.

.

Chapter 49

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Para akong zombie na naglalakad ngayon.
Feeling ko sobrang itim ng eyebags ko. Bwisit kasi na unknown particle yun! Kung anu-anong pinagsabi kahapon! Di tuloy ako nakatulog ng maayos. Ugh. Ang sakit ng mga mata ko.

 

“Hey!”

“Ay bakulaw ka!”

 

Napatingin naman ako doon sa sumundot sa tagiliran ko at si Dave lang pala. Takte rin ‘tong lalaking ‘to eh. Kitang nagmumuni-muni ako, tapos biglang mangingiliti!

 

“Grabe ka. Bakulaw ako?” sabay pa-cute niya pa sa harapan ko.

“Oo. Tapos ako, zombie. Masaya ka na?”

“Hindi.”

 

Hinayaan ko na lang siya. Nandito kami ngayon sa greenfield. Dito kasi gaganapin yung freshie party bukas. Buti nga at wala na kaming practice dahil hindi ko na kaya. Inaantok na talaga ako ngayon. Kung wala lang talaga akong klase mamaya, kanina pa ako umuwi para matulog.

 

“May isusuot ka na ba para bukas?” napatingin naman ako kay Dave.

“Oo. Semi-formal lang naman eh.” Magcocoktail dress na lang ako. Marami naman dun sa closet ko eh.

“Pfft. Para ka talagang zombie,” sabay pigil pa niya sa tawa niya.

“Hindi nga kasi ako nakatulog kagabi! Tsk. Inaantok na ako. Takte may klase pa naman ako mamaya,” saka ako napatingin sa relo ko. One and a half hour pa naman bago yung susunod kong klase. Kung matulog kaya muna ako?

“Matulog ka muna.”

“Saan naman ako matutulo—” nagulat ako nung bigla niya akong hilahin. Napahiga tuloy ako sa bag niya na nasa lap niya.

“Anong oras ba klase mo? Gigisingin na lang kita.”

“Talaga? Pag ako hindi mo ginising ha! Sasapakin talaga kita!” bigla naman siyang tumawa. Mas bagay talaga sa kanya pag nakatawa o kaya nakangiti.

“Oo nga. Promise!”

“2:30.”

“Okay.”

 

Pagkasabi niya nun, pumikit na agad ako.

 

***

“Jess, gising na. Malapit na magstart yung klase mo. Huy.” Nakaramdam  naman ako ng pagyugyog kaya kahit ayoko pang idilat yung mga mata ko ay ginawa ko na. Bumalandra agad sa harapan ko yung pagmumukha ni Dave.

 

“Good afternoon,” sabay ngiti niya. Inirapan ko na lang siya. Alam ko namang nag-eeffort talaga siya para raw sa friendship namin pero hindi naman na kailangan nun. Natanggap ko na yung sorry niya dati at friends naman na talaga kami ngayon.

 

Bumangon ako at nag-inat. Puro damo tuloy yung likod ko dahil sa paghiga ko.

 

“Dave, papagpag ng likod ko.”

“Aba, alalay na ba ako ngayon?” saka niya pinagpagan yung likod ko. Bigla ko namang naalala si unknown particle dahil sa sinabi ni Dave. Pinagpagan ko rin yung likod niya dati pero nilakasan ko yun kasi naiinis ako sa kanya. Shet na yan. Bakit ko ba siya naiisip?

 

Nagpaalam naman ako kay Dave at umattend ng class ko. At nakakabanas lang dahil film showing yung ginawa namin ngayon. Bwisit! Sana pala umuwi na lang ako kanina pa. Film showing lang naman pala! Mahahanap ko naman ‘to sa internet. Kainis.

 

Pagkatapos ng class ko, balak ko na sanang umuwi para matulog at makapagprepare na bukas. Pero naalala kong hindi ko man lang nakita ngayon yung tatlong babae. Ang alam ko, break nila ngayon eh. Nasa garden kaya sila?

 

Dahil tinatamad akong ilabas yung phone ko, dumiretso na lang ako sa garden at nagbabakasakaling nandoon nga sila. At bingo!

 

 

Wala sila dito.

 

Hay naku. Hayaan na nga. Makikita ko naman sila bukas sa party. Ang kailangan ko talaga ngayon ay tulog.

 

Palabas na sana ako dito sa garden kaso may humarang sa akin. Ewan ko pero biglang nawala yung antok ko at napalitan ng tensyon dahil kaharap ko ngayon si Keisha.

 

“Bakit?” tanong ko kaagad sa kanya.

“Pwede ka bang makausap ulit?” kinabahan naman ako sa tono niya dahil seryosong-seryoso siya.

“Uhm, sure,” pagkasabi ko nun, nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Saka ko narealize na nandito na kami ngayon sa greenfield.

 

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nakatingin lang siya sa preparations na ginagawa para bukas doon sa gitna ng greenfield, habang ako ay nakatingin sa likod niya.

 

“Sorry,” nagulat naman ako sa narinig ko mula sa kanya.

“H-huh?” hindi ko kasi alam kung nabibingi lang ba ako o ano.

“Sorry, Jess,” tapos bigla siyang humarap sa akin, “S-sorry talaga.” Bakas sa mga mata niya na parang papaiyak na siya kaya nilapitan ko siya lalo.

“Wait, ano bang nangyayari sa’yo?” bigla na lang siyang nagsosorry. Natatakot tuloy ako.

“Alam ko namang sa simula pa lang, wala na akong pag-asa,” sabay tumulo na yung luha niya. “I know it’s not going to work pero pinilit ko pa rin. Akala ko kasi, kahit papaano, maaappreciate niya ako.

 

Narealize ko naman agad kung ano yung mga sinasabi niya. Unti-unti na ring bumibigat yung pakiramdam ko dahil nakikita ko siyang umiiyak sa harapan ko.

 

“Gustung-gusto ko na siya kahit nung freshmen pa tayo. Pero mukhang hindi naman siya ganun kasociable. Pag nakikita ko siya, lagi siyang mag-isa o kaya naman si Tiffany Damian yung kasama niya. I already noticed na may gusto siya kay Tiffany. Nawalan na ako ng pag-asa nun. Pero nung nalaman ko yung issue about kay Tiffany at Darryl, sinubukan ko ulit na lapitan siya. Pero during that time, ikaw na yung lagi niyang kasama. And I saw that he’s really interested in you.”

 

“Huh?” nagulat ako sa sinabi niya nung huli. Paano niya naman yun nalaman? Interesado sa akin yung unknown particle na yun dati? Napansin niya ata yung tingin ko kaya ngumiti siya sa akin.

 

“I’m always looking at him kaya alam ko kung kanino rin siya nakatingin. Laging nasa’yo yung paningin niya. Hindi mo lang siguro yun napapansin dahil nasa iba rin yung paningin mo.” Parang lumubog yung puso ko dahil sa sinabi ni Keisha. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. At bakit niya ba ‘to sinasabi ngayon?

 

“I was blinded by love. Naging selfish ako. Hindi ko naisip yung nararamdaman niya,” tapos pinunasan niya yung luha niya.

 

“Teka, Keisha. Bakit—”

 

“N-nag-usap na kami. At nasabi niya na rin sa akin yung matagal na niyang tinatago. Alam ko naman na yun eh. Pero masakit pa rin pala talaga kapag galing mismo sa kanya,” bigla naman siyang ngumiti ng malungkot.

 

“Eto oh,” tapos inabot ko sa kanya yung panyo ko. Syempre, alam ko yung nararamdaman niya. Ayoko nang makakita ng pag-iyak. Nadala na ako sa ginawa ko nung mga nakaraang linggo. Wala naman kasing mangyayari kung iiyak lang ako nang iiyak.

 

Inabot niya yung panyo at pinunasan niya yung luha niya, tapos ngumiti ulit siya sa akin. Pero nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

 

“Thank you. Dahil sa’yo, mas nakilala ko pa siya. And sorry kasi nasaktan kita.” Hindi ko naman napigilang hindi maiyak. Takteng Keisha ‘to. Sabi ko hindi na ako iiyak eh!

 

Pero kahit papaano, gumaan na yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Patrick. Hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi niya, pero kahit papaano, alam ko na kung anong nararamdaman niya. Masaya ako ngayon kasi naayos na namin ni Keisha yung sitwasyon namin. Pero naaawa ako sa kanya. Nagmahal lang rin naman siya.

 

Bumitaw si Keisha sa pagkakayakap sa akin.

 

“S-sorry. Haha. Nagdrama pa ako sa’yo.”

“Ha? Okay lang.”

“I know. Kasi alam kong ikaw yung mas makakaintindi sa akin,” sabay talikod niya sa akin tapos naglakad na siya palayo. Pero agad rin siyang huminto. Akala ko lilingon siya sa akin, pero bigla na lang siyang sumigaw.

 

“YOU WON!” sabay takbo niya palayo. Nung una, nashock ako sa ginawa niya dahil hindi ako sanay na sumisigaw si Keisha. I mean, ang hinhin niya kaya. Pero napangiti na lang ako dahil naintindihan ko yung sinigaw niya.

 

So I’m the best woman for him.

 

Nakapagdesisyon na ako. Bukas. Bukas, sasabihin ko na talaga sa kanya. Humanda ka sa akin unknown particle.