.

.

Chapter 52 (His POV)

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

“Patrick! Grabe! Totoo ba yung minessage mo sa akin?! As in?! Kayo na ni Jess? OMG! OMG TALAGA! Wait sisigaw ako! Oh my gosh!”

“Tsk. Tricia—”

“Fine! Fine! Tatahimik na ako. Congrats! Hahaha! Sige later na lang, papunta na ako sa next class ko eh. Pero ikukwento mo mamaya ha? Promise yan ha? Ha? Ha?” Ang kulit niya talaga kahit kailan.

“Yeah. Promise.” Binabaan niya na ako. Kahit nasa States siya, gusto niya pa rin na maging updated sa buhay namin dito.

 

Napahiga agad ako sa kama ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Finally, I was able to tell her my feelings. Pero natawa talaga ako nung hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin kanina, though I already know it. Gusto ko lang marinig galing sa kanya. Kaso mukhang naunahan siya ng kaba at hiya kaya ako na ang nagsabi para sa kanya. Lalo akong natawa dahil napayuko na lang siya at nakita ko pa siyang nagblush.

 

She’s really cute when she’s blushing.

 

“I will.”

 

Napangiti na lang akong mag-isa. Hindi ko talaga akalaing mangyayari yung mga nangyari kanina. Balak ko pa sanang maghanda ng mga sasabihin ko sa kanya. Balak ko pa sanang magpractice pero hindi ko na ginawa. Let’s just say that the best moments are usually unplanned and spontaneous.

 

I am really happy right now, but somehow, I’m a bit sad. I unintentionally hurt someone because of my feelings. Gusto ko siyang i-comfort pero alam kong mas mahihirapan siya kapag ginawa ko yun. Sana lang, makabawi ako kay Keisha dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon.

 

***

“Pat, pwede bang magpasundo bukas?”

“Hmm?” I looked at her while eating our lunch.

“Doon sa freshie welcome party,” then she smiled at me.

“Okay.”

“Thank you!” she smiled wider.

 

I sighed. Gusto ko sanang sunduin si slave kaso alam ko namang magpapahatid yun sa daddy niya. Gusto ko rin sana siyang makausap pero mukhang bukas ko pa yun magagawa.

 

“Gusto mo bang tignan yung venue para bukas?” tanong sa akin ni Keisha nung natapos na kaming maglunch.

“Sige.” I want to see the progress, and somehow, I want to see the greenfield.

 

Naglakad kami papunta doon. Mukhang marami ring nakitingin sa inaayos na venue ngayon dahil napakaraming estudyante rito sa greenfields. Pero nahagip ng mata ko yung nakahiga doon sa may gilid.

 

Si Alvarro at si slave.

 

Shit. Magkasama na naman sila. Bakit nakahiga siya sa Alvarro na yun? Shit talaga.

 

“Uhm, Pat, tara na pala. Mukhang hindi maganda yung timing natin,” tapos hinila ako ni Keisha sa braso pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

 

“Yeah. It’s really a bad timing.” Gusto kong lumapit doon at hilahin si slave patayo sa Alvarro na yun.

 

“Sorry. Kung alam ko lang na... na nandito sila, sana hindi na kita inaya.” Napatingin ako sa kanya at nakayuko na lang siya. Napailing na lang ako.

 

“It’s okay.”

 

“N-nagseselos ka ba kay Dave?” halos paiyak na siya nung tinignan ko yung mukha niya. Napaiwas na lang ako ng tingin.

 

Maybe this is the right time to tell her the truth.

 

Hinila ko siya papunta doon sa kabilang side ng building, kung saan kaunti lang yung tao.

 

“Keisha,” pinaharap ko siya sa akin pero bigla na lang tumulo yung mga luha niya.

“Ha-ha. Ano ba yan, wala ka pa ngang sinasabi, naiiyak na ako,” saka niya pinunasan yung mata niya. “S-sorry. Alam ko namang darating at darating yung time na ‘to eh. H-hindi lang ako prepared. Haha. Ayaw tumigil ng mga luha ko.” Lalo lang bumigat yung pakiramdam ko. And somehow, I felt guilty.

“Use this,” then I handed her my handkerchief. I really hate it when I see a girl crying. Girls are fragile and I don’t want to see them crying. And this time, I hate myself because I know it’s my fault.

“T-thank you,” she wiped her tears and she tried to smile at me. “Go on. Say what you want to say.”

 

I sighed heavily. I guess I should really tell her my true feelings. I know that she likes me, but... I already love someone else.

 

“I’m sorry. Alam kong sinabi mo na sa akin dati na gusto mo ako, pero...”

“You love her, right?” napatingin ulit ako sa mga mata niya at nakikita kong pinipigilan niyang tumulo ulit ang mga luha niya.

“Yeah,” and then I sighed. Yung pinipigilan niyang luha, bigla na lang tumulo.

“Mas masakit pala kapag galing mismo sa bibig mo, kaysa kapag nakikita ko.”

“Sorry, Keisha.”

“Alam mo, nung time na kinausap mo ako at naging mas malapit tayo, it gave me hope. Akala ko, matutunan mo na akong mahalin. Akala ko, maaappreciate mo yung feelings ko para sa’yo. Pero mukhang huli na. Kahit magkausap tayo, kahit magkasama tayo, nararamdaman kong iba naman yung iniisip mo. Hinayaan ko na lang yun, kasi kasama naman kita. I was too blinded by love. Hinayaan ko pa ring mahalin ka kahit na alam kong may mahal ka ng iba. Then nararamdaman ko na rin na mahal ka rin ni Jess but I’m still holding on my feelings. Akala ko kasi...may pag-asa pa ako,” tuluy-tuloy lang siyang nagsasalita habang umiiyak. I want to comfort her, but I can’t.

 

“Puro sarili ko lang yung iniisip ko. I want to be happy. I want to be with you. That’s what I’m always thinking. Pero narealize ko na nagiging selfish na ako. Na hindi ko man lang naiisip yung feelings niyo for each other. Siguro nga, ako yung nakakasagabal. And then naalala ko na nag-give way ka rin dati for Darryl, right? You loved Tiffany so much, that you’re willing to give up your happiness for her own. At ngayon, mukhang ako naman ang kailangang mag-give way,” bigla naman siyang ngumiti sa akin at niyakap ko siya.

 

“Keisha...”

 

“Pat, I’m sorry. Sorry that I became unreasonable and self-centered,” naramdaman ko rin yung pagyakap niya sa akin.

 

“People are unreasonable and self-centered when they’re in love. I can understand you.”

 

“Pwede bang magstay tayo ng ganito for another minute? Please?”

 

“Okay.”

 

Gumaan na yung pakiramdam ko. Maayos na yung sitwasyon namin ni Keisha, kahit na nauwi sa ganito. I really feel sorry for her. Sana, makahanap siya ng lalaking mamahalin rin siya.

 

Sa ilang buwan na nakasama ko si Keisha, nakilala ko siya. She’s very shy yet sweet. She always give a pleasant atmosphere and she’s really nice. I appreciatie her feelings for me but my heart is already taken by my slave. Sinunod ko lang yung gusto niya na bigyan ko raw ng chance na makilala ko si Keisha. Siguro dahil tinutulungan niya si Keisha na itulak papunta sa akin.

 

Bigla namang bumitaw si Keisha sa pagkakayakap kaya bumitaw na rin ako.

 

“Alam kong hindi ako ang dapat na nagsasabi sa’yo nito pero, she also loves you. I hope, magkalinawan na kayo,” saka ngumiti sa akin si Keisha kahit na alam kong pinipilit niya lang yun.

“I know,” then I also smiled at her.

“S-sige Pat, alis na muna ako, may class pa ako eh,” tapos tumalikod siya. Pero nakita ko na pagkatalikod niya, may tumulo na namang luha sa mga mata niya. Tumakbo siya palayo sa akin.

“Liar,” bulong ko na lang sa sarili ko. Alam ko namang wala siyang klase. Nakabisado ko na ang schedule niya dahil lagi kaming magkasama.

 

***

 

Bigla ko namang naramdaman yung pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko yun at napangiti na lang ako sa nakita ko.

 

She’s calling.

 

Sinagot ko yun agad-agad.

 

“Sla—”

“Hoy Patrick Reyes! Ano ‘tong pinadala mo?”

“Wala ka bang mata?”

“Wag kang pilosopo! Bakit ka nagpadala ng napakalaking bear?! Grabe! Mas malaki pa ‘to sa akin ah!” natawa na lang ako sa reaction niya sa kabilang linya. Naiimagine ko yung pagkunot ng noo niya.

“That’s my gift, slave.”

“Gift, gift. Di ba niregaluhan mo rin si Steff dati ng malaking bear? Tss.” I immediately grinned after hearing that.

“Selos ka? Tagal na nun ah.”

“Anong selos?! Asa ka namang unknown particle ka!” I’m still wondering where she got that nickname for me. The hell with unknown particle?

“Mas malaki naman yan kaysa kay Steff. Tsaka mas special.”

“Hah! Oo special kasi galing sa special child!” narinig ko namang tumawa sa kabilang linya.

“Anong sabi mo? He’s our child? Ohh okay. So he’s our son. Then his name will be Jeric.”

“H-hoy! Anong anak?! Sabi ko special child ka! Wala akong sinabing ano!” I can imagine her blushing face. Napangiti na lang ulit ako.

“What did you say slave? You want to have a child? Gusto mo ba totoong anak?” pinipigilan ko na lang tumawa dahil nakakatuwa talagang asarin siya.

“Bastos ka talagang walanghiya ka! Pag nakita kita sa Monday hahambalusin talaga kita!”

“Wag. Masakit.”

“Kanina ka pa ha—”

“I love you.”

 

Bigla naman siyang natahimik doon sa kabilang linya. Naiimagine ko yung itsura niya nung sinabi ko rin yun sa kanya kanina doon sa welcome party. Panigurado ganun na naman ang expression niya ngayon.

 

“Slave, are you still alive?” tapos tumawa ako dahil wala talaga akong naririnig doon sa kabila.

“Slave ka ng slave dyan! Gusto mo bang ipakita ko sa’yo yung birth certificate ko para malaman mo yung pangalan—”

“Jessica Mishelle Morales Reyes? Yeah, alam na alam ko ang pangalan mo.”

“B-baliw!”

 

Tuluyan na akong tumawa dahil hindi ko na kayang pigilan. Ang cute niya talaga pag naaasar. Para siyang amasona na ayaw magpatinag kahit alam niyang talo na siya. Tawa lang ako nang tawa habang tahimik lang siya sa kabilang linya. Pero napatigil ako sa pagtawa nung nagsalita ulit siya.

 

“Hoy Patrick Reyes!”

“Yes—”

“I love you. And I promise that I’ll stay with you. F-forever,” tapos bigla na lang nag-end yung call.

 

Nakatulala lang ako habang nasa tenga ko pa rin yung cellphone ko. Hindi ako makapaniwalang narinig ko yun galing sa kanya. Halos mabanat na yung mukha ko sa sobrang pagngiti. Akala ko, hindi niya kayang sabihin yung mga yun dahil sa personality niya.

 

She really surprises me everytime. And yeah, I’ve got an unpredictable slave and lover.

 

I was once rejected by the girl I loved. I acted cold and distant to everyone so that I wont be hurt again. But fate is really cruel. Just when I’m about to move on, I stepped on a girl’s phone. And coincidentally, it’s Jessica Morales’ phone, one of Steff’s best friend.

 

Iniisip ko kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ano. Naiinis ako sa kanya nung una dahil ibang-iba siya kay Steff. Masyado siyang maingay, laging naninigaw, parang may galit sa mundo, masungit at higit sa lahat, para siyang amasona. Balak ko lang naman siyang pahirapan at pagtripan nung una, pero hindi ko napansin na lagi ko na siyang tinitignan at binabantayan. Kahit na pinapakita niyang kaya niya ang sarili niya, babae pa rin siya at alam kong madali siyang masaktan.

 

Tapos nalaman kong may gusto siya doon kay Dave Alvarro. Ewan ko pero naiinis ako kapag magkasama sila o di naman kaya ay naiisip niya yung lalaking yun. I hate the idea of anyone else having her. And then reality just slapped me really hard. I realized I’m already falling for her.

 

It’s crazy because I don’t even know why am I in love with her. She’s a warfreak, an amasona and she hates me. Still, my happiness depends on her attention. And the best part of my day is talking and fighting with her.

 

Yeah. I’m really crazy.

And now, we’re both crazy.

 

Who knew we’d end up like this? The master fell for his slave, and the slave fell for her master. Or should it be, the prince and the princess fell for each other? Campus Prince naman ako at siya ay Campus Princess.

 

Nah. If I were her, she would totally say...

 

The amasona and the unknown particle fell for each other.

Isn’t that right, slave?