.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

WEH? As in talaga? Fiancee niya yun?! At may fiancée siya?! Gosh! Masyado akong nashoshock ha!! Ang ganda naman ng babaeng yun para lang bumagsak sa walang kwentang damuhong Patrick Reyes no!! Sayang siya!!

 

“Totoo kaya yun? May sulat pa talaga ha!”

“Ano yung totoo?”

“Ay baklang kabayo ka!!!”

 

Muntik na naman akong bumaligtad doon sa upuan sa garden nung biglang may nagsalita galing sa likuran ko. At sino pa ba ang gugustuhing malaglag ako sa upuan? Sabay-sabay tayong banggitin ang kanyang cursed name..

 

Patrick Reyes the Panget!

 

Umupo naman siya sa harapan ko. Kapal talaga ng mukha neto eh. Gulay! Feeling ko magkakahypertension ako kapag nakikita ko ng malapitan yung pagmumukha niya eh!!

 

“Oh!!” tapos tinapon ko sa kanya yung sulat na binigay nung babae kanina.

“Ano ‘to?” sabay kuha niya sa sulat.

“Bobo lang? Papel po yan. Masyado bang naaektuhan yung paningin mo ng suntok ko?”

“Haha. Very funny.” Tapos bigla siyang tumingin ng matalim at kinilabutan ako dahil dun. Napatahimik tuloy ako ng five seconds!

“Galing yan sa fiancée mo. Landi mo!”

“Huh?”

 

Putek. Pigilan niyo ako! Masasaktan ko talaga ulit ‘tong lalaking ‘to!!

 

“Bingi ka na rin ba? Sabi ko galing yan sa fiancée mo!!!—HMMMMM!!”

“Shhh! Wag ka nga maingay! Baka mamaya kung anong marinig ng ibang tao.”

 

Tumahimik naman ako dahil wala akong magawa. Eh paano ba naman?! Tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko!! Putek pati ilong ko nga nadamay! Di ako makahinga!! Kagatin ko kaya kamay niya?!

 

Pero after siguro ten or fifteen seconds eh nilubayan na niya yung bibig ko.

 

“Badtrip ka! Papatayin mo ba ako?! Whoooo!!!” huminga ako ng malalim dahil namiss ko ang hangin. Gago ‘tong lalaking ‘to eh. May balak atang patayin ako.

“Eh kung anu-ano kasing pinagsasabi mo. Anong fiancée?” kita mo ‘to, kunwari pa. Hmp!! Sarap niyang ipasok sa loob ng sobre at punit-punitin eh!

“Eh yung fiancée mo nga daw pumunta dito kanina at pinabibigay yan sa’yo!!” pagkatapos ko yung sabihin eh tumayo na ako at balak ko nang umalis sa garden na ‘to. Masyado nang nag-iinit ang ulo ko sa kanya!

“Hey wait. Where are you going?”

“Obvious ba? Eh di aalis na! Kung gusto mo ng kasama, e di isama mo yung fiancée mo! Di yung dinadamay mo pa ako. Busy akong tao no! Babush!” lalakad n asana ako kaso bigla niyang hinatak yung braso ko.

 

“Are you jealous?” with matching serious expression na nakakatawa naman.

 

 

Wait ano daw sabi niya?! Ako?! Nagseselos?! DUUUUUH! Mahiya naman siya ng konti sa balat ko no!!

 

“Excuse me? Di ako nagseselos no! Utot mo naman! Feelingero ka!”

 

Pero parang wala siyang naririnig at nakatingin lang siya sa akin with nagseselos-siya-sa-fiacee-ko-look. Para siyang eng-eng na nakasmirk!! Nakakainis!!

 

Bigla naman siyang tumayo at hinatak na naman niya yung braso ko. In fairness ha!! Baka mamaya mawalan na ako ng braso kakahatak niya!

 

“Hoy!! W..wait!! Bakit mob a ako hinahatak?!”

“Rule number 1. Bawal magreklamo.”

 

Pinagsasabi neto?! Rule number 1?! Ano siya senador?! Laki talaga ng sayad neto sa utak eh!!

 

“Tsk! Ano ba uuwi na ako!!” pero wala akong magawa dahil ang lakas niya manghatak! Nakalabas kami ng gate ng walang kahirap-hirap! Ni hindi man lang ako makaresist! Putek!

“Rule number 2. Utos ko lang ang susundin mo.”

 

Ahh putek! Ano ba talagang pinaggagawa niya at nagsasabi siya ng rules?! Mag-aapply ba siya sa politics?! Tae eh bakit ako ang kinakausap neto?!

 

“Kasi naman eh!! Ano baaaa!!”

“Rule number 3. Bawal ang maingay.”

 

Ako eh nabubwisit na talaga ha! Ano bang pinagsasabi niya?! Eh kung binibitawan niya nalang yung braso ko, eh di sana nakauwi na ako ngayon!! Badtrip na lalaking ‘to!

 

“An--”

“Shut up. Or you want to be expelled?” tapos biglang sumeryoso yung mukha niya (pero nakakatawa pa rin).

 

Wala naman akong nagawa kundi tumahimik dahil para siyang papatay ng tao kapag ganun kaseryoso (na nakakatawa) yung mukha niya. Kasi naman eh! Ano ba ‘tong napasok ko?

 

“Oh. And rule number 4. You should call me Master.” Then bigla siyang nagsmile. YUCK EWW!

“Wh..whoa!!!”

 

Nagulat nalang ako nung bigla niya akong tinulak papasok sa kotse niya sa may passenger seat. Bastos talaga ‘to eh!! Nagmadali naman siyang sumakay doon sa driver seat. Psh. Pero in fairness ha. Ang ganda ng kotse niya. Kainggit >_> Gusto ko na ring magkakotse!

 

“Hoy!!” bigla siyang tumingin sa akin kaso nakakunot yung noo. Uh oh, sabi ko nga seryoso niya. Punyemas naman oh! Napakablackmailer niya talaga! “I mean.. m..master..” YUCK ANONG PINAGSASABI KO?! “san ba tayo pupunta?”

 

Habang ako eh nagluluksa dahil tinawag ko siyang master, siya naman eh parang tuwang-tuwa! Badtrip talaga siya! Ang kapal ng mukha niyang iblackmail ako samantalang siya naman ang nag-umpisa ng lahat! Kung di niya inapakan yung cellphone ko eh di sana.. di ‘to nangyayari.

 

“Hmm. Kidnappin kita gusto mo?”

 

Ano daw?!

 

“Gagu!!”

“Hey slave, watch your mouth.”

 

Di ko naman sinasadyang magmura eh! Kasi naman! Kung anu-anong pinagsasabi! Kidnappin?! Baliw ba siya?! Adik lang?

 

Bigla niya namang pinaandar yung kotse niya at halos mawalan ako ng hininga nung sobrang binilisan niya yung takbo. Waaaah gusto niya na bang magpakamatay at trip niyang isama ako?! Badtrip!! Gusto ko pang makasal kay Dave Alvarro, wag mo akong patayin! Napapikit nalang ako buong byahe dahil di ko kinakaya ang speed ng kotse niya!

 

“Oy. Andito na tayo. Baba.”

 

Dahan-dahan naman akong dumilat. Shet. Buhay pa kami? Sure? Hinawak-hawakan ko yung katawan ko para masiguradong buo pa ako at walang natanggal sa akin. Phew! Akala ko trip to heaven na yung byahe namin eh! Leche ‘tong lalaking ‘to! Kaskasero!!

 

“Teka. Bakit tayo nasa mall?” pagtingin ko kasi eh nasa parking lot kami ng isang mall.

“Tingin mo?” sabi niya habang naglalakad na papasok sa mall.

“Wag mong sabihing idedate mo ako?! Hoy kadiri ka!!” sabi ko naman habang hinahabol ko siya sa paglalakad.

“Wala rin akong balak i-date ka no. Di kita type.”

 

Ouch. Ang sakit nun ha!! Para niya na ring sinabing ang panget ko! Kapal talaga ng mukha!!

 

“Tss. Di daw.” Bulong ko na lang sa sarili ko. Badtrip talaga! Lagi nalang akong talo sa kanya!

“We’re here because I’ll buy a necklace. Ikaw ang pumili. Babae kasi ang pagbibigyan ko.”

 

Napatingin naman ako sa kanya. Kanino niya kaya ibibigay? Sa mommy niya? Parang di naman. Ano siya, mama’s boy? Pero baka birthday ng mom niya? O kaya.. sa fiancée niya?

 

“Bakit? Regalo mo sa fiancée mo?” this time, siya naman ang napatingin sa akin.

“Ang kulit. Wala nga akong fiancée!”

 

Baliw ata ‘to eh? Pano ako naging makulit eh ngayon niya nga lang sinabi na wala siyang fiancée! Di naman siya ngasalita kanina! Ambaliw lang? Pero sino yung kaninang nagpakilala na fiancée niya?

 

“Pano kung ayaw kong pumili?” tanong ko sa kanya with matching taas-taas pa ako ng kilay. Huh! Maasar ka! Aba kinalaban mo ang nag-iisang Jess Morales! Gyera ‘to!! Aasarin ko nalang siya ng aasarin nang makabawi man lang ako sa mga kalapastangang ginawa niya sa akin!

 

“Well, you leave me no choice.” Bigla niyang tinupi yung long sleeves niyang suot hanggang sa may siko. Huh? Anong kinalaman ng ginagawa niya sa sinabi ko? Ang labo.

 

Nung biglang..

 

“Waaaaaahhhh!!!! HOY ANO BA!!!!”

 

Bigla niya nalang akong tinoss sa balikat niya at ngayon eh nakabaligtad ako at tanging likod lang niya ang nakikita ko.

 

“IBABA MO KO IMPAKTO KAAAA!!! HWAAAAAAAAHHHHH!!!!”

“Sorry. Slave lang kita kaya hindi ikaw ang masusunod. Let’s go?”

 

Nakakahiyaaaaa!!! Pinagtitinginan kami ng mga tao!! Shet naka-ID pa man din kami! Tapos ganito pa ang itsura ko at nakabaligtad pa ako!!

 

Anyone, HELP MEEEEEH!!