.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Alam niyo yung feeling na imbes na nagsstalk ako ngayon sa crush ko na si Patrick (shet bakit ba kasi parehas sila) Dave Alvarro eh kasama ko 'tong hayup na Patrick Reyes na 'to? Alam niyo yun? Ang sakit lang eh! Ang saklap!

 

"Are you done?"

 

Tinignan ko siya ng masama. Ang kapal talaga ng mukha! Naku kung di lang ako binablackmail neto eh matagal ko na siyang sinaksak ng hawak kong g-tech! Aba, ipagawa ba naman sa akin yung assignment niya sa Art Studies 1?! Naku talaga buti di ko siya classmate doon kundi eh papakamatay na talaga ako.

 

"Hindi pa. Kailangan ko ng ruler." sabi ko sa kanya with matching masamang tingin.

"Bakit? Aanhin mo ang ruler? Eh essay lang naman yan?" Kita niyo? Sumasagot pa eh!

"Susukatin ko lang kung gaano kakapal yang mukha mo!" sabay irap ko sa kanya.

"Wow, that's a good joke miss. Nice try." tapos ayan na naman yung ngiti niyang mukhang aso.

 

UGH! Badtrip talaga! Ang kapal ng mukha niya! Mga 10 cm deep!

 

Andito kami ngayon sa.. ewan ko kung saan 'to pero ang alam ko tumambay na si Steff dito dati eh. Eto yung sinabi niya sa amin na kung saan niya nakita si hayup na unknown particle. See? Mukhang inlababo pa rin siya kay Steff. Bwahahaha! Magdusa siya dahil di siya ang mahal ni Steff!

 

So andito nga kami sa green fields sa likod ng Humanities building. In fairness ha? Ang hangin dito at presko. Pero di ko yun mafeel dahil may masamang aura na bumabalot sa tabi ko. Psh.

 

Pero nakakainis talaga eh! Bakit ba kasi andito ako at ginagawan ko ng essay 'tong lalaking 'to? Oh yeah I forgot, expelled na sana pala ako kundi dahil sa kanya. Yeah right.

 

"Tapos na ba? Ang tagal naman." sabay hikab niya pa. Oh oo nga pala, nakahiga siya sa damuhan ngayon. At alam niyo ba na ang sarap tapakan ng mukha niya ngayon? Pero baka pag ginawa ko yun eh maexpel na ako ng tuluyan.

 

Control yourself Jess. Inhale. Exhale. Wooooooh.

 

"Wow salamat sa thank you ha?"

"You are welcome."

 

Naku pigilan niyo talaga ako!! MAPAPATAY KO TALAGA 'TONG LALAKING 'TO!!

 

"Dalian mo. Ten minutes nalang klase ko na."

"Excuse me? Mukha bang ikaw lang ang may klase? May klase din ako no!"

"Kaya nga dalian mo eh."

"Eh kung di ka rin naman tamad eh di sana ginawa mo na 'to kagabi pa! Oh ayan na!!" then inabot ko sa kanya yung essay na ginawa ko. Pasalamat siya maganda ang sulat ko kahit nagmamadali. 

 

Bigla naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga tapos tinitigan ako.

 

"Ano na naman?!" kainis kasi nakatingin lang siya sa akin tapos di kumukurap. Sinong di mapapalagay di ba?!

 

Bigla naman siyang lumapit sa akin tapos tumalikod. "Pagpagan mo yung likod ko."

 

 

Kalma Jess. Kalma lang. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Woooooh.

 

 

Pinagpagan ko naman yung likod niya na puro damo. Pero hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko na gumanti. Nilakasan ko bigla yung pagpagpag ko sa likod niya.

 

"Ouch! What was that for?!"

"Oh sorry. Ganun lang talaga ako magpagpag." tapos nagsmile ako sa kanya tsaka ako sumimangot. "Panget mo! Bleeeeeh!!"

 

Tumalikod ako sa kanya tsaka ako tumakbo palayo. Tatawa pa sana ako dahil sa itsura niya kaso syempre uunahin ko muna ang kaligtasan ko. Mamaya bigla yung gumanti eh. Nakarating naman ako sa room ng "ligtas".

 

"Wow, late ka ata ngayon?" sabi sa akin nung katabi ko. Well, maaga kasi ako lagi sa mga klase ko. Ayoko ng nalelate.

"Ah kasi may nakasalubong akong baliw." magtatanong pa sana siya pero biglang dumating yung prof namin.

 

Pinapasa niya sa amin yung essay na assignment namin. Parehas kasi kami ng prof nung lalaking yun pero other class siya. After ata namin yung section nila. Naku naalala ko na naman na pinagawa niya ako ng essay niya! Grabe talaga sa kakapalan ng mukha!

 

Tapos nun eh pinanood lang kami ni Ma'am ng clip about Abstract Expressionism. Buti nga di ako nakatulog at natiis kong idilat yung mata ko hanggang sa matapos yung film. Di tulad nung katabi ko at yung nasa likod niya, tulog. Yung isa nakanganga pa. -__-

 

"Class, I want you to make a reflection paper about this clip. To be passed on our next meeting. Dismissed."

 

Okay. Sabi na nga ba. Paper na naman. Takte, parang masama ang kutob ko dito ah. Pakiramdam ko dalawang paper na naman ang gagawin ko. Sana mali 'tong pakiramdam ko.

 

Palabas na ako ng room nung may makita akong malas. Shet. Magkasunod nga pala klase namin! Papasok na siya sa pintuan habang ako eh palabas kaya todo iwas ko sa kanya nung magkakasalubong na kami.

 

"Hintayin mo ako after ng class mo." bigla niyang sinabi habang nagkakasalubong kami.

 

Napahinto ako doon pero siya eh tuluy-tuloy lang sa pagpasok sa room. Teka ano daw? Tama ba yung narinig ko? Hintayin ko siya after ng class ko?! Wow ha! Wow lang talaga!

 

NAKAKAINIS.

 

***

 

"Itsura mo Jess?"

"Para kang namatayan."

"Are you okay?"

 

Nakabusangot ako ngayon habang hinihintay yung prof namin sa Math. As usual, maaga kami dahil break namin before ng math. Pero nawalan na ako ng ganang magklase dahil eto na ang last class ko. Nakakainis lang dahil.. wait nga lang. Pwede ko naman siyang hindi hintayin ah? Tatakasan ko nalang siya. Tama! Hahaha!

 

"Geez, she's scary!"

"Oo nga biglang ngumiti! Katakot ka Jess!"

"Napossess na ata 'to."

 

Di ko nalang sila pinansing tatlo. Haaaay akala ko sobrang malas na ng araw ko ngayon eh. Tatakas nalang ako no! Aba sino ba siya para hintayin ko? Ang swerte naman niya!

 

Bigla namang nagvibrate yung phone ko. Syempre kinuha ko yun kaagad at tinignan kung sino ang nagtext.

 

From: Master (bakit ba hindi ko pa 'to pinapalitan?)

Subukan mong tumakas, may mangyayaring di maganda. :)

 

AT NAKAKAPUNYEMAS LANG HA!! Anong kalokohan na naman 'to?! Ano 'to napredict niyang tatakas ako?! At utang na loob lang hindi bagay na may smiley sa dulo ng sentence na 'to!! Nang-aasar ba talaga siya?!

 

"Hala ka nagbago na naman siya ng mukha!"

"My gosh, she's even scarier than before!"

"Siguro may problema yang si Jess."

 

 

"PWEDE BA TUMAHIMIK MUNA KAYO?!" sigaw ko sa kanilang tatlo dahil kanina pa nila ako pinag-uusapan.

 

 

 

"And pwede rin bang wag kang sumigaw sa klase ko, Ms. Morales?"

 

 

Napayuko naman ako ng di-oras nung biglang dumating yung prof namin. Shemay nakakahiya! Kasi naman eh! Bwisit na buhay 'to. Kasalanan 'tong lahat ng Patrick Reyes na yun eh! Napakamalas niya! Isa siyang malaking balat sa pwet!

 

Tumahimik nalang ako habang nagkaklase. Buti nalang medyo madali lang yung lesson ngayon sa Math kaya kahit di ako masyadong nakikinig eh naiintindihan  ko pa rin naman. After magdiscuss ni ma'am eh dinismiss niya na rin kami kaagad.

 

"Uy mga babae, una na ako ha?" sabi sa amin ni Steff habang inaayos yung bag niya.

"Asus! Siguro may date na naman kayo ni bebe boy mo no? Ikaw ha! Aminin mo na kasi!" sagot naman ni Alice sa kanya. Baliw rin kasi 'tong si Steff eh. Ayaw pa sabihin. Sus! Parang aamin lang naman eh.

"Adik. Ayoko nga! Bahala siya sa buhay niya. Sige na! Babu!" nagbeso-beso nalang kaming apat tapos tsaka siya tumakbo papalabas ng room.

"Jess, you have to meet him  right?"

 

 

Bakit alam ni Yna? 

 

"HA? HINDI NO! ASA NAMAN SIYA!" sabi ko nalang sabay hablot sa bag ko. Walanghiya naalala ko na naman yung bwiset na lalaking yun! Naku, magform lang yung mukha niya sa utak ko eh nababanas na kaagad ako eh!

"Ayiiiee! Ikaw ha Jess, lumalanjot ka na rin! Hahaha!" Ano daw?

"Anong pinagsasabi mo dyan Alice? At ano yun? Lanjot? San mo na naman natutunan yan?"

"Narinig ko lang dun sa isang babae! Haha! Cute kaya! Ang lanjot!"

 

Napailing nalang kaming dalawa ni Yna sa kanya. Nababaliw na rin ata 'tong si Alice. Malakas na ang tama neto.

 

"Oh sige mga babaita, mauuna na rin ako! Babu!" binilisan ko nalang yung lakad ko para di na sila makapagtanong. Panigurado mang-aasar na naman yang dalawang yan eh.

 

"BYE BYE! BALITAAN MO KAMI SA BAGO MONG PAPA HA!"

"DON'T FORGET THE DETAILS JESS! BYE!"

 

 

Napailing nalang ulit ako. Bakit ba ang aadik ng mga kaibigan ko? At bakit ba kasi ang malas ko ngayon? At bakit rin ba hihintayin ko siya? Nakakainis ang kapal talaga ng mukha niya. Huhuhuhu!

Puwesto ako doon sa may garden. Bahala siya. Within five minutes maghihintay ako, pero pag di siya dumating, aalis na ako. Aba, nasasayang ang oras ko sa kanya. Di naman siya importante. Paimportante lang. Tss.

 

"Uhm, e--excuse me?" napatingin naman ako doon sa babaeng kumalabit sa akin. Tapos nung lumingon ako eh parang nashock pa siya. Baka nagandahan masyado sa akin.

"Bakit?"

"May kasama ka ba sa table na 'to? P--pwedeng makiupo saglit?" wala naman akong kasama, so pwede naman siguro. Leche lang kas yung paimportanteng bakulaw na yun! Ang tagal! 54 seconds na ang nakakalipas ha!!

"Sure." then nginitian ko nalang siya. After nun eh umupo siya doon sa kabilang side.

 

Tinignan ko yung girl sa tapat ko. In fairness, maganda siya, pero syempre mas maganda ako. Chos! Tapos petite at demure siya kumilos. Nabaling naman yung tingin ko doon sa hawak niyang maliit na envelope. Ano kaya yun? Love letter?

 

"Napakatagal naman ng Reyes na yun! Grabe ha! Sayang na ang 2 minutes ko!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa timer sa phone ko. Tagal-tagal!

 

"E--excuse me ulit. Sinong Reyes po ang hinihintay.. niyo?" this time, napatingin na ako doon sa babae. Bakit niya naman tinatanong? Di kaya pinapunta rin 'to ni Patrick? Wag mong sabihing bumubuo siya ng slave community ng magagandang babae?! ABA!

 

"Patrick Reyes. Yung first prince."

 

Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh halos malaglag yung hawak niyang envelope with matching super shock expression. Tapos bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Okaaaaay. What is the meaning of this?

 

 

"P..pwede bang pakibigay 'to sa kanya?" sabay abot niya nung white envelope sa akin. "Pakisabi po, galing sa fianceƩ niya." sabay takbo papalayo sa akin.

 

 

Oh.. fianceƩ niya pala yun-- WHAT FIANCEE?!

 

MAY FIANCEE NA SIYA?!