.

.

Chapter 50

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Nakahanda na lahat ng isusuot at gagamitin ko para sa event mamaya. Pero hindi pa rin nakahanda yung katauhan ko. Sheeeet! Kinakabahan ako! Paano ko sasabihin? Paano kung fail? Takte sasabihin ko ba talaga? May gulay kinakabahan talaga ako!

 

“Ate—”

“Ay takte ka!” nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Pagtingin ko, pumasok pala si Roj. Akala ko kung sino na! Masyado na akong natetense!

“Kain na raw,” tapos lumabas na rin agad siya.

 

Napatingin naman ako sa wall clock sa kwarto ko at 12:30 PM na pala. Masyado akong naging busy sa paghahanap at paghahanda para mamaya. Hindi ko na rin kasi naasikaso kagabi dahil literal na nagwala ako. Syempre dahil kinonfirm na rin ni Keisha, ibig sabihin may gusto rin sa akin yung bwisit na unknown particle na yun. Eh hindi ko masyadong nacontain ang kilig ko pag-uwi ng bahay kaya nagpagulung-gulong ako sa kama kagabi. May pakagat-kagat pa ako sa unan tapos tumalun-talon pa ako.Ah ewan! Ikinahihiya ko ang sarili ko kagabi. Para akong baliw. Buti na lang at walang nakakita nun sa pamilya ko.

 

“Ate—”

“Ano na naman?” bigla na naman kasing pumasok sa kwarto ko si Roj. Akala ko sasagot siya pero hinarap niya lang yung phone niya sa akin habang may nagpeplay doon na video.

“Na-send ko na kina Ate Steff, Ate Alice at Ate Yna.” Halos mamutla ako nung makita ko na ako yung nasa video habang nasa kabaliwan state ako kagabi. Holy particle! Shet! Ibig sabihin nakita ako ni Roj kagabi? Takte hindi ko napansin na nasa pintuan siya! Napapikit na lang ako dahil kinikilabutan ako sa nakikita ko. Aagawin ko sana yung phone niya pero naitaas agad niya. At syempre, salamat sa 4’11’’ kong height at sa 5’7’’ niyang height, hindi ko siya maabot.

“Sasapakin talaga kita Roj! Burahin mo yan!”

“Don’t wanna,” sabay labas niya sa room ko pero hinabol ko rin kaagad siya. Hanggang sa hagdan ay naghahabulan kami.

“Roj! Pag ikaw naabutan ko, kita mo! Totorture-in kita!” bwisit ang lalaki ng hakbang niya!

“Kahit mabura mo ‘to, may kopya na ako sa laptop ko tapos nasend ko na sa kanila.”

“ROJ!”

 

Hanggang sa makababa kami sa sala ay hindi pa rin siya nagpapatinag. Kailangang mabura yun! Sobrang nakakahiya talaga! Para akong nasaniban ng kung anong malanding espiritu dun!

 

Nakita ko naman bigla si Mommy at si Daddy sa may dining table.Teka, bakit nandito sila? Ang alam ko nasa office sila ah? Pero hindi ko muna yun inintindi at hinabol ko pa rin si Roj. Bwisit na kapatid yan. Bakit kasi hindi ako pinagkalooban ng height?!

 

“Ayaw mong ibigay ha? Ihahack ko facebook mo!” pagkasabi ko nun, agad-agad akong tumakbo papunta sa second floor tapos pumasok agad ako sa kwarto niya. Pero aba ang bilis niyang tumakbo! Nasa likuran ko na kaagad siya! Kaso sadyang magaling lang talaga ako kaya bago pa siya makapasok sa kwarto niya ay nailock ko na kaagad yung pinto. Hah! Akala mo ha!

 

Sakto namang nakabukas yung laptop niya at hindi pa nakalog-out yung facebook niya. Nagstatus agad ako gamit yung account niya ng ‘Bading ako. Sorry Venice,’ tapos ti-nag ko si Venice. Natawa na lang ako bigla nung may mga naglike na. Halos gumulong ako sa pagtawa nung nilike ni Venice at nag-PM pa siya. Bwahahaha! Yari ka ngayon, Roj!

 

Aalis na sana ako sa harap ng computer pero nagulat ako nung biglang lumitaw yung status ko sa newsfeed. Nanlaki yung mata ko dahil naalala kong naiwan ko ring nakabukas yung facebook ko sa may kwarto ko! Siraulo talaga si Roj!

 

 

Unknown particle <3

 

Napasigaw at napasabunot na lang ako sa sarili ko nung nakita ko yung status na yun. Hayup ka talaga Roj! Tumakbo agad ako papunta doon sa kwarto ko at nagrambulan kami ng kapatid ko. Syempre, natalo agad ako. Pinulupot niya pa ako sa kumot bago siya tumakbo pabalik sa kwarto niya kaya hindi pa ako nakagalaw kaagad. Nakakainis! Kailan ba ako mananalo sa batang yun? Lagi na lang!

 

 

Napatakbo kaagad ako sa table ko at nagulat ako sa nakita ko. Naka-100 likes na yung inistatus ni Roj! At ang malala, nagcomment yung tatlong bruha! Ugh!

 

Steff Damian: HAHAHAHAHA! OMG!

Yna Shin: Yiiieee! My ship is sailing! Shall I tag him? Haha!

Alice Diaz: Patess! HAHAHA JOKE LANG JESS! We love you! Pero mas mahal ka raw niya! HAHAHA JOKE ULIT!

 

Promise, babatukan ko talaga sila ng malakas mamaya. Bago pa may makabasang iba, binura ko na kaagad. Buti rin at walang nag-tag sa kanya, at buti hindi siya online! Humanda rin yan sa akin si Roj. May araw ka ring bata ka!

 

Bumaba na rin ako kaagad para kumain. Dahil nasa harap kami ng pagkain, hindi ko pwedeng awayin si Roj. Baka pagalitan ako ni Mommy at Daddy.

 

Napag-alaman ko rin na kaya pala nandito si Mommy at Daddy ay dahil namiss na raw nila yung luto ni manang kaya dito sila nananghalian. Tsaka aayusan raw ako ni Mommy at si Daddy na rin daw ang maghahatid sa akin mamaya sa campus.

 

Lumipas ang mga oras at nagsimula na akong magprepare. Sinuot ko yung off-white tube dress ko. Simple lang yung design niya pero elegant naman tignan. Then, sinimulan na akong ayusan ni Mommy. Light make up lang yung in-apply niya sa akin tapos kinulot niya yung dulo ng buhok ko. Pagtingin ko sa salamin, bumagay naman yung itsura ko sa damit ko.

 

“Ayan, maganda ka na. Maiinlove na sa’yo si Pat,” halos maubo ako nung sinabi yun ni Mommy. Tinawanan niya lang ako at tinignan ko siya ng anong-pinagsasabi-mo-look, pero kumindat lang siya sa akin sabay sabi ng, “Mother knows best. Nung pumunta siya rito dati, alam ko na kaagad. Oh sige na, kunin mo na yung purse mo at hinihintay ka na ng Daddy mo sa baba.”

 

Wala naman akong nagawa kundi sundin na lang si Mommy. Nakakaloka. Ganun ba talaga kapag nanay? Pati feelings ng anak, alam kaagad? Eh nung pumunta dito yung unknown particle na yun, si Dave pa yung gusto ko. Nakakaloka talaga.

 

Pagkababa ko, nakaready na rin si Daddy kaya sumakay na rin ako kaagad sa kotse. Habang palapit kami nang palapit sa campus, lalo lang bumibilis at lumalakas yung tibok ng puso ko. Whooo! Kaya ko ‘to! Kailangan kong magawa yung agenda ko!

 

Nung nakarating na kami sa campus, bumaba na agad ako at nagpaalam kay Daddy. Pagtingin ko sa phone ko, 5:45 PM pa lang. Medyo maaga pa pala. Ang call time kasi naming magpeperform ay 6 PM tapos ang start ng program ay 6:30.

 

“Jess!” napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Dave kaya nakipag-appear ako. Tumawa naman siya bigla.

“Bakit?” ako ba pinagtatawanan niya?!

“Pfft. Sorry. Normally kasi di ba, yayakap ka sa babati sa’yo, pero ikaw, nakipag-appear. Amasona ka talaga.” Sinamaan ko na lang siya ng tingin pero hindi natinag ‘tong mushroom na ‘to at hinila ako papunta doon sa greenfield.

 

Namangha naman ako nung nakita ko yung venue. Ang ganda ng ginawa nila sa paligid. Para tuloy kaming nasa JS Prom, pero ang highlight ay yung mga freshie. And in fairness, ang gaganda at ang gugwapo ng mga freshmen! May isang lalaki akong nakita na sobrang cool. Nakasalamin siya pero ang lakas ng appeal niya. Meron pang para pa ring mga high school dahil naghahabulan at nagkukulitan pa sila.

 

“Uhm, hello. Lalo kang gumanda.” Napatingin ako sa harapan ko at napansin ko na nandito na rin pala si Keisha. Whoa! Bigla na lang rin siyang sumulpot. Magpinsang mushroom nga talaga sila ni Dave!

“Thank you! Ikaw rin!” saka ako ngumiti sa kanya. Ang cute cute ni Keisha ngayon. Bumagay sa kanya yung black dress niya tapos nakalugay pa yung buhok niya.

“Whoa! Ayos na pala kayo? Wala ng cold war?” kumunot naman yung noo ko sa sinabi ni Dave dahil nakita kong biglang nalungkot si Keisha. Isa rin siyang panira ng atmosphere eh! Siniko ko na lang siya para matahimik na siya sa pang-aasar.

“Oww! Sakit nun ha. Tsk. Tara na nga Kish, hahanapan na lang kita ng bago,” sabay akbay niya kay Keisha at lumayo na sila sa akin. Napangiti naman ako bigla habang tinitignan ko yung mga likuran nila. Kung hindi lang siguro sila magpinsan, bagay sila. At nakikita ko kay Dave na maalaga talaga siya sa mga importanteng tao sa kanya. Meron nga lang talaga siyang siraulong side minsan, at nasakto pang ayun yung side na ginamit niya sa akin.

 

Dahil hindi pa bukas talaga yung mismong venue, nagkalat dito sa greenfield yung mga freshies at ibang upperclass. Tinext ko na lang sina Alice at Yna. Hindi ko na tinext si Steff dahil alam ko namang hindi yun nagbabasa ng text at for sure, kasama niya si Darryl sa pagpunta dito.

 

Nagreply naman agad si Yna sa akin.

 

Jess! Guess what? My brother is back! Haha! I’ll introduce you to him since Steff and Alice already know him na.

 

Nacurious naman ako sa text ni Yna. Nasabi na niya sa akin dati na may kuya raw siya pero nasa States. Sabi rin ni Steff at Alice, gwapo yung kuya niya at crush raw nila yun nung elementary sila.

 

Ilang minuto lang rin ang nakalipas, nakita ko na si Alice na papunta rito kaya kumaway ako sa kanya.

 

“Yun oh! Princess na princess ang dating ah?” salubong niya agad sa akin.

“Princess ka dyan? Tigilan mo nga ako,” tapos ginawa ko na ang dapat kong gawin. Binatukan ko siya ng malakas.

“Aray! Ang sakit nun ha!”

“Kulang pa nga yan eh! Kung anu-anong pinagsasabi mo sa fb!”

“Yung kanina ba? Aba kasalanan ko bang nagstatus ka? At masama bang magcomment?”

“Hindi naman ako nagstatus nun eh! Yung walanghiya kong kapatid!”

“Ooohh. So kapanalig rin pala namin si Roj. Hmm.”

 

Nag-asaran lang kami doon hanggang sa dumating na rin si Yna. Gaya ng sinabi niya, may kasama nga siyang lalaki. Mukhang yun nga yung kuya niya.

 

“OMG kuya Xander! Kelan ka umuwi?” sabay yakap ni Alice doon sa lalaking kasama ni Yna. Shet. Ang gwapo nga. As in! Para siyang model ng suit! Ang hot niya tignan!

“Kahapon lang. Ang laki mo na, Alisson,” sabay ngiti niya kay Alice. Takte nakakamatay yung ngiti niya! Tapos fluent siya sa Filipino unlike Yna. OMG!

“Alice nga lang kasi, kuya Xander!” tapos nagmake-face pa si Alice.

“Kuya, this is Jess, one of my best friends rin. And Jess, this is my brother, Xander.” Nakipagkamay naman ako kaagad kay kuya Xander tapos nginitian niya rin ako. Shockings talaga ang gwapo!

“May nadagdag na naman pala sa barkada nilang tatlo. Nice meeting you, Jess.”

“Nice meeting you rin po, kuya Xander.”

 

After that, nagpaalam na rin kaagad si kuya Xander dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin. Nahampas ko kaagad si Yna dahil sa kagwapuhan ng kuya niya. Habang nagtatawanan kami doon ay bigla na lang nagbago yung itsura ng dalawang ‘to at  nakatingin lang sila sa bandang likuran ko. Napalitan yung ngiti nila ng mga nakakalokong ngiti, sabay taas-taas pa ng kilay kaya mukhang alam ko na kung sino yung papunta rito.

 

Nung naririnig ko na yung footsteps, bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Putek. Yung agenda ko! Yung agenda ang dapat kong alalahanin!

 

“Wow Pat, you look like a prince,” sabi ni Yna kaya lumakas yung tibok ng puso ko. Shet. Nasa likuran ko na siya!

“Gwapo mo ngayon!” dagdag naman ni Alice.

“Thank you,” at halos manigas na ako sa pwesto ko nung nakita ko siya sa gilid ko. Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na hindi mapatingin.

 

Utang na loob. Ang gwapo niya nga.

 

“If I look like a prince, then I need a princess.” Bigla namang tumili sina Alice at Yna. Buti nga at napigilan ko yung sarili ko dahil feeling ko mapapatili rin ako. Nagulat ako nung pumunta siya sa harapan ko at inilahad niya yung kamay niya.

 

“Will you be my princess, slave?” and then he smirked, habang ako, nagwawala na sa loob-loob ko.