung screen door ng cafeteria ay nagssway-sway pa. Ay, nagwalk-out si unknown particle?

 

“Ano? Naniniwala ka na?”

 

Pinigil ko yung sarili ko sa pagwawala dito sa cafeteria kaya kinagat ko na lang yung dila ko. Gosh! Totoo ba yun? As in totoong-totoo? Nagseselos siya? Takte wag niya akong paasahin! Nag-aassume na talaga ako sa mga oras na ‘to!

 

Hah! Ano ka ngayon, Keisha?

 

Masaya akong pumunta sa next class ko. Ang active ko nga ngayon sa mga klase ko eh. Mukhang bumabawi talaga si Dave sa akin ah? In fairness, umeeffort talaga siya. Tsaka shet! Gusto kong kiligin ngayon pero baka mapagkamalan akong baliw ng mga classmates ko!

 

“Hoy Jess, nagdadrugs ka ba? Mukha kang high,” bungad sa akin ni Alice nung tapos na yung class naming pareho. Binatukan ko nga. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to eh. Nakatambay kami ngayon dito sa garden dahil hihintayin pa namin yung ibang Campus Princes at Princesses para sa last practice namin. Etong si Alice, sasama raw. Papanoorin niya raw si Kevin. Hay naku.

“Maybe she’s...kinikilig,” napatingin naman agad kami  sa likuran namin at nakita namin si Yna na papalapit.

“At bakit ka kaya kinikilig?” this time, nagparamdam na ang nakakalokong ngiti ni Alice.

“I saw her sa canteen kanina. She’s with Dave and then Patrick and that Keisha came. And then... and then... aaahhh!” at ayun, nagtatalon si Yna sa harapan namin. Well, at least, medyo nagsasalita na siya ng Filipino. At saka nawawala na rin yung accent niya ha. Pero bigla niyang nilabas yung phone niya at pinakita yun kay Alice.

“Haha! I’m on ninja mode kanina. I recored everything!”

 

Napa-facepalm na lang ako. Ibig sabihin nasa labas lang ng cafeteria kanina si Yna? Nag-ninja mode talaga siya! Putek! Tapos pinagtatawanan na nila akong dalawa rito. Wagas pa makahalakhak si Alice, ang sarap pasakan ng bibig!

 

Wala kaming ginawa kundi magdaldalan at mag-asaran hanggang mag-five. Sasama na rin daw si Yna since wala naman daw siyang gagawin mamaya. Kaya ayun, hinintay na lang namin sina Steff.

 

Nung bandang 5:30 na, nakumpleto na kami. Sumabay yung girls sa car naman ni Charmaine habang yung guys, kay Patrick pa rin. Pagdating namin doon, inayos agad nila yung instruments para makapagsimula na. Si Alice naman ngayon ang ninja mode at pasulyap-sulyap sa crush niyang si Kevin. Si Yna naman, nakaupo lang doon sa sofa at nakatingin sa ginagawang pag-aayos ng instruments.

 

Gaya ng routine namin, nagsimula na kaming magpractice. Pero nung part na namin, masyado akong naconscious dahil sa mga nangyari kanina. At parang bad mood pa rin ‘tong unknown particle na ‘to. Pag sa harap naman ako tumitingin, nakikita ko yung mga bwisit na expressions nina Steff, Alice at Yna. Mga babaeng ‘to! Kung makangiti sila akala mo may mga gagawing masama eh.

 

Natapos naman agad kaming lahat sa isang practice lang. Mukhang kayang-kaya na namin sa mismong performance. Dahil maaga pa, naglaro muna yung iba. Yung iba naman, binuksan yung TV at nanood ng kung anu-ano. Sinundan naman ng mga mata ko si unknown particle at pumunta siya sa garden nila. Habang di nakatingin yung ibang nilalang, sinundan ko siya.

 

Nung nasa garden na kami, nakita kong nakaupo lang siya sa kahoy na bench doon. Ako naman, biglang natauhan. Bakit ko nga ba siya sinundan dito?! Wala naman akong sasabihin. Tsaka kung meron man, hindi ko naman alam kung paano sasabihin. Hay.

 

Tumalikod na lang ako. Balak ko sanang bumalik na doon sa sala kaso biglang may humatak ng kamay ko at kinaladkad ako. Syempre, sino pa nga ba ang gagawa nun? Pero nagulat ako sa ginawa niya dahil kanina lang ay nakaupo siya doon sa bench tapos biglang ngayon, hatak-hatak na niya ako.

 

“O-oy! Teka! Bakit ba?” huminto siya sa paghatak sa akin at nag-end up rin kami sa bench na inuupuan niya kanina.

“Sit,” sabay tap niya doon sa tabi niya.

“Ano ako, aso?” saka ko siya inirapan. Pero syempre, umupo rin naman ako. Baka aso nga ako?

 

Walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang rin ako sa iba’t ibang flowers na nakatanim sa paligid. Ang ganda ng garden nila. Ngayon ko lang ‘to naappreciate dahil ngayon ko lang rin naman talaga natignan ng mabuti.

 

“Kayo ba ni Alvarro?” bigla naman akong napatingin sa kanya at nakayuko lang siya.

“H-ha? Hindi ah! Duh?!” bumilis yung tibok ng puso ko. Shocks. Dahil ba sa nangyari kanina? Nagseselos ba talaga siya?

“Tsk.” Napabuntung-hininga naman siya at sinandal niya yung ulo niya sa may bench tapos pumikit siya.

“Bakit? Selos ka? Hahahaha!” pa-joke kong sinabi sa kanya pero ang totoo niyan, sobrang kinakabahan na ako ngayon. Bigla niyang ginalaw yung ulo niya sa direksyon ko at tumingin siya sa mga mata ko. Feeling ko kinukuhanan niya ako ng oxygen. Hindi ako makahinga ng maayos!

“Pag sinabi kong oo, anong gagawin mo?”

 

Ten seconds. Twenty. Thirty.

 

Natulala na lang ako sa sinabi niya. Parang nakalimutan ko kung paano huminga at gumalaw. Teka. Baka mali na naman yung rinig ko. Shet. Pwede bang i-replay ulit yun? Teka, oh my gosh! Oo raw? Tsaka anong gagawin ko?

 

PAKSHET GUSTO KONG MAGWALA!

 

“You looked like an afarensis right now. Pffft,” sabay tawa niya. Shet. Tama na! Combo na ‘to! Tumawa naman siya ngayon! Anong nangyayari?!

“Ha? Ano? Ha?” bigla naman siyang tumayo at hinatak na naman niya yung braso ko.

“Let’s go, slave. Wag mo akong solohin,” saka siya nagsmirk.

 

Buti na lang talaga at nauuna siyang maglakad sa akin habang hatak-hatak niya yung braso ko. Buti na lang at hindi niya nakikita yung pagmumukha ko ngayon. Feeling ko binudburan ng blush on yung buong mukha ko! Peste talaga siya! Kung anong pinagsasabi niya!

 

ANONG SOLOHIN?! SIRA BA SIYA?!