.

.

Chapter 51

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

Nandito na kami ngayon sa backstage para magprepare sa performance namin. Yung group kasi namin yung unang magpeperform dahil nakipagpalit sa amin sina Steff since malelate raw si Charmaine.

 

Hanggang ngayon, wala pa rin ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Paano kasi, hindi ko kinaya yung pinaggagawa ng unknown particle na yun. Idagdag pa na nanonood sa amin kanina sin Alice at Yna. Panigurado pagkatapos nito, uulanin nila sa ako sa pang-aasar. Oo nga pala, dahil nawala talaga ako sa sarili ko kanina, hindi ko kinuha yung kamay niya kundi hinampas ko siya nung purse ko at hinatak ko siya sa braso papunta dito sa backstage. Hindi ko kasi alam ang irereact ko eh. Parang yun na ang natural na reaction ko sa kanya, ang awayin o kaya hampasin siya.

 

Napabuntung-hininga na lang ako. Sabi na nga ba papalpak ‘to eh. Hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil nauunahan ako ng hiya at kaba. Peste naman oh!

 

“Guys, ready na ha? Kayo ang opening number,” sigaw sa amin nung MC. Nag-nod naman kami.

 

Ilang minuto pa ay tinawag na yung names namin ng isa pang MC. Unang pumasok si Patrick kasi siya ang unang tinawag, tapos si Alexa, then si Dave at ako ang huli. Nagpalakpakan naman yung mga tao at tinutok yung spotlight sa amin.

 

Nagstrum na si Patrick ng gitara niya habang sumabay na rin si Alexa sa piano at si Dave naman sa drums. Syempre, nagsimula na rin akong kumanta.

 

Inisip ko na lang na nagpapractice pa rin kami para hindi ako masyadong kabahan at para makapagfocus rin ako. Pero biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko nung si Patrick na yung kumanta. Ewan ko ba, pero parang feel na feel niya yung kanta. Tapos nung nasa chorus na, nag-duet na kami. At hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumitig na ako sa kanya.

 

“Whoa, oh, I'm feeling you baby

Don't be afraid to

Jump then fall

Jump then fall into me

Be there, never gonna leave you

Say that you wanna be with me too

So I'mma stay through it all

So jump then fall”

 

Nanginginig na yung kamay ko dahil bigla-bigla na lang siyang ngumingiti at sumusulyap rin sa akin, kaya napapaiwas rin agad ako ng tingin.

 

Agad rin naman naming natapos yung kanta namin at pinalakpakan kami ng mga nakinig. After that, bumaba na agad kami sa stage at pumunta doon sa backstage. Bago pa ako mamatay sa sobrang pagpipigil, nagpaalam na ako doon sa staff na lalabas muna ako.

 

Tumakbo ako palabas doon sa venue at pumunta doon sa lagi kong tinatambayan sa greenfield. Abot naman dito yung music pati na rin yung ilaw pero walang masyadong tao rito dahil lahat sila ay nandoon sa bandang gitna.

 

Napahawak na lang ako sa sentido ko at nagpakawala ng buntung-hininga. Paano ko ba sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko? Takte! Hindi ako makahanap ng timing! At isa pa, feeling ko hindi ko rin kaya.

 

“Bakit nandito ka?”

“Pusang gala!” halos atakihin ako sa puso nung may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Jusmiyo! Pero pagkalingon ko, parang gusto kong tumalikod ulit dahil kaharap ko na si Patrick. “B-b-bakit ka nandito?” tanong ko rin sa kanya.

“Sabi ni Alvarro, tumakbo ka raw papunta dito.” That Dave! Nakita niya pala akong tumakbo dito! Pero bakit niya sinabi sa unknown particle na ‘to?!

“N-nagpapahangin lang,” sabay tingin ko sa langit. Oh gosh Jess yung agenda mo! Eto na eh! Pero paano ko sasabihin?! Ang hirap!

 

Nagstay lang kaming ganun for a couple of minutes. Nakatingin lang ako sa langit at iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya yung feelings ko. Napatingin ako sa kanya for a splitsecond at nakatingin rin siya sa langit.

 

“Hello guys!” bigla naman akong napatingin doon sa venue at nakita ko na nasa stage na sina Steff. Mukhang turn na nila.

“Dinededicate nga po pala namin ang song na ‘to sa inyo, at sa dalawang taong special sa akin. Sana maamin niyo na ang feelings niyo sa isa’t isa,” tapos tumawa si Steff habang ako ay napanganga na lang sa sinabi niya. Hindi naman ako shunga para hindi magets yung dedication na sinasabi niya. Alam kong kami ang tinutukoy niya.

“Dude, umamin ka na para sigurado na akong wala na akong karibal,” sabi naman ni Darryl sa mic tapos kumindat siya kay Steff.

 

Napailing na lang ako sa pinaggagawa ng dalawang lovebirds na yun. Feeling ko tuloy uminit yung paligid namin. Buti na lang at medyo madilim kaya kung nagbablush man ako ngayon, hindi halata.

 

Nagsimula na silang tumugtog at narinig ko ang malamig na boses ni Darryl mula rito. Gemini yung kinakanta niya pero mas mabagal na version.

 

“Come a little closer flicker in flight”

 

Nagulat naman ako nung biglang hinigit ni Patrick yung bewang ko at kinuha niya yung isa kong kamay. Halos lumabas yung puso ko dahil biglang lumakas at bumilis yung tibok niya.

 

“We'll have about an inch space but I'm here”

 

Napansin ko namang nagssway na kami rito. Oh gosh. Bakit kami sumasayaw? Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa sobrang hiya. Gusto kong iiwas yung tingin ko pero parang naka-glue na yung paningin ko sa mga mata niya.

 

“I can breathe in what you breathe out”

 

“Pfft. Deja vu,” sabi niya bigla tapos ngumiti siya. Pinilit ko namang kalkalin sa utak ko yung sinasabi niyang deja vu at naalala ko bigla yung birthday party ni Tricia. Yun yung time na pumunta kami doon sa garden dahil biglang may spotlight na tumama sa amin nung nagsasayaw kami sa loob. Hinatak niya ako palabas tapos doon kami nagsayaw. Tapos naalala ko na naimagine ko siya nun na sumasayaw ng nakagown at kapartner niya si Darryl. Bwahahaha! Naalala ko na naman! Shet naiimagine ko ulit!

 

“I knew it,” sabi niya bigla, habang ako pinipigilan na tumawa ng malakas dahil ang choga ng pagkakaimagine ko sa kanya ng nakagown. Hahaha! Ang panget talaga! Ang sagwa! Mukha siyang bakla!

 

“Pffft. De ja vu nga. Naiimagine ulit kitang nakagown tapos kasayaw si Darryl. Wahahaha! Ang choga—”

 

Bigla ko namang naramdaman na parang may humugot ng hininga ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ako nakapagreact kaagad. Pero naramdaman kong uminit yung buong mukha ko.

 

“Ano? Mag-iimagine ka pa?” sabay smirk niya sa akin. Napaatras ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Siraulong unknown particle ‘to! Shet! Shet talaga!

 

He kissed me! He freakin’ kiss me! First kiss ko yun sa lips!

 

Aatras pa sana ulit ako pero hinigit na naman niya ako sa bewang ko kaya napalapit ulit ako sa kanya. Tumahimik lang ako at tinikom ko yung bibig ko. Bigla ko namang narinig yung duet nina Darryl at Steff.

 

“Let me know if I'm doing this right

Let me know if my grips too tight

Let me know if I can stay all of my life”

 

“May sasabihin ako sa’yo,” saka tumingin sa akin ng seryoso si Patrick.

“A-ako rin,” sabi ko na lang. Eto na talaga. Sasabihin ko na. My gosh eto na!

“Fine. Ikaw muna, slave.” Huminga ako ng malalim bago magsimula. Go Jess! Kaya mo yan!

“Uhm, a-ano kasi... alam mo, uhm... kasi... ano...paano ba, uhm, kasi nga, ganito yun... uhhh ano...”

“Hmm?” lalo ko namang hindi masabi dahil nakangiti lang siya sa akin na para bang nang-aasar! Gusto ko sana siyang hambalusin kaso baka masira yung concentration ko. Patuloy pa rin kami sa pagsayaw kahit nasa ganitong sitwasyon na kami. Tapos nakkibagay pa yung piniling kanta nila Steff.

“Ano nga kasi... ano...” putek Jess! Kahit simpleng I love you lang, maiintindihan na niya yan! Pero ang hirap sabihin! Ughhh!

“Ano?” sige ngiti ka pang unknown particle ka! Nakakainis!

“Kasi nga! Ano... yung ano nga kasi—”

“You love me?” napatili ako nung sinabi niya yun at nasuntok ko yung dibdib niya, tapos yumuko na lang ako at tinitigan ko yung lupa. Tapos kahit nakayuko ako, sinasayaw niya pa rin ako. Narinig ko siyang tumawa dahil sa ginawa ko. Gusto ko sanang tignan siya habang tumatawa dahil feeling ko ang gwapo niya pero hindi ko magawa dahil sa sobrang hiya. Nakakainis siya!

“Sige tumawa ka pa! Tatapakan ko yang paa mo! Masakit ‘tong takong ko!” sigaw ko habang nakayuko pero lalo lang siyang tumawa. Bwisit talaga siya! Hiyang-hiya na nga ako pero tinatawanan niya pa ako!

“Lift your head up, slave.”

“Ayoko!”

“You’ll do it, or I’ll kiss you again.” Dahil natrauma ako sa paghalik niya sa akin kanina, tinaas ko bigla yung ulo ko. “I love you, too,” at hindi ko inasahang...

 

Hahalikan na naman niya ako.

 

Pero this time, parang may gustong lumabas mula sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. Siguro nga yun lang yung hinihintay ko. Yung sabihin niya yung apat na words na yun. Yung malaman ko na mahal niya rin ako.

 

Napapikit na lang rin ako at nagrespond ako sa halik niya. After that, our lips parted and he wiped my tears.

 

“Let me know if dreams can come true

Let me know if this one's yours too

Coz I see it (Oh...)

And I feel it right here

And I feel you right here”

 

“Ang tagal kong hinintay ‘to,” tapos tumawa siya habang pailing-iling.

“Well, sorry for waiting. Hindi ko naman alam eh,” saka ko siya sinamaan ng tingin.

“Slow ka lang talaga.”

“Excuse me? May gusto ako kay Dave nung mga panahong yun!”

“Akala mo lang yun.”

“Bakit kasi di ka nagtapat dati?”

“Because I know you won’t take it seriously.”

“Kaya ginamit mo si Keisha?” seryoso kong tanong. Parang lumalabas kasi na ginamit niya si Keisha para pagselosin ako. O tingin ko lang yun?

“Di ko siya ginamit. Sinunod ko lang yung gusto mo.”

“Eh bakit mo kasi sinunod?!” kung anu-ano tuloy yung pinag-iisip ko nung summer. Akala ko nagkagusto na siya kay Keisha.

“Because I want you to realize your true feelings.”

 

Hindi na ako nakasagot after that. Pinagpatuloy lang namin yung pagsayaw dito. Feeling ko nga pinagtatawanan na kami ng mga nakakakita sa amin dahil ang weird namin at nagsasayaw kami. Parang baliw kasi ‘tong kasama ko eh. May pasayaw-sayaw pang nalalaman!

 

Pero kahit na masabihan kaming baliw o weird, masaya pa rin ako. At least ngayon, naamin—err, nahulaan na niya yung feelings ko for him. And I’m happy na mahal niya rin ako.

 

“The vacuous night steps aside

To give meaning to

Gemini's dreaming

The moon on it's back and the seemingly

Veiled rooms lit

By the same star”

 

Naalala ko tuloy lahat ng pinaggagawa niya sa akin simula nung nangyari yung Phone Murder Incident. Siguro nga hindi ko napapansin yung mga sweet gestures niya sa akin dati kasi yung attention ko ay na kay Dave lang. Pero kung iisipin, siguro kung wala akong gusto kay Dave that time, mas madali akong nain-love sa lalaking ‘to. Oo, masungit at arogante siya, pero meron pa rin naman siyang sweet at caring side. Well, in the first place, naging masungit lang naman siya at malayo sa mga tao dahil natakot na ulit siyang magmahal after nung nangyari sa kanila ni Steff. Pero sino nga ba namang mag-aakala na sa kaibigan pa siya ni Steff maiinlove?

 

Hindi ko nga rin akalain na mahuhulog ako sa unknown particle na ‘to eh. Halos isumpa ko siya dati dahil sa ginawa niya sa phone ko at sa pang-aaway niya sa akin. Ginawa niya pa akong slave slash alalay niya. Pero dahil dun, nakilala ko siya lalo.

 

“Let me know if I'm doing this right

Let me know if my grips too tight

Let me know if I can stay all of my life

Let me know if dreams can come true

Let me know if this one's yours too

Coz I see it (Oh...)

And I feel it right here

And I feel you right here”

 

Nakarinig naman ako ng palakpakan mula doon sa venue kaya alam kong tapos nang kumanta sina Steff.

 

“Jess.” Biglang kumabog ng malakas yung puso ko. Wow. Ito yung first time na narinig ko siyang tinawag ako sa pangalan ko. Ang lagi niya lang kasing tawag sa akin dati ay slave, hoy, uy at yung iba pang hindi karapat-dapat itawag sa akin. Kakaiba tuloy sa feeling na natawag niya na ako sa pangalan ko.

“Hmm?” nilapit naman niya yung mukha niya sa mukha ko. Akala ko kung ano na namang gagawin niya, pero pinagdikit niya lang yung mga noo namin at pumikit siya.

“Please stay in my life.” Feeling ko maiiyak na naman ako dahil sa pinagsasabi niya. Kailangan pa ba niya yung sabihin? Nasisira na yung make-up ko dahil sa kanya eh.

“I will,” saka rin ako pumikit. Grabe. Nagiging corny na rin ako dahil sa kanya. Naramdaman ko naman na dumampi yung labi niya sa noo ko.

“Thank you,” sabay yakap niya sa akin kaya napayakap na rin ako sa kanya.

 

Kung hindi lang siguro seryoso yung atmosphere namin ngayon, nakailang sapok na ako sa kanya dahil andami na niyang tsansing sa akin. Pero hayaan na, minsan lang kami maging sweet sa isa’t isa. Lulubus-lubusin ko na.

 

Buti na lang at hindi niya nakikita yung mukha ko ngayon. Para kasi akong ewan na nakangiti. Grabe. Akalain niyo yun? Dahil lang sa nasira niya yung phone ko at sinuntok ko siya sa mata, naging ganito na kami ngayon.

 

Who would have thought that the slave will fall for her master?

 

Humiwalay naman siya sa pagkakayakap tapos tinanggal niya yung coat niya at nilagay niya sa balikat ko. Medyo lumalamig na nga.

 

“Wow, naging gentleman ka ngayon ha.”

“Dati pa. Di mo lang alam.”

“Asus!” Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko.

“Tara na sa loob. Kailangan ko pang ipagkalat na tayo na,” tapos hinatak niya ako pabalik doon sa gitna ng greenfield.

“A-anong ipagkalat?!”

“Tapos sasabihin ko rin kay Alvarro para tigilan ka na niya.”

“Baliw! Friends lang kami!” Dinamay na naman niya si Dave.

“Sasabihin ko rin kay Garcia para tigilan na niya ako.”

“P-pati kay Darryl?!” Dahil ba sa sinabi ni Darryl kanina?

“Aahh. Itetext ko nga rin pala yung kapatid mo. Sabi niya itext ko raw siya kapag umamin ka na.”

“Sinabi yun ni Roj?!” Lagot siya sa akin mamayang pag-uwi ko!

“Syempre sasabihin ko rin sa best friends mo kasi shiniship nila tayo ‘di ba?”

“Huy! Wag! Aasarin nila ako ng sobra!”

“Ahh, kay Tricia rin pala. I-update ko raw siya. Pati kay Mom. Sasabihin ko rin sa—”

“Ugh! Fine! Bahala ka na! Sumasakit ulo ko sa’yo!” Papasok na kami dito sa may venue at inayos ko na yung expression ko para makapaghanda sa pang-aasar nila kung sakaling sabihin nga ng unknown particle na ‘to.

“Masakit ulo mo? Halikan ko gusto mo?” halos sumabog naman ako sa hiya sa sinabi niya.

“Subukan mo, at itong kamao ko ang hahalik dyan sa nguso mo,” sabay taas ko sa kamao ko. Para siyang bata! Nakakahiya dahil nandito na kami sa loob at naririnig siya ng mga freshies sa paligid!

 

Pero kahit kung anu-anong pinagsasabi niya hanggang sa malapit na kami sa backstage, deep inside ay masaya pa rin ako. Akala ko kasi, hindi ko na maaamin sa kanya yung feelings ko. Akala ko, mawawalan na ako ng chance. Pero ngayon, heto kami, naamin na ang feelings sa isa’t isa. Kahit hindi ko nasabi yung “I love you” sa kanya, alam kong alam niya na yun, at alam kong nararamdaman niya yun kahit na kanina ko pa siya inaaway at sinisigawan.

 

Pero balang araw, masasabi ko rin ng diretso sa kanya ang mga katagang ‘to:

 

I love you, Patrick Reyes. And I’ll stay with you, forever.