.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, January 5, 2015


***

"IBABA MO KONG IMPAKTO KA!! HUWAAA!! ABNORMAL! PSYCHOTIC!! PANGET!! IBABA MO KO!! PAG AKO NALAGLAG!! SASAPAKIN KITA NG KALIWA'T KANAN! PAG NABALDOG AKO TAPOS NAMATAY AKO DADALAWIN KITA ARAW-ARAW HANGGANG SA---"

 

"Oh ayan. Happy?" bigla niya akong binaba bago kami makapasok sa mall.

Oy

"--mabaliw ka."

 

"At dahil sinuway mo ang rules 1, 3 and 4, you will re3ceive my punishment later. C'mon slave." sabay gesture niya pa sa akin gamit yung daliri niya.

 

Ano ako, ASO?! Badtrip talaga 'tong walang hiyang bwiset na lalaking 'to! GGGRRRR!!! Wala naman akong nagawa kundi sumunod. Psh. Ang sarap niyang sabunutan!! Kainis talaga!!

 

"Oy dalian mo baka gabihin tayo."

"Oo na!!"

 

Tss. Sumunod ako sa kanya papasok sa mall. Tinanggal ko na rin yung ID ko dahil big deal kapag nasa mall ang mga estudyante sa panahon ngayon. Then ano pa nga ba?! Eh di sinundan ko yung feelingerong master ko. Yuck.

 

"Hoy slave."

 

Putek! Di ba siya nahihiya?! Hanggang sa mall ba naman slave pa rin?! Slave-in ko mukha niya eh! Badtrip na nilalang 'to.

 

"Tara dito. Ano bang maganda?" hinatak niya ako doon sa may jewelry shop at pinapili niya ako kung ano yung maganda. Napahinto naman ako doon sa isang silver item. Ang cute kasi eh. Yung pendant niya is a small stone na color green. Waaah gusto kong bilhin!

 

Nagtingin naman ako ng iba na pwedeng bilhin para sa pagbibigyan ni Patrick Epal. Di ko ituturo sa kanya yung necklace na yun! Akin yun! Bibilhin ko yun!

Dun sa isang side eh may nakita rin akong maganda. Overlapping figures yung pendant niya pero ang cute kasi nung outcome. Gusto ko nga rin eh! Kaso naawa naman ako sa pagbibigyan ni Patrick. Baka magalit sa akin pag panget yung napili ko.

 

"Ayun oh. Ang cute!" then tinuro ko na yung may overlapping figures.

"Oh. Mukhang ayos naman pala ang taste mo sa mga ganitong bagay." tsaka siya nagsmirk. Huh! What does he mean by that?! Feeling niya hindi maganda ang taste ko?! Aba sapakan nalang 'to!!

"Excuse me. Fashionable naman ako kahit papano no! Hmp! Ang swerte naman ng fiancee mo para mabigyan ng ganyan." pero ang malas niya dahil si Patrick ang magbibigay. Mwahaha! Kawawa talaga siya. Sa lahat naman ng pwedeng piliin eh etong hinayupak pa na 'to.

"For the nth time, WALA. AKONG. FIANCEE."

 

Uh oh. Ayan na naman yung nakakatakot niyang itsura (pero natatawa pa rin talaga ako HAHAHA! Konting pigil Jess!). Sabi ko nga wala siyang fiancee! Psh. Eh sino naman yung nagpakilala kaninang fiancee niya?! Ano yun stalker? Tapos desperate move na siya kaya sinabi niyang fiance niya si Patrick? Ayos ah.

 

"Eh kanino mo ba yan ibibigay?"

"Rule # 4."

"Huh?"

Ayan na naman siya sa pinagsasabi niyang rules. Walang hiya! Aba malay ko ba! Di ko naman siya pinakinggan kanina no! Tss. Pakialam ko sa rules niya?!

"You should call me 'master', remember?"

"Yeah yeah whatever."

 

Tss. Kapal ng mukha. Ano daw? Tawagin ko siyang master? Dito sa loob ng mall? Aba! Ang ganda ko namang alipin!! Hiyang-hiya naman ako sa kanya no! Mamaya may makarinig pa sa aming schoolmates namin. At ano naman ang sasabihin nila pag nagkataon? Na master-slave relationship kami ni Patrick Epal? Eeeeewwww!! Yuck!! Kadiri!! Kyeeee!!

 

"Hoy slave, wag kang magdaydream dyan. Tara na."

 

Inirapan ko nalang siya. Takte ha! Daig niya pa may period. Sungit-sungit! Pasalamat talaga siya may pangblackmail siya sa akin! Nakuuuu kung hindi eh matagal ko na siyang tinaekwondo, judo at aikido!!

 

Sumunod ulit ako sa kanya. Paghinto niya, eh nasa tapat kami ng Chowking.

 

"Kakain tayo?" tanong ko sa kanya. Malay ko ba kung trip niya lang huminto o kaya gusto niya lang magpapicture sa tapat ng Chowking di ba?

"Malamang."

"Psh!!"

"Rule # 1."

 

Okay Jess, inhale. Exhale. Okay lang yan. Calm down. Calm down.

 

 

EH BASTUSIN PALA 'TONG LALAKING 'TO EH!! TINATANONG KO NG MAAYOS TAPOS GANYAN SUMAGOT!! PIGILAN NYO KO TATADYAKAN KO TALAGA SIYA!! SARAP NIYANG TADTARIN AT GAWING PAGKAIN NG BABOY!!

 

"Hoy tara na dito." tapos pinalapit niya ako sa kanya gamit na naman yung hand gesture niya. Feel na feel niya talaga ang role ng master ha? Kakayamot na. Pumwesto naman kami doon sa table sa may gilid.

"Bantayan mo muna 'tong pwesto natin. Bibili lang ako ng pagkain."

"Teka, bibili rin--"

 

Ugh! Bastos talaga! Ni hindi man lang ako oorderan! Lalaki ba talaga siya?! Grabe feeling ko may I-Hate-Patrick-Reyes Syndrome na ako eh. Lahat ng bagay sa kanya, mula ulo hanggang paa, sama mo na pati kaluluwa eh hate na hate ko na.

 

Wala naman akong nagawa kundi maghintay doon sa table. Tinignan ko nalang yung necklace na binili niya. Shems ang ganda talaga. Sana lang hindi pa mabili yung necklace na tinignan ko doon kanina. Bibilhin ko yun bukas!

 

Pero kanino nga kaya niya 'to ibibigay? Eh wala naman daw siyang fiancee, though di ko alam kung nagsisinungaling siya tungkol doon. Baka sa mom niya? Baka birthday ng mom niya kaya may gift siya? Pwede rin. O kaya.. baka sa nililigawan niya? Nah. Basted siya kay Steff eh. Or baka naman may bago na siyang nililigawan? OMG. Baka yun nga! Shet Jess, ang galing mo talaga! You're so great and pretty!

 

 

"Oh."

 

Napatingin naman ako sa kanya. Nakabalik na pala siya dito sa table namin. Number palang yung dala niya. Number 24. Patayo na sana ako para umorder rin kaso pinigilan niya ako.

 

"Stay there." Huh? Buh ayos ah? Di niya ako papakainin?

"Pero--"

"I said stay." Putek. Problema niya?! Eh nagugutom na nga ako eh!

"Eh nagugutom--"

"STAY." Okay. This is it. Badtrip na ako sa kanya.

"Eh baliw ka pala eh?! Ano ako magpapagutom?! Excuse me naman nagugutom na ako kaya sa ayaw at sa gusto mo eh kakain ako--"

 

 

"Hi ma'am! Hi sir! Here's your order. Anything else?"

"Okay na."

"Enjoy your meal sir, ma'am!"

 

Napatahimik nalang ako nung nilalagay na nung waiter yung pagkain sa mesa namin. Kasi for two persons yung nakalagay sa table at parang biglang umurong yung dila ko.

 

"O? Bat natahimik ka?"

"So..sorry."

 

Eh kasi naman! Sana kung sinabi niya na agad eh di sana di na ako nagwala. Adik din kasi eh! May pa-stay there stay there pang nalalaman.

 

"Sige na kumain na tayo. Gusto ko nang umuwi."

"O..okay."

 

For the first time, nahiya ako sa kanya. Shet lang kasi!! Huhuhu. Pahiya moment ko yun ha! Di ko nalang yun pinansin at kumain nalang ako ng kumain hanggang sa maubos ko yung food ko. Di nga kami nag-usap hanggang dulo eh.

 

After naming kumain eh umalis na rin agad kami. Pumunta kami doon sa may parking lot at sumakay na sa loob ng kotse niya.

 

"San ba street niyo? Ihatid na kita doon." Wow.. Akalain niyo yun? May natitira pa rin palang dugong pagkagentleman sa lalaking 'to? Unbelievable.

"Sa Greenspring."

"Okay."

 

Tahimik lang rin ulit ako buong byahe. Nawala ata yung kaluluwa ko kanina sa sobrang hiya eh. Ganda kasi ng drama niya eh. Di nalang sinabi na inorderan na niya pala ako.

 

Pagkarating namin doon sa street ng bahay ko, eh bumaba na ako ng kotse. Tatalikod na sana ako at maglalakad pauwi sa bahay pero bigla akong tinawag ni Patrick epal mula sa open window ng car niya.

 

"Oy!" oh diba? Ganda ng tawag niya sakin no?

"Ano?"

"Di ba gusto mong malaman kung kanino ko ibibigay yung necklace?" Why bring up that topic?

"Eh hindi mo rin naman sasabihin eh. Sige bye--"

"It's for Tricia. Tricia Dominguez."

"WHAT?!"

"Bye slave! Oh and by the way. Mas maayos ka tignan pag di ka maingay. Try it once in a while. Bye." then pinaandar na niya yung kotse niya.

 

Teka.. kay Tricia?! Close sila ni Tricia?!

Wait.. in the first place.. ANDITO SI TRICIA SA PILIPINAS?!

 

At ano daw?! Wag ako mag-ingay once in a while?!

 

KAPAL TALAGA NG MUKHA NIYA EVER!! KAKASKASIN KO TALAGA MUKHA NIYA NANG NUMIPIS NAMAN!! UGH!!